LOGINNakamasid si Elena sa veranda habang nagtatawanan ang kaniyang ama at si Farah sa labas. Nakikita niyang masaya ang dalawa at nararamdaman niya sa kaibuturan niyang ayos na ang lahat sa kanila at maari na silang mag-umpisa sa pinakasimula kung saan nila iniwan doon ang mga bagay na dapat nilang natapos noon pa. Nasa harapan na ni Elena ang mga kailangan niya. Natupad ang hinihiling niyang sana ay um-okay na ang kaniyang ama. Masaya na ang ama niya at buhay buhay na nasa harapan niya. Ilang saglit ay tumama ang sinag ng araw sa mukha niya dahilan para balingan niya ang silangan at matanaw ang pag-usbong ng haring araw. ‘Bagong umaga, bagong pag-asa’ ika nga ng iba.Kaya lang bakit iba ang nararamdaman niya sa mga oras na yun? Bakit hindi pag-asa ang nararamdaman niya sa mga oras na yun kundi... kalungkutan?Parang may kulang.Parang hindi tama na maging masaya. Parang gusto niyang maiyak.Ilang saglit ay napatakip siya bigla sa bibig nang makaramdam siya ng kakaiba. Namilog ang mga
Kung gaano kalala ang kahungkagan sa puso ni Elena? Hindi rin niya maipaliwanag. Tuwing naalala niya kung papaano sila naghiwalay ni Hector bago sumabog ang buong mansyon ay parang sinasakal siya. Ang huling ang ala-ala niya kay Hector ay nagiging bangungot niya sa araw araw. “M-Malayo pa po ba?” tanong niya sa personal driver ni Hector.Oo, kasama niya ang mismong driver ng lalaki ngunit hindi niya na kasama si Hector. Bago nangyari iyon ay nakahanda na ang lahat, nakaplano na ang lahat na animo nahulaan ni Hector na mangyayari ang bagay na yun. Sinabi nito sa driver nito na ihatid siya sa lugar na iyon oras na may mangyari rito.At heto nga siya. Sakay ng itim na kotse ay binabagtas nila ang malubak na daan. Ang tabi ay mga palayan. Nasa probinsiya na sila at hindi niya alam kung ano ang dadatnan sa lugara na yun. Sabi ng driver ay doon na raw siya titira upang masiguro ang kaligtasan niya. At isa pa'y ang pupuntahan niya ay ang property na binili ni Hector upang gawing taguan niya
Biglang nagkakaputukan ulit. Ang problema ay sa dereksyon nila ni Hector nakatuon ang putok na iyon kaya agad siyang ikinubli ni Hector.Isang malutong na mura ang narinig niya kay Hector habang ikinukubli siya nito sa may sofa. Namimilog ang mga mata niya habang pasimpleng kinakargahan ni Hector ng bala ang dalang baril. “Stay here,” anito habang hawak ng may rahan ang pisngi niya.Kahit siya ay hindi inasahan ang nakitang sinseridad at panlalambot sa mga mata ni Hector habang nakatitig sa mga mata niya. Namamangha na napatango siya at sinunod ang gusto nito. Napatakip siya sa tainga nang marinig ang putok ng mga baril sa paligid. Wala na si Hector sa tabi niya. Kailangan niyang mag-ingat ngayong wala na siyang aasahan sa paligid niya. Ilang saglit ay nagulat na lang siya nang may balang naligaw sa gawi niya. Tumama iyon sa sofa at kamuntikan nang madaplisan ang binti niya mabuti na lang at hindi iyon umabot sa mismong binti niya. Hindi na siya naghintay pang tamaan kaya tumakbo s
Habang pinagmamasdan ni Elena ang paligid tila talon na bumubuhos ang mga ala ala sa isipan ni Elena. Ang mga ala-ala kung kailan nawala ang anak nila ni Hector at napahamak siya. Katulad noong mga panahong iyon, wala ring pakialam si Hector. Hindi na rin siya aasa pa sa lalaki. Ano ba naman kasi siya kay Hector? Hindi niya rin naman alam kung anong mayroon sila maliban sa dati silang naging fvck buddy.“Really? You just came alone?” nanunuya ang boses ni Esmael habang nakaupo sa itim na single sofa.Ang binigay ni Esmael ay ang address ng mismong mansyon nito. Nang dumating siya roon ay si Luigi ang kaagad niyang naisip. Wala roon si Kunred, tanging si Esmael lang ang humarap sa kaniya.“Oo. At nasaan na si Luigi?” aniya sa malamig na boses.Pakakawalan si Luigi kapalit niya. Iyon ang usapan nila ng ama ni Luigi. Nang malaman ng ama nito ang sinapit ni Luigi ay hindi nag-atubili ang ama nito na mag-isip ng hakbang at tawagin ang mga tauhang pwede nitong makuha para sa delikadong re
