LOGINHERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA
“Friend! Saan ka pupunta? Ang aga pa ah?” Napahinto ako sa paglabas nang marinig ang boses ni Alex. Nakataas ang isang kilay na nilingon ko siya. Bagsak din ang balikat ko at talaga namang bakas ang pagod sa mukha ko. “Hala! Kalerki! Daig mo pa ang isang lantang gulay!” aniya kaya napairap ako. Bumuntong hininga ako. “Uuwi na ako, para na akong mahihimatay sa pagod.” Napamewang siya. “Uuwi?! Anong uuwi? Sinong uuwi? Bakit ka uuwi?!” sunod-sunod niya pang sabi. “Hindi pwede! Napagusapan na natin magba-bar tayo diba?!” Napakamot na lamang ako sa ulo ko. “Alam mo rin naman yata kung saan ang bahay ko diba? Bakit dati takot na takot ka kapag madilim na ako umuuwi, tapos ngayon gusto mo madaling araw na akong uuwi?!” Tumawa naman ito bago ay inakbayan ako. “Eh bibihira lang naman kasi ito, Hera. Atsaka ihahatid kita—” “Hushhhshshh!” Pagpigil ko sa sasabihin niya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Ganyan din ang sinabi mo last year, Alex! Pero ang ending umuwi akong gumagapang. Hindi mo na ulit ako madadala sa mga mabulaklak mong salita.” Napangiwi naman siya dahil sa sinabi ko. Inalis niya ang pagkakaakbay mula sa akin atsaka bagsak ang balikat na naglakad na pabalik table niya. Narinig ko naman ang tawa ng isa sa department head namin. Lumapit siya sa akin bago ay tinapik ang balikat ko. “You can go home now, ija. Bumawi ka na lang sa overnights outing natin sa christmas break,” aniya pa. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. “Thank you po, Ma'am Picaso.” Hindi naman na ako nagtagal pa 'don, agad na akong lumabas ng office at naghintay na naman ng masasakyan sa waiting shed. Malamig ang hangin, ramdam na ramdam na ang papalapit na simoy ng pasko. But cold nights like this doesn't remind me of christmas eve anymore. Dahil iba na ang naaalala ko, at 'yon ay ang gabing pinakamadalim na parte ng buhay ko. “Thank you po, manong.” Katatapos ko lang magbayad sa tricycle driver. Nagpasalamat ako dahil pinasok niya hanggang sa tapat mismo ng bahay ko ang tricycle. “Nako, wala 'yon. Maayos at sementado na kasi ang daanan kaya madali na lang din ipasok ang tricycle.” Tumango naman ako atsaka pinanuod siyang makalayo. Dumako rin ang tingin ko sa isang kotse na naka-park sa tapat. I took a deep breath and open the door. Hindi naka-lock, at bumungad sa akin ang isang lalaki na kinasanayan ko na lang rin na makita. Lumingon siya sa direksyon ko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nanunuod siya ng movie sa malaking tv at nakaupo sa sofa. “Oh, you're finally here,” aniya pa. “Goodevening, Mr. Stanley,” bati ko sa kaniya. Siya ang doctor na nagmo-monitor sa lalaking nasa katabing silid ng kwarto ko. “Kanina ka pa dito?” tanong ko sa kaniya at naglakad palapit. Umiling naman siya. “Around five.” Tumango naman ako. “So... kamusta naman? Kamusta siya?” “He's doing fine, still no sign of awakening but his vitals are doing great.” I bit my lower lip. “Kailan kaya siya magigising?” may halong pagiging desperada kong bulong. Tumawa naman si Mr. Stanley. “Who knows? He's in a coma state afterall. No need to worry though, he won't wake this year.” Hindi na rin naman siya nagtagal pa sa bahay, umalis na rin siya matapos iwanan sa akin ang mabibigat na huling salitang sinabi niya. I stared at the unknown and started to talk to myself. “He's right, hindi dapat ako masyadong magaalala. That psychopath won't be able to do something when he's in that state. Hindi niya ako kayang saktan.” Well monitored din ang bahay na tinignan ko. Puno ng CCTV ang bawat sulok maliban sa kwarto ko at sa banyo, kaya kung magising man siya ay mano-notify ang mga taong inatasan ni papa na bantayan ang situation ko rito. Magiisang taon nang ganito ang sitwasyon ko at pakiramdam ko wala akong privacy sa sarili kong tahanan. Kaya naman madalas lang akong nasa kwarto kapag umuuwi ako, pero my