Share

Chapter 6

Author: noowege
last update publish date: 2026-04-09 11:37:28

Mag-lipstick ka nga. Ang putla mo,” puna ni Merridet na inabot pa ang lipstick nito sa kaniya.

Ngali-ngaling tinanggap niya ang lipstick sa kaibigan. Unang beses na nag-apply siya ng make -up sa mukha niya ay noong nag-apply siya dito sa pinagtatrabahuan niya ngayon. Kailangan daw kasing maging presentable para matanggap sa trabaho.

“Ay naku! Hindi ka ba marunong mag-make up? Ako na nga!” Binawi ni Merridet sa kaniya ang lipstick at ito na ang naglagay sa kaniya. “Huwag mong ingudngod ng ganiyan. Lagyan mo lang ng kaunti para 'di ka magmukhang GRO na inumaga sa daan.”

Napangiti siya sa naging biro ng kaibigan.

“Huwag mo akong tinatawanan diyan,” sita ni Merridet. Tapos nagulat na lang siya nang biglang umiyak si Merridet. “Alam kong nahihirapan ka na, Elena. Kung may pera lang sana ako. Pero…”

At di na natapos ng kaibigan ang sasabihin dahil umiyak na naman ito. Agad niyang niyakap si Merridet.

“Ayos lang ako. Ano ka ba?” aniya at nagbitiw ng tawa.

“Nag-aaral din kasi ako. Malaki ang bayarin sa school. Sana may masobra sa susunod na sahod ko. Magbibigay ako sa'yo para sa ama mo. Comatose pa rin ang Papa mo at paniguradong malaki ang nagagastos mo.”

Umiling siya. “Ayos lang. Huwag na. May kinikita naman ako at tumutulong naman si Tiya sa gastos namin sa hospital. Itabi mo na lang iyan para sa projects mo.”

Hindi pa alam ni Hector na nagtatrabaho siya sa fastfood. Hindi naman talaga dapat malaman ni Hector ang trabaho niya. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isipan ng lalaking iyon kaya dapat wala itong masiyadong malaman sa mga activities niya. Delikado.

Hindi naman siya parating kailangan ni Hector. Tatawag ang kapag may ipapagawa sa kaniya. Isa sa bagay na pinagdarasal niyang huwag mangyari.

Kaya lang apat na araw mula noong huling tawagin siya ng binata, nasa duty pa siya. Nagulat na lang siya nang dumating ang lalaking kinakatakutan niyang dumating. Si Hector.

May dilim sa mukha nang pumasok sa kainan. Derektang tumama ang mga mata nito sa dereksyon niya.

Napasinghap at agad siyang napakapit ng mahigpit sa tray na hawak.

“Kilala mo? Hala! Ang pogi...” Nagbulungan ang mga babaeng dinalhan niya ng drinks.

“Hindi, pero my gosh! He's so hot, girl. Di ko na keri 'to.”

Napalunok siya at napayuko. Hindi niya alam kung saan nito nalaman na nandito siya. Kung pwede lang sanang tumakbo ay baka kanina niya pa nagawa.

“Gosh, girl! Mukhang papunta rito!” namimilog ang mga matang bulalas ng isang babae nang mapansin na patungo si Hector dito banda.

“Ayos lang ba ayos ko? Iyong lipstick ko, okay lang ba?” Natataranta na nag-ayos kaagad ang mga babae sa harapan niya.

Iniisip pa rin ng mga babaeng iyon na ang mga ito ang lalapitan ni Hector. Walang kamalay malay ang mga babaeng iyon.

Napalunok si Elena at mas lalong diniinan ang hawak sa food tray. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Nagwawala ang puso niya dahil sa takot.

“We have to go,” may lamig sa boses ni Hector.

Nananatili ang mata sa kaniya. Namilog ang mga mata ng mga babae nang balingan siya. Saka lang napagtanto ng mga babaeng ito na siya ang pinunta ni Hector doon.

Nagulat siya nang hawakan siya ni Hector sa kamay.

“Uy! Ano 'yan?” Aalma pa dapat si Merridet nang makitang hinihila siya palabas ni Hector.