Hector, Aalis ulit ako. Sa pagkakataong ito ay titiyakin kong hindi mo na ako mahahanap. Inaamin kong ikaw ang sinisisi ko hanggang ngayon kaya nawala ang anak na'tin. Ang galit ko sa'yo ang dahilan kaya kita nilapitan ulit. Umaasa akong sa pagkakataong iyon ay maiganti ko man lang ang anak ko. Iniisip kong oras na nakaganti ako ay matatahimik na ako. Na kapag napabagsak na kita ay mapagbigyan ko na ang sarili ko. Kaya lang parang niloloko ko lang ang sarili ko. Kasi imposibleng mapabagsak kita. Nasa iyo ang lahat ng bagay na hirap akong abutin. Kaya't ang pagpapabagsak sa iyo ay parang suntok sa buwan. Sa pagkakataong ito tinuturuan ko na ang sarili kong kalimutan ang lahat ng nangyari sa ating dalawa. Tuturuan ko ang sarili kong umusad at mamuhay ng katulad ng dati. Salamat at binasa mo ito at hindi mo itinapon sa basurahan. Nasa mesa ang card na pinahiram mo sa akin isusuli ko na. Malaki ang nagastos mo sa'kin. Pero huwag kang mag-alala. Unti unti kong babayaran ang lahat. Buw
Napadapa si Luigi nang dumapo ang malakas na suntok mula kay Kunred. Balak niyang umalis sa condo niya kinaumagahan. Inagahan niya at bandang 3 AM siya nagbalot bago nagtungo sa pinto ng kaniyang condo. Iniisip niyang hindi malalaman nina Esmael na nandoon si Elena oras na umalis siya sa condo. Balak niyang lumayo at hindi na magpapakita pa. Napagsabihan niya na si Elena. Nalaman na nito ang lahat tungkol kina Kunred at sa kapatid nitong si Esmael. Ikinuwento niya ang lahat sa babae sa pamamagitan ng sulat na iniwan niya. Kaya lang saktong paglabas niya ng condo niya at nai-lock ang pinto niya'y sumalubong sa paningin niya si Kunred. Mala demonyo ang ngiti nito at bigla na lang siyang binatukan. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at na-lock niya ang condo bago siya binatukan ni Kunred. Nandoon kay Elena ang key card, iniwan niya kaya ayos lang. Masubuksan nito ang pinto at makakauwi ng ligtas.At nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili sa isang madilim na silid. Ang lamp
“E-Elena...” nanginginig ang boses ng lalaki. Nakita niya rin ang balisa sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.Medyo pumayat si Luigi ngayon at mukhang stress na stress din. Aaminin niyang nagalit siya sa ginawa ni Luigi noong magpanggap ito bilang asawa niya. Hindi dapat ginawa ni Luigi i
Nakagat ni Elena ang ibabang labi nang maglakad siya papasok sa mamahaling restaurant. Linggo ngayon ay nakasanayan na nilang magtungo sa restaurant na ‘yon. Kahit walang okasyon ay kumakain sila sa labas. “I-Ikaw na lang ang pumili,” aniya at binaba ang menu.Sinulyapan siya ni Hector. “Okay.”Na
Kung ang ibang babae ay alahas, bags at kung anu-anong mamahaling bagay ang hinihingi. Si Elena ay iba. Imbes na mga iyon ay pataba sa halaman at mga pesticides ang binili nito. “She's really weird,” naibulong ni Hector habang nakatanaw kay Elena sa baba na maagang gumagawa ng mga pot kung saan pa
Hindi umuwi si Hector sa gabing iyon. Pero nagpadala ito ng mensahe sa butler at pinapaalalahanan siyang kumain ng mabuti at huwag magpalipas ng gutom. Nagpadala rin si Hector ng strawberry cake kinabukasan. Ayaw niya sanang tikman. Ayaw niyang isipin ni Hector na nagi-enjoy siya kasama ito. Kaya







