Nakatingin ako sa labas ng sasakyan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang katotohanang kasal na ako.
"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko kay Everett na nakaupo lang sa tabi ko. Mabilis naman niya akong nilingon.
"On our house," sagot nito.
Natigilan naman ako bago ako napatingin sa singsing na nasa daliri ko. Dalawa na ang singsing na nakalagay rito, 'yong isa ay engagement ring, habang ang isa ay ang wedding ring na ibinigay ni Everett sa akin kanina.
"Puwede bang sa bahay muna ako namin umuwi ngayon?" tanong ko.
Hindi pa rin kasi alam ni Kaleigh na kasal na ako. Hindi niya alam na baka hindi ako umuwi ngayon sa bahay.
Nakita ko namang mabilis akong nilingon ng lalaking katabi ko pero hindi siya nagsalita. Bigla na lamang siyang nag-U-Turn.
Kasali kasi sa kontrata na sa iisang bahay kami titira, pero hindi ko agad naisip ang tungkol sa kapatid ko, na wala siyang kasama sa inuupahan naming bahay ngayon.
"You wouldn't want to be seen by your neighbors wearing your wedding gown," biglang sabi ni Everett kaya mabilis akong napatingin sa suot kong damit.
"Oo nga pala," sabi ko bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi. Naiwan ko nga pala ang suot kong damit kanina roon sa resort kung saan ginanap ang kasal.
Bigla namang huminto sa gilid ng kalsada si Everett bago siya bumaba ng sasakyan. Napakunot naman ang noo ko. Saan pupunta ang isang 'yon?
Narinig ko ang ilang mahinang tunog mula sa likod ng sasakyan kung nasaan si Everett.
Nasiraan ba kami ng sasakyan? "Here, wear this." halos patalon akong napatingin sa lalaking nasa harap ko. Hawak niya ang tatlong paper bag mula sa isang sikat na brand ng mga damit.
"A-Ano 'to?" naguguluhang tanong ko bago ko kinuha ang paper bag na hawak niya. Umalis naman siya sa harapan ko bago lumipat sa driver seat.
"I bought some clothes for you to wear at home," simpleng sagot niya lang sa akin bago niya muling pinaandar ang sasakyan.
"You can change your clothes at the nearby gasoline station's bathroom if you are not comfortable to change your clothes here," pagpapatuloy pa nito. Tumango naman ako bilang pagsagot.
Hindi ko alam pero biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.
"I'll charge that to your salary," biglang sabi nito kaya kaagad ko siyang nilingon.
"Ha? A-Akala ko pa naman libre mo ang damit na 'to. Akala ko pa naman..." sabi ko.
Hindi biro ang presyo ng mga damit na 'to. Paniguradong mababayaran ko na kahit papaano ang mga utang namin sa tindahan ni Kaleigh sa mababawas sa sahod ko dahil dito.
Hindi naman kumibo si Everett. Patuloy lang siyang nagmaneho hanggang sa makarating na kami sa isang gasolinahan. Kaagad akong bumaba at pumunta sa restroom habang dala-dala ang mga paper bags.
Agad naman akong nagbihis nang makapasok ako sa loob ng banyo. Matapos no'n ay tinignan ko ang sarili ko sa tapat ng salamin.
Bakas pa rin sa mukha ko ang mga make up na inilagay sa akin kanina. Napahinga naman ako nang malalim bago ako naghilamos at bahagyang sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko, para mabawasan ang pagkakulot nito.
Napangiti naman ako sa sarili ko nang makita ko na ang pamilyar na ako; walang make up, at mabigat na kung ano sa mukha.
Napatingin ako sa damit na binili ni Everett para sa akin. Isa 'yong white tshirt na sakto lamang ang sukat sa akin, pati na rin isang denim short. Binilhan niya rin ako ng sapatos na unang tingin mo pa lang alam mo ng mamahalin, at isang leather sling bag.
Napailing ako, uuwi lang kami sa bahay niya pero para akong aalis at pupunta sa kung saan.
Matapos ng mga ginawa ko sa loob ng restroom ay agad din akong lumabas dala ang mga paper bags na laman ang dress, at sandals na suot ko kanina.
