"Tapos ka na ba diyan?" masungit na tanong ni Steven sa 'kin habang prenteng nakaupo sa sofa niya.
"Yes po sir," sagot ko saka tumayo at ipinagpag ang mga dumi na nakita sa damit ko.
"Good. Now leave," dali-dali akong umalis sa harapan niya dala ang mga ginamit kong panglinis.
"Ayos ka lang ba Ria?" tanong ni aleng Lourdes sa 'kin nang makita ang lungkot sa mga mata ko. Ngumiti ako at pinigilang hindi maiyak sa nangyari kanina. Dalawang linggo palang akong katulong dito pero pakiramdam ko ay hindi ko na kaya.
"Uuwi ka na ba?" tanong ni aleng Lourdes.
"Opo aleng Lourdes. Naghihintay na po kasi sa ‘kin ang anak ko e," malungkot na sabi ko dito saka nag tungo sa maid's quarter at hinubad ang uniform na suot.
Bago ako tuluyang umalis, tinignan ko muna si Steven na ngayon ay umiinom na ng alak habang may kausap sa cellphone nito.
Nang makauwi ako sa bahay ay walang tao. Napabuntong hininga nalang ako nang mapagtantong hindi pa umuuwi ang anak ko kasama ang ninang Divine niya.
Umupo ako sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan.
"Mama," nagising ako dahil sa boses ng anghel na tumawag sa ‘kin. It's no other than, my baby angel.
"Yes baby?" Sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi na ikinatawa niya. Nakatulog pala ako. Anong oras na ba?
"Where's Divine?" tanong ko sa anak ko nang mapansin na wala ang anino ni Divine sa paligid.
"Nandito ako," napatingin ako sa kusina nang marinig ang boses niya na nanggaling doon.
"Thank you Vine," sabi ko dahil inalagaan niya ang anak ko ngayong araw.
"Don't mention it Ri. We're best of friends ‘di ba?" natawa kaming pareho sa sinabi niya.
"Mauna na 'ko. May gagawin pa kasi ako Ri," paalam nito saka umalis.
"Mama, are we going home?" napakunot noo ako nang diko maintindihan ang ibig sabihin ng anak ko.
"We are home baby," sabi ko ng maguluhan sa sinabi niya dahil nasa bahay naman namin kami ngayon.
"In Canada mama. I want to meet papa," nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ng anak ko. Alam kong matagal na niyang hinahanap ang ama niya pero kahit ako, hindi ko alam kung matatanggap ba siya ng ama niya. Base sa pag obserba ko sa ama niya ng dalawang linggo, hindi ako sigurado. Hindi nga niya alam na nakasama niya ko sa isang gabi. Hindi rin niya alam na may anak siyang nangangailangan nang paglinga niya.
"Baby, pupunta tayo ng Canada ‘di ba sabi ni mama pero hindi para hanapin si papa. Pupunta tayo ng Canada para bisitahin si tita Agatha at si Oceanie." Sabi ko sa kaniya at ganoon nalang ang lungkot ang nakikita ko sa mga mata ng anak ko. Ayaw ko siyang paasahin kaya kahit na masakit. Dapat malaman niya ang sadya namin sa pagpunta ng Canada.
Ang alam niya kasi ay nasa Canada ang ama niya. Maski ako, akala ko sa Canada nakatira si Steven dahil doon kami nagkita sa bar. It was a one night stand and lasing siya that time. Stupid of me, dahil nagpadala ako kahit na hindi naman ako naka inom.
Nasa Canada ako that time dahil binisita ko si Agatha doon dahil birthday niya.
Agatha is my best friend. Siya ang kasama kong umalis nang tumakas ako sa bansa ng minsang palayasin ako ng mga adopted parents ko pero nauna siyang umuwi sa Pinas dahil sa nagkaayos na sila ng ama ni Oceanie na anak nila. Nagpa-iwan ako to cool off at doon ko nakilala si Steven.
It's been 6 years nang umalis ako ng Canada para bumalik ng Pinas at limang taong gulang na ang anak ko. Ang bunga sa isang gabi na nakasama ko si Steven. Naiinitidihan ko na hinahanap niya ang papa niya because he's longing for his father's love na kahit na anong gawin ko, ay hindi ko mapuna.
"Mama you always telling me that papa is busy. I haven't meet him even once. I just want to meet him kahit na one minute lang mama." Naiiyak na sabi ng anak ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya.
