LOGINHERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA
“Hera! Hera!” Halos mapatalon ang puso ko dahil sa biglaang malakas na sigaw na narinig ko. Agad na nangunot ang noo ko nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses. At ayon, nadatnan kong tumatakbo palapit sa akin ang kaibigan kong bakla. “Alex! Why are you yelling like that? Jeez, you nearly gave me a heart attack!” sigaw ko pabalik sa kaniya nang makalapit siya. Huminto siya eksakto sa harapan ko. “J-Just… let me catch my breath!” aniya habang kapos ang paghinga't nakatukod pa ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod niya. Napapailing na lamang ako habang nakatayo at mayroon hawak na pang pala ng lupa. Kanina pa kasi ako nagbubungkal ng lupa para makapagtanim ng seedlings na nakalapag at handa ng itanim sa tabi ko. Tumayo naman na siya ng maayos. “Hoo! Okay na!” aniya habang pinupunasan pa ang pawis na tumutulo sa noo niya. Talaga namang papawisan siya ng sobra. Tirik na tirik ba naman kasi ang araw dahil tanghaling tapat, pero ang lokong bakla na 'oto ay hindi man lang nagsuot ng sumbrero o nagdala ng payong. Ang katwiran niya naman kasi ay kasing kapal naman daw ng kalabaw ang balat niya kaya hindi eepekto, pero heto siyang hingal na hingal. “What’s the rush? You look like you ran all the way here,” tanong ko habang kunot pa rin ang ulo at nakatingin sa kaniya. “Kalerki, Hera!” Sigaw niya bigla pagkatapos ay tumalon-talon at hindi pa mapakali na parang isang bulateng binudburan ng asin. Malaking tao si Alex, board ang shouldered at maganda ang build ng pangangatawan dahil naggi-gym siya. Moreno rin sya tulad ng mga normal na tipo ng babae. In short, “pogi” na talagang kinagigiliwan ng mga babae diyan sa tabi-tabi. Wala naman kasi talagang makakahula o makakaalam na bakla siya dahil tinatago niya 'yon at hindi siya lantad dahil strict ang parents niya. Galing kasi sa mayamang pamilya 'to si Alex.. Napangiwi na lamang ako sa itsura niya ngayon. Nandidiri dahil ang laki-laking tao pero napakalambot sa harapan ko. “Saka ka na magmukhang bulate diyan, kanina pa ako nagtanong ah? Talagang hindi mo sasagutin at hihintayin mo pa yatang lumubog ang araw?” Taas-kilay na tanong ko sa kaniya. Inirapan niya naman ako atsaka umayos na ng tayo na para bang aping-api siya sa sinabi ko. “Your dad! Oh my god, shit—ang hot niya talaga in person, girl! Nakakabaliw. I swear I could die just looking at him! Parang ang sarap niyang i-blowjob!” hiyaw niya at kilig na kilig pa rin. Nalaglag naman ang panga ko dahil sa sinabi niya. “You filthy thing! Nakaparumi talaga niyang bibig mo! Kita mong nasa public place tayo!” sermon ko sa kaniya habang hinahampas pa ang bicep niyang sinasadya niya pang i-flex at tumataas-taas pa ang kilay. Sandali pa kaming nagharutan bago ako muling nagsalita. “Pero seryoso? Andito siya?” tanong ko na gamit nag Tumango naman si Alex. “Oo, girl. Kasama niya si Mayor, mukhang nagpapalakas na naman siya ng pangalan dahil malapit na ang eleksyon.” . Napabuga na lamang ako ng mabigat na hininga pagkatapos ay bumalik na sa ginagawa kong pagpapala ng lupa. "Haluh?! Trabaho ulit? Wala ka bang balak na mag-hi man lang sa Governor Daddy mo?” Matalim ko siyang tinignan bilang sign na manahimik siya. “Oh right... secret nga pala, my bad.” Nag-peace sign pa siya sa akin. “Fine, fine! Bahala ka nga 'diyan. Kalerki! Oh siya, balik na ko 'don sa area namin. See you na lang