Share

Chapter 4

Author: noowege
last update publish date: 2026-04-08 06:56:20

Hindi inasahan ni Elena na sa isang magarbong event siya dadalhin ni Hector. Bumaba siya sa harap ng malaking mansyon. Napapalibutan iyon ng mala gintong kulay na mga ilaw.

Pinarangya pa ng pulang carpet na nilatag mula sa bukana ng mansyon papasok sa mismong bulwagan. High ceilings and chandeliers are screaming of luxury.

Nanunuot sa kalamnan ang tunog mula sa orchestra. Lumilibot ang mga waiter na nagse-serve ng wines and champagne.

“The fvck,” mahinang mura ni Hector nang maispatan ang babaerong kaibigan slash pinsan sa event.

Si Janous. With the high cheek bones, prominent jawline and dark stares hindi maipagkakailang kadugo nga ito ni Hector. Sumilay ang mapaglarong ngisi ni Janous nang makita si Hector na may kasamang babae sa malaking event na iyon.

Dala ang champagne glass nang lumapit sa pinsang si Hector. Natigilan lang si Janous nang makita si Elena.

“Damn,” napamura si Janous ng wala sa oras.

“She's not Farah. She's Elena.” Pagkaklaro ni Hector sa nagulat na si Janous.

Saka lang tila nabunutan ng tinik nito sa dibdib si Janous. Alam ni Janous kung gaano kahibang si Hector kay Farah noon.

Ang ama ni Hector ang pinakabigating Mafia. Hindi dapat ito kinakanti ng kahit na sino. Kahit ang anak na si Hector ay hindi sasantuhin ng taong iyon. Kulang na lang ay tawaging kapatid ng demonyo ang ama ni Hector dahil sa lubhang napakadelikado nito.

Kaya nga ang ama ni Hector ang pinili ni Farah kaysa kay Hector. Dahil mas makapangyarihan ang ama kaysa sa anak.

......

Naiwan si Elena sa table ng mga cupcakes nang may ipakilala si Janous kay Hector. Bigating tao iyon na kakilala ng ama ni Hector.

Napapalunok si Elena habang pinagmamasdan ang mga nagagagandahang cupcakes sa table na iyon. May chocolate fountain pa na paniguradong sisira sa diet ng sino mang mayayamang nandoon.

Kung sinu-sinong bigating tao ang nandoon. Politiko, negosyante, kilala sa showbiz, lalo na ang mga kasapi ng mafia. Engrande ang ginawang pagtitipon na iyon. Nagkalat sa labas ang mga high-end assassins na inarkila ng mga mafia.

Habang abala ang lahat sa mga malalaking bagay. Abala naman si Elena sa pagtingin tingin sa mga cupcakes sa table.

Hindi niya na nakayanan at dumampot na siya ng plato para kumuha ng isang pirasong cupcake. Ang saya saya niya nang mailagay na iyon sa platito niya. Akmang kakainin niya na iyon nang may magbawi ng cupcake sa kamay niya.

“Hindi ito ang pinunta mo dito,” isang matigas na boses mula sa likuran ang pumukaw ng atensyon niya.

Si Hector na naman.

Nilapag nito ng walang pag-alinlangan ang pagkain na kakainin niya sana. Nanlulumo na sumunod siya kay Hector nang hilahin na siya nito palayo.

Ilang babae ang umangat ang kilay nang tingnan si Elena mula ulo hanggang paa. Ang mga babaeng iyon ay matagal nang may pagnanasa kay Hector. Hindi inasahan ng mga iyon na hawak ng binata sa harap nila ang katulad ni Elena.

Nagtungo sila sa garden upang puntahan ng personal ang ama ni Hector.

May kausap pa ang ama nang makarating sila sa garden. Agad na umalis ang kausap ng ama ng makita nitong parating si Hector.

