Home / Mafia / The Mafia's Fake Wife (SPG) / A Deadly Consequence

Share

A Deadly Consequence

Author: OraPhici
last update publish date: 2026-02-11 15:33:25

HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA

“AHH! TULONG! TULONG!” malakas na sigaw ko habang tumatakbo papunta sa bahay ko.

Lumakas na ang pagbuhos ng ulan. Wala akong kapitbahay at hindi ko rin alam kung may makakarinig ba sa akin.

Hindi na rin ako lumilingon pa pabalik dahil sa takot ko sa pogi—este sa killer na ngayon ay siguradong hinahabol ako.

“Lord!” naiiyak na sigaw ko. “Bakit parang lumalayo ang bahay ko?!” Kanina pa ako tumatakbo, pero bakit parang hindi ko halos maabot ang bahay ko?

Nauubo na ako habang tumatakbo, at halos lumuwa ang mga mata ko nang bigla na lang akong madulas sa putikan.

“ARGHHH!” daing ko nang bumagsak ako't napahiga sa putikan.

“Shit! Shit!” sigaw ko nang mapagtanto ang nangyari. Nabitawan ko ang cellphone, pero ang pala na hawak ko sa isang kamay ko ay hindi.

Akmang tatayo na ako nang maramdaman ko ang paglapat ng kung ano sa likod ng ulo ko. Natuod ako sa kinauupuan ko. Malakas ang tibok ng puso, at hindi na makagalaw dahil sa takot.

“Please, please! Marami pa akong pangarap, Lord,” mahina kong dasal.

Malakas ang ulan, kaya kung mayroon mang sinasabi ang lalaking nasa likod ko ay hindi ko 'yon maririnig—or so I thought...

Dahil tila pinantayan ako nito at bumulong sa gilid ng tenga ko.

“Who sent you?” mas malamig pa sa ulan ang boses niya.

Nanginginig na umiling ako, mariin din akong nakapikit. “H-Hindi ko alam—wala akong alam!” Dahan-dahan kong inangat ang kanang kamay ko atsaka tinuro ang direksyon ng bahay ko. “N-Nakatira ako ‘don!” takot na takot kong sigaw.

Mahina itong tumawa. Kahit ang tawa niya ay mala-villain sa isang pelikula! Nakakakilabot.

“I am not dumb, woman...”

Umiiling-iling pa rin ako nang mas idiin niya ang kursilyo. Nakatapat na ito sa leeg ko, hindi na sa ulo.

“N-Nagsasabi lang ako ng totoo...” umiiyak na sa halos bulong kong sabi.

Pero mukhang walang plano ang lalaking 'to na pakinggan ako dahil nakaramdam ako ng hapdi sa leeg ko kung saan nakadampi ang kutsilyo na hawak niya. Mukhang papatayin niya talaga ako.

Pero hindi ako papayag! Hindi pwede, marami pa akong gustong gawin sa buhay!

Bumaba ang tingin ko sa pala na hawak pa rin pala ng kaliwang kamay ko. Bigla na lang akong nabuhayan ng loob at tila ba'y bumalik ang lahat ng lakas ko na nawala kanina.

Inuntog ko ang ulo ko sa mukha niyang nasa likod ko, dahilan para lumawang ang pagkakahawak niya sa akin at makawala ako sa kaniya. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras, dahil kaagad ko na ring ginawa ang plano ko.

Nakapikit ako dahil sa takot sa gagawin ko. Pero malakas ko pa ring hinampas ng pala ang ulo ng lalaki. Malakas 'yon, sobrang lakas. Ramdam na ramdam ko ang paglapat ng pala sa mukha niya, at nakapikit lang ako nang gawin ko 'yon.

“P-Please... please...” dasal ko sa isipan ko. Nakapikit pa rin ako, walang sumaksak sa akin. Kaya naman ay dahan-dahan ko nang minulat ang mga mata ko.

Tila ay tumakas ang dugo mula sa ulo ko. Namutla ako at nabitawan ang palang hawak ko na puno ng dugo. Natakpan ko na lang din ang bibig ko dahil sa gulat, atsaka ako naiyak.

“A-Ahhh! Hindi ko sinasadya—oh my God! A-Anong gagawin ko?!” takot na takot kong sabi.

Ang lalaking kanina lang ay balak rin akong patayin ay nakahandusay na sa lupa. Duguan ang ulo at walang malay.

“B-Buhay pa ba siya?” naiiyak na tanong ko na lang sa sarili ko.

Lumuhod ako atsaka hinawakan ang dibdib niya. “Ang tanga mo sa part na 'to self!” sermon ko sa sarili ko.

Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang dibdib niya, pero hindi ko maramdaman ang tibok ng puso niya. Mas lalo akong natakot at nataranta.

Tumayo ako at mabilis na tumakbo papunta at papasok sa bahay. Hindi ko pa halos maipasok ang susi sa kandado ng pintuan ko, kaya in the end ay nasa labas lang ako atsaka pabalik-balik ang paglalakad.

“Oh my God... nakapatay ako—nakapatay ako ng killer din. No! Hindi 'yon ang point, shit! Sorry Lord! Sorry!” naiiyak na sigaw ko.

Hindi ako makapagisip ng maayos, mabuti na lamang ay narinig ko ang kahol ng aso kong si Ace mula sa loob ng bahay. Nabalik ako sa huwisyo dahil 'don.

Pumikit ako atsaka humugot ng malalim na hininga bago ay binuga ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay tinignan ko ang kamay ko na nanginginig pa rin dahil sa pinaghalo-halong emosyon.

Isa lang ang paraan na naiisip kong gawin ngayon... connecting, I needed to use my connection to get out of this situation.

Bumalik ako sa pwesto ng lalaki, pinulot ko ang cellphone ko na nabitawan ko. Basang-basa ito, at mukhang hindi na gagana. Kaya naman ay napilitan na akong pumasok sa bahay para kunin ang home telephone.

Pinindot ko ang mga numero ng taong tatawagan ko. Nakapaskil pa sa pader gamit ang sticky notes ang number nito. Mabuti na lang ay naisipan kong ilagay 'yon, dahil kung hindi ay hindi ko siya matatawagan ngayon.

“Please, sagutin mo...” nagmamakaawa ko nang bulong.

“Hello?” Nabuhayan ako nang marinig ang boses niya mula sa kabilang linya.

“P-Pa—I mean, Mr. G-Governor...” nauutal kong panimula.

“Heraiah? What's wrong? Matagal-tagal rin mula nang huli mong pagtawag sa akin.”

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. “I-I need your help... please, pumunta ka rito sa b-bahay. I... I saw someone, killing another man—a-and that killer, I killed him. I killed him! A-Ayaw kong makulong, pa!” umiiyak na sabi ko.

Tumahimik sa kabilang linya, kaya akala ko ay na-cut off ang connection. Pero ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita.

“Wait there, I'm on my way.”

Literal na nanghina ang tuhod ko after kong marinig ang sagot niya. Napaluhod pa ako sa sahig at umiyak na naman.

Hindi ko na nagawa pang linisin ang sarili ko dahil sa kaba na nararamdaman ko habang hinihintay sila. Nakasiksik lang ako sa gilid, habang ang aso kong si Ace ay nakahiga rin sa gilid ko para i-comfort ako.

Nang makarinig ako ng ingay sa labas ay saka lang ako nagkaroon ng lakas para tumayo. Patakbo anong lumapit at lumabas ng pintuan. Bumungad sa akin ang tatlong kotse na nakaparada mismo sa harap ng bahay ko kaya kinabahan ako.

Puro itim na kotse, halatang mamahalin. Lumabas din mula 'don ang mga lalaking nakasuot ng kulay itim na suit. Tipong kahit bumubuhos ang ulan ay naka-formal attire pa rin sila kaya naman mas lalo akong kinabahan.

“Heraiah.”

Napalingon ako sa taong nagsalita. It was him—my dad. Lumabas siya mula sa isa sa mga kotse, naka-formal attire 'rin gaya ng iba.

“N-Nasaan na po 'yung b-bangkay?” nauutal na tanong ko sa kaniya.

Sasagot pa lang sana siya nang may mga lalaking may buhat na stretcher ang lumakad palapit sa amin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bangkay ng lalaking hinampas ko ng pala. Naguguluhang tumingin ako sa ama ko.

“B-Bakit—”

“I'll explain everything later, ija. For now, clean and dry yourself first. Baka magkasakit ka.”

Tumango na lang ako atsaka hindi na umangal pa. Agad ko nang ginawa ang sinabi niya, umakyat na ako sa second floor ng bahay para maligo sa banyo ng kwarto ko dahil may mga tao sa baba.

“He was one of my men, Heraiah.”

Napantig ang tenga ko matapos marinig ang sinabi ni papa. “P-Po?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Nakaupo kami dito ngayon sa sofa ng muntik kong salas. Habang may mga tao na pabalik-balik na umaakyat sa second floor ng bahay. Dahil pinasok nila ang killer, sa kwartong katabi ng kwarto ko sa taas! Well, dalawang lang naman ang kwarto ng bahay na ito.