I am trying my best na lumapit kay Steven. Pumasok ako bilang katulong para makilala siya. Gusto kong makilala siya ng anak ko. Pero natatakot ako na ayawan siya ng papa niya. Ayaw kong masaktan ang anak ko dahil doon.
"Okay so ganito, when we arrive in Canada, mama will look for papa and I'll tell him to meet you. Is that good?" Tumango naman siya, umaasang mangyayari ang sinabi ko. I'm sorry baby. Mama needs to lie.
Maraming pumapasok sa isipan ko. Paano kung malaman ni Steven at kung tanggapin niya ang anak namin ay ilayo niya sakin ang bata. Paano ako?
Pero kapag naiisip ko ang pagnanais na makita ng anak ko ang ama niya, mas nanaig sa ‘kin na kilalanin si Steven para sa anak ko kahit na may possibilidad na ilayo niya sa ‘kin ang bata.
(Before Ria work to Steven)
Nasa sala kami ng mga kaibigan ko na si Angie, Divine at Lia. Si Agatha lang ang wala dahil nasa Canada ito ngayon.
"May ipapakita kami sayo Ri," it was Angie at lumapit siya sa 'kin dala ang isang magazine. Ibinaba ko ang juice na kasalukyan kong iniinom at tinignan siya.
"What is it?" tanong ko.
Imbes na sagutin ako ay binigay niya sa ‘kin ang magazine na hawak niya.
Naguguluhang tinignan ko ito at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mukha ng lalaki na nakasama ko sa isang gabi sa Canada.
Nang mag angat ako nang tingin ay seryoso na silang tatlo na nakatingin sa 'kin.
"He's the man, right?" tanong ni Lia na nakatingin lang sa TV.
"How did you know?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hunch! Sabi mo Canadian ang ama ni Hivo pero are you sure na Canadian nga? Baka kasi kagaya mo ay napadpad lang sa Canada that time," unang paliwanag ni Angie.
"That was our first clue na baka hindi Canadian o nakatira sa Canada ang ama ni Iv. It was just your assumptions na taga Canada ito since doon mo nga siya unang nakilala. Second is, kahit sino Ri, malalaman na malalaman agad na mag-ama sila dahil kuhang kuhang lang naman po ng anak mo ang buong physical appearance ng ama niya. Galing lang siya sa petchay mo pero nagmana siya sa nagmamay-ari diyan sa pumasok sa petchay mo." Natatawang ani ni Angie.
"I heard naghahanap siya ng new maid ngayon." Dagdag ni Lia hindi pinansin ang biro ni Angie.
"Yeah. Siya si Steven Marcus Alvante. Isa sa kilalang mayaman na bachelor sa bansa. Naku! Malaking isda nabingwit mo Ri," sabi ni Divine na tinawanan ng lahat.
Hindi pa rin mag sink in sa 'kin ang lahat ng mga nalaman ko ngayon. Matagal ko na siyang hinahanap dahil gusto siyang makilala ni Hivo. Buong akala ko nasa Canada siya, Yun pala... Pero teka- paano pag masama ugali niya? What should I do?
"Gusto kong mag-apply bilang maid niya," sabi ko na ikinatigil ng tatlo.
"We know. We see that coming and don't worry Ri, ikaw na ipapadala bilang bagong maid niya," confident na sabi ni Angie. Perks of having connections.
(Back to present)
"Saan tayo mag s-stay mama?"
"Sa hotel muna anak bago tayo pupunta sa bahay ng tita Agatha mo," sabi ko sa kaniya.
Kung excited ang anak ko, kinakabahan naman ako. Gusto ko sanang walang aberya ang pagtapak namin pabalik sa Canada.
Agad kong sinecure ang anak ko nang tinawag ang pangalan namin. First time ni Hivo na makasakay sa plane but he seems fine. Hindi siya natatakot o nagtatanong ng bagay-bagay. He's observing to his surroundings.
"Hi," napatingin ako sa gilid naming lalaki ng nagsalita ito. Kinakausap niya ang anak ko na busy kakatingin sa paligid.
The guy looks like in his thirties. Gwapo at halatang edukado.
"Hello po mister," sabi ng anak ko at binalingin ako nang tingin.
"Mama, can I talk to him? You're here naman so I'm safe to talk with strangers, right?" Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sinabi niya. Sa panggigil ko ay hinalikan ko ang magkabilang pisngi nito.
"Of course anak," sabi ko at mukhang narining ng lalaki ang sinabi ni Hivo dahil natawa rin ito.
"How old are you kid?" rinig kong tanong ng lalaki. Why is he asking? Baka nacu-cutan lang sa anak ko.
