Share

XXVI - One Sided Love

Elaine's Point of View

“Ano, iha. Ayos ka pa ba riyan?” tanong ni Mommy Hacel. Nauna na kasi siyang bumaba sa sasakyan dahil hanggang ngayon ay nasusuka pa rin ako dahil sa hilo. Hindi ko kinaya ang pagda-drive niya nang mabilis, halos malagutan na ako ng hininga dahil sa kaba.

Narito kami ngayon sa harap ng isang malaking mansion. Ang sabi kasi niya ay susunduin muna namin ang dalawang makakasama namin na sina Sandra at Lexy kaya't nagtungo kami sa Reverence Street kung saan ito nakatira.

“A...a-yos lang po ako,” nauutal na wika ko bago tuluyang alisin ang seatbelt upang makababa na rin ako.

“Naku, iha. Siguradong matutuwa ang dalawa na 'yon kapag nakita ka. Hindi kasi sila nakapunta sa party dahil busy sila sa kani-kanilang trabaho,” sambit ni Mommy Hacel nang makababa na ako sa sasakyan. Sa susunod talaga ay ako na mismo ang pipigil sa kanya na hawakan ang susi ng mga sasakyan. 

Nakatatakot pala siyang ma

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status