“You see, I'm a governor. I have men, lots of men na nagtatrabaho para sa akin for different purposes. And him..?” Sumimsim siya sa baso ng kape na hawak niya. “He was one of those who work for—”

“He kills people... for you,” bulong ko nang maintindihan ko na ang sinasabi niya. Tumitig ako sa mga mata niya, at tumango naman siya sa akin bilang pagsangayon sa sinabi ko.

“His name was Thaddeus Vitale, he's a Russian.”

“No dad—hindi ko kailangang malaman ang pangalan niya, what I wanted was to know ay kung bakit... bakit niyo siya nilagay sa kabilang kwarto?!” singhal ko, dala na rin siguro ng pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

“You don't understand, hmm?” seryoso niyang sabi. Nilapag niya na ang baso sa lamesang nasa harapan namin.

“I want you to look after him, Hera. You're going to take care of him while he's bedridden. You're going to hide him, keep him alive and never ask why.” Seryoso ang tono ng boses niya habang sinasabi 'yon kaya nakaramdam ako bigla ng takot. Nawala kasi ang lambing ng boses niya, nagbago ang aura at tila ba ay naging ibang tao siya.

“B-Bakit ako? I-I wanted to live a n-normal life...”

“Because it is you who put him into coma, Hera. Dahil sa nangyari ay nagkanda-letche ang trabaho namin! This is what I wanted you to do, unless gusto mong makulong?”

My father's words scared me. Kaya hindi na ako nakaimik pa. Kinabukasan, I realized that I am now living with a psychopath nextdoor. Isang comatose na lalaki, na ang simpleng posibilidad ng pagising niya ay nagbibigay na kaagad ng takot sa buong sistema ko.

Please, please don't wake up!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mafia's Fake Wife (SPG)    Never?

    HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTAHindi ko na halos maimulat ang mga mata ko ngayon dahil sa sobrang antok. Talagang mahigit dalawang oras na ang nakalipas pero heto pa rin si Zeus at patuloy pa rin sa pagtatanong sa akin. Napaka-energetic niya, siguro kasi puro tulog ang ginagawa niya? Nakatalikod na ako sa kaniya habang nakahiga ngayon, kanina ko pa sinasabi na inaantok na ako. Pero kapag malapit naman na akong makatulog ay saka naman siya magtatanong ulit. Kaya heto ako ngayon, pilit na lang na ginigising ang sarili atsaka inaantok na sinasagot ang mga katanungan niya. “Totoo ba talaga ang sinasabi mo, Hera? Never kitang na-satisfy sa kama noong honeymoon natin? Talaga bang mabilis akong natapos?” tanong niya sa akin sa kaparehong tanong for the twentieth time! Oh God, dapat yata ay hindi na ako nagsinungaling masyado. Edi sana ay nakatulog na kami pareho ngayon. Nagtatanong kasi siya sa akin kanina about honeymoon namin noon—na isa lang nam

  • The Mafia's Fake Wife (SPG)    Please, Sleep Now

    HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA Finally! Finally! Finally, nakauwi na rin kami, jusko! Halos sumalampak na ako sa sahig dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko ngayon. Nakayuko pa nga ako atsaka nakatukod ang dalawang kami sa magkabilang tuhod habang habol ang hininga.“Hera, you look exhausted,” biglang sabi ng kasama ko kaya napatingala ako sa kaniya. Naka-poker face lang siya habang nakababa rin ang tingin sa akin. Kaya naman ay nginitian ko lang siya.“Y-Yeah...” tanging sagot ko, but deep inside ay halos magwala na ako. Habang naglalakad kasi kami pabalik kanina, ay napakaraming katanungan ni Zeus. Talagang pagkatapos kong tanungin ang una, ay tatanungin niya na naman ulit ako. Minsan pa nga ay hindi pa ako nakakasagot pero magtatanong na siya ulit kaya hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. “Napagod ka talaga sa paglalakad na 'yon? Hindi naman ganoon kalayo ah? Mukhang mahina mas mahina pa ang katawan mo kesa sa