mamaya sa munisipyo!” Tumango ako atsaka pinanuod na lamang siyang tumakbo papalayo mula sa pwesto ko. Tama ang sinabi niya, I really am our province's Mr. Ybalanque's daughter, pero wala akong balak na ipaalam 'yon sa maraming tao. In fact, kami lang ni Alex ang nakakaalam 'non pati ang mga tao na noon ay present sa lamay ni mama seven years ago. Lumaki kasi akong wala ang presensya niya sa buhay ko. Nakilala ko lang siya 'nong huling lamay ni mama dahil bigla siyang pumunta sa bahay at pinakilala ang sarili niya bilang ama ko. In-explain niya rin sa akin kung bakit, at 'yon daw ay dahil anak ako sa labas—kami ay mga sampid o ang ‘other family’ ika nga nila. Hindi ko alam ang buong details, pero naiintindihan ko naman ng sitwasyon. Masuwerte na ako't bumawi siya para sa mga panahon na wala siya noon. Dahil wala nga akong ibang maasahan dahil hindi naman mababait ang mga kapatid at kamaganak ni mama ay si Mr. Ybalanque—si papa ang tumulong sa akin. Pasekreto niya akong pinaaral, binibigyan ako ng allowance at sariling tirahan. Now that I'm twenty four, at may stable nang trabaho sa munisipyo ng bayan namin bilang isang Agriculturist—hindi ko na kailangan ang pera niya. Pero nag-insist pa rin siyang sa akin na ang bahay na binigay niya. Pero hindi naman makapal ang mukha ko't nakararamdam pa rin ako ng hiya kaya naman ay pinilit ko siyang magbabayad ako sa kaniya bilang renta. Kumbaga nirerenta ko ang bahay. — “Heraiah! Come on, you’ll miss the ride!” rinig kong sigaw ng isa sa mga kasamahan ko. “Oo! Sandali lang! patapos na!” sigaw ko naman pabalik. Sa wakas, tapos na rin ang tree planting na project ng munisipyo. Mayroon kasing free scholarship ang mga college students dito sa bayan namin, at ang kapalit lang ay mag-volunteer sila sa pagtatanim ng puno taon-taon. “Bilisan mo naman!” sigaw na naman ng pamilyar na boses, walang iba kundi si Alex. Napairap na lamang ako atsaka kinuha na ang shoulder bag ko, pati na rin ang pala na bagong bili pa. Napakamahal nito! Kaya Wala akong balak na iwan 'to. Mawala ko na ang lahat, 'wag lang 'to. Agad na rin naman akong sumakay sa pickup truck na pagmamayari ng rescue team ng bayan. “BYE GUYS!” Pagpapaalam ni Alex sa mga ka-office mates namin na kakapasok lang sa bus na sasakyan nila pauwi. “Ingat kayo!” sigaw ko rin habang kumakaway sa kanila bago humarap Kay Alex. Bumuntong hininga siya. “Tangina! Nakakapagod na naman ngayong araw!” Pareha kas kaming naghihintay ng sasakyan dito sa waiting shed na nasa tapat lang ng municipal hall. “Hoy, 'don ka na lang kaya matulog sa amin?” bigla ay pag-aya niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Why would I? Ang laki-laki ng bahay ko, baliw. At isa pa, hinihintay ako ni Ace sa bahay,” tuloy ko sa alaga kong aso. Napakamot naman siya sa ulo niya bago ay lumingon-lingon pa sa paligid. “Girl, nagaalala lang ako. Anong oras na oh? Kalerki naman kasi 'yang bahay mo 'eh. Nasa kalagitnaan pa ng bukid at talaga namang wala pang streetlights papasok! Ang dami-daming pwedeng pagtayuan ng bahay, bakit naman kasi 'diyan pa na halos wala kang kapitbahay!” Natawa naman ako dahil sa sinabi niya pagkatapos ay kinurot ang braso niya. “Ow! Really? I’m trying to be concerned here!” reklamo niya pa. “Seven years na akong naglalakad papasok 'don. Alam ko ang bawat sulok ng daanan, amoy at kung ilang minuto ang lalakarin bago ako makauwi. Ano namang posibleng mangyari por que gabi?” Napakamot naman siya sa ulo niya. “Ays! Kung pareha lang talaga ng daanan ng tirahan natin 'eh, edi sana sabay tayo. 