Share

Chapter Five

Rowan's POV

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Nandito kami ngayon dito sa study room ni Lola at hinihintay namin siya dahil may mahalaga raw siyang sasabihin saamin.

Nacurious kami bigla ni Finn nang makitang may black eye ang kaliwang mata Lucas pagpasok niya at doon ay ikwinento na nga niya ang nangyari kahapon.

Nakakawala ng dignidad ang nalaman ko. All along, isang babae lang pala ang sumasabotahe sa mga kargamentos namin, pero hindi pa namin mapigilan o kahit mahuli man lang?

"Don't make me repeat it. Nakaka-init ng ulo." Nakasimangot na sagot ni Lucas habang dinadampian ng ice pack ang kaliwang mata nito na may black eye.

Pinapagitnaan namin siya dito sa sofa na kinauupuan namin kaya hindi niya nakikita ang natatawang ekspresyon namin ni Finn.

The imperious Lucas Gavyn Dela Cruz just got a black eye from a woman. What would our rival organization think if they find out about it?

"Pero pinsan, hindi ba at sabi mo nga nahuli mo na? Paanong nakawala?" Seryoso ang boses na tanong ni Finn, pero kitang kita naman ang naglalarong ngisi sa mga labi nito.

Nag-igting ang panga ni Lucas sa itinanong ni Finn.

"She knocked me out. That fucking woman, I will fucking make sure to kill her the next time I come face to face with her."

Hindi na namin napigilan ni Finn at sabay na kaming napabunghalit ng tawa at iyon ang naabutan ng aming lola.

"What is happening here? Ang lakas ng mga tawa ninyo. Dinaig niyo pa kaming mga babae." Nakasimangot na bungad agad nito pagpasok pa lamang niya.

Napaayos agad kami ng upo. Ito ang unang beses na tinawag kami ng aming Lola ng sabay-sabay kaya nagtataka ako kong ano ang sasabihin niya.

Nang umupo siya sa harapan ng study table niya ay itinuon agad namin ang buong atensiyon sa kanya.

Nakataas ang nuo na tinignan niya kami isa-isa at nang dumapo ang tingin niya kay Lucas ay agad na kumunot ang nuo nito.

"What happened to your eyes?"

"I bumped into my door." Sagot ni Lucas bago marahan na dinampian ulit ng ice pack ang kaliwang mata nito.

My grandmother snorted.

"And do you expect to believe it?"

"Then don't believe it." Lucas annoyingly retorted.

Our grandmother gasp in disbelief. She pointed her finger at Lucas.

"You jerk, you are talking back at me now? May ipagmamalaki ka na?"

Lucas let out a frustrated sigh. I can feel him. Our grandmother is over-reacting again.

Ibinaba nito ang ice pack sa kaharap naming coffee table at hinarap ang aming Lola.

"I am not talking back at you,okay? What I want to say is, if you don't believe me then don't." Marahan ang boses na paliwanag nito.

Napaingos si Lola, pero mukhang tinanggap naman niya ang rason ni Lucas.

"Okay fine. If you don't want to tell the truth, then I won't force you. Anyway----" Huminto ito sa pagsasalita at pinadaanan nanaman kami ng tingin isa-isa.

She leaned on her swivel chair and crossed her arms. Kami naman ay nakatingin sa kanya at hinihintay ang anumang sasabihin niya.

Our grandmother sometimes want to talk straight to the point,but there are times where she likes to leave us hanging, just like now.

Ilang minuto na ang dumaan,pero hindi parin nito sinasabi ang gustong sabihin. Para na kaming mga tanga dito na naka-upo lang at nagpapakiramdaman. Hihintayin pa yata ng Lola namin na makatulog kami dito sa kinauupuan namin bago ituloy ang sasabihin.

"La, are you going to say something or are the four of us just going to stare at each other until tomorrow?" Hindi na nakatiis na tanong ni Lucas.

"Bastos ka talagang bata ka. Dahil ginagalit mo ako, I will not make it easy on you." Singhal agad ni Lola.

"Can you just tell what you want to tell? I don't have all the time to sit here. I am a very busy person."

Nalukot ang mukha ni Lola. Lucas just hit the right spot. I am sure my grandma will start barking in the count of one, two, three---

"Busy? Ako ba ay pinagloloko mo Lucas Gavyn Dela Cruz? Busy pala ha? Okay! Dagdagan natin kong ano man ang painagkakabisihan mo." Nanunuyang sagot ni lola.

From the looks of my grandmother's face,parang hindi ko gusto ang susunod na lalabas sa bibig niya at tama nga ang hinala ko.

"From now on,you are going to handle the Dela Cruz shipping line."

Nanlaki ang mga mata ni Lucas.

"What?" Protesta agad nito.

Ako din naman magpoprotesta kapag iyan ang ibinigay na trabaho saakin. Our shipping line is the biggest asset of our family among all the businesses that was founded by our late grandfather.