  • The Mafia's Fake Wife (SPG)    Home

    HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA Nakatulala pa rin ako habang nakatingin Kay Zeus. Talagang natuod ako sa kinatatayuan ko't nagsimula nang mangatog ang tuhod ko. “Get a grip, Hera! Kailangan nating pabalikin sa bahay ang lalaking 'yan!” pagkausap ko na lamang sa sarili ko sa loob ng isipan ko. I took a deep breathe and tried to calm myself. Dahan-dahan akong ngumiti na mayroong halo nang pagaalala bago ako nagsalita. “A-Anong ginagawa mo rito, Zeus? Hindi ka pa pwedeng lumabas, nahimatay ka last week diba? H-Hindi ka pa nga makakilos ng maayos, bakit kaya bakit andito ka?” Hindi na siya ulit nagsalita pa, nakatitig lang siya sa akin at tila ba ay hinihintay ang mga susunod kong sasabihin at gawin. Kabado man, ay dahan-dahan na akong naglakad papalapit sa kaniya habang nagsasalita. “Halika na, put that damn chicken down and let's go back inside. Hindi ka pwedeng magtagal dito sa labas, baka kung anong mangyari sayo—” Naputo

  • The Mafia's Fake Wife (SPG)    Where the Fuck Have You Been?!

    HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA Malakas na bumuga ako ng hininga habang nakahalumbaba ako sa office table ko. Lunch break na, pero heto pa rin ako't malalim ang iniisip at walang balak na mananghalian. Hindi na kasi mawala sa isipan ko ang mga narinig ko sa usapan ni papa at Mr. Stanley last week. Talagang halos dalawin na rin ako sa panaginip ko ng mga sinabi ni papa. Magmula 'non ay hindi na mapakali ang utak ko at halos hindi na rin ako makapag-focus sa mga ginagawa ko rito sa office. Tipong napapatulala na lamang ako bigla kapag biglang naalala ko ang mga nangyari 'nong gabing 'yon. It's clear na hindi maganda ang intensyon o kung ano mang plano ni papa. Sa paraan pa lang ng pagkakasabi niya at tila ba hindi pagsangayon ni Mr. Stanley, ay ramdam ko na. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit gusto niyang hindi bumalik ang ala-ala ni Zeus. At kung ano ang maaaring ginagawa ni Mr. Stanley kay Zeus, para nga makasiguro na wala itong memorya ng nakaraan niya. Hindi ko rin maintind

  • The Mafia's Fake Wife (SPG)    Her Father's Secret

    HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA Oh my God! Oh my God! Anong gagawin ko? Nanghihingi siya ng kiss sa akin—oh fuck! Paano ko hahalikan ang lalaking 'to? Pagtayo pa nga lang sa harapan niya ngayon ay kinanginginig na ng tuhod ko, paano pa kaya itong gusto niyang pag-halik ko sa kaniya? Hindi ko napansin na nalunod na pala ako sa malalim na pagiisip, nabalik lamang ako sa huwisyo nang muling nagsalita si Zeus.“What? You have enough and can't even kiss your husband anymore?” aniya sa nakakakilabot na tono. Mabilis akong umiiling-iling atsaka pilit na ngumiti. “H-Hindi ah! T-This is just too sudden, Zeus,” halos pabulong kong saad atsaka hinahanap ang susunod na mga salitang dapat kong sabihin. Agad na nagsalubong ang kilay niya, tila kinukwestyon niya ang mga sinabi ko. “Isang taon akong walang malay at nakahiga lang sa kama. Could it be that sa isang taon na 'yon ay naglaho na ang pagmamahal mo para sa akin?”Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. “Ano ka ba! Hindi shempre, saan mo ba nak

  • The Mafia's Fake Wife (SPG)    Prove It

    HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA Tanging ang malakas na tunog ng pagtibok ng puso ko na lamang ang naririnig ko nang makarating ako sa bahay. Talagang kinailangan ko pang magsinungaling about sa sitwasyon dito sa bahay para lang payagan akong mag-half day na pasok sa trabaho. Kahit nga si Alex ay tinadtad ako ng mga katanungan dahil alam niyang hindi ko gawain ang ganito. Pero sa panahon ngayon, ay mas mahalaga ang buhay nina Mr. Stanley kesa sa trabaho. Who knows kung ano ang kayang gawin ni Zeus kapag nakawala na siya mula sa pagkakatali nila. Pagtadating ko pa lang sa harap ng bahay ay bumungad na sa akin ang dalawang nakaparada na itim na kotse na talaga namang halatang mamahalin. Sinalubong din ako ng mga tahol ng aso kong si Ace na kasalukuyang nakakulong sa kulungan niya.Napabuntong hininga ako nang nakatayo na ako sa harap mismo ng pinto. Bumaling pa ako sa kay Ace dahil patuloy siya sa pagiingay na tila ba ay inaagaw niya ang atensyon ko. Ngumiti ako sa kaniya. “Hello, baby. Don

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status