Pero maging ang kaibigan niya ay hindi na nakalapag nang tingnan ni Hector. Isang tingin lang, tiklop si Merridet. Imbes na tulungan siya ay namula pa ang mukha ni Merridet na parang nahihiya.

Hindi niya lubos akalaing ganito kalala ang epekto ni Hector sa mga babae.

Marahas na binuksan ni Hector ang pinto sa front seat at patulak na sinakay siya doon.

Saan kami pupunta? Bulalas niya sa isipan.

Sumakay si Hector sa driver's seat at agad bumaling sa kaniya. Napaurong siya sa takot. Baka saktan siya kaya agad niyang pinansalag ang braso sa ulo niya.

Natawa si Hector. Tawa na nakakainsulto. Nanatili pa rin ang dilim sa mga mata ng binata. Inangat ni Hector ang kamay upang hawakan si Elena sa ulo.

Aaminin ni Hector na gustong gusto niya nang saktan ang dalaga. Naiirita siyang malaman na nagtatrabaho pa rin ito gayong may pinag-usapan na sila.

Pero kahit papaano'y nagustuhan niya ang resulta ng pagpapanggap nila ni Elena. Nitong umaga, nagpunta si Farah sa silid niya para dalhan siya ng pagkain. Nakakagulat na inaasikaso siya ni Farah na dati namang hindi ginagawa ng babae sa kaniya.

“That girl. She's not good for you, Hector. She looks like a gold digger. Peperahan ka lang niya.”

Naalala niyang iyon ang eksaktong sinabi ni Farah matapos siyang dalhan ng pagkain sa silid niya.

“Why do you care, Farah? Hindi mo na ako boyfriend ngayon. You have my father now. Bakit nag-aalala ka pa rin sa akin?” ngumisi siya sa babae kalakip ng nanunudyong tingin.

Bigla na lang itong humakbang palapit at hinalikan siya. Yes. Farah did kiss him. At nasasabik si Hector dahil lang sa isang halik na yun at sa huli ay pinatulan niya ito at pinalalim pa ang halik.

At tumugon siya sa halik ni Farah at...

may nangyari nga sa kanila ni Farah.

Three a.m. agad na lumipat si Farah sa kabilang silid. Sa silid ng ama niya. Sa silid ng asawa nito. Tila wala lang dito, matapos nitong makipaglaro ng apoy sa kaniya kagabi.

He just fvcked his step-mother, Farah last night...

Niloloko ni Farah ang ama niya.

Nagulat si Elena nang malaman na tutungo sila sa mall ngayon.

“What do you think?” nilingon siya ni Hector matapos ipakita ng sale's lady ang mga alahas na may matataas na kalidad.

Napalunok siya. Kahit kailan hindi pa aiya nakakahawak ng alahas na ganito kamahal. Atsaka, wala siyang hilig sa alahas.

“H-Hindi ko po alam. Ano... puros magaganda lahat.” Agad siyang napayuko.

Natatakot siyang baka mali ang maisagot niya kay Hector. Baka malagot na naman siya.

“Isuot mo sa kaniya. Will try kung magustuhan ko.”

Nagulat siya sa sinabi ni Hector. Bakit siya ang magsusuot? Panigurado naman na hindi para sa kaniya ang alahas na iyon.

“Ma'am, can you try this?” aning sale's lasy at binalingan siya.

Napalunok at nanginginig na hinawakan ang mamahaling alahas. Paniguradong mas mahal pa ang bagay na iyon kaysa sa buhay niya. Kaya ingat na ingat siya sa kilos niya.

Nang maisukat niya lahat ng gustong ipasukat ni Hector sa kaniya ay saka lang siya nakahinga ng maluwag.

“Kukunin ko lahat ng sinukat niya.” Sa hulu ay sinabi ni Hector.

Namilog ang mga mata niya. Puros matataas na kalidad ng alahas ang sinukat niya kanina. At sobrang mamahal ng mga iyon.

Ganoon ba kayaman si Hector para ma-afford ang lahat ng iyon?

Halos hindi na makapagsalita si Elena.

Kaya lang pambabae ang mga alahas na pinili ni Hector. Walang ideya si Elena kung kanino ni Hector ibibigay iyon.

.....

“Oh my goodness, Hector. You make me happy! I didn't expect that magpapadala ka ng ganito!” excited na bulalas ni Farah sa kabilang linya.

