Se connecter“Hindi ko na alam kung ilang beses ko pang kayang marinig na negative na naman.”
Hindi sumagot si Dr. Patricia Lim.
Sa halip, marahan niyang inilapag ang laboratory report sa ibabaw ng mesa at tiningnan ako nang may pag-unawa.
“Alexandra, I'm sorry. Your beta-hCG result is negative. Unfortunately, this cycle wasn't successful.”
Tumango ako.
Hindi ako umiyak.
Hindi ako nagtanong kung bakit.
Hindi ko na rin tinanong kung ano ang susunod naming gagawin.
Dahil sa loob ng apat na taon, paulit-ulit ko nang naririnig ang parehong paliwanag. Nag-iiba lamang ang petsa, ang gamot, ang treatment protocol, at ang halagang kailangang bayaran.
Pero pareho ang resulta.
Walang baby.
“Would you like me to call your husband?” tanong ni Dr. Lim.
Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Dati, palaging doon nakaupo si Basti.
Hawak ang kamay ko, handang makinig sa anumang sasabihin ng doktor.
Ngayon, ang nakapatong lamang sa upuan ay ang mamahalin kong handbag.
“No need, Doc. He's busy.”
“Alex, I understand that this is difficult.”
Napangiti ako.
Difficult.
Napakaliit na salita para sa isang sakit na apat na taon ko nang dinadala.
“Is there still a chance?” tanong ko.
“Your endometriosis makes treatment more complicated, but it doesn't automatically mean pregnancy is impossible. We need to review your previous cycles, reassess your condition, and discuss whether another attempt is appropriate.”
“Another attempt.”
Hindi ko napigilang ulitin ang mga salita.
Ilang beses ko na bang narinig iyon?
Another cycle.
Another injection.
Another procedure.
Another chance.
At pagkatapos, another heartbreak.
“Hindi ko alam kung kaya ko pa,” bulong ko.
Tahimik akong hinintay ni Dr. Lim.
“Hindi lang physically, Doc. Emotionally.”
Sa wakas, naramdaman kong nanginginig ang aking mga kamay.
“Every time na umaasa ako, parang may namamatay na parte ng sarili ko kapag hindi natutuloy.”
“Then you don't have to decide today,” mahinahon niyang sagot. “You can take a break. Your well-being matters, too.”
Napatingin ako sa kanya.
My well-being matters.
Kailan ko ba huling narinig iyon?
At bakit mas madali pang sabihin ng doktor ko kaysa sa sarili kong asawa?
Paglabas ko ng clinic, sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa air-conditioning ng hallway.
May mag-asawang nakaupo malapit sa elevator.
Magkahawak ang kanilang mga kamay habang nakatitig sa isang ultrasound photograph.
Umiiyak ang babae.
Ngunit nakangiti siya.
“May heartbeat na,” narinig kong sabi nito.
Hinalikan siya ng asawa sa noo.
“See? Sabi ko sa'yo, baby. Kakayanin natin.”
Mabilis akong naglakad palayo.
Hindi dahil hindi ako masaya para sa kanila.
Kundi dahil minsan, napakahirap maging masaya para sa ibang tao kapag ang pinakamatagal mong ipinagdarasal ay patuloy na ipinagkakait sa iyo.
Pagdating sa sasakyan, hindi agad ako umalis.
Umupo lamang ako sa driver's seat at tinitigan ang laboratory report.
Negative.
Isang salita.
Walong letra.
Sapat para sirain ang mga pangarap na ilang linggo kong binuo.
Muling nag-vibrate ang cellphone ko.
Isang notification mula sa social media.
Congratulations to our beautiful friends, Marco and Denise! Welcome to the world, Baby Isabella!
May litrato ng bagong silang na sanggol.
Nakabalot sa puting kumot.
Maliit ang mga daliri.
Namumula ang mga pisngi.
At nakangiti ang mga magulang habang yakap ang anak.
Pinatay ko ang screen.
Pagkatapos, doon ako tuluyang umiyak.
Hindi malakas.
Walang hikbi.
Tahimik lamang, habang nakahawak sa manibela at pilit na pinipigilan ang sakit na matagal ko nang kinikimkim.
