Yes... Starting over again na sila.
Jared's POVSelos ang una kong naramdaman, pero kasunod agad noon ang matinding pag-aalala kay Colleen. Kanina lang, habang papunta kami sa ospital, halatang pilit niyang nilalabanan ang pagkawala ng malay. At mula noon, iba na ang tingin ko sa kanya, napagtanto kong isa siyang matapang na babae. Hindi ko akalaing may ganung lakas siya sa kabila ng sakit na nararamdaman niya.Agad kong tinawagan sina Mommy at Ate Ingrid para ipaalam na nasa ospital na kami. Pagkatapos noโn, tahimik akong naghintay sa labas ng Emergency Room.Pagdating nila, agad akong nilapitan ng aking ina na halatang balisa.โAnoโng nangyari? Bakit siya inatake?โ tanong niya na puno ng pag-aalala.Hindi ko alam kung paano sasabihin ang totoo. Dahil pakiramdam ko ay may parte ako sa nangyari, sigurado akong magagalit sila sa akin. At baka... may karapatan naman silang magalit.Matagal kaming naghintay. Nang lumabas si Dr. Gerard, agad kaming sumugod papalapit.โKumusta na siya, Doc?โ tanong agad ni Ate Ingrid.โSa ng
Jared's POVPagkauwi namin sa bahay, hinayaan ko na lang siya. Halata sa kilos niya na gusto niyang mapag-isa. Malamang ay galit pa rin siya dahil kay Stacey. Sinigurado ko munang ayos siya bago ko siya iniwan sa kwarto namin at nagtungo sa study room para bigyan siya ng espasyo.Makaraan ang isang oras, bumalik ako sa kwarto. Mahimbing na siyang natutulog kaya naupo na lang ako sa gilid ng kama at pinanood siya. Sa kabila ng lahat, hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ng makita siyang payapa kahit alam kong may bumabagabag sa loob niya.Naghapunan kami pagkalipas ng ilang sandali matapos siyang magising. Habang kumakain, dumating si Betty na may dalang sobre. Tahimik niya itong iniabot kay Colleen. Tinanggap niya iyon ngunit hindi man lang binuksan; sa halip, ibinaligtad niya lang ito at marahang inilapag sa lamesa na tila ba wala lang iyon.Patuloy siya sa pagkain, habang ako naman ay paulit-ulit na sumusulyap sa sobre. Hindi ko mapigilang mapaisip kaya tinanong ko siya.โAno โyan?โ
Jared's POV"Hindi na ako nagulat. Alam ko na kung sino ang lalaki mo, at hindi imposibleng malaman niya ang kahit ano," matalim na sabi ni Colleen kay Stacey. "Hindi ko 'yan sinabi kay Jared kasi, sa totoo lang, wala akong pakialam sa'yo o sa relasyon niyo."So, alam na niya. Alam niya ang ginawa ni Stacey. At hindi niya sinabi sa akin. Kung alam niya, imposibleng hindi rin alam nina Mommy at Ingrid. Niloko nila ako. Ginamit nila ako. Kaya nila ako ipinakasal kay Colleen.At ang babaeng ito, ang babaeng nasa harapan ko ngayon, nag-aakting na parang siya pa ang biktima? Hindi, hindi ako papayag. Siguradong-sigurado akong papatulan ko ang pulitikong karelasyon niya. Ngunit hindi ako nagsalita. Hindi pa. Gusto kong magwala sa galit pero pinipigilan ko ang sarili ko, dahil iniisip ko pa rin ang kalagayan ni Colleen."Hintayin mo ako sa upuan malapit sa snack kiosk, 'yung katabi ng ticket booth," utos ko kay Stacey habang marahas ko siyang hinila palayo. Ayokong marinig niya ang sasabihin
Colleen's POVTatlong linggo na ang lumipas simula noong nangyari ang insidenteng iyon, at sa wakasโฆ pakiramdam ko ay unti-unti na akong bumabalik sa dati kong sigla.Nasa kwarto ako at katatapos lang ayusin ang appointment ko kay Dr. Gerard para sa kinabukasan. Excited ako, hindi ko maitago. Lalo na matapos ang tawag niya kanina.โMay magandang balita ako,โ ani Dr. Gerard sa kabilang linya. Napahinto ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.โHuwag mong sabihingโฆโ Hindi ko na tinapos ang tanong ko, pero alam ko, naiintindihan niya na ang ibig kong sabihin.โTama ang hinala mo,โ sagot niya.โTalaga ba?โ tanong ko, halos hindi makapaniwala. Para sa akin, ang magkaroon ng ikalawang pagkakataon ay isang bagay na halos imposible. Ang makahanap pa lang ng compatible na donor ay napakahirap na. Paano pa kaya ang magkaroon ng panibagong pag-asa?โOo, Colleen. Pero may kailangan akong ipaalam saโyo. Hindi ikaw ang nag-iisa na nangangailangan nito. Ang pasyente ay kasalukuyang nasa coma pa ri
Colleen's POVUmalis si Jared sa kwarto. Pilit kong iniiwasang isipin ang mga nangyari lalo na ang kakaibang pakiramdam na iniwan nito sa akin. Ayokong atakihin sa puso sa mga oras na iyon. May iniintay pa akong operasyon. Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makasama ang mama koโฆ lalo na ngayong alam ko na mula pa noon, mahal na mahal na pala niya ako.Oo, matagal nang nawala ang mga pagkakataon namin, pero hindi pa huli ang lahat. Narito pa ako. May panahon pa akong itama ang lahat. At si Jared... Kahit na ginawa niya ang mga ginawa niya kanina, hindi ko maitatanggi sa sarili kong gusto ko pa ring makasama siya. Sigurado ako roon.Tama si Stacey. Oo, maaaring awa lang ang nararamdaman niya para sa akin. Pero kahit na ganoon, napasaya ko pa rin ang sarili ko. Kung ito na ang huling mga araw ko, at least masaya ako. Kapag wala na ako, bahala na silang maging masaya sa isaโt isa. Ang mahalaga, naabot ko pa rin ang layunin ko: mabuhay ng buo at masaya.Pumikit ako at taimtim na nagpasala
Colleen's POVโAba, aba, abaโฆ sino โto? Akalain mong makikita kita dito?โ sarkastikong bati ni Stacey pagkakita niya sa akin habang lumalabas ako mula sa cubicle ng banyo. Ayokong makipag-away. Gusto ko lang sanang umiwas, pero agad niya akong hinarang sa pinto ng restroom.โBakit? Ayaw mong malaman ng tao kung sino ang kasama mo ngayon?โ panunukso niya, sabay ngising mapanghamon. โYung doktor na palaging nasa tabi mo, ang iyong tagapagtanggol?โ dagdag pa niya, punong-puno ng pang-uuyam sa tono.Hindi ko siya pinansin at tinangka kong lampasan siya. Pero bigla niya akong hinila palapit at mahigpit akong hinawakan, dahilan para mapalingon ako sa kanya.โAlam kong malapit ka nang mamatay. Kaya sige na, papahiram ko muna siya saโyo,โ malamig niyang sambit, at nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paano niyang nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon? Maingat ako. Walang ibang nakakaalam kundi sina Mommy Claire, Ingrid, at si Dr. Gerard, at sigurado akong hindi sila ang nagsabi.โHindi ko alam ang