Managing a very big business is not a piece of cake especially, if we are not properly trained to handle it.

We grew up having all the things we need without lifting a hand. Masiyado kaming inispoil ng Lola namin dahil siguro maaga kaming naulila at ang pagbibigay ng lahat ng kailangan namin ang nakikita niyang paraan para hindi na kami maghanap pa ng wala saamin.

She never let us interfere or forced us to help her managing our businesses kahit na alam naming nahihirapan na din siya. We knew that she is not getting any younger anymore, and the evidence is the fine lines on her foreheads as well as the few gray strands of her hair na mukhang nadadagdagan yata.

Mas kumulubot na rin ang kanyang balat hindi katulad ng dati. Siguro ay wala na siyang oras para pumunta ng saloon.

"Huwag mo akong pinapaulit. Alam kong narinig mo ang sinabi ko." Singhal ni Lola.

Hindi ko mapigilang lihim na mapangiti. Alam ko na kong kanino kami nagmana sa kasungitan.

"But La', I don't know the in's and out's of your business. Kung handa ka nang malugi edi sige, ipagkatiwala mo saakin ang negosiyo mo." Hamon ni Lucas.

Grandma's left eyebrow lifted up as she smiled sarcastically.

"Huh! And do you think I am dumb to just let you handle my business that easily? I know you would reason out so I already come up with a plan." She retorted.

"So, starting on Monday, Mr. Tanaka will personally teach you everything that you need to know about our business. I told him not to go easy on you. Kung kailangan niyang pagalitan ka at parusahan kapag nagkamali ka ay huwag siyang mangingiming gawin iyon. In business, there is no such thing as blood is thicker than water. Everything is all about money. Wala akong pakialam kong apo pa kita. Kapag hindi mo pinaghusay ang pagpapatakbo ng cruise line natin, kalimutan niyo nang apo ko kayong tatlo." Mahabang litanya nito.

"La', bakit mo naman kami dinadamay?" Agad na protesta ko.

Salubong ang dalawang kilay na sinulyapan niya ako.

"Isa ka pa." Duro niya saakin. "Kapag hindi mo sinunod ang ipinag-uutos ko saiyo ay simulan mo na ang magbalot-balot. Sinisigurado ko saiyo, wala kang makukuha saakin kahit isang kusing."

Napasimangot ako. Ano ang nakain ng aming Lola at biglang sobrang demanding niya ngayon?

I know she nagged us everytime, but it's different this time. She looks persistent and serious. Siguradong kapag hindi kami pumayag sa gusto niya ay tototohanin talaga niya ang kanyang pagbabanta.

"And what about Finn?" Hindi ko napigilang itanong.

Ang lagay e kaming dalawa lang ba ni Lucas ang mapeperhuwisyo?

"As for Finn, pag-iisipan ko pa."

Sabay na nalukot ang mukha namin ni Lucas. Bakit niya pa pag-iisipan kong pwede namang ipahawak niya din sa kanya ang iba sa negosyo namin?

"La', anong pag-iisipan? As you have said, you have too many businesses. Why don't you let him handle one of them?" Lucas suggested.

"Aba Lucas, mas marunong ka na saakin ngayon? Kapag sinabi kong pag-iisipan ko, pag-iisipan ko." Halos umusok ang ilong na sagot ni Lola.

Binigyan namin ng isang matalim na tingin si Finn nang bigla itong bumunghalit ng tawa. Mukhang tuwang-tuwa ang gago na kami lang ang mahihirapan.

"I can't believe that you are favoring Finn. Apo mo din kami, bakit kami lang ang mahihirapan?" Parang bata na pagmamaktol ko.

Our grandmother sigh heavily. Biglang parang naging pagod ang itsura nito.

"I am not favoring anyone of you. All of you are my grandson. You knew that I raised you equally. Walang nadehado ni isa sainyo. Hihilingin niyo palang ang isang bagay ay naibigay ko na. I'm sorry if I became too demanding this past few days. Hindi na ako bumabata. Ang gusto ko bago man lang ako umalis sa mundong ito ay makita ko kayong nasa mabuting kalagayan. I want all of you to become responsible so you can stand on your own without relying to anyone. Sino ba ang magmamana sa lahat ng kayamanan ko kong hindi kayo ring tatlo? Iyon lang kong may ibang anak ang mga magulang niyo sa labas. Mapag-uusapan naman iyon." Biglang liko na turan ni Lola.

Okay na sana. Maiiyak na kami sa napakahabang talumpati niya, pero nang marinig namin ang huling sinabi niya ay sabay-sabay na nalukot ang mga mukha namin.

Our grandmother really knows how to joke in a very serious moment. Pero mas okay na din naman iyon. Sa paraan kasi ng pagsasalita niya ay parang nagpapaalam na siya.

We love her very much and we will never get ourself ready if ever something happen to her.

"Hey pinsan, are you going out tonight?"

Naantala ang pagpasok ko sa aking kwarto nang marinig ang tanong ni Finn.

"No! I need to ready myself. May pasok na ako bukas." Pagtanggi ko.

"Talagang seryoso kang magtrabaho sa Cabrera Hotels?"

Bumuntunghininga ako.

"As you've heard yesterday, grandma didn't gave me a choice."

"Alright. Kung ganoon hindi ka muna magagawi sa ating hideout pansamantala?"

"Hindi. Kayo muna ni Lucas ang bahala. Ituloy niyo ang mga naantala nating mga operasiyon. We cannot afford to fail. Kailangan nating magmadali before eveything gets worse. For the meantime, I'll leave all the decisions to the two of you." Sagot ko.

"Anong kami ang bahala ni Lucas? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Lola? He will handle our shipping line."

Oo nga pala. Napangisi ako nang may mapagtanto ako. Humarap ako sa kanya.

"It seems like ikaw lang pala ang walang gagawin ngayon. Handle the Rousoo organization then.

"What? No!" Agad na pagtutol nito.

"Yes, you will Kohenn Finn Dela Cruz." Ngingisi-ngising sagot ko bago siya tinalikuran at pumasok sa kwarto ko.

Nagderetso ako sa bintana upang sumilip sa labas nang makuha ng aking atensiyon ang isang babaeng papalabas sa katapat naming bahay.

What is she doing? Para siyang tanga sa itsura niya.

Nakahoodie kasi ito na halos matakpan na ang buong mukha. Hapon na at papalubog na ang araw kaya bakit siya nakasuot ng shades?

Napakunot ang nuo ko ng biglang buksan nito ang payong na dala at ginawang pantakip sa daraanan nito.

She looks really weird. What is this woman up to?

Idinukwang ko ang ulo ko palabas ng bintana para tignan kong umuulan ba, pero hindi naman.

Napailing-iling ako.

Nang mawala siya sa paningin ko ay nagpalit ako ng damit at lumabas ng bahay.

Tumawid ako sa kalsada at tinungo ang bahay na katapat ng bahay namin.

Nagdoorbell ako at inulit ko ulit dahil walang lumabas upang pagbuksan ako.

Sa pangalawang pagkakataon ay may lumabas na isang gwardiya.

Sinabi ko ang pangalan ko at nang marinig niya ay agad niyang binuksan ang gate.

Iginaya niya ako hanggang sa bungad ng pintuan ng mga Cabrera.

May pinindot siya sa kanyang walkie talkie at ipinaalam sa sumagot sa kabilang linya na nandito ako.

"Maiwan ko na kayo dito, Sir. Parating na ang tinawagan ko para pagbuksan kayo ng pintuan." Pagbibigay-alam niya saakin.

Hindi naglipas saglit ay may nagbukas na nga ng pintuan.

"Where is Mr.and Mrs. Cabrera?" Tanong ko agad nang makapasok ako sa loob.

"Maupo muna kayo diyan Sir at tatawagin ko lang sila." Magalang na sagot ng maid.

Umupo nga ako sa parihabang sofa at hinintay ang pagdating ng mag-asawa.

Iginala ko ang tingin ko sa marangyang loob ng bahay ng mga Cabrera's. I've been here in my teenager years kapag may party na nagaganap dito. Naalala kong palagi kaming iniimbita ng mag-asawa at sila pa ang personal na pumupunta sa bahay namin.

Huminto lang ako sa pagpunta dito nang nasa kolehiyo na ako dahil sa syudad ako nag-aral at minsanan na lang akong umuwi noon.

Wala paring nagbago dito sa loob. It was still classy and grandiose as what I've remember.

"Hijo!" Masayang sambit ni Mr.Cabrera nang makita ako.

Tumingin ako sa likod niya at napag-alamang mag-isa lang siyang sumalubong saakin.

Tumayo ako at hinintay ang kanyang paglapit.

"What brings you here? Nalate ka nang pagpunta. Kalalabas lang ni Yanna."

Nang umupo si Tito sa katapat kong sofa ay umupo na rin ako.

Sasabihin ko sanang nakita ko ang anak nila papalabas, pero mas minabuti kong huwag na. Hindi naman siya ang ipinunta ko dito sa bahay nila.

"I came here for another reasons Tito." Paglilinaw ko dahil baka kong ano pa ang isipin niya.

"Ano ka ba. Call me daddy, tayong dalawa lang naman ang nandito." Nakangiting suhestyon niya.

Alanganin akong napangiti. We didn't held a formal wedding so it's akward to call him that.

"A-anyway d-dad---" Halos hindi ko masabi ng buo ang gusto kong sabihin dahil nauutal ako.

Shit! What the hell am I thinking?

Bakit pa kasi ako pumunta dito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status