Dati, iniisip kong kapag naging ina ako, magiging kamukha ni Basti ang aming anak.
Pareho silang magkakaroon ng malalalim na mata at makakapal na kilay.
Baka mamana rin nito ang pagiging makulit ng asawa ko.
“Poor kid,” biro ko noon. “Dalawang Sebastian Montenegro sa isang bahay? Hindi ko kakayanin.”
Tumawa si Basti.
“Three, baby. Gusto ko ng dalawang anak na lalaki.”
“Excuse me? Ako ang magbubuntis, tapos ikaw ang magdedesisyon?”
“Fine. One boy, one girl.”
“Paano kung parehong babae?”
“Then I'll be the luckiest man alive.”
Naaalala ko pa kung paano niya ako niyakap mula sa likuran habang nakatayo kami sa balkonahe ng unang bahay naming mag-asawa.
“Basta ikaw ang mommy, kahit sampu pa 'yan.”
Napangiti ako sa alaala.
Pagkatapos, muling tumulo ang mga luha ko.
Dahil pitong taon na ang lumipas.
At ang bahay na minsang puno ng pangarap ay nananatiling tahimik.
“Ma'am Alex, kumain na po ba kayo?”
Napalingon ako kay Manang Cora nang makauwi.
“Later na lang.”
“Pero Ma'am, alas-dos na po.”
“Hindi pa ako gutom.”
Napatingin siya sa hawak kong brown envelope.
Hindi na niya kailangang magtanong.
Alam niyang galing ako sa clinic.
“Ma'am…”
“Please, Manang. Gusto ko munang mapag-isa.”
Tumango siya.
Pag-akyat ko sa ikalawang palapag, napahinto ako sa harap ng isang saradong p***o.
Ang kuwartong iyon.
Dati, guest room lamang.
Noong ikalawang taon ng aming kasal, iminungkahi ni Basti na gawin naming nursery.
“Para ready na tayo,” sabi niya.
Pinili namin ang kulay ng dingding.
Soft beige.
Nag-order kami ng maliit na bookshelf.
Bumili ako ng stuffed rabbit sa Paris.
At si Basti, bumili ng wooden rocking chair na siya mismo ang nag-assemble.
Halos isang buong araw niyang ginawa iyon.
“Bakit parang may natirang turnilyo?” tanong ko noon.
“Extra parts.”
“Basti, hindi yata dapat may extra parts ang upuan.”
“Baby, trust your husband.”
Kinabukasan, muntik siyang matumba nang subukan niyang upuan iyon.
Halos hindi ako makahinga sa kakatawa.
Ngayon, hindi na nakakatawa ang alaala.
Dahan-dahan kong binuksan ang p***o.
Malinis ang kuwarto.
Nandoon pa rin ang rocking chair.
Ang bookshelf.
Ang stuffed rabbit.
At ang maliit na kahong naglalaman ng baby shoes na binili namin sa Singapore.
Lumapit ako sa kahon.
Kinuha ang sapatos.
Napakaliit.
Halos kasya lamang sa palad ko.
“Sorry,” bulong ko.
Hindi ko alam kung kanino ako humihingi ng tawad.
Sa batang hindi dumating?
Sa asawa kong matagal nang nangangarap maging ama?
O sa sarili kong katawan na paulit-ulit kong sinisisi?
Umupo ako sa rocking chair at niyakap ang sapatos.
At doon ko muling naramdaman ang bigat ng isang pangarap na hindi ko alam kung kailangan ko nang bitawan.
Noong una akong ma-diagnose na may endometriosis, hindi ko agad naintindihan kung gaano kalaki ang magiging epekto nito sa buhay namin.
Akala ko, gamot lamang.
Kaunting pahinga.
Siguro isang procedure.
Pagkatapos, magiging okay na ang lahat.
Pero hindi pala ganoon kasimple.
May mga araw na halos hindi ako makatayo dahil sa pananakit ng puson.
May mga gabing hindi ako makatulog.
At may mga pagkakataong kailangan kong magpanggap na maayos ang pakiramdam ko dahil ayokong mag-alala ang ibang tao.
Lalo na si Basti.
Noong una, siya ang pinakamaalagang asawa.
Siya ang nagre-remind sa akin ng gamot.