'Don na lang kaya muna ako tira sa inyo—” “Aysus! Overthinker ka lang talaga, girl. Dahil 'yan sa mga action movies na pinapanuod mo 'eh,” pagputol ko naman sa sasabihin niya. Natawa na lamang kaming dalawa at nauwi na sa mahabang usapan hanggang sa nakasakay na kami ng tricycle pauwi. “Dito na lang po ako, Manong.” Bumaba na ako atsaka nagbayad na sa driver. Sinundan ko lang siya ng tingin habang papalayo bago ko naman nilingon ang dadaanan ko. Nilabas ko na ang cellphone na nasa shoulder bag ko, habang hawak ko naman sa kaliwang kamay ko ang pala ng lupa na kanina ko pa dala-dala. Sobrang dilim ng daanan na nasa harapan ko ngayon. Hindi na nga halos makita ang daanan kung hindi pa pa-flashlightan. Wala rin kasing streetlight na nakalagay dahil ako lang naman ang nakatira 'don. At masyado akong kuripot na bumili dahil mas gusto ko naman ang ganiyang vibes. Sa kaliwang side kasi ng daanan, gubat ang mayroon Mga nagtataasang puno, habang sa kanan na side naman ay isang patag na palayan at mayroon ding poultry arm sa 'di kalayuan. Pagkatapos ang bahay ko naman nakatayo sa likod ng malalaking puno. Kaya hindi masyadong makita sa highway. Ewan ko ba kay papa, kung bakit dito pa ang pwesto na binigay sa akin. Pero shempre, ayaw kong magreklamo at lumipat dahil nakasanayan ko na dito. As always, ay naglakad na ako habang hawak ang flashlight ko. Rinig na rinig ko ang tunog ng mga insekto at huni ng mga ibon. Pero sanay na ako sa ganito, in fact ay parang background music na ito sa akin. “Shet?! Talagang ngayon pa umambon?!” Hindi makapaniwalang usal ko nang makaramdam ng mumunting patak ng ulan sa balat ko. Wala pa naman akong dalang payong, Nako! Tumingala pa ako para tignan ang langit. Napakalaki ng buwan dahil full moon ngayon, maliwanag sana ang langit kaya lang ay nagsisimula nang humarang ang maiitim na ulap sa buwan. Mukhang may paparating talagang malakas na ulan. Mas bumilis na ang paglakad ko, ayaw ko kasing maging isang basang sisiw. May trabaho pa ako bukas, hindi ako pwedeng magkasakit, nako. Ilang sandali pa ay natatanaw ko na ang liwanag na nagmumula sa bahay ko—nang bigla naman akong narinig na kakaibang ingay sa likod ng mga punong nasa gilid ko. Napaigtad pa ako't napahinto sa paglalakad dahil 'don. “Please, sana hindi wild animal 'yon!” Agad kong pinatay ang flashlight ng cellphone ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko, pero naglakad ako papalit sa ingay at ang tanging liwanag lang na mayroon sa paligid ay ang liwanag ng buwan na nawawala-wala pa dahil sa madilim na ulap. Mas lumalakas na rin ang ulan kaya mas nagdahan-dahan ako sa paglalakad. “Shit, si Ace yata 'yon?! Nakawala ba siya?” mahinang bulong ko nang makarinig ako ng tila ay tunog ng aso. Pero mukhang mali ang akala ko, dahil nang medyo makalapit na ako ay iba ang narinig ko. “N-No… please, I’ll tell you everything—please, stop—aughhh…” Bigla na lamang kumidlat nang malakas at lumiwanag ang buong paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung saan nanggaling ang boses at ingay na narinig ko. “O-Oh my God…” hindi makapaniwalang bulong ko. Natakpan ko pa ang bibig ko gamit ang mga kamay ko nang makita kung paanong mayroong pinapatay sa harapan ko. Malakas ang sigaw ng lalaking sinasaksak—sinaksak ng ilang ulit sa leeg at dibdib. Akmang tatakbo