minsan ay pumapasok din ako sa kabilang kwarto para linisin ang paligid. Dad ordered me to take care of him afterall. Take care of the psychopath killer who almost killed me too. “Hayst! Makaligo na nga lang!” sigaw ko bago ay umakyat na sa second floor. Pumasok na ako kaagad sa banyo atsaka nag-half bath. Simpleng lingerie lang ang suot kong pantulog ngayon, ubos na kasi ang damit ko at mukhang kailangan ko nang maglaba ulit. “Hhaaaa!” malakas na sigaw ko nang pabagsak akong nahiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame, nagiisip-isip sa kung ano ang pwede kong gawin sa pasko. Limang araw na lang kasi, pasko na. Another Christmas na magisa ako—well, I'm not completely alone here in this house dahil may mamamatay taong natutulog sa kabilang kwarto. But yeah, he's outside of my plan. He won't wake up this year, I'm confident for that. ANOTHER four days passed by, and it's christmas eve. Pero wala naman akong balak na mag-celebrate kaya naman ay natulog na lang ulit ako. I'm planning to sleep and wake up next morning—but then... something unexpected happen. — Nagising ako dahil sa malakas na ingay mula sa kabilang kwarto. Napabalikwas pa ako ng bangon. Hindi ko alam kung anong oras na, pero nang lingunin ko ang bintana ng kwarto ko ay madilim pa sa labas. “S-Shit, ano ‘yon?” tanong ko sa isipan ko habang unti-unti akong umalis sa kama atsaka naglakad palabas ng pinto. Natuod pa ako sa kinatatayuan ko nang mapagtanto na galing sa kabilang kwarto ang ingay. Nagsimulang bumilis ang pagtibok ng puso ko, pero nilunok ko pa rin ang takot na naramdaman ko dahil kailangan ko 'yung i-check. Kaya takot na binuksan ko pa rin ang pinto. Bumungad sa akin ang kwarto na Ang tanging source lang ilaw ay ang mga maliliit na tila ba screen na nagmo-monitor sa kundisyon ng lalaking nagngangalang Thaddeus. “O-Oh my God!” pinaghalong gulat at takot na sigaw ko nang makitang wala nang nakahiga sa kama! Nakatanggal na rin ang mga hose ng oxygen at iba pa. Lumapit pa ako sa kama para tignan dahil baka namamalikmata lang ako—pero wala talaga! Walang taong nakahiga sa kama. “N-Nasaan na siya? Kailangan ko siyang hanapin!” natataranta kong sambit bago ay patakbong lumapit sa pinto. Pero hindi pa man ako nakakalapit ay napansin ko na ang bulto ng taong nakatayo sa gilid at tila ba'y nakatago sa kadiliman. Humarang ang kamay niya sa mismong mukha ko. “A-Ahhh!“ malakas na sigaw ko nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa akin. Mariin na lamang akong napapikit nang marinig ko ang tunog ng mga nabasag na salamin. And the next thing I knew—ay nakalapat na ang kalahati ng katawan ko sa kama, habang nasa likod ko siya at mahigpit na hawak ang dalawang kamay ko na inilagay niya sa likod ko. Sinubukan kong kumawala, pero hindi ko man lang siya halos matibag o mapagalaw man lang ng kahit inch! Anong nangyari? Napaka-imposible. Paano at saan niya nakuha ang lakas na 'to? For Pete's sake! Isang taon siyang nakahiga lang sa kama! Ramdam ko ang bigat niya, tila ba'y sinasadya niyang iparamdam sa akin na wala akong laban sa kaniya. “B-Bitawan m-mo ako!” nauutal kong sabi gawa nang kapos na ang hininga ko. “Please, bitawan mo ako!” “Hmmph!” napasinghap ako nang maramdaman ko ang matigas na kung anong tumatapat sa pagkababae ko. Oh God! Ito ang pagkakataon na talagang kailangan kong kumalma ng maiigi. Dahil kung hindi, ay ikamamatay ko. “T-Thaddeus..!” tawag ko sa pangalan niya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. “Z-Zeus!” I need to do everything that I can para pakalmahin siya lalo na at alam ko kung ano ang kaya niyang gawin. Oh God! Ayaw ko pang mamatay! “Alam kong kagigising mo pa lang. Siguro ay naguguluhan ko kaya handa akong i-explain sa'yo ang lahat..!” I gasped for air. “Hindi pa maganda ang lagay ng katawan mo, tatawagan ko ang doctor mo.” Dahan-dahan kong sinubukan na lingunin siya. “So please, bitawan mo muna