Siya ang nagdadala ng heating pad kapag masakit ang tiyan ko.
Minsan, kahit may meeting, umuuwi siya para lamang samahan akong kumain.
“Hindi mo kailangang gawin 'to,” sabi ko noon.
“Of course, I do. Husband duties.”
“Baka pagalitan ka ng daddy mo.”
“Then let him.”
Ngumiti siya at hinalikan ako.
“Mas mahalaga ka kaysa sa kahit anong meeting.”
Iyon ang Sebastian Montenegro na pinakasalan ko.
Pero habang tumatagal, unti-unti siyang nagbago.
O baka pareho kaming nagbago.
Naging mas abala siya sa negosyo.
Ako naman, mas naging determinado sa fertility treatments.
Hindi ko napansin kung kailan nagsimulang umikot ang aming mga pag-uusap sa medical appointments, laboratory results, at mga gastusing kailangang bayaran.
Hindi na kami nag-uusap tungkol sa mga lugar na gusto naming puntahan.
Hindi na kami nagpaplano ng spontaneous dates.
Hindi na rin kami nagtatawanan tungkol sa maliliit na bagay.
Ang dating How was your day, baby? ay napalitan ng What did the doctor say?
At ang dating I miss you ay naging Anong oras ang appointment mo?
Hanggang sa dumating ang panahong hindi na namin alam kung paano maging mag-asawa nang hindi pinag-uusapan ang pagkakaroon ng anak.
Bago ako naging Mrs. Montenegro, may sarili akong mga pangarap.
May career ako sa corporate communications at brand strategy.
May mga kliyente akong pinaghirapang makuha.
May mga proyektong gusto kong pangunahan.
At minsan, inalok akong maging regional director ng isang international consulting firm sa Singapore.
Napakalaking oportunidad noon.
Mas mataas na posisyon.
Mas magandang compensation package.
At pagkakataong bumuo ng sarili kong pangalan nang hindi nakakabit sa apelyidong Villareal o Montenegro.
Pero kasabay noon, nagsisimula kami sa fertility treatments.
“Take it, baby,” sabi ni Basti nang sabihin ko sa kanya ang offer.
“Paano ang treatments natin?”
“We'll figure it out.”
“Paano kung kailangan kong bumalik nang madalas?”
“Then we'll make arrangements.”
Pero alam kong hindi ganoon kasimple.
May schedule ang medications.
May monitoring.
May procedures na kailangang paghandaan.
At sa loob-loob ko, natatakot akong baka kapag pinili ko ang career ko, mawalan kami ng pagkakataong magkaroon ng anak.
Kaya tinanggihan ko ang offer.
Hindi ako pinilit ni Basti.
Pero hindi rin niya alam kung gaano kasakit para sa akin ang desisyong iyon.
Pagkatapos, unti-unti akong nagbawas ng trabaho.
Mas kaunting clients.
Mas flexible na schedule.
Hanggang sa halos wala nang natira sa dating Alexandra Villareal.
Minsan, kapag may nagtatanong kung ano ang ginagawa ko ngayon, hindi ko alam kung paano sasagot.
I'm Sebastian Montenegro's wife.
Iyon na lamang ba ako?
Isang asawa?
Isang babaeng naghihintay mabuntis?
Isang taong kailangang patunayan ang halaga sa pamamagitan ng pagkakaroon ng anak?
Napapikit ako.
Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang mawala sa sarili kong buhay.
Bandang alas-kuwatro, tumawag si Basti.
Agad kong sinagot.
“Hello?”
“Hey, love. Kumusta ang appointment?”
Napatingin ako sa laboratory report.
“Negative.”
Sandaling natahimik ang kabilang linya.
“I'm sorry, baby.”
Dalawang salita.
Pareho ng sinabi niya noong nakaraang cycle.
At noong nauna pa roon.
“Okay ka lang?” tanong niya.
Napatawa ako nang mahina.
“Sa tingin mo?”
“Alex…”
“Hindi, Basti. Hindi ako okay.”
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
“I know this is hard.”
“Do you?”
“Of course, I do.”
“Then where are you?”
Natigilan siya.
“I'm at the office.”
“I know. Lagi ka namang nasa office.”
