Napatigil na ako sa pag inom ko para sa kaniya ko ituon ang buong atensyon ko.
"Pa-paano mo nasasabi 'yan?" I asked again.
"Okay. Kumapit ka nang mabuti diyan sa pinagkakaupuan mo dahil mapapasabi ka na lang sa isip mo kung 'bakit ko pinakawalan ang lalaking to' matapos mong marinig ang mga sasabihin ko. " Wika niya."Ang O.A huh," panlalaban na sagot ko.
"'Wag kang basher! So let's start, unang-una ay nag top siya sa bar exam niya. After no'n, pumasok siya sa isang law firm sa Manila bilang Criminal Lawyer. Naipanalo niya ang unang apat na kaso na hinawakan niya at ang dalawa pa do'n ay mabibigat na kaso. Sumunod ay ang dalawang kaso pa na hinawakan niya bilang isang Trial Lawyer. At kahit isa ay wala pa siyang talo. Matapos niyang makuha ang tiwala ng mga tao ay doon siya nagsimula na mag patayo ng sarili niyang Law Firm reason why kung bakit siya umalis doon sa dati niyang Law Firm na pinagtatrabahuhan. Dahil doon kaya mas lalong humanga sa kaniya ang lahat kasi baguhan ka pa lang na abogado pero nakapagpatayo ka na agad ng sarili mong Firm, nakakahanga talaga 'yun." Mahabang kwento niya pero alam kong nagsisimula pa lang siya. "Pagkatapos non, mas marami pa siyang kaso na nahawakan and believe it or not, no failed cases pa talaga si'ya. Dahil din sa mga achievements niya kaya nag boom 'yung Law Firm na pinagawa niya kaya nga halos lahat ng mga bagong abogado na kakapasa pa lang ng bar ay sa firm niya na agad nag a-apply. Oh di ba? Nakakahanga talaga 'yun. Idagdag pa 'yung milyon na kinikita niya sa isang kaso pa lang na nahahawakan niya. Bigatin na talaga 'yang ex mo Leigh. "Napalunok na lang ako ng laway sa mga narinig ko. Wala naman akong pakialam sa kung gaano kalaki ang kinikita niya. I'm proud of him sa mga bagay na na-achieve niya at doon ako natutuwa. Hindi ko rin akalain na mas magiging mataas na personalidad siya kesa sa inaasahan ko.
Ngayon ko lang nalaman ang ilan sa mga nangyari sa kaniya makalipas ang halos limang taon.
"Paano mo naman nalaman ang mga bagay na 'yan?" tanong ko sa kaniya at muling uminom na lang ulit ng alak.Buti pa siya ay may nasasabi tungkol sa lalaking 'yun samantalang ako- wala akong ideya tungkol kay Wayne simula nang maghiwalay kami.
"Laman kaya siya ng mga digital magazines and digital news papers sa internet. Try mong mag basa at halos lahat ng articles ay tungkol sa kaniya at sa mga napapanalo niyang kaso." sagot niya sa akin. "Hahanga ka day. "Dagdag na saad pa niya.Matagal ko naman na talagang hinahanggan si Wayne.
"Pero, ano bang sinabi niya sa'yo nu'ng nagkita kayo? Tutulungan ka ba niya sa kaso mo? Dahil kung ako ang tatanungin... DAPAT LANG! May pinagsamahan pa rin naman kayo after all right? Gaya nang sinabi ko Leigh, kapag siya ang humawak sa kaso mo, 100% sure ako na talagang panalo ka. Sisiw lang sa kaniya na ipagtanggol ka sa korte dahil tungkol lang naman ito sa lupa." mahabang wika pa niya.Napalunok na lang ulit ako ng laway at muling uminom bago ako sumagot sa kaniya.