Katulad ng awra ni Hector may kakaibang lamig din sa awra ng ama ni Hector na nagbibigay ng kilabot sa kahit na sinong titingnan nito. May common denominator ang mga may dugong Falcon. Lalo na itong si Antonio Falcon.

Natigilan si Elena nang tumama sa kaniya ang tingin ni Antonio Falcon. Ang ama ni Hector. Agad siyang napayuko.

“Good evening.” Hindi na in-address ni Hector na Papa o ama si Antonio.

Tila kung ituring ng dalawa ang isa't-isa ay para lamang magkakilala at hindi mag-ama.

“So ito na ang sinasabi mong fiancee mo, Hector?” Binaba ni Antonio ang hawak na baso na naglalaman ng vodka.

“Yes,” matabang na sabi ni Hector.

Isang babaeng matangkad na nakasuot ng pulang night gown ang tila modelo na naglakad palapit. Namamangha si Elena nang makita ang babaeng dati sa larawan lang nakikita.

Si Farah, ang ex ni Hector.

Kamukhang kamukha ito ni Elena pero mas matangkad si Farah.

Hindi makapaniwala si Elena sa nakikita. Kamukhang kamukha niya talaga si Farah. Napalingon siya kay Hector. Kita niya ang pagtagis ng bagang ni Hector. Kita ang iritasyon sa mga mata ng binata nang makita ulit ang ex.

Napalunok siya. Hindi niya alam kung anong mangyayari ngayong gabi.

Lumapit si Farah sa ama ni Hector na si Antonio at yumakap sa braso ng asawa bago bumaling sa kanila ni Hector.

Kita niya ang bahagyang pagkagulat ni Farah nang makita siya.

“Look what my son bought us. Hindi ko inasahan na kamukhang kamukha mo ang babaeng magiging fiancee niya. Hindi ko tuloy sigurado kung naka-move on na ba talaga itong anak ko sa'yo, Honey.” May panunuya sa boses ni Antonio nang sabihin iyon bago halikan si Farah sa labi.

Sa mismong harap nila hinalikan ni Antonio ang babae. Ni hindi inisip ni Antonio ang mararamdaman ni Hector.

Gulat si Elena sa nakikita. Hindi niya lubos akalaing may ganitong uring ama na nag-e-exist sa mundo.

Napasinghap sa gulat si Elena nang haklitin ni Hector ang baywang niya upang mapalapit dito.

“Naka moved on na ako, Antonio. Hindi ako haharap dito kung hindi pa. Huwag kang mag-alala. Nakalimutan ko na ang nakaraan.” Matigas na sabi ni Hector.

Ramdam ni Elena ang palihim na pagkuyom ng kamao ni Hector. Alam niyang nagsisinungaling lang ito. Pero ang totoo mahal pa ni Hector si Farah.

Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa tensyon na lumukob sa paligid. Ramdam niya ang galit ni Hector na kanina pa pinipigilan.

“That's a good start, Darling.” nakangisi na sabi ni Farah at bumaling kay Hector.

Kung umakto si Farah ay parang walang namamagitan sa kanila ni Hector noon. Tila hindi nito nasasaktan ang binata ngayon.

At bumaling din si Farah sa kaniya matapos kay Hector at nginitian. Hindi niya magawang suklian ang ngiti ni Farah sa kaniya. Hindi niya alam kung anong iaakto sa harapan ng tatlong ito.

“I am here to tell you that, I'm gonna marry my Fiancee soon.” Biglang anunsyo ni Hector.

Gulat na napalingon siya kay Hector. Hindi ito kasama sa usapan nila. Hindi sinabi sa kaniya ni Hector na balak siya nitong pakasalan.

Pumayag siya dahil inasahan niyang hanggang Fiancee lang. Hindi ganito.

“As my father and... Ex...” Tsaka binalingan ni Hector si Farah matapos ang ama.

Nakakapagtataka ang gulat na nakapaskil sa mukha ni Farah. Tila hindi masaya sa balita ni Hector.