“Up until now. Alam ko pa rin ang mga gusto mo. You like them?”

“Of course!” tuwang tuwa na sambit ni Farah.

Gabi na at kilig na kilig pa rin si Farah sa mga dumating na regalo mula kay Hector. Ibinigay ni Hector ang halos lahat ng alahas na nabili sa jewelry shop. Mahilig sa mga alahas si Farah. Kaya alam ni Hector na matutuwa ang babae doon.

Sa tabi ni Hector ay ang mahimbing na natutulog na si Elena. May isang alahas na hindi niya ibinigay kay Farah. Iyon ay ang ‘sing-sing’. Sa lahat, iyon ang mas mahal at mas mataas ang kalidad.

Walang saplot si Elena sa ilalim ng kumot. Ramdam ni Hector ang init na nagmula sa katawan ni dalaga.

Dahan-dahan na kinuha ni Hector ang kamay ni Elen at dahan-dahan na sinuot doon ang sing-sing habang wala itong kamalay malay at mahimbing sa pagkakatulog dahil sa pagod.

“Mababaliw ulit sa akin si Farah. Kapag nangyari iyon, saka ko siya wawasakin. You play it well, my Elena. You play it very well,” ani Hector at hinawi ang buhok sa tainga ng dalaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 39

    Napadapa si Luigi nang dumapo ang malakas na suntok mula kay Kunred. Balak niyang umalis sa condo niya kinaumagahan. Inagahan niya at bandang 3 AM siya nagbalot bago nagtungo sa pinto ng kaniyang condo. Iniisip niyang hindi malalaman nina Esmael na nandoon si Elena oras na umalis siya sa condo. Balak niyang lumayo at hindi na magpapakita pa. Napagsabihan niya na si Elena. Nalaman na nito ang lahat tungkol kina Kunred at sa kapatid nitong si Esmael. Ikinuwento niya ang lahat sa babae sa pamamagitan ng sulat na iniwan niya. Kaya lang saktong paglabas niya ng condo niya at nai-lock ang pinto niya'y sumalubong sa paningin niya si Kunred. Mala demonyo ang ngiti nito at bigla na lang siyang binatukan. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at na-lock niya ang condo bago siya binatukan ni Kunred. Nandoon kay Elena ang key card, iniwan niya kaya ayos lang. Masubuksan nito ang pinto at makakauwi ng ligtas.At nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili sa isang madilim na silid. Ang lamp

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 38

    “E-Elena...” nanginginig ang boses ng lalaki. Nakita niya rin ang balisa sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.Medyo pumayat si Luigi ngayon at mukhang stress na stress din. Aaminin niyang nagalit siya sa ginawa ni Luigi noong magpanggap ito bilang asawa niya. Hindi dapat ginawa ni Luigi iyon at dapat na hinayaan man lang siya nitong magdesisyon para sa sarili niya. Kaya lang kahit papaano ay nagpapasalamat siya rito dahil talagang totoo itong nag-alala sa kaniya. “P-Pwede ba akong pumasok?” anito sa nanginginig na boses.Panay ang tingin nito sa kaliwa't kanan. Parang may kinatatakutan ang lalaki. Alanganin siyang tumango. Nagtataka siya sa mga ikinikilos nito sa mga oras na ito pero iniisip niyang mas mabuti nga'ng sa loob na sila mag-usap sa ngayon upang mas maayos silang magkaharap.Nagtimpla siya ng juice para kay Luigi. Halos hindi makainom ng maayos si Luigi. Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang baso ng juice.“Anong problema, Luigi?” aniya na may pagtataka sa

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 37

    Nakagat ni Elena ang ibabang labi nang maglakad siya papasok sa mamahaling restaurant. Linggo ngayon ay nakasanayan na nilang magtungo sa restaurant na ‘yon. Kahit walang okasyon ay kumakain sila sa labas. “I-Ikaw na lang ang pumili,” aniya at binaba ang menu.Sinulyapan siya ni Hector. “Okay.”Nang dumating ang pagkain nila ay nagulat pa siya dahil lahat ng nandoon ay ang in-order niya noong nakaraan. Lahat ay naalala nito. Kahit ang inumin naalala nito.“Any problem?” usisa nito. Tila kanina pa siya nito pinagmamasdan. Napapansin nito kahit ang kakarumpot na reaksyon sa mukha niya. Umiling siya. “Wala.”Aside from that. Hector usually does his work at home. Nandoon ang lalaki sa tuwing kailangan niya ng tulong kahit na hindi niya naman iyon hinihingi. Ayaw niyang isturbuhin ito sa trabaho pero hindi niya mapigilan ito kapag gusto nitong makialam sa ginagawa niya sa garden.“Still have some stuff for your garden? May kailangan na bang bilhin?” ani Hector habang inaayos ang pot ng

