Share

CHAPTER 46

Kasalukuyan lang na ini-init ni Leigh ang pagkain na niluto ni Manang para sa kanilang dinner para sa gabing ‘yon. Wala na sana siyang balak na kumain dahil pasado 11 na nang gabi, kaya lang hindi naman siya makatulog dahil sa gutom. Habang hinahalo niya ang nilagang baboy na ulam, hindi niya maiwasan na isipin ang mga nangyari kanina.

Bakit nga kaya atat na atat si Denise na magpakasal na si Wayne? At sa kabila no’n, bakit nga ba ayaw pa ni Wayne na pumasok sa isang relasyon? Dahil ba masyado talaga siyang busy sa kaniyang trabaho? Pero tama rin naman kasi ang sinabi ni Wayne kanina, bakit iispin ng ate niya ang pagpapakasal niya at ang pagkakaroon niya ng relasyon kung maging ito ay wala ring karelasyon. Ang gulo naman nilang magkapatid. Alam kong may part na hindi ko maiintindihan ang sitwasyon na ‘to dahil wala naman akong kapatid. Wala namang taong pwedeng mag-alala sa akin dahil nag-iisa lang ako.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Leigh. Nagpasya na sana siyan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status