Nakita ko namang nakasandal si Everett sa sasakyan niya habang may kausap sa cellphone. May hawak din siyang sigarilyo sa kaliwang kamay.
Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala. Kahapon lang nangyari ang lahat. Kahapon akala ko wala na kaming pag-asang magkapatid na makaahon pa sa paghihirap pero ito ngayon, nasa harapan ko ang lalaking nag-iisang pag-asa ko upang gumanda ang buhay namin, nasa harap ko ang nag-iisang Everett Gunner na kilala sa buong mundo.
"Done?" tanong nito na nagpabalik sa akin mula sa pag-iisip.
Tumango naman ako bago ako lumapit ng tuluyan sa kaniya. Nanatili siyang nakasandal sa sasakyan niya hanggang sa tuluyan akong nakalapit.
"Tara na?" tanong ko pero nanatiling nakatingin pa rin sa akin si Everett bago siya nag-iwas ng tingin.
Pumunta siya sa passenger seat at binuksan 'yon. Naglakad naman ako papalapit at pumasok sa loob ng sasakyan. Mukhang kahit papaano kailangan kong sanayin ang sarili ko sa ganitong bagay.
Nagpatuloy na sa pagmamaneho si Everett hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa kalsada kung saan kami unang nagkita.
"Dito na lang. Medyo malayo pa ang bahay nami---" hindi ko na natapos ang sana ay sasabihin ko nang nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa tapat ng eskenita ng bahay namin.
Nagtataka naman akong napatingin sa kan'ya. Papaano niya nalaman kung saan ako mismo nakatira?
"Papaano mo nal---wait! Saan ka pupunta?" tanong ko nang makita ko siyang akmang lalabas ng sasakyan. Kumunot naman ang kan'yang noo.
"Huwag ka na sumama. Ako na lang. Pwede ka na umuwi," sabi ko habang may pilit na ngiti. Mas lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Everett.
"Did I agreed that you're going to stay here?" tanong nito kaya napatitig ako sa kan'yang mata.
"Fetch your sister. Let's figure it out what to do with her later. I don't want her to stay on my place," sabi nito. Napasandal naman ako sa upuan ng sasakyan.
Hindi ko maintindihan ang lalaking 'to. Biglang akala mo mabait tapos hindi naman pala.
"Walang ibang mapag-i-stay-an si Kaleigh. Wala kaming kilalang kamag-anak namin," sabi ko. Hindi naman kumibo si Everett.
"Huwag ka na sumama. Paniguradong magtataka ang mga tao kung sino ka. Magulo rito at maraming basagulero," sabi ko pa bago ako bumaba ng sasakyan.
Tinignan ko pa ang magiging reaksyon niya bago ko tuluyang isinarado ang pinto at naglakad papunta sa bahay.
Patuloy lang ako sa paglalakad nang makarinig ako nang malakas na sigawan.
"Nasaan ang ate mo?! Gusto niyo ba talaga ng harass-an?!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang iyak at boses ng isang babae.
"N-Nasa trabaho po si Ate," agad akong napatakbo nang marinig ko ang boses na 'yon. Mabilis ang tibok ng puso ko habang tumatakbo papunta sa kumpol ng mga tao.
"Palagi na lang nasa trabaho! Magbabayad kayo o ipapakulong ko kayo!" sigaw muli ng lalaki.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig, at napugto ang aking hininga nang makita kong hawak sa kuwelyo ni Mang Ronie si Kaleigh habang ang mga kamay niya ay nakataas, at nakamuwestra na sasampalin niya ito.
"Mang Ronie! Saglit lang po," agad akong tumakbo papunta sa kanila at hinila papalayo sa kan'ya si Kaleigh.
"Mabuti naman at lumabas ka na. Maayos kang lumapit sa akin para mangutang, ngayong ako na ang naniningil nagtatago ka? Aba, ang tigas naman ng mukha mo pala!" pabulyaw na sabi niya sa akin.
"Babayaran ko po kayo. Kaunting araw pa po ang hinihingi ko," sabi ko.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Palagi na lang ba naming mararanasan ni Kaleigh 'to?