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 36

    Kung ang ibang babae ay alahas, bags at kung anu-anong mamahaling bagay ang hinihingi. Si Elena ay iba. Imbes na mga iyon ay pataba sa halaman at mga pesticides ang binili nito. “She's really weird,” naibulong ni Hector habang nakatanaw kay Elena sa baba na maagang gumagawa ng mga pot kung saan pagtatamnan nito ng petchay at kung anu-ano pang gulay.He thought that Elena and Farah have the same taste and hobbies, that's fond of expensive things is a common dinaminator of all girls. Kaya binibigay niya ang mga gusto ng babae base sa mga nakasanayan niyang gusto at hinihingi ni Farah noon. But now he realizes that Farah and Elena are not the same person. They share the same face but not the personality. But think about it, he prefers this side of Elena. Tinapos niya kaagad ang meeting through his laptop. Kinuha niya ang phone at tinawagan ang secretary na isulat lahat ng napag-usapan at ire-review niya mamaya.Inilihis niya ang sleeve ng suot niyang dress shirt pataas tsaka siya umal

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 35

    Hindi umuwi si Hector sa gabing iyon. Pero nagpadala ito ng mensahe sa butler at pinapaalalahanan siyang kumain ng mabuti at huwag magpalipas ng gutom. Nagpadala rin si Hector ng strawberry cake kinabukasan. Ayaw niya sanang tikman. Ayaw niyang isipin ni Hector na nagi-enjoy siya kasama ito. Kaya kung maari ay iignorahin niya ang mga pagpapa-sweet ng lalaki. Kailangang maghirap ito sa pakikisama sa kaniya. “Hindi niyo po kakainin ngayon, Ma'am? Ilalagay ko na lang po sa ref,” ani katulong na siyang tumanggap sa pinadala ni Hector na cake.“Oo, ayoko.” Tapos ay tinalikuran niya na ang katulong. Kaya lang na-tempt siya nang dumating ang tanghali. Ang ganda kasi talaga tingnan ng strawberry cake. Feeling niya ay mukhang masarap iyon lalo pa at personalized iyon mula sa mamahalin at kilalang brand.Sinulyapan niya ang kusina. Tapos ay nagtungo naman siya sa sala. Siniguro niya munang walang tao bago niya lantakin ang cake sa ref. Dahan dahan niyang inilagay ang cake sa center island n

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 34

    Pinagmasdan ni Elena ang kisame ng silid. Inaasikaso siya ng staff ng isang kilalang derma clinic. Pinapa-laser ni Hector ang mga peklat niya na ito rin ang may gawa. Binubura nito ang mga ibedensiya ng pagiging bayolente nito. “Pambihira,” anas niya at nagbitiw ng sarkastikong ngiti.Kalakip niyon ay pait sa mga mata niya. Wala siyang ibang magawa kundi ang sumunod sa lahat ng gustong gawin ni Hector. Pakiramdam niya'y inaalisan na siya ng lalaki ng karapatang magreklamo at mabuhay ng ayon sa gusto niya.Naiinis siya sa bawat araw na nangyayari ang ganito. Ngunit kailangan niyang tiisin. Mananatili siya roon hanggang sa mapabagsak niya si Hector. “Ma’am? May sinasabi po kayo?”Natauhan siya nang magsalita ang staff ng clinic. Ngumiti siya rito at umiling. Saka nagpatuloy ito sa ginagawa. Isang buwan nang hinahatid siya ni Hector sa parehong derma. Sa paulit ulit niya roon ay malaki na rin ang naging improvement ng skin niya. Pakiramdam niya'y mas malaki pa ang maintenance niya ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status