ako—” Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya na lang ipatong ang mukha niya sa bandang balikat ko. “Shhh...” Kinilabutan ako dahil sa tunog na ginawa niya. “A-Ahh—what?” “Don't make any sound... and answer me, woman,” aniya. “Did you lock me up?” Napangiwi ako dahil sa tanong niya. “Or did I lock you up?” Mas lalo naman akong nagulat sa sunod na sinabi niya. “Huh? H-Hindi! Hindi shempre!” natataranta kong sagot. “Hindi ganoon 'yon! Hindi ganoon—you're a patient for a long time! Wala lang malay ng mahigit isang taon at kagigising mo pa lang. Kaya please—kumalma ka, Zeus,” mahaba kong litanya. Pero hindi siya sumagot, sa halip at muli niyang hinawakan ang katawan ko atsaka binago ang posisyon ko. Pinaharap niya ako sa kaniya, dahilan para magsalubong ang nga mata namin nang tumingala ako. I was stunned by his charcoal eyes. Napakadilim... napakalalim. Tila ba ay wala itong buhay. Ang ilaw na galing sa mga monitor lang ang tanging pinagmumulan ng liwanag kaya nakikita ko siya ngayon. Napalunok ako at muling binanggit ang pangalan niya, para iparating sa kaniya na kilala ko siya. Nagbabakasakali na hindi niya ako patayin ngayon. “Thaddeus...” Dumukwang pa siya papalapit, ipinatong niya sa kama ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko. Nasa ilalim niya ako, at wala pa rin akong takas. “Thaddeus... that's probably my name, isn't it?” bigla ay tanong niya. Isang tanong niya na dahilan nang bahagyang paglaki ng mga mata ko dahil sa gulat. Anong sinabi niya? “Then tell me—are you someone important to me?” This man... could it be... “Or...” “Ahh!” Napahiyaw ako nang may bigla siyang itutok sa leeg ko. Takot na tinignan ko pa 'yon—it was a freaking surgery knife! “Are you someone I wouldn't hesitate to kill?” Hindi makapaniwalang nakatingin ako ulit sa kaniya. He... he has lost his memories?!HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTAHindi ko na halos maimulat ang mga mata ko ngayon dahil sa sobrang antok. Talagang mahigit dalawang oras na ang nakalipas pero heto pa rin si Zeus at patuloy pa rin sa pagtatanong sa akin. Napaka-energetic niya, siguro kasi puro tulog ang ginagawa niya? Nakatalikod na ako sa kaniya habang nakahiga ngayon, kanina ko pa sinasabi na inaantok na ako. Pero kapag malapit naman na akong makatulog ay saka naman siya magtatanong ulit. Kaya heto ako ngayon, pilit na lang na ginigising ang sarili atsaka inaantok na sinasagot ang mga katanungan niya. “Totoo ba talaga ang sinasabi mo, Hera? Never kitang na-satisfy sa kama noong honeymoon natin? Talaga bang mabilis akong natapos?” tanong niya sa akin sa kaparehong tanong for the twentieth time! Oh God, dapat yata ay hindi na ako nagsinungaling masyado. Edi sana ay nakatulog na kami pareho ngayon. Nagtatanong kasi siya sa akin kanina about honeymoon namin noon—na isa lang nam
HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA Finally! Finally! Finally, nakauwi na rin kami, jusko! Halos sumalampak na ako sa sahig dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko ngayon. Nakayuko pa nga ako atsaka nakatukod ang dalawang kami sa magkabilang tuhod habang habol ang hininga.“Hera, you look exhausted,” biglang sabi ng kasama ko kaya napatingala ako sa kaniya. Naka-poker face lang siya habang nakababa rin ang tingin sa akin. Kaya naman ay nginitian ko lang siya.“Y-Yeah...” tanging sagot ko, but deep inside ay halos magwala na ako. Habang naglalakad kasi kami pabalik kanina, ay napakaraming katanungan ni Zeus. Talagang pagkatapos kong tanungin ang una, ay tatanungin niya na naman ulit ako. Minsan pa nga ay hindi pa ako nakakasagot pero magtatanong na siya ulit kaya hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. “Napagod ka talaga sa paglalakad na 'yon? Hindi naman ganoon kalayo ah? Mukhang mahina mas mahina pa ang katawan mo kesa sa
HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA Nakatulala pa rin ako habang nakatingin Kay Zeus. Talagang natuod ako sa kinatatayuan ko't nagsimula nang mangatog ang tuhod ko. “Get a grip, Hera! Kailangan nating pabalikin sa bahay ang lalaking 'yan!” pagkausap ko na lamang sa sarili ko sa loob ng isipan ko. I took a deep breathe and tried to calm myself. Dahan-dahan akong ngumiti na mayroong halo nang pagaalala bago ako nagsalita. “A-Anong ginagawa mo rito, Zeus? Hindi ka pa pwedeng lumabas, nahimatay ka last week diba? H-Hindi ka pa nga makakilos ng maayos, bakit kaya bakit andito ka?” Hindi na siya ulit nagsalita pa, nakatitig lang siya sa akin at tila ba ay hinihintay ang mga susunod kong sasabihin at gawin. Kabado man, ay dahan-dahan na akong naglakad papalapit sa kaniya habang nagsasalita. “Halika na, put that damn chicken down and let's go back inside. Hindi ka pwedeng magtagal dito sa labas, baka kung anong mangyari sayo—” Naputo
HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA Malakas na bumuga ako ng hininga habang nakahalumbaba ako sa office table ko. Lunch break na, pero heto pa rin ako't malalim ang iniisip at walang balak na mananghalian. Hindi na kasi mawala sa isipan ko ang mga narinig ko sa usapan ni papa at Mr. Stanley last week. Talagang halos dalawin na rin ako sa panaginip ko ng mga sinabi ni papa. Magmula 'non ay hindi na mapakali ang utak ko at halos hindi na rin ako makapag-focus sa mga ginagawa ko rito sa office. Tipong napapatulala na lamang ako bigla kapag biglang naalala ko ang mga nangyari 'nong gabing 'yon. It's clear na hindi maganda ang intensyon o kung ano mang plano ni papa. Sa paraan pa lang ng pagkakasabi niya at tila ba hindi pagsangayon ni Mr. Stanley, ay ramdam ko na. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit gusto niyang hindi bumalik ang ala-ala ni Zeus. At kung ano ang maaaring ginagawa ni Mr. Stanley kay Zeus, para nga makasiguro na wala itong memorya ng nakaraan niya. Hindi ko rin maintind
HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA Oh my God! Oh my God! Anong gagawin ko? Nanghihingi siya ng kiss sa akin—oh fuck! Paano ko hahalikan ang lalaking 'to? Pagtayo pa nga lang sa harapan niya ngayon ay kinanginginig na ng tuhod ko, paano pa kaya itong gusto niyang pag-halik ko sa kaniya? Hindi ko napansin na nalunod na pala ako sa malalim na pagiisip, nabalik lamang ako sa huwisyo nang muling nagsalita si Zeus.“What? You have enough and can't even kiss your husband anymore?” aniya sa nakakakilabot na tono. Mabilis akong umiiling-iling atsaka pilit na ngumiti. “H-Hindi ah! T-This is just too sudden, Zeus,” halos pabulong kong saad atsaka hinahanap ang susunod na mga salitang dapat kong sabihin. Agad na nagsalubong ang kilay niya, tila kinukwestyon niya ang mga sinabi ko. “Isang taon akong walang malay at nakahiga lang sa kama. Could it be that sa isang taon na 'yon ay naglaho na ang pagmamahal mo para sa akin?”Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. “Ano ka ba! Hindi shempre, saan mo ba nak
HERAIAH ‘Hera’ BAUTISTA Tanging ang malakas na tunog ng pagtibok ng puso ko na lamang ang naririnig ko nang makarating ako sa bahay. Talagang kinailangan ko pang magsinungaling about sa sitwasyon dito sa bahay para lang payagan akong mag-half day na pasok sa trabaho. Kahit nga si Alex ay tinadtad ako ng mga katanungan dahil alam niyang hindi ko gawain ang ganito. Pero sa panahon ngayon, ay mas mahalaga ang buhay nina Mr. Stanley kesa sa trabaho. Who knows kung ano ang kayang gawin ni Zeus kapag nakawala na siya mula sa pagkakatali nila. Pagtadating ko pa lang sa harap ng bahay ay bumungad na sa akin ang dalawang nakaparada na itim na kotse na talaga namang halatang mamahalin. Sinalubong din ako ng mga tahol ng aso kong si Ace na kasalukuyang nakakulong sa kulungan niya.Napabuntong hininga ako nang nakatayo na ako sa harap mismo ng pinto. Bumaling pa ako sa kay Ace dahil patuloy siya sa pagiingay na tila ba ay inaagaw niya ang atensyon ko. Ngumiti ako sa kaniya. “Hello, baby. Don