"Aba, dapat lang! Sa dami niyong utang wala na akong makuha pa sa mga gamit niyo! Pati ibang tao na tinatakbuhan niyo kinuha na mga gamit niyo!" sabi niya bago itinuro ang bahay na inuupahan namin.
"Kapag hindi pa kayo nakabayad, sisiguraduhin kong ipangbabayad mo 'yang kapatid mo," sabi pa nito.
"Huwag niyo talaga maisipang umalis pa sa bahay na 'yan at magtago. Hahanapin ko kayo!" pananakot nito. Ipinikit ko naman ang mga mata ko.
Tama na. Sobra na.
"Babayaran ho namin kayo! Hindi niyo ho kami kailangang takutin, at saktan! Sobra naman po kayo na pati ang kapatid ko pinakikialaman mo pa. Hindi ho kami tatakbo, magbabay---" hindi ko na naituloy pa ang sana ay sasabihin ko nang makita ko ang pag-angat ng palad ni Mang Ronie sa itaas at ang akmang paglapat ng palad niya sa akin. Agad akong yumuko at hinila patago si Kaleigh sa likod ko.
Nanatili akong nakapikit habang hinihintay ang pagdapo ng palad ni Mang Ronie sa akin. Ngunit nang hindi ko 'yon naramdaman, marahan kong iniangat ang ulo ko.
At doon, nakita ko ang isang lalaking nakatalikod sa gawi ko habang hawak ang kamay ni Mang Ronie. Nanindig ang balahibo ko sa sunod kong narinig, at sa tono ng boses nito.
"Touch my wife, and I'll f*cking blow your head's off."
Third Person's POVMabilis ang lakad ni Everett Gunner habang sinusundan ang mga lalaki na nakatingin sa kanila kanina. Wala siyang pakialam kung nasaang lugar sila o kung maraming tao.Patuloy lamang siya sa pagsunod hanggang sa tumigil ang isa sa dalawa at biglang binaril ang kaniyang kasama."Mr. Gunner," panimula ng lalaki.Tinignan naman siya ni Everett na hindi na nabigla sa kung ano mang ginawa niya."Mr. Trevor Franz is nowhere to be found. Hindi pa siya nakikita ng kahit na sino sa Nox matapos ang party ni Mrs. Gunner," sabi ng lalaki.Hindi naman kumibo si Everett. Inilabas na lang niya ang bagay na kanina pa nasa bulsa ng suot niyang pantalon at inabot 'yon sa lalaki."She's at Makati. I've decided to sent her there to keep her safe. That's the key to the villa, I'll inform my men about you so they wouldn't come after you," sabi niya.Tumango naman ang lalaki bago ngumiti. Kita ang saya at lungkot sa mga mata nito."Is she already okay?" tanong niya.Umiling naman si Everet
Kateryna's POV"I taught you basic Muay Thai moves so that you know how to protect yourself against our enemies if ever I am not around. But this doesn't mean that you could go around fighting whoever you want," sabi ni Everett na siyang dahilan ng pag-irap ko."Anong tingin mo sa akin, war freak?" tanong ko. Ngumiti naman siya bago siya natawa."No. But with that little temper of yours..." may kakaibang ngiting sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama."Okay, okay. I was just kidding," sabi niya pa bago itinaas ang kamay niya na parang sumusuko. Nandito kami ngayon sa training area nitong bahay na tinitirahan namin ni Everett. Ilang linggo na rin niya akong tinuturuan mag Muay Thai pero dahil buntis nga ako, hindi kami madalas matagal mag-training dahil iniiwasan namin na mapagod ako ng sobra."Have you remember on what do to first?" bigla niyang tanong. Tumango naman ako bago ako nagsalita."Yes," simpleng sabi ko. Pumuwesto naman si Everett sa harapan ko bago siya nag-stance."Rem
