Share

Chapter 32

Author: Sky_1431
last update Huling Na-update: 2025-10-09 21:44:10

"Nag-abala ka pa," nakangiting saad ni Sunshine habang nakatingin sa isang bungkos ng bulaklak na binigay ni Kurt sa kanya.

Nasa loob sila ng opisina nito. Katatapos lang ng buwanang check up niya at kagaya ng mga naunang check ups niya ay nakaalalay sa kanya si Kurt.

"Hindi ka abala," sagot naman ni Kurt sa kanya.

Matagal na itong nanliligaw sa kanya at naghihintay lang siya ng magandang pagkakataon para sagutin ito. Alam na rin ito ng Ate Evie niya at wala ring problema kay Russell.

"Just keep it up," dagdag na sabi ni Kurt at inalalayan siyang makaupo sa may sala area. "Sabi ng doktor mo ay paganda nang paganda ang kondisyon mo. Baka sa susunod na dalawang buwan ay pwede ka nang magtrabaho. Though I don't want you to pero ayaw ko namang maging hadlang sa mga gusto mong gawin."

Matamis na ngumiti si Sunshine pero sa loob-loob niