Mag-log in“H-Hector-”
Hindi na natuloy ni Elena ang sasabihin nang angkinin ng may rahas ni Hector ang labi niya. Nasa dating silid ni Hector sila. Ang mansyon na iyon na pinagdadausan ng event ng mga mafia ay nasa baba lang. May bakas ng iritasyon sa mga galaw ni Hector. Naalala ni Hector ang mga nangyari kanina sa baba. Naalala niya kung papaano hawakan ng ama niya si Farah. Gustong gusto niya nang undayan ng suntok ang ama kanina. Fvck! Hindi niya lubos akalaing naiirita pa rin siya tuwing nakikita niya ang dalawa. “Hector...” hindi napigilan ni Elena ang luha. Nasasaktan na siya pero tila walang naririnig si Hector. Matapos makausap ni Hector si Farah at Antonio kanina, bigla na lang siyang hinablot nito at dinala sa kung saan. Hanggang sa humantong sila sa silid na ito. Hindi na sila nakaabot sa kama dahil inangkin siya nito sa may pintuan pa lang. Kalaunan ay padarag siyang binitiwan ni Hector kaya't sumubsob siya sa sahig. Yumuko ito upang hawakan siya ng mariin sa baba. May luha ang mata na nagsalubong ang mga mata nila ni Hector. “Sounds like you really forgot our golden rule here, Elena. Bawal kang magreklamo, right?” May bigat sa boses ni Hector. Ilang saglit ay namilog ang mata niya nang pinulot nito ang baril sa side table. Kinasa nito iyon at tinutok sa sentido niya. Dahilan para manginig ang buo niyang katawan. “P-Pasensiya na! Pasensiya na! Hindi na mauulit!” Bulalas niya at lumuhod sa harap nito. “Next time you complain I will pull this trigger and put the bullets between your fvcking head,” ani Hector ng may pagtagis ng bagang. Nanlalamig si Elena. Hindi niya na alam kung kulang pa ba ang pagluhod niya para ibaba ni Hector ang baril. “Patawad! Patawad! H-Hindi na mauulit, Hector. Hindi na mauulit!” Nauutal na siya. Pinagpapawisan ng malamig. Kapag may nangyari sa kaniya dito. Paano na ang Papa niya sa hospital? Kapag pinatay siya ni Hector dito hindi niya na makikitang magising ang Papa niya. Kaya kailangan niyang mabuhay kahit na ano pa man ang mangyari. Parang binunotan siya ng tinik sa dibdib nang ibaba ni Hector ang baril. Hawak pa rin nito iyon nang maglakad ito tungo sa kama at nakabuka ang hita na umupo doon. Nanatili ang dilim sa mga mata ni Hector nang tingnan siya. Nanginginig at basa pa rin ng luha ang pisngi niya habang pinagmamasdan si Hector. “Come here...” sa pagkakataong ito ay kalmado na ang boses ni Hector. Tinapik nito ang kandungan nito. Sa kabila ng kalma, takot pa rin siya kay Hector. Mamamatay-tao ito. Para rito, langgam lang sa paningin nito ang mga tao. Papatay ito ng tao sa isang pitik lang. Parang nanlalambot ang tuhod niya pero kinaya niyang makatayo para makalapit kay Hector. Gulo gulo pa ang buhok niya at nasira na ang make-up niya. Ganoon din ang kaniyang damit. Ngali-ngali siyang lumapit dito. Napasinghap na lang siya nang hilahin siya nito sa kamay. Namalayan niya na lang nakaupo na siya sa kandungan nito. Masuyo nitong hinawi ang buhok na nakatabing sa mukha niya. Galit na galit ito kanina tapos biglang magiging ganito ito ngayon sa kaniya. Hindi niya ito maintindihan. “Next month, ikakasal tayo,” panimula ni Hector. Namilog ang mata niyang luhaan sa narinig kay Hector. Inasahan niyang matatapos na ang serbisyo niya dito kapag nagsawa na ito sa kaniya. Hindi kasama sa usapan ang pagpapakasal niya dito. Kapag naging asawa siya ni Hector, baka mas lalong wala na siyang takas dito. Habang buhay na siyang makukulong sa mga palad nito. Kaya lang sa pagkakataong ito, pakiramdam niya wala siyang karapatang humindi kay Hector. “Act perfectly as my wife, lalo na sa harapan ng ama ko at ng madrasta ko. Baka kapag nagustuhan ko ang performance mo ay bigyan pa kita ng pabor para sa ama mo,” bulong nito sa kaniya. Napakuyom ang kamao niya sa sinabi nito. Binaba nito ang baril sa side table at hinila siya para pareho silang humiga sa kama. Nakatalikod siya kay Hector. Hindi siya makagalaw nang yakapin siya nito mula sa likod at isinubsob nito ang mukha sa batok niya. Gumapang ang maugat at malaki nitong kamay sa braso niya hanggang sa mahanap nito ang kamay niya at pinaglaruan ang mga daliri doon. “Know what? I always enjoyed everytime we fvck. You're way better than Farah.” Gusto niyang bawiin ang kamay niya pero hinigpitan bigla ni Hector ang hawak doon kaya't napangiwi siya. Nasasaktan siya. Para ano pa't sinasabi ni Hector ito ngayon sa kaniya? Anong gusto nito? Na maging proud siya dahil mas okay siya kaysa kay Farah? Sa totoo lang, nandidiri na siya sa sarili niya. Halos di niya na magawang titigan ang itsura sa salamin. Pakiramdam niya hindi niya na kilala ang sarili. Dahil sa pagod at sakit, nakatulog siya sa bisig ni Hector. Nagising siya mga bandang 3 AM. Agad siyang bumangon at inayos ang sarili. Naghanap siya ng mga damit ni Hector doon at sinuot na lamang ang ano mang magkasya sa kaniya. Tulog pa ang binata ng nang makalabas siya ng banyo. Napatingin siya sa baril at sa natutulog na binata. Kumuyom ang kamao niya. Kung sana kaya niyang pumatay, baka kanina pa pinaglalamayan si Hector sa mga kamay niya. Takot siya at nagmamadaling lumabas ng silid. Kaya lang di niya inakalang nasa labas pala ng silid ni Hector si Farah. Namilog ang mata ni Farah nang makita niya. Hindi inakala ng babae na makikita niya itong nakatayo sa labas ng kwarto. Anong ginagawa nito doon sa labas? Napalunok siya at akmang tatalikod nang magsalita ito. “Aalis ka na? Nag-enjoy ka ba kasama si Hector?” may panunuya sa boses ni Farah. Kunot noong nilingon niya ang babae. “Masarap ba ang step-son ko?” Ngumisi si Farah ngunit kapansin pansin ang pagtagis ng bagang. Hindi niya alam kung anong sasabihin, nalilito rin siya at bakit ganito ang mga tanong ni Farah. Idagdag mo pa na tila iritado ito. “You really look like me. But you will never be like me. Pinatulan ka ni Hector dahil magkamukha tayo. Hanggang doon lang iyon.” Nagtagis ang bagang niya. May point ito pero siya ang tepo ng hindi mahilig pumatol sa mga nonsense na usapan. “Okay. Aalis na ako,” aniya at napabuntong hininga. Mas kailangan niyang pagtuonan ng pansin ang ama niyang naghihintay ngayon sa hospital. Hindi niya alam kung bakit ganito umasta si Farah, ngunit wala na siyang pakialam doon. Nakailang hakbang pa lang siya nang magsalita na naman ito. “Iiwan ka rin ni Hector-” Natigilan si Farah nang lumingon siya. “Hindi ko alam kung bakit mo sinasabi iyan sa'kin. Kung ako sa'yo, pagtuonan mo ng pansin ang asawa mo.” Aniya at tumalikod na agad. Namutla si Farah at hindi na nakapagsalita pa.Napadapa si Luigi nang dumapo ang malakas na suntok mula kay Kunred. Balak niyang umalis sa condo niya kinaumagahan. Inagahan niya at bandang 3 AM siya nagbalot bago nagtungo sa pinto ng kaniyang condo. Iniisip niyang hindi malalaman nina Esmael na nandoon si Elena oras na umalis siya sa condo. Balak niyang lumayo at hindi na magpapakita pa. Napagsabihan niya na si Elena. Nalaman na nito ang lahat tungkol kina Kunred at sa kapatid nitong si Esmael. Ikinuwento niya ang lahat sa babae sa pamamagitan ng sulat na iniwan niya. Kaya lang saktong paglabas niya ng condo niya at nai-lock ang pinto niya'y sumalubong sa paningin niya si Kunred. Mala demonyo ang ngiti nito at bigla na lang siyang binatukan. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at na-lock niya ang condo bago siya binatukan ni Kunred. Nandoon kay Elena ang key card, iniwan niya kaya ayos lang. Masubuksan nito ang pinto at makakauwi ng ligtas.At nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili sa isang madilim na silid. Ang lamp
“E-Elena...” nanginginig ang boses ng lalaki. Nakita niya rin ang balisa sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.Medyo pumayat si Luigi ngayon at mukhang stress na stress din. Aaminin niyang nagalit siya sa ginawa ni Luigi noong magpanggap ito bilang asawa niya. Hindi dapat ginawa ni Luigi iyon at dapat na hinayaan man lang siya nitong magdesisyon para sa sarili niya. Kaya lang kahit papaano ay nagpapasalamat siya rito dahil talagang totoo itong nag-alala sa kaniya. “P-Pwede ba akong pumasok?” anito sa nanginginig na boses.Panay ang tingin nito sa kaliwa't kanan. Parang may kinatatakutan ang lalaki. Alanganin siyang tumango. Nagtataka siya sa mga ikinikilos nito sa mga oras na ito pero iniisip niyang mas mabuti nga'ng sa loob na sila mag-usap sa ngayon upang mas maayos silang magkaharap.Nagtimpla siya ng juice para kay Luigi. Halos hindi makainom ng maayos si Luigi. Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang baso ng juice.“Anong problema, Luigi?” aniya na may pagtataka sa
Nakagat ni Elena ang ibabang labi nang maglakad siya papasok sa mamahaling restaurant. Linggo ngayon ay nakasanayan na nilang magtungo sa restaurant na ‘yon. Kahit walang okasyon ay kumakain sila sa labas. “I-Ikaw na lang ang pumili,” aniya at binaba ang menu.Sinulyapan siya ni Hector. “Okay.”Nang dumating ang pagkain nila ay nagulat pa siya dahil lahat ng nandoon ay ang in-order niya noong nakaraan. Lahat ay naalala nito. Kahit ang inumin naalala nito.“Any problem?” usisa nito. Tila kanina pa siya nito pinagmamasdan. Napapansin nito kahit ang kakarumpot na reaksyon sa mukha niya. Umiling siya. “Wala.”Aside from that. Hector usually does his work at home. Nandoon ang lalaki sa tuwing kailangan niya ng tulong kahit na hindi niya naman iyon hinihingi. Ayaw niyang isturbuhin ito sa trabaho pero hindi niya mapigilan ito kapag gusto nitong makialam sa ginagawa niya sa garden.“Still have some stuff for your garden? May kailangan na bang bilhin?” ani Hector habang inaayos ang pot ng
Kung ang ibang babae ay alahas, bags at kung anu-anong mamahaling bagay ang hinihingi. Si Elena ay iba. Imbes na mga iyon ay pataba sa halaman at mga pesticides ang binili nito. “She's really weird,” naibulong ni Hector habang nakatanaw kay Elena sa baba na maagang gumagawa ng mga pot kung saan pagtatamnan nito ng petchay at kung anu-ano pang gulay.He thought that Elena and Farah have the same taste and hobbies, that's fond of expensive things is a common dinaminator of all girls. Kaya binibigay niya ang mga gusto ng babae base sa mga nakasanayan niyang gusto at hinihingi ni Farah noon. But now he realizes that Farah and Elena are not the same person. They share the same face but not the personality. But think about it, he prefers this side of Elena. Tinapos niya kaagad ang meeting through his laptop. Kinuha niya ang phone at tinawagan ang secretary na isulat lahat ng napag-usapan at ire-review niya mamaya.Inilihis niya ang sleeve ng suot niyang dress shirt pataas tsaka siya umal
Hindi umuwi si Hector sa gabing iyon. Pero nagpadala ito ng mensahe sa butler at pinapaalalahanan siyang kumain ng mabuti at huwag magpalipas ng gutom. Nagpadala rin si Hector ng strawberry cake kinabukasan. Ayaw niya sanang tikman. Ayaw niyang isipin ni Hector na nagi-enjoy siya kasama ito. Kaya kung maari ay iignorahin niya ang mga pagpapa-sweet ng lalaki. Kailangang maghirap ito sa pakikisama sa kaniya. “Hindi niyo po kakainin ngayon, Ma'am? Ilalagay ko na lang po sa ref,” ani katulong na siyang tumanggap sa pinadala ni Hector na cake.“Oo, ayoko.” Tapos ay tinalikuran niya na ang katulong. Kaya lang na-tempt siya nang dumating ang tanghali. Ang ganda kasi talaga tingnan ng strawberry cake. Feeling niya ay mukhang masarap iyon lalo pa at personalized iyon mula sa mamahalin at kilalang brand.Sinulyapan niya ang kusina. Tapos ay nagtungo naman siya sa sala. Siniguro niya munang walang tao bago niya lantakin ang cake sa ref. Dahan dahan niyang inilagay ang cake sa center island n
Pinagmasdan ni Elena ang kisame ng silid. Inaasikaso siya ng staff ng isang kilalang derma clinic. Pinapa-laser ni Hector ang mga peklat niya na ito rin ang may gawa. Binubura nito ang mga ibedensiya ng pagiging bayolente nito. “Pambihira,” anas niya at nagbitiw ng sarkastikong ngiti.Kalakip niyon ay pait sa mga mata niya. Wala siyang ibang magawa kundi ang sumunod sa lahat ng gustong gawin ni Hector. Pakiramdam niya'y inaalisan na siya ng lalaki ng karapatang magreklamo at mabuhay ng ayon sa gusto niya.Naiinis siya sa bawat araw na nangyayari ang ganito. Ngunit kailangan niyang tiisin. Mananatili siya roon hanggang sa mapabagsak niya si Hector. “Ma’am? May sinasabi po kayo?”Natauhan siya nang magsalita ang staff ng clinic. Ngumiti siya rito at umiling. Saka nagpatuloy ito sa ginagawa. Isang buwan nang hinahatid siya ni Hector sa parehong derma. Sa paulit ulit niya roon ay malaki na rin ang naging improvement ng skin niya. Pakiramdam niya'y mas malaki pa ang maintenance niya ka