"Well, n-nag offer naman siya na tutulungan niya ako," paunang wika ko at parang nagliwanag ang mukha ni Catleya dahil doon."'Yun na naman pala ehh. Kaya lang, kung handa ka nga niyang tulungan gaya nang sinabi mo--- hindi malabong mahal ang singilin niya sa'yo. Alam mo bang ang isang pirma ng magaling na abogado na tulad niya ay umaabot ng milyon? 'Yun pa kayang ipag tanggol ka niya sa korte?" sabi niya.
Alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yun pero--
"Tutulungan daw niya ako ng libre," mahinang wika ko kasi 'yun naman talaga ang sinabi ni Wayne kanina.
Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
"What? Nagpapatawa ka ba? NAGPAPATAWA BA SIYA? Libre my ass." wika niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko at napa rolled eyes pa siya.Kung sa bagay, hindi naman talaga libre di ba? Alam niyo naman siguro kung anong sinabi niya sa akin kanina nu'ng naka usap ko siya at walang libre du'n.
Mas malaking bagay nga ang hinihingi niyang kapalit sa akin eh. Pero gaya nang sinabi ko, hindi ko babanggitin kay Catleya ang lahat nang pinag-usapan namin lalo na 'yung tungkol sa totoong kapalit.
"Nako girl- wala ng libre sa panahon ngayon. 'Wag kang mag papadala sa salitang libre dahil mas malaki pa ang kapalit na hinihingi kapag sinabing 'free'. Well, ex mo naman siya pero KAHIT NA! Malay mo against sa moral principles in life ang gusto niyang kapalit." sabi niya.Hindi ko naman maiwasan na mapa inom ulit ng alak and this time ay naubos na nga 'yun kaya naman nag bukas ulit ako ng panibago habang iniiwasan na magtama ang mga mata namin ni Catleya kasi tama ang sinabi niya.
"Hindi naman sa tinatakot kita Leigh pero... 'wag kang mag papadala sa libre na sinasabi ng ex mo. Okay, sabihin na natin na may relasyon nga kayo dati, iniwan mo siya, tapos nasaktan mo siya at nasaktan ka rin naman but it doesn't mean na pwede niyang gawin yun mga bagay na labag sa loob mo. Gets mo naman ako di ba?" Mahabang litanya niya pa ulit.
Shit! Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa kanya ang lahat nang sinabi ni Wayne. Pero obviously, kahit hindi ko sinabi ay parang may hint na siya agad.
Bakit ba kasi ang talino niya at alam na alam niya ang tungkol do'n.
"Hi-hindi naman siguro," sagot ko nalang kahit totoo naman talaga ang sinasabi niya."Pinapa alalahanan lang kita kasi kaibigan kita. Pero, ikaw pa rin naman ang mag dedesisyun kasi nasa tamang edad ka na at alam ko naman na alam mo na ang tama at mali. 'Wag mo lang hahayaan na i-take advantage ka niya sa sitwasyon mo ngayon." sabi niya at hinawakan niya pa ang kamay ko at ngumiti, alam ko naman talaga na nag aalala lang siya sa akin.
Akala ko ay wala nang magsasalita pa sa pagitan namin pero makalipas lang ang halos isang minuto ay nagsalita ulit si Catleya.
"Pero seryoso Leigh, anong balak mo? Nag iisip ka na ba na tanggapin niya ang alok niya?" Tanong niya. Muli akong uminom ng alak bago ako umiling -iling bilang sagot ko.
"As long as I can, ayokong muling mapalapit sa kaniya," mahinang wika ko dahil nararamdaman ko na ngayon ang pamumuo ng luha ko.
Shit!
Ayokong umiyak pero nandito talaga 'yung kirot sa puso ko.
"Gaya nang sinabi mo, nasaktan ko siya at nasaktan ako-- ang unfair ko na siguro kapag nilapitan ko pa siya dahil sa kaso tapos aalis din naman ako ulit." at pumatak na nga ang luha ko nang hindi ko namamalayan kaya mabilis akong napatingala para pigilan 'yun. Naramdaman ko rin ang agad na paghimas ni Catleya sa likod ko.
