Share

Chapter 6: Does she have a child?

Naging mailap ang tulog kay Fyrah sa mga sumunod na araw. She felt uneasy feeling at hindi niya gustong pumikit ng matagal. Palaging mayroong kung anong damdaming lumulukob sa kanyang katawan. Subalit hindi naman niya alam kung para saan at kung ano ba iyon. At walang araw na hindi siya sinasaktan ni Cameron sa tuwing sila ay nagkikita o nag- uusap. Nagpapasalamat si Fyrah at palaging naroon si Aling Felicidad na sumasaklolo sa kanya. Napapaisip tuloy si Fyrah na baka ina ni Cameron ang matanda dahil kahit papaano ay nakikinig naman ang lalaki kay Aling Felicidad.

Fyrah noticed that her sorroundings are quite and calm. She slowly get up and walked through the door. She slowly turn the door knob hoping that it's not locked. Nahigit ni Fyrah ang hininga nito, at halos mapaiyak nang mapagtanto nitong hindi nga naka- locked ang pinto.

"Thanks God!" she whispered and step out the room.

Maiingat ang mga hakbang ni Fyrah at naging malikot ang kanyang mga mata. Makakatakas na rin siya sa wakas mula sa bahay na kanyang kinaroroonan. Marami man siyang katanungan subalit kailangan niyang makawala sa mga kamay ni Cameron. Ayaw niyang lokohin ang kanyang saril dahil sa mga sinabi ng lalaki. Sigurado siyang hindi sila mag- asawa ni Cameron at mas lalong wala siyang anak sa lalaki. Kahit anong isip niya ay hindi niya talaga kilala si Cameron sa tanang ng buhay niya. Sa wakas, matatapos na rin ang kanyang paghihirap sa isang linggong kanyang pagkakakulong sa bahay na pinagdalhan sa kanya.

Nakita ni Fyrah ang isang pintuan na medyo nakaawang. Mabilis niya iyong tinungo at sumilip sa labas. Marahil ay likuran ng bahay ang kanyang nakikita subalit wala siyang pakialam. She needs to get out of the house no matter what.

"Mommy?" mula sa likuran ni Fyrah nanggaling ang isang boses ng bata.

Fyrah frowned and slowly turn around to see who it was.

"Mommy!" muling bigkas ng isang batang lalaki na napaka- cute lalo na ang mga mata nitong nangungusap.

Nabigla pa si Fyrah nang yakapin siya ng bata at halikan sa pisngi nang mapabaluktot siya dahil sa pagkakalambitin nito sa kanyang leeg.

"Mommy, I miss you so much!" naiiyak nang wika ng bata.

Napakurap-kurap si Fyrah, still she's in shocked and she's speechless.

"I'm always praying that God will brings you back to us with Daddy." Sabi na naman ng bata at naglaglag ang mga luha nitong nakatingin sa mukha ni Fyrah.

Fyrah felt pity to the boy, and her heart crying also.

"W- Wait baby boy," nautal pang wika ni Fyrah.

"Mom... don't ever leave us again!" tuluyan nang umiyak ang bata at sumubsob ito sa dibdib ni Fyrah.

Fyrah start crying, feel sorry to the boy and anger to his mother. Anong klaseng ina ang mayroon ang bata at nagawa nitong iwan ang inosenteng anak. The way the boy speak, he misses terribly his mother and it's pain for her to heard those words coming from an angelic voice of a child. Napaluha si Fyrah at wala sa sariling nayakap nito ang batang umiiyak sa kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan pero apektado siya, super affected na damang- dama niya ang hinagpis ng bata.

Nasa ganoong ayos na magkayakap habang umiiyak sina Fyrah at ang bata nang hindi nila namalayang nakatayo na pala si Cameron sa kanilang tabi. Gulat si Fyrah at agad nitong pinunasan ang kanyang mga luha saka tumayo.

"Look Daddy, Mommy is here!" masayang bulalas ng bata kay Cameron sabay hila ang isang kamay ng ama at hinila rin ang kamay ni Fyrah saka nito pinaghawak.

Pumalakpak pa ang bata nang makitang magkahawak- kamay na sina Fyrah at Cameron.

"Yeheeeyyy! My wish is granted, Daddy!" masayang wika ng bata na nagniningning ang mga mata nito dahil sa galak.