Asher's POVNakayuko ako habang nakaupo sa sala ng vacation house ni Everett. Masama ang tingin niya sa amin habang may hawak siyang baril."I put my Wife's life on your hands, then what happened? You fucking lost her," walang emosyong sabi niya habang nakatayo sa harapan natin.Tangina. Mas gusto ko pa makipagbarilan sa bente katao kesa makaharap ng ganito kaseryoso si boss."Hubby, ang OA mo! Okay naman ako," sabi naman ni Kateryna na kabababa lang ng hagdan."Right now you're fucking okay. Why did you even left these assholes to begin with? Where did you go?" mahinahon pero nakakatakot ang boses na tanong ni Everett.Mabagal ko namang nilingon si Kateryna. Simula nang magpakasal ang dalawang 'to, never ko pa sila nakitang nag-away. Kaya ngayon na nangyayari 'to sa harapan namin, hindi ko maintindihan kung ano bang mararamdaman ko."Mga kaibigan ko naman 'yong pinuntahan ko," sagot naman ni Kateryna. Napatingin naman ako kay Everett na napahilamos na ng mukha.Alam ko namang magagal
Kateryna's POVHalos kagigising ko lang kanina nang bigla na lamang akong sinabihan ni Everett na lilipat kami ng bahay. Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon, basta ang alam ko vacation house niya ang bahay na 'to."Bakit ba kasi tayo lumipat?" tanong ko habang nakaupo sa sala at kumakain ng sandwich."This is for the best," simpleng sagot lang niya sa akin kaya hindi na ako nagsalita pa. Inilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid.Simple pero elegante tignan ang buong bahay. Kagaya ng dating bahay ni Everett, manly ang interior design at para itong mini-mansion."Kanino pala 'to, Hubby?" tanong ko bago ako uminom ng tubig."Mom," simpleng sagot niya lang ulit kaya napatango ako."Are you hungry?" biglang tanong niya na naglalakad na ngayon papalapit sa akin habang may dalang bag."Hindi naman," sagot ko naman bago ko itinuro ang dala niya."Ano 'yan?" tanong ko.Tumingin naman siya sa dala niya bago niya ibinalik ang tingin niya sa akin at saka siya naglakad papunta sa center ta
Third Person's POVMaingat na naglalakad pababa ng hagdan si Kateryna dahil sa madilim na paligid. Pinakikiramdaman niya kung may mga maririnig siyang mga paggalaw."Bakit ba kasi pinatay pa ang ilaw," kunwaring reklamo niya nang makarating na siya sa baba.Si Everett naman ay nakamasid sa asawa habang sinisipat ang isang lalaki na nakasunod dito. Hindi siya maaaring gumawa ng hakbang habang hindi pa tuluyang nakakababa ang asawa dahil baka mahulog ito sa hagdan kapag ito ay nagulat.At nang tuluyan nang nakababa si Kateryna ay mabilis ng pinatay ni Everett ang ilaw at saka dahan-dahan na lumabas ng kwarto. Ni-hindi napansin ng lalaki na naglalakad sa hagdan ang presensya ni Everett na mabilis na tinakpan ang bibig niya at saka iniikot ang ulo nito.Matapos ng kan'yang ginawa ay mabilis niyang hinila ang katawan ng lalaki pabalik sa hallway ng second floor at doon niya muling tinignan si Kateryna na naglalakad sa dilim at hinahanap ang switch ng ilaw.Madilim ang buong villa kung saan
Kateryna's POVNakangiti akong nakatingin kay Asher habang nagsasalita siya. Hindi ko pa rin lubos na maisip na mafia sila."Anong tingin mo Kateryna? Sino ang mas may itsura sa aming tatlo? Sino papasa bilang si Everett?" nakangiting tanong niya kaya natawa ako."Wala," sagot ko. Nakita ko naman ang malungkot na mukha niya.Kanina pa kasi silang tatlo nag-i-impersonate. Ginagaya nila kung papaano si Everett umakto. At hindi ko mapigilang hindi matawa sa kung paano sila gumalaw."Pero kuhang-kuha ni Hunter," tawa ko.Nandito kasi kami sa sala dahil pinalabas ako ni Everett kasama nila. Ang sabi niya sa akin ay may transaction daw siyang gagawin sa loob ng kwarto kasama 'yong lalaki kanina."Wif," narinig kong pagtawag niya sa akin.Agad namang nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko siyang nakangiti sa akin. Dahil ewan ko ba, basta naiinis ako kay Everett lalo kapag pangiti-ngiti siya."Nakangiti ka na naman?!" inis na sabi ko. Kumunot naman ang noo niya."What?" nalilitong sabi ni