"Kasi to be honest, I don't see my future-- with him anymore. Hindi tulad nu'ng dati na lagi siyang kasama sa plano ko at gano'n din naman siya sa akin." at muli akong napa iling sabay pa nang pagpatak ng mga luha ko na mabilis ko lang din na pinahid. "Pero pag tungkol na sa lupa ang pinag uusapan, baka kalimutan ko ang lahat nang sinabi ko sa'yo ngayon. You know how important that land to me, ibinigay sa akin 'yun ni Mama kaya hindi ko 'yun kayang talikuran lang," wika ko pa at tumango-tango naman siya na para bang naiintindihan niya ako at saka niya ako niyakap.
Niyakap ko rin naman siya pabalik.
Nang patapos na ang kanta at alam kong pabalik na si Wayne sa upuan kung nasaan ako nakaupo, mabilis akong nagpaalam kina Alexander upang pumuntang banyo. Narinig ko pa nga ang pahabol na sinabi ni Alexander at Fritz na sasamahan na nila ako pero hindi ko na lang ‘yon pinansin. Agad ko silang tinalikuran at naglakad papalayo.Parang wala sa sarili ako na naglalakad sa dagat ng mga taong nadadaanan ko. May ilan akong nakakabungguan pero hindi ko na ‘yon pinapansin pa. Masyadong blangko ang utak ko para pagtuunan pa sila ng pansin.Ngunit, tila’y pumtik ako pabalik sa realidad ng isang mabigat na kamay ang agad na humablot sa braso ko. Para akong natauhan dahil doon at saka awtomatikong lumingon upang makita kung sino ‘yon. Agad na nagsalubong ang aming mga mata na naging dahilan kung bakit ako natigilan. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.“Where are you going? Hindi ba at sinabi ko na ‘wag kang lalayo sa akin?”Napalunok ako ng laway at hindi agad nakap
Hindi ko maiwasan na lihim na mapa-angat ang gilid ng labi ko habang nakikita ko si Wayne sa tabi ko na nakabusangot. Nakaupo siya ngayon sa may passenger’s seat habang ako ang nagmamaneho ng kaniyang kotse. Ayaw niya sana na ako ang magmaneho pero wala naman siyang choice dahil nga may sling siya sa kanan niyang kamay.Biniro pa nga siya ulit kanina ni Hanz at sinabi na kami na lang dalawa ang sabay na pupunta sa bar kasi siya lang naman daw ang mag-isa sa kotse niya. Si Oliver at Vince kasi ang magkasama roon sa isang sasakyan, tapos si Kai at Alexander naman ang magkasama, tapos solo si Fritz at Hanz sa sari-sarili nilang kotse. Pero siyempre, hindi pumayag si Wayne.Ngayon na nakikita ko siyang nakasimangot pa rin, ramdam ko na badtrip pa rin siya dahil sa kalokohan ng mga kaibigan niya.“Galit ka pa rin ba, Wayne? Ano ka ba… inaasar ka lang naman ng mga tropa mo,” medyo natatawa na saad ko. Hindi ko siya magawang batuhan nang tingin dahil diretso lang na nakatuon ang
Mabilis lang lumipas ang mga araw. Linggo na ngayon, at naglalakad lang ako pauwi ng bahay. Alas-singko pa lang naman ng hapon kaya naisipan kong maglakad na lang kaysa ang sumakay pa. Nanghihinayang pa kasi ako na pabaryahan ‘yung mga buo kong pera. Nanghihinayang pa ako na gastusin ‘yong sinahod ko sa loob ng buong linggo.Ito na ang huling sweldo ko sa restaurant kaya kailangan ko ‘tong tipirin. Nakapagpaalam na nga pala ako kay Ma’am Sammie. Kahit nahihiya ako sa kaniya dahil nga hindi man lang ako nagtagal sa pagtatrabaho ko, idagdag pa na nirekomenda lang ako ni Pio, wala naman akong magagawa kung hindi ang tuparin ko ang naipangako ko na kay Wayne.Nakakalungkot lang dahil alam ko naman sa sarili ko na keri ko ‘yung trabaho ko. Nakakapagod, oo... pero wala namang madali na trabaho, hindi ba? Nalungkot din ‘yung mga kasamahan ko sa trabaho sa biglaang pagre-resign ko. Nalungkot din ako kasi naging malapit na sila sa akin, lalo na si Yuki, tinuring ko na ‘yun na p
