Share

Chapter Four

Third Person Pov

"Drigo, where is your young master?" Tanong ni Don Gustavo Rodriguez sa tauhan nito.

"Nasa kwarto po niya Don Gustavo." Magalang na sagot ni Drigo.

"Call him and tell him to come, now." Madiin niyang utos.

"Masusunod Don Gustavo."

Lumabas ito at nagderetso sa kwarto ni Finn na nasa ikatlong palapag.

Nang makarating siya doon ay agad siyang kumatok sa pintuan.

"Young master, ipinapatawag kayo ng Don." Malakas na bigkas nito.

Walang sumagot sa loob, pero sigurado na si Drigo na narinig ng kanyang amo ang kanyang sinabi kaya umalis na ito.

Maya-maya lang ay lumabas na nga si Finn. Walang emosiyon ang mukha nito habang naglalakad patungo sa opisina ng kanyang abuelo.

Nang makapasok siya doon at makita siya ni Don Gustavo ay agad nag-igting ang panga ng matanda.

"What do you think you are doing? I told you to watch and be close to the daughter of the Villanueva's. Ano at naunahan ka pa ni de Montford?" Walang paligoy-ligoy na pagkompronta agad nito sa kanyang nag-iisang apo pagkasara nito sa pintuan.

Hindi sumagot si Finn. Malamig na tingin lang ang iginawad niya sa kanyang lolo dahilan para lalong manggalaiti sa galit si Don Gustavo.

"Are you just gonna stand there? Wala kang balak magpaliwanag?"

Sa wakas ay nagkaroon narin ng emosiyon ang mga mata ni Finn, iyon nga lang parang nang-iinis naman ang tingin na iginawad niya kay Don Gustavo.

"At anong paliwanag ang gusto niyong sabihin ko? I already made it clear to you that I don't want anything to do with the Villanueva's. If you want their daughter, then why don't you marry her?" Punong-puno ng sarkasmo na sagot nito.

Namula ang buong mukha ni Don Gustavo dahil sa isinagot ng kanyang apo. Maya-maya pa ay tumaas-baba na ang dibdib nito na para bang pinipigilan lang nito ang galit na gustong umalpas.

"You are--" Nanginginig ang mga kamay na duro niya kay Finn. "an ungrateful asshole. Ito ba ang igaganti mo saakin sa ginawa kong pagtulong saiyo?"

Tumawa si Finn. Iyong tawang nang-uuyam.

"Are you fucking kidding me, old man? In what way did you help me?" He scoffed.

Don Gustavo's face flushed with anger. He stand up and in just two steps, he was now right infront of Finn who doesn't even mind that his grand-father was about to hit him.

And indeed, Don Gustavo hit him using his cany, but Finn didn't even flinch.

"You will do what I told you to do if you want my help. Didn't you want to know who killed your parent's?"

Don Gustavo smirked when Finn's eyes immediately turned red upon mentioning his deceased parent's. He succeeded to hit the vurnerable spot of his rebellious grandson.

A triumphant smile crept on his chapped lips. Kumuyom naman ng mahigpit ang mga kamao ni Finn.

He knows that he was defeated by his grandfather this time. If only he didn't need his money and power, he will never act in accordance to what he wants him to do.

"You better keep your words, old man. Don't dare to deceive me if you want your plan to succeed." Finn retorted back.

Pagkatapos nilang magkaunawaan ng tingin ay walang paalam na tumalikod at naglakad palabas si Finn sa opisina.

Hustong pagpasok niya sa kanyang kwarto ay ang pagtunog naman ng kanyang cellphone.

Hinugot niya ito mula sa kanyang bulsa at nang makitang si Rowan ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.

***********

"Grandma wants us to go home. Kapag hindi raw tayo umuwi ay humanda ka na daw mawalan ng mana."

Agad ring pinatay ni Lucas ang tawag nang marinig ang sinabi ni Finn.