"I'm five years old po mister," sagot naman ni Hivo.
"I see. You look familiar," nang sabihin niya ‘yon kinabahan ako agad. Kilala ba niya si Steven? Shit! Kung sino man ang nakakilala kay Steven, malalaman agad na magkamuka-magkamuka ito at si Hivo na para bang pinabiyak na bunga dahil carbon copy ng bata ang physical appearance ng ama niya. Baka maghinala ito!
"Baby, sleep ka na. Stop talking na with that stranger anak," sabi ko at mukhang inaantok na rin siya dahil isinandal niya ang kaniyang likod sa upuan at humikab.
Nang mapatingin ako sa lalaki, taimtim siyang nakatingin sa akin at sa anak ko. Parang inoobserbahan kami.
"Don't you mind if I ask you miss kung anong pangalan mo?" tanong niya.
"Hindi ako nagbibigay ng impormasyon namin sa kung sino sir. If you don’t mind, please mind your own business." Hindi ko mapigilang magtaray dahil hindi na maayos ang pakiramdam ko sa kaniya. Parang may hatid siyang hindi magandang balita sa 'kin.
"I see,"
Tumahimik naman siya kaya nakarating kami sa Canada nang walang sagabal.
Nang makababa na kami, hindi na mapigilan ng anak ko na makaalis sa airport. Excited na excited na talaga siyang ma explore 'tong bansang ito.
"Bro, I saw a kid. Yeah. He looks exactly like you…" Sabi nang lalaki na nakausap namin kanina. May kausap siya sa phone and nakatalikod sa amin kaya hindi niya kami nakikita.
Kaibigan ba siya ni Steven? Shit! Kailangan na namin makaalis dito. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya ang lahat. Hindi pa kampante ang loob ko sa kaniya. Hindi ako sigurado kung mabuting tao ba siya. Ayaw kong isa alang-alang ang kaligtasan ng anak ko kahit na ama pa niya ito.
Hinawakan ko ang kamay ni Hivo at dali-daling pumara ng taxi. Lumabas ang driver sa sasakyan at tinulungan kami sa pag pasok ng bagahe namin sa compartment.
Nang papasok na kami sa loob, tinawag ni Hivo ang lalaki na nakausap niya sa plane kanina.
"Mister!!"
Nanlaki ang mga mata ko lalo na nang marining ang ilang mga malutong na mura nito. Bad timing ka anak, mamaya baka kaibigan ‘yan ng papa mo.
"Shit! they are leaving bro," narinig kong sabi niya sa kausap niya sa phone saka ko sinirado ang pintuan.
"Faster mister. Drive us to this address," sabi ko sabay pakita ng address na sinulat ko sa maliit na notebook ko habang nag-aalala na baka kaibigan ‘yon ni Steven.
Thank God safe na nakarating kami sa hotel. This is a five star hotel at hindi ko na chineck kung sino ang may ari. Isang gabi lang naman kami dito mag s-stay.
Nag pa book na 'ko online way back in the Philippines so wala nang koskos balungos pagdating namin dito. Maayos ang facility and secure naman ang hotel. Hivo seems to enjoy it.
"I like it here mama," sabi niya. Nasa may malapit kami sa counter, naka upo dahil hinihintay pa namin sandali ang magle-lead sa amin sa kwarto namin.
"Oh my God!" sabi nang babae habang nakatingin sa anak ko. Ang babae ay parang ka edad ko lang. Maraming bodyguards sa likuran niya so she's probably an important person.
"Iwan niyo na ako. I'm safe here," sabi nang babae.
Nagulat ako ng magsalita siya ng Tagalog. Pinoy ba siya? Bakit siya papunta sa gawi namin? Kilala ba niya si Steven? Kung oo patay kami.
"I'm sorry miss. Pero your child looks so familiar."
Parang nawalan nang dugo ang buo kong katawan sa tanong niya.
"I know na Pilipino rin kayo. I heard this cute little angel said the word po. Am I right kiddo? You came from Philippines?" nakangiting tanong niya sa anak ko.
"Yes po," ngumiti lang siya sa anak ko at tinignan ako sa mga mata.
"Kilala mo si Steven Alvante?" tanong niya. Hindi ako sumagot at pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa kaba.
"Based sa reaction mo, it's a yes," sabi niya na seryosong nakatingin sa 'kin.
Hindi ako nakapagsalita lalo na ng may staff na nag excuse dahil sasamahan na niya kami sa room namin.