“So, are you damn saying na nag-deliver ka ng pagkain sa ganoong klase ng lugar?” singhal ni Wayne sa akin nang makapasok na ako ngayon sa bahay niya. Actually, ramdam ko naman kanina na i-o-open niya talaga ang topic tungkol doon, hindi niya lang magawa dahil nga hindi naman kami sabay na umuwi. Dumaan pa kasi ako sa restaurant para ibalik ‘yung motor habang siya naman ay binalikan ‘yung kotse niya kung saan niya naiwan.Pagkapasok ko pa lang ay tinanong niya na agad sa akin kung anong ginagawa ko sa lugar na ‘yon, at sinagot ko lang naman ang tanong niya. Ngayon ay kitang-kita ko ang galit sa ekspresyon ng mukha niya habang diretsong nakatingin sa akin.“Oo, dahil trabaho ko ‘yon,” seryosong sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ikinakagalit niya ngayon, samantalang siya itong may problema sa aming dalawa.“Naghatid ka ng pagkain sa isang pasugalan!” pag-uulit niya pa. “Sinabi ko na nga ba at hindi ligtas ‘yang trabaho mo!” Napatayo na rin siya mula sa pagkaka-upo niya sa sof
Napuno nang inis ang umaga ko nang maaga akong magising habang naghahanda na sa pagpasok ko sa restaurant. Halos ibato ko na sa vanity table ang suklay na ginagamit ko ngayon. Dala-dala ko pa rin ‘yung inis na nakatulugan ko kagabi. Naiinis ako, hindi dahil sa hindi natuloy ang nangyari sa aming dalawa ni Wayne, kundi dahil napagtanto ko na, kagabi pa lang, kung sino ba ‘yung tumawag sa kaniya.Kaya pala pamilyar sa akin ang pangalan na ‘yun. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ‘yung matapobreng babae sa charity ball. Siya ‘yung sinamahan ni Wayne noong gabi na naging dahilan kung bakit dineny niya ako.“Argh! Nakakainis! Kung nalaman ko lang kaagad na ‘yun pala ‘yung babaeng ‘yon… eh di sana pala, gumawa ako ng paraan para pigilan si Wayne,” saad ko sa sarili ko.Bumuga na lang ako nang isang malalim na hininga at nagpasya na nga na tuluyan nang lumabas ng kwarto ko. Baka ma-late na ako sa restaurant kung uunahin ko pa ang inis na nararamdaman ko.Pagkababa ko, awtomatikong
Walang lingon-lingon akong bumaba ng sasakyan ni Wayne nang makapag-park na siya ng kotse niya. Yakap-yakap ko ng mahigpit ang sarili kong sling bag nang dumiretso ako sa pagpasok ng bahay niya. Ramdam ko ang bawat kabog ng puso ko. Gusto ko sanang lingunin siya upang makumpirma kung sinusundan niya ba ako, o hindi… pero mas pinili ko na lang na ‘wag nang gawin ‘yun at mas lalong bilisan na lang ang paglalakad.“Kailangan kong makapasok agad sa kwarto ko,” bulong ko pa sa aking sarili.Katulad nang inaasahan, wala na si Manang Fracia nang makapasok na ako sa may sala. Mas lalong dumoble ang kaba na nararamdaman ko ng dahil doon. Mabilis na akong umakyat ng hagdan, kung pwede ko nga lang na hakbangin ng tig-tatlo ang baitang, baka ginawa ko na, para lang makaakyat ako agad.Napangiti ako ng lihim nang marating ko na ang harapan ng pinto ng kwarto ko. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko nang inabot ang doorknob noon, pipihitin ko na sana upang mabuksan, kaya lang may i