na ako palayo nang bigla naman akong makatapak ng sanga, dahilan para magdulot 'yon ng ingay. Malakas na tumibok ang puso ko dahil sa biglang paglingon ng killer. Kinapos ako nang paghinga nang magtama ang paningin naming dalawa. If I had to describe him, he looked like a Greek God. Agas na nawala ang liwanag galing sa kidlat kaya muling dumilim ang paligid. Pero hindi ko alam ang gagawin ko, pinangunahan ako ng takot at natuod na ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko kasi halos maproseso ang mga nangyayari. Then I hear his voice—cold as ice, cutting through the night. “Shouldn’t you run away?”HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA Tanging ang malakas na tunog ng pagtibok ng puso ko na lamang ang naririnig ko nang makarating ako sa bahay. Talagang kinailangan ko pang magsinungaling about sa sitwasyon dito sa bahay para lang payagan akong mag-half day na pasok sa trabaho. Kahit nga si Alex ay tinadtad ako ng mga katanungan dahil alam niyang hindi ko gawain ang ganito. Pero sa panahon ngayon, ay mas mahalaga ang buhay nina Mr. Stanley kesa sa trabaho. Who knows kung ano ang kayang gawin ni Zeus kapag nakawala na siya mula sa pagkakatali nila. Pagtadating ko pa lang sa harap ng bahay ay bumungad na sa akin ang dalawang nakaparada na itim na kotse na talaga namang halatang mamahalin. Sinalubong din ako ng mga tahol ng aso kong si Ace na kasalukuyang nakakulong sa kulungan niya.Napabuntong hininga ako nang nakatayo na ako sa harap mismo ng pinto. Bumaling pa ako sa kay Ace dahil patuloy siya sa pagiingay na tila ba ay inaagaw niya ang atensyon ko. Ngumiti ako sa kaniya. “Hello, baby. Don
HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA“Oh my God! Bakit ganiyan ang itsura mo?!”Napantig ang tenga ko matapos marinig ang matinis na boses ni Alex. Napaka-aga, pero boses niya na kaagad ang pinakauna kong narinig. Mula sa pagkakasalampak ng mukha ko sa office table ko, ay umayos ako ng upo atsaka pagod na tinignan siya.Panlalaki pa rin naman ang outfit niya, hindi mapaghahalataan na bakla siya basta huwag lang siyang magsalita. Nakangiwi pa ang labi niya habang nakatingin siya sa akin ngayon, na para bang diring-diri siya sa itsura ko. “Pagod... puyat...” maiikling sagot ko. “Huh? Puyat lang ba o talagang wala kang tulog, girl?” maarte niyang tanong bago ay hinila ang upuan niya na nasa kabilang lamesa lang rin naman. Magkatabi lang kasi kami ng table.“Tignan mo ang mga mata mo. Jusko! Nagsalamin ka ba? Napakalaki ng eyebags mo,” aniya pa habang tinuturo ang mga mata ko. Napatulala na lamang ako sa kawalan dahil talagang lutang ako at inaantok, dahil totoo nga naman ang sinabi niya na hindi
HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA Hindi pa rin ako makabawi mula sa pagkakagulat sa hindi kapani-paniwalang natuklasan ko kanina lang. Thaddeus lost his memories. Wala siyang maalala! Sigurado dahil napakalas ang paghampas ko ng pala sa ulo niya noon? Naapektuhan yata ang utak niya. Hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang pangyayaring 'to, but knowing this—I can survive this situation. Mukhang makakaligtas ako mula sa taong 'to, upang hindi ako mamatay sa kamay niya. Kailangan ko lang kumalma, umakto ng normal lang ang lahat atsaka kunin ang tiwala niya. Wala siyang maalala, kaya nasa advantage ako at kailangan ko lang gamitin ang kahinaan na 'yon laban sa kaniya para maka-survive ako. I took all of my courage atsaka lakas ang loob na hinawakan ko ang kanang kamay niyang mayroong hawak na surgical knife na tinutok niya sa leeg ko. Deretso ang tingin ko sa mga mata niya nang gawin ko 'yon. Talagang pinakita ko na matapang ako at hindi ako natatakot sa kaniya. “Mr. Thaddeus! Saying it
HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA “Friend! Saan ka pupunta? Ang aga pa ah?” Napahinto ako sa paglabas nang marinig ang boses ni Alex. Nakataas ang isang kilay na nilingon ko siya. Bagsak din ang balikat ko at talaga namang bakas ang pagod sa mukha ko. “Hala! Kalerki! Daig mo pa ang isang lantang gulay!” aniya kaya napairap ako. Bumuntong hininga ako. “Uuwi na ako, para na akong mahihimatay sa pagod.” Napamewang siya. “Uuwi?! Anong uuwi? Sinong uuwi? Bakit ka uuwi?!” sunod-sunod niya pang sabi. “Hindi pwede! Napagusapan na natin magba-bar tayo diba?!” Napakamot na lamang ako sa ulo ko. “Alam mo rin naman yata kung saan ang bahay ko diba? Bakit dati takot na takot ka kapag madilim na ako umuuwi, tapos ngayon gusto mo madaling araw na akong uuwi?!” Tumawa naman ito bago ay inakbayan ako. “Eh bibihira lang naman kasi ito, Hera. Atsaka ihahatid kita—” “Hushhhshshh!” Pagpigil ko sa sasabihin niya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Ganyan din ang sinabi mo last year, Alex! Pero ang ending umuwi ak
HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA“AHH! TULONG! TULONG!” malakas na sigaw ko habang tumatakbo papunta sa bahay ko. Lumakas na ang pagbuhos ng ulan. Wala akong kapitbahay at hindi ko rin alam kung may makakarinig ba sa akin. Hindi na rin ako lumilingon pa pabalik dahil sa takot ko sa pogi—este sa killer na ngayon ay siguradong hinahabol ako. “Lord!” naiiyak na sigaw ko. “Bakit parang lumalayo ang bahay ko?!” Kanina pa ako tumatakbo, pero bakit parang hindi ko halos maabot ang bahay ko? Nauubo na ako habang tumatakbo, at halos lumuwa ang mga mata ko nang bigla na lang akong madulas sa putikan. “ARGHHH!” daing ko nang bumagsak ako't napahiga sa putikan. “Shit! Shit!” sigaw ko nang mapagtanto ang nangyari. Nabitawan ko ang cellphone, pero ang pala na hawak ko sa isang kamay ko ay hindi.Akmang tatayo na ako nang maramdaman ko ang paglapat ng kung ano sa likod ng ulo ko. Natuod ako sa kinauupuan ko. Malakas ang tibok ng puso, at hindi na makagalaw dahil sa takot. “Please, please! Marami pa ak
HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA“Hera! Hera!”Halos mapatalon ang puso ko dahil sa biglaang malakas na sigaw na narinig ko. Agad na nangunot ang noo ko nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses. At ayon, nadatnan kong tumatakbo palapit sa akin ang kaibigan kong bakla. “Alex! Why are you yelling like that? Jeez, you nearly gave me a heart attack!” sigaw ko pabalik sa kaniya nang makalapit siya. Huminto siya eksakto sa harapan ko.“J-Just… let me catch my breath!” aniya habang kapos ang paghinga't nakatukod pa ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod niya. Napapailing na lamang ako habang nakatayo at mayroon hawak na pang pala ng lupa. Kanina pa kasi ako nagbubungkal ng lupa para makapagtanim ng seedlings na nakalapag at handa ng itanim sa tabi ko. Tumayo naman na siya ng maayos. “Hoo! Okay na!” aniya habang pinupunasan pa ang pawis na tumutulo sa noo niya. Talaga namang papawisan siya ng sobra. Tirik na tirik ba naman kasi ang araw dahil tanghaling tapat, pero ang lokong bakla na 'oto a