Nag excuse ako sa babae nang kinakabahan pa rin but that woman follows us.
"Thank you," sabi ko sa staff nang maihatid kami sa room namin.
"I am harmless. Can I go inside? No worry I can guarantee you na hindi ako masamang tao. By the way I am Hannah Alvante and yes, I am the sibling of Steven Marcus Alvante."
Now. I'm totally doomed!
"V!" Malayo pa man kami ay rinig na namin ang sigaw ni Oceanie na tuwang tuwa na makita si Hivo. Nasa likuran niya si Agatha na nakangiti sa amin. "Kamusta ang biyahe?" tanong niya sa amin. "Tiring," ikling sagot ko. Humalik si Hivo sa pisngi ni Agatha at lumapit naman sa 'kin si Oceanie. "Hello baby girl," sabi ko dito at yumuko para mahalikan niya sa pisngi. "Hello po tita Ri." Hindi na kami hinintay ng dalawang bata at agad na nagtutumakbo papasok sa loob ng bahay. "What happened? I received your text last night," nag-aalalang tanong ni Agatha sa 'kin. "Pag-usapan nalang natin sa loob. Sila Divine, wala pa ba?" tanong ko dito. "On the way na raw ang tatlo," sagot nito. Nang makapasok kami sa loob ay busy ang lahat sa paghahanda. Wala ang presensya ng asawa ni Agatha dahil may pinuntahan daw saglit so basically kami lang ang nandito at mga katulong. Hindi kami lagi nagkaka-abutan ni Kael. Agatha's husband. "What happened? Spill it Ri," hindi na makapaghintay si Agatha na ik
Hindi kami nagtagal sa Canada at agad na bumalik sa Pinas. Ngayon ay nasa bahay ulit ako ni Steven para mag trabaho. Wala si aleng Lourdes dahil naka leave ito kaya ako lang ang mag-isa dito dahil dalawa lang naman kaming katulong sa bahay ni Steven. "Good morning sir. Breakfast is ready," sabi ko nang makita siyang hubad barong naglalakad papasok sa kusina. Namula ako bigla at nag iwas ng tingin nang lantad sa harapan ko ang katawan niyang walang saplot. Tanging isang piraso lang sa ibaba ang suot niya. "Sige po sir," sabi ko at iiwan sana siya sa kusina pero tinawag niya ko bigla. "Where are you going?" tanong niya. "Maglilinis lang po sa labas sir," magalang na sagot ko. "You'll stay here tonight," sabi niya na ikinagulat ko. "Po?" hindi pwede ‘to. Hahanapin ako ng anak ko, ng anak namin. "Yes. Dahil walang magbubukas sa ‘kin ng gate mamaya. Manang Lourdes is on leave so stay in ka sa bahay hangga't hindi pa bumabalik si manang." Sagot niya at kumain. Nanghihinang napa-s
Kinagabihan ay nasa mansion pa rin ako at nakatuon ang attention sa amo na kung makatingin sa akin ay tila ba isa akong pagkain na minsan lang maihain sa hapag-kainan. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa pagpunas ng mga mamahaling kagamitan niya sa bahay. Hinuha ko ay sobrang mahal ng mga ito kaya nakakatakot pag mabasag ko ito. Sumulyap ulit ako kay Steven at agad ring nag-iwas nang makitang taimtim pa rin itong nakatingin sa'kin habang may baso ng alak na hawak sa kaliwang kamay. 'Gosh! Ano ba namang lalaking to' nasabi ko sa sarili ko. Agad kong tinapos ang ginagawa ko at umalis sa harapan niya. Past 8 na ng gabi so matutulog na ko dahil tatawagan ko pa ang anak ko na tatlong araw ko nang hindi nakikita. Nakatuwad ako dahil pinapasok ko sa loob ang mga gamit panglinis pero dahil sa maraming nakalagay doon ay nahihirapan ako. "Ang siki
Nasa sasakyan niya kami ngayon at patungo sa grocery store. Tinignan ko muna ang mga sinulat ko sa isang pirasong papel at saka sinilip ang ngayon ay ang nakasimangot na driver ko. Kung umasta to parang bata e. "What?" naiinis na turan nito nang makita na nakatingin ako sa kaniya. Ang sungit! "Ang gwapo mo po" sabi ko at natawa nang makitang pinipilit niyang hindi mangiti sa sinabi ko kahit na yung labi niya ay umaangat ng kusa. Kilig yan? Haha. "Marami ang bibilhin mo ngayon?" pag-bubukas niya ng usapan. "Opo" ikling sagot ko habang tinitext ang anak ko kung kamusta na ito. Uwi na raw ako sabi niya dahil miss na niya ko at ganoon din naman ako pero wala rin akong choice dahil kailangan ko ring gawin ito para sa kaniya. Ma