"Cedie,"

"Daddy, you are right! We played hide and seek, and then I found Mommy here! It's true Daddy, it's true!" masayang - masaya pa ring turan ng bata.

Napatingin si Fyrah kay Cameron na pilit ang ngiti nito sa bata saka sinamaan niya ng tingin si Fyrah. Siyempre agad umiwas si Fyrah at the same time ay nalungkot, may chance na siyang tumakas kanina. Subalit naantig ang kanyang damdamin sa batang nasa kanyang harapan.

"Ahm... Cedie," wika ni Fyrah subalit hindi na niya naituloy ang balak sana niyang sabihin dahil inirapan siya ni Cameron.

"Why Mommy? Aren't you happy to see us?"

Fyrah swallowed and did not dare to speak because of Cameron's gazed.

"Daddy, let's invite Mommy to the garden!"

Hindi sumulyap si Fyrah kay Cameron.

"Ofcourse, my angel!" sagot ni Cameron sabay karga sa bata.

"Mommy, come!" yakag din ni Cedie kay Fyrah with a sweet smile.

Napilitang ngumiti si Fyrah at nagpatinaod nang hawakan ni Cameron ang kanyang mga kamay palabas ng bahay.

"Yaya, Mommy is here!" sigaw ni Cedie sa isang babaeng nagdidilig ng mga halaman.

Tumigil ang babae at matamis na ngumiti kay Cedie saka yumukod nang magawi ang tingin nito kina Cameron at Fyrah. Naipalibot ni Fyrah ang kanyang paningin sa buong paligid ng bahay. Noon nito napagtantong marami palang naroon na mga tao. Napakalawak pala ng garden at bakuran ng bahay doble sa bakuran ng bahay ng nobyo niyang si Ralph. Armado ang iba, ang iba ay may kanya-kanyang ginagawa habang iisang kilos na tumigil ang mga ito nang makita silang parating. Napaawang ang labi ni Fyrah nang makilala niya ang isang naroon na nakatingin sa kanila.

"Elizabeth!" bulalas niya at akma sana niyang lalapitan ito nang mahigpit na hinawakan ni Cameron ang kamay ng dalaga na hawak.

Natigilan si Fyrah at binalingan si Cameron.

"Don't make a wrong move, suwerte mo nakita ka ng ating anak. Hindi pa sana panahon," bulong ni Cameron.

"Let me go please?" ganting bulong ni Fyrah.

Napangisi naman si Cameron at binalingan si Cedie.

"Why don't you guide Mommy to the flower garden, Cedie?" sabi nito.

"Okay, Daddy!" masiglang sagot ng bata at hinila si Fyrah papunta sa may flower garden kung saan naroon ang iba pa.

Tututol sana si Fyrah subalit naisip niyang wala siyang laban, at mas lalong wala siyang kawala. Maraming mga bantay kung kaya't nakalabas man siya kanina sa may pintong tinungo niya ay hindi naman siya makakatakas nang tuluyan dito sa labas. Nais maiyak ni Fyrah sa katotohanang wala na siyang pag- asa pang makatakas mula sa bahay na iyon. Lalo na sa mga kamay ng lalaking si Cameron.

"Don't cry Mommy!" untag ni Cedie kay Fyrah.

Natingnan ni Fyrah nang maigi ang bata, at kalkula niya ay nasa tatlong taong gulang pa lamang ito. At nakaka- proud kung talagang siya ang Ina nito dahil bukod sa madaldal na sa murang edad nito ay mukhang matalino pa. Ano kayang naisipan ng tunay na Ina ng bata at sila ay iniwan nito.

"No, I'm not!" maikling tugon ni Fyrah saka ito ngumiti.

Matamis namang ngumiti si Cedie saka niyakap ang binti ni Fyrah.

"I love you, Mommy!" masayang wika ng bata.

Nanlumo si Fyrah at the same time ay nadala sa lambing ni Cedie. Maybe her weakness is a child like Cedie dahil madali lang naaantig ang kanyang damdamin at madali siyang naiiyak. Pumantay si Fyrah kay Cedie at niyakap niya ang bata. Hindi naman sinsadyang napatingin si Fyrah sa kinaroroonan ni Cameron na nakatingin din pala sa kanila ng bata at matiim nitong tinititigan si Fyrah.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sana maalala na ni Fyrah Ang nakaraan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status