“Alex, please. Not now.”
Napahawak ako sa noo.
“Not now? Kailan, Basti? Kailan tayo puwedeng mag-usap tungkol dito?”
“I'm in the middle of something important.”
“Important.”
Napailing ako.
“Alam mo, dati, kapag may ganitong resulta, ikaw ang unang yumayakap sa akin.”
“Baby, I can't just leave every meeting.”
“Hindi ko naman hinihinging iwan mo lahat.”
“Then what do you want me to do?”
Natahimik ako.
Dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang isang bagay na dapat sana'y hindi ko na kailangang hingin.
“Gusto ko lang maramdaman na hindi ako nag-iisa.”
“Hindi ka nag-iisa, Alex. I'm working for our future.”
“Our future?”
Napatingin ako sa paligid ng nursery.
“Anong future, Basti? Iyong future na puro pera, bahay, at negosyo? Iyong future na may lahat tayo maliban sa oras para sa isa't isa?”
“That's unfair.”
“Maybe.”
“Do you think I don't sacrifice anything?”
Natigilan ako.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Do you know how much pressure I'm under? My father expects me to expand the company. The board wants results. Every decision I make affects thousands of employees.”
Tahimik akong nakinig.
“And every time I come home, I feel like I've failed you again.”
May kung anong kumirot sa dibdib ko.
“Basti…”
“I'm trying, Alex. God knows I'm trying.”
“Alam ko.”
“Then why does it feel like I'm never enough?”
Napapikit ako.
Dahil iyon din ang tanong na ilang taon ko nang itinatanong sa sarili ko.
Bakit hindi ako sapat?
“Hindi ko sinabing hindi ka sapat.”
“But that's how you make me feel.”
Napahawak ako sa dibdib ko.
Parang may kung anong tuluyang nabasag.
“Ako?” bulong ko. “Ako ang nagpaparamdam sa'yo niyan?”
“That's not what I meant.”
“Basti, apat na taon kong tiniis ang lahat. Injections, procedures, pain, disappointment. Isinantabi ko ang career ko. Tinanggihan ko ang mga oportunidad dahil akala ko, ito ang mas mahalaga.”
“Alex, I never asked you to give up your career.”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin.
Hindi ako agad nakapagsalita.
Dahil totoo naman.
Hindi niya ako pinilit.
Ako ang nagdesisyon.
Pero bakit parang mas masakit marinig iyon mula sa kanya?
“I know,” mahina kong sagot.
“Then please don't make it sound like I forced you.”
Napapikit ako.
Hindi ko alam kung bakit sa gitna ng pinakamalungkot na araw ko, kailangan ko pang ipagtanggol ang mga sakripisyong ginawa ko para sa amin.
“Hindi kita sinisisi, Basti.”
“Then what are we fighting about?”
Napatingin ako sa maliit na pares ng baby shoes sa aking kandungan.
“Hindi ko na rin alam.”
Matagal kaming natahimik.
Sa kabilang linya, may narinig akong kumatok.
“Sir Sebastian? The board is ready.”
Napatingin ako sa orasan.
4:23 p.m.
“Love, I have to go,” sabi ni Basti.
Napatawa ako.
Siyempre.
May meeting na naman.
“Basti, please.”
“Alex, we'll talk when I get home.”
“Kailangan kita ngayon.”
“I know, baby.”
“Then come home.”
Tahimik siya.
Ilang segundo akong naghintay.
Umaasang sasabihin niyang pupunta siya.
Na kahit isang beses, pipiliin niya ako.
Pero ang narinig ko lamang ay ang mahinang pagbuntong-hininga niya.
“I can't leave right now.”
Napapikit ako.
At sa sandaling iyon, naalala ko ang mensaheng nakita ko sa cellphone niya noong madaling-araw.
Camille: Thank you for listening to me earlier. I really needed you.
Camille: I wish I had someone like you to come home to.
Kaya pala niyang makinig.
Kaya pala niyang maglaan ng oras.
Kaya pala niyang manatili kapag may taong nangangailangan sa kanya.
Bakit kapag ako, palaging may meeting?
“Basti,” mahina kong tawag.
“Yes, love?”
“May itatanong ako.”
“Go ahead.”