Agad ko siyang tinulak at binalikan ang mga pinamili namin. He's being irrational. Wala namang kami at isa pa, last time I check, hindi siya ganoon sakin. What's wrong with him? Wala na si Rex nang balikan ko ang cart. Probably umalis na ito nang hindi ko napansin. Nasa counter nako nang dumating si Steven. Tahimik lang siya at hinihintay na ma pack lahat ng binili namin. Kahit yung mga babaeng nag pa-pack ay tila hindi magawang kiligin kahit na ubod nang gwapo nitong kasama ko. Mahahalata kasi sa kaniya na wala ito sa mood, na dapat ay wag niyo siyang kausapin. Binitbit ko ang iba at kinuha naman niya yung malalaking pack. Tahimik naming binaybay ang daan papunta sa sasakyan niya. Nang makarating sa bahay ay ganoon pa rin siya, tahimik lang. Nalagay ko na lahat ng pinamili namin kanina sa
Nagising si Steven sa gitna ng gabi at agad na tinignan ang babaeng katabi niya. Ang babaeng nakakuha ng attention niya mula ng dumating ito sa bahay niya. Wala siyang ideya na isang babaeng napaka ganda pala ang papalit sa katulong na nag resign kamakailan. Wala siyang alam tungkol kay Ria na pumalit na kasambahay dahil kaibigan lang naman niya ang pinaasikaso niya tungkol dito. Unang araw palang nang pumasok ito sa bahay niya na si Ria, dala nito ang isang maliit na bag na naka-tayo sa harapan niya habang uminom naman siya ng kape ay napatitig na agad ito sa mukha ng dalaga. Para kay Steven, si Ria ang pinaka magandang babae na nakita niya. Pero ang dalaga ay tila mailap at naiilang sa kaniya na ikinainis niya sa hindi niya malamang dahilan. Sinusungitan niya ito pero pali
Nagising ako na umaga na. Kinapa ko si Steven pero wala na ito sa tabi ko kaya nagmulat ako at sinuyod nang tingin ang buong silid para hagalapin siya.'San na kaya yun?' tanong ko sa kawalan. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa at pinulot ang bag ko na nasa sahig pati na rin ang mga damit ko. Hinanap ko kung nasan na ang panty ko pero hindi ko na ito makita. Hindi ko alam saan tinapon ni Steven yun kagabi. Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Steven sa baba pero hindi ko rin siya mahagilap. Bumalik ako sa silid ko para makapagligo muna saka ko tawagan ang anak ko. Hindi ko alam kung bakit umalis si Steven. Nagka emergency ba sa kompanya niya? Bakit hindi siya nagpaalam? Pero bakit naman siya magpapa-alam sakin? Ano ba kami? Para maalis ang mga negatibong yun sa isipan ko ay napagpasiyahan ko ng maligo na. Just like the usual, madali lang akong natapos maligo so tinawagan ko na ang anak ko. I miss him so much. Unang ring pa
7 a.m pa lang ng umaga at hindi pa rin gising si Steven hanggang ngayon. Nakapagluto na'ko dahil balak kong ayain sana siya kung sasama ba siya sa'kin sa Tagaytay. Hindi ko rin alam kung naaalala pa niya ang mga sinabi niya sa'kin kahapon pero sa ngayon, buo na ang desisyon ko na sabihin sa kaniya ang katotohan tungkol sa anak namin. Nag ring ang phone ko at nakita ko si Hannah na tumatawag. Tumingin muna ako sa itaas para tignan kung gising na ba si Steven bago ko sagutin ang tawag. Nang masiguro na ligtas na sagutin ang tawag ay sinagot ko na ito. "Han?" Tawag ko sa dalaga sa kabilang linya. "My soon to be sister in law. Nasa bahay ka pa ba ni kuya?" Tanong nito. Natawa ako ng bahagya sa tawag niya sa'kin. Maloko talaga, parang kuya niya lang minsan. "Oo bakit? Wala pa kasi si Aleng Lourdes e kaya stay in ako dito." Sagot ko. "Naku okay lang yan sister-in-law. Kahit na tumira ka na diyan forever e ayos lang," dahil sa sinabi niya ay tumawa n