Ipinagsawalang bahala niya ang sinabi nito dahil alam niyang hindi sila kayang itakwil ng kanilang lola.

Ibinulsa niya ulit ang cellphone at ibinigay ang buong konsentrasyon sa taong kanina niya pa hinihintay..

Lucas cannot fail this time. Kailangan niyang mapigilan ang taong iyon bago nanaman nito masabotahe ang kanilang mga kargamentos.

Nakakarami na ito kaya naman gigil na gigil siya na hulihin ito.

Doon siya nagtago sa pangalawang palapag ng kanilang hideout kung saan nila iniimbak ang kanilang mga kargamentos para mas madali niyang makita kong may papasok.

Maya-maya ay dumating na nga ang kanina niya pa hinihintay.

Nakasuot ito ng all black na karaniwang suot ng mga assassin. Dalawang mata lang nito ang nakikita dahil nakatakip ang buong mukha nito hanggang ulo.

Dahan-dahan itong naglalakad habang palinga-linga sa paligid. Kinausap na niya ang mga tauhan nila na umalis muna.

Mas maganda kasi kong makita nitong wala ang mga tauhan nila para akalain nito na walang nagbabantay ngayon nang sa gayon ay mas mabilis niyang maisasagawa ang paghuli rito.

Napangisi si Lucas nang pagkatapos may kalikutin ito sa scanner ay nagtagumpay itong makapasok.

Sinadya niya talagang papasukin ito,pero hindi na ito makakalabas maliban na lang kong siya mismo ang magbubukas ng pintuan.

Nang makapasok ito sa loob ay maingat na tumalon si Lucas mula sa ikalawang palapag na kinaroroonan niya at swabeng lumapag sa ibaba.

Tumakbo siya, pero sinigurado niyang magaan ang bawat pagbagsak ng kanyang mga paa sa lapag para hindi maalerto ang taong nakakulong na ngayon sa loob.

Nang nasa harap na siya ng pintuan ay itinapat niya ang hintuturo niya sa scanner para bumukas ang pintuan, pero sa pagkabukas nito ay siya namang biglang sulpot ng isang kamao na siguradong tatama sa kanyang mukha kong hindi lang siya mabilis na nakaiwas.

Napamura si Lucas sa kanyang isipan.

Aatake nanaman ito ng isang suntok, pero mabilis niyang dinakma ang kamao nito at mahigpit na pinilipit. Malakas itong napadaing.

Saglit na natigilan si Lucas ng marinig ang boses ng katunggali. Kinuha naman ng kalaban nito ang pagkakataon na iyon para sipain siya sa tagiliran.

Mabilis na nabitawan ni Lucas ang kamay nito.

Nalukot ang kanyang mukha dahil sa sakit. May sugat pa siya doon sanhi ng huli niyang misyon.

Huminga si Lucas ng malalim. Matalim niyang tinitigan ang kalaban na nakatingin rin sa kanya.

Umatake siya ng isang suntok, pero mabilis na nakaiwas ang kanyang kalaban. Nagpalitan sila ng suntok at sipa na pareho nilang naiiwasan.

Nang susuntok na naman ang kanyang kalaban ay umiwas siya at mabilis na hinila ang kamay nito at isinandig ang likod nito sa kanyang dibdib.

Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay nito gamit lang ng isang kamao niya. Nagpumiglas ito, pero kulang ang lakas nito para makawala sa kanya.

Kumunot ang kanyang nuo ng malanghap ang pabangong amoy ng kalaban.

Kanina pa may napapansin si Lucas at kailangan niyang kumpirnahin kong tama ang kanyang sapantaha kaya naman hinuli niya ang ulo nito at hinila ang saplot na nakatakip dito.

Nanlaki ang mga mata niya ng bumagsak ang mahaba nitong buhok sa kanyang mukha.

Tama nga ang kanyang hinala na babae ang kanyang kalaban.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status