“Kapag si Camille ba ang nangangailangan sa'yo, kaya mong maglaan ng oras?”
Biglang natahimik ang kabilang linya.
“Alex, what are you talking about?”
“Nakita ko ang messages niya kagabi.”
“Baby, it's not what you think.”
“Wala naman akong iniisip.”
“She's just a colleague.”
“Hindi ko naman tinatanong kung ano siya sa'yo.”
“Then why are you bringing her up?”
Dahil sa unang pagkakataon, may ibang babaeng nakatanggap ng oras na matagal ko nang hinihingi sa sarili kong asawa.
Pero hindi ko iyon sinabi.
Sa halip, napatingin ako sa baby shoes na hawak ko.
Sa mga pangarap na hindi natupad.
Sa kuwartong ilang taon nang naghihintay sa batang maaaring hindi kailanman dumating.
At sa buhay na unti-unti kong isinakripisyo para sa isang pamilyang hindi namin mabuo.
“Alex?” tawag ni Basti.
Huminga ako nang malalim.
“Hindi ko na alam kung paano maging asawa mo nang hindi nasasaktan.”
“Baby, please don't say that.”
“I'm tired, Basti.”
“I know.”
“No. You don't.”
Narinig kong muli siyang tinawag ng assistant niya.
“Sir, they're waiting.”
At doon ko naramdaman ang isang kakaibang katahimikan sa loob ko.
Hindi na ako galit.
Hindi na rin ako umiiyak.
Parang bigla na lamang akong nawalan ng lakas upang lumaban.
“Go to your meeting,” sabi ko.
“Alex, we'll talk tonight. I promise.”
Napangiti ako nang mapait.
Another promise.
Another night.
Another disappointment.
“Basti?”
“Yes?”
Tumingin ako sa bakanteng rocking chair sa tapat ko.
At sa unang pagkakataon, sinabi ko ang mga salitang matagal ko nang kinatatakutang sabihin.
“Huwag ka nang umuwi kung obligasyon mo na lang akong mahalin.”
“Alex, wait—”
Pinatay ko ang tawag.
At habang nakatitig ako sa cellphone, isang mensahe ang pumasok mula sa numerong hindi naka-save.
Unknown Number: Mrs. Montenegro, I think you deserve to know why your husband has been spending so much time with Camille Reyes.
Nanlamig ang mga daliri ko.
Bago ko pa maitanong kung sino ang nagpadala, may sumunod na mensahe.
Unknown Number: Your husband wasn't in a board meeting last night.
Alexandra's POV“Hindi ko kailangan ng perpektong asawa, Basti. Kailangan ko lang 'yong lalaking pinakasalan ko.”Napatigil si Sebastian Montenegro sa paghuhubad ng kanyang relo.Alas-onse na ng gabi. Kakauwi lamang niya mula sa opisina, at gaya ng nakasanayan, ang unang ginawa niya ay ilapag ang kanyang briefcase, tanggalin ang kurbata, at itanong kung kumain na ako.Parang wala kaming pinag-awayan kagabi.Parang walang nangyari sa hapunan kasama ang pamilya niya.At parang wala akong natuklasang dokumentong may pangalan ng kanyang ina sa adoption application namin.“Alex, can we please not fight tonight?” pagod niyang tanong.Napatawa ako nang mapait.“Hindi pa nga tayo nagsisimulang mag-usap, away na agad ang tingin mo?”“That's not what I meant.”“Then what did you mean?”Napabuntong-hininga siya.“I'm exhausted. I had a long day.”“Alam ko. Lagi ka namang pagod.”Napatingin siya sa akin.“And you're not?”Natigilan ako.“Of course, I'm tired.”“Then why can't we just rest?”Dahil