“I want you to attend on my wedding day soon. Iyon ang pinakarason kaya ako pumunta dito.” patuloy ni Hector.

Bumaling si Hector sa kaniya. Nanatili siyang nakatulala at hindi alam kung anong sasabihin nang hawakan ni Hector ang kamay niya.

“Here's Elena Avila, someday will become my mafia queen.” Hinalikan ni Hector ang kamay niya.

May ngiting tagumpay na nakapaskil sa mukha ni Hector habang hindi pa rin magawang iproseso ni Elena ang mga pangyayari.

Siya? Magiging asawa si... Hector Falcon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 39

    Napadapa si Luigi nang dumapo ang malakas na suntok mula kay Kunred. Balak niyang umalis sa condo niya kinaumagahan. Inagahan niya at bandang 3 AM siya nagbalot bago nagtungo sa pinto ng kaniyang condo. Iniisip niyang hindi malalaman nina Esmael na nandoon si Elena oras na umalis siya sa condo. Balak niyang lumayo at hindi na magpapakita pa. Napagsabihan niya na si Elena. Nalaman na nito ang lahat tungkol kina Kunred at sa kapatid nitong si Esmael. Ikinuwento niya ang lahat sa babae sa pamamagitan ng sulat na iniwan niya. Kaya lang saktong paglabas niya ng condo niya at nai-lock ang pinto niya'y sumalubong sa paningin niya si Kunred. Mala demonyo ang ngiti nito at bigla na lang siyang binatukan. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at na-lock niya ang condo bago siya binatukan ni Kunred. Nandoon kay Elena ang key card, iniwan niya kaya ayos lang. Masubuksan nito ang pinto at makakauwi ng ligtas.At nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili sa isang madilim na silid. Ang lamp

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 38

    “E-Elena...” nanginginig ang boses ng lalaki. Nakita niya rin ang balisa sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.Medyo pumayat si Luigi ngayon at mukhang stress na stress din. Aaminin niyang nagalit siya sa ginawa ni Luigi noong magpanggap ito bilang asawa niya. Hindi dapat ginawa ni Luigi iyon at dapat na hinayaan man lang siya nitong magdesisyon para sa sarili niya. Kaya lang kahit papaano ay nagpapasalamat siya rito dahil talagang totoo itong nag-alala sa kaniya. “P-Pwede ba akong pumasok?” anito sa nanginginig na boses.Panay ang tingin nito sa kaliwa't kanan. Parang may kinatatakutan ang lalaki. Alanganin siyang tumango. Nagtataka siya sa mga ikinikilos nito sa mga oras na ito pero iniisip niyang mas mabuti nga'ng sa loob na sila mag-usap sa ngayon upang mas maayos silang magkaharap.Nagtimpla siya ng juice para kay Luigi. Halos hindi makainom ng maayos si Luigi. Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang baso ng juice.“Anong problema, Luigi?” aniya na may pagtataka sa

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 37

    Nakagat ni Elena ang ibabang labi nang maglakad siya papasok sa mamahaling restaurant. Linggo ngayon ay nakasanayan na nilang magtungo sa restaurant na ‘yon. Kahit walang okasyon ay kumakain sila sa labas. “I-Ikaw na lang ang pumili,” aniya at binaba ang menu.Sinulyapan siya ni Hector. “Okay.”Nang dumating ang pagkain nila ay nagulat pa siya dahil lahat ng nandoon ay ang in-order niya noong nakaraan. Lahat ay naalala nito. Kahit ang inumin naalala nito.“Any problem?” usisa nito. Tila kanina pa siya nito pinagmamasdan. Napapansin nito kahit ang kakarumpot na reaksyon sa mukha niya. Umiling siya. “Wala.”Aside from that. Hector usually does his work at home. Nandoon ang lalaki sa tuwing kailangan niya ng tulong kahit na hindi niya naman iyon hinihingi. Ayaw niyang isturbuhin ito sa trabaho pero hindi niya mapigilan ito kapag gusto nitong makialam sa ginagawa niya sa garden.“Still have some stuff for your garden? May kailangan na bang bilhin?” ani Hector habang inaayos ang pot ng