Alexandra's POV“Akala ko ba may pag-asa pa tayong mag-ampon? Bakit biglang hindi na puwede?”Hindi agad sumagot si Basti.Nakatayo siya sa harap ng bintana ng aming kuwarto, nakatalikod sa akin habang hawak ang cellphone. Kanina pa siya may kausap na abogado, at sa bawat minutong lumilipas, lalo lamang sumisikip ang dibdib ko.“Basti, I'm talking to you.”“I heard you, Alex.”“Then answer me.”Dahan-dahan siyang humarap. Halatang puyat siya. May bahagyang pamumula ang kanyang mga mata at gusot na ang puting polo na suot niya mula pa kaninang umaga.“The lawyer said there are complications with our previous application.”“Complications?” Napatawa ako nang walang saya. “Ilang buwan nilang sinabi na under evaluation. Tapos ngayon, complications na?”“Apparently, may issue sa background verification.”Nanigas ako.“What issue?”Hindi siya agad nakasagot.At doon ko naramdaman ang pamilyar na takot.Iyong pakiramdam na may masamang balitang paparating, pero kailangan mo pa ring hintayin h
Alexandra's POV“Seven years, Alexandra. Seven years, at wala pa ring Montenegro heir. Hanggang kailan ba kami maghihintay?”Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang mga salitang binitiwan ng biyenan kong si Don Augusto Montenegro, o ang katotohanang sinabi niya iyon sa harap ng buong pamilya.Napatigil ang kamay kong may hawak na wineglass.Sa kabilang dulo ng mahabang dining table, nakaupo si Don Augusto sa kanyang paboritong upuan. Nakasuot siya ng mamahaling barong, tuwid ang likod, at nakatingin sa akin na para bang isa akong investment na hindi nagbigay ng inaasahang kita.“Dad,” mariing sabi ni Basti sa tabi ko. “Not tonight.”“Why not tonight?” malamig na tanong ng kanyang ama. “Family dinner ito. Kung hindi natin pag-uusapan ang kinabukasan ng pamilya rito, saan pa?”Napatingin ako sa paligid.Nandoon ang biyenan kong si Doña Victoria, ang ilang tiyuhin at tiyahin ni Basti, at ang mga pinsan niyang tila biglang naging interesado sa kanilang pagkain.Walang gustong makialam
Alexandra's POV“Hindi ko na alam kung ilang beses ko pang kayang marinig na negative na naman.”Hindi sumagot si Dr. Patricia Lim.Sa halip, marahan niyang inilapag ang laboratory report sa ibabaw ng mesa at tiningnan ako nang may pag-unawa.“Alexandra, I'm sorry. Your beta-hCG result is negative. Unfortunately, this cycle wasn't successful.”Tumango ako.Hindi ako umiyak.Hindi ako nagtanong kung bakit.Hindi ko na rin tinanong kung ano ang susunod naming gagawin.Dahil sa loob ng apat na taon, paulit-ulit ko nang naririnig ang parehong paliwanag. Nag-iiba lamang ang petsa, ang gamot, ang treatment protocol, at ang halagang kailangang bayaran.Pero pareho ang resulta.Walang baby.“Would you like me to call your husband?” tanong ni Dr. Lim.Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko.Dati, palaging doon nakaupo si Basti.Hawak ang kamay ko, handang makinig sa anumang sasabihin ng doktor.Ngayon, ang nakapatong lamang sa upuan ay ang mamahalin kong handbag.“No need, Doc. He's bus
Alexandra's POV“Happy anniversary, Mrs. Montenegro. Sorry, hindi na naman ako makakauwi.”Napatingin ako sa dalawang wineglass sa ibabaw ng dining table. Pitong taon. Pitong taon na kaming kasal, pero heto ako, naghihintay sa isang lalaking kailangan ko pang pakiusapang umuwi.“Basti, alam mo ba kung anong araw ngayon?”“Of course, love. Seventh anniversary natin. I'm sorry. May emergency board meeting lang talaga.”“Alas-siyete ang reservation natin.”“I know. Cancel it muna. I'll make it up to you this weekend.”Napapikit ako. This weekend. Ilang weekend na ba ang ipinangako niya? Ilang dinner ang kinansela? Ilang beses ko nang narinig ang mga salitang I'll make it up to you?“Alex? Are you listening?”“Oo. Sige, magtrabaho ka na.”“Don't be like that, baby.”Napatawa ako nang mapait. “Like what? Disappointed? Hurt? O dapat ba masaya ako dahil naalala mong anniversary natin kahit hindi ka makakauwi?”“I'm doing this for us.”“I know, Basti. Lagi mo namang sinasabi 'yan.”“Then plea