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 36

    Kung ang ibang babae ay alahas, bags at kung anu-anong mamahaling bagay ang hinihingi. Si Elena ay iba. Imbes na mga iyon ay pataba sa halaman at mga pesticides ang binili nito. “She's really weird,” naibulong ni Hector habang nakatanaw kay Elena sa baba na maagang gumagawa ng mga pot kung saan pagtatamnan nito ng petchay at kung anu-ano pang gulay.He thought that Elena and Farah have the same taste and hobbies, that's fond of expensive things is a common dinaminator of all girls. Kaya binibigay niya ang mga gusto ng babae base sa mga nakasanayan niyang gusto at hinihingi ni Farah noon. But now he realizes that Farah and Elena are not the same person. They share the same face but not the personality. But think about it, he prefers this side of Elena. Tinapos niya kaagad ang meeting through his laptop. Kinuha niya ang phone at tinawagan ang secretary na isulat lahat ng napag-usapan at ire-review niya mamaya.Inilihis niya ang sleeve ng suot niyang dress shirt pataas tsaka siya umal

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 35

    Hindi umuwi si Hector sa gabing iyon. Pero nagpadala ito ng mensahe sa butler at pinapaalalahanan siyang kumain ng mabuti at huwag magpalipas ng gutom. Nagpadala rin si Hector ng strawberry cake kinabukasan. Ayaw niya sanang tikman. Ayaw niyang isipin ni Hector na nagi-enjoy siya kasama ito. Kaya kung maari ay iignorahin niya ang mga pagpapa-sweet ng lalaki. Kailangang maghirap ito sa pakikisama sa kaniya. “Hindi niyo po kakainin ngayon, Ma'am? Ilalagay ko na lang po sa ref,” ani katulong na siyang tumanggap sa pinadala ni Hector na cake.“Oo, ayoko.” Tapos ay tinalikuran niya na ang katulong. Kaya lang na-tempt siya nang dumating ang tanghali. Ang ganda kasi talaga tingnan ng strawberry cake. Feeling niya ay mukhang masarap iyon lalo pa at personalized iyon mula sa mamahalin at kilalang brand.Sinulyapan niya ang kusina. Tapos ay nagtungo naman siya sa sala. Siniguro niya munang walang tao bago niya lantakin ang cake sa ref. Dahan dahan niyang inilagay ang cake sa center island n

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 34

    Pinagmasdan ni Elena ang kisame ng silid. Inaasikaso siya ng staff ng isang kilalang derma clinic. Pinapa-laser ni Hector ang mga peklat niya na ito rin ang may gawa. Binubura nito ang mga ibedensiya ng pagiging bayolente nito. “Pambihira,” anas niya at nagbitiw ng sarkastikong ngiti.Kalakip niyon ay pait sa mga mata niya. Wala siyang ibang magawa kundi ang sumunod sa lahat ng gustong gawin ni Hector. Pakiramdam niya'y inaalisan na siya ng lalaki ng karapatang magreklamo at mabuhay ng ayon sa gusto niya.Naiinis siya sa bawat araw na nangyayari ang ganito. Ngunit kailangan niyang tiisin. Mananatili siya roon hanggang sa mapabagsak niya si Hector. “Ma’am? May sinasabi po kayo?”Natauhan siya nang magsalita ang staff ng clinic. Ngumiti siya rito at umiling. Saka nagpatuloy ito sa ginagawa. Isang buwan nang hinahatid siya ni Hector sa parehong derma. Sa paulit ulit niya roon ay malaki na rin ang naging improvement ng skin niya. Pakiramdam niya'y mas malaki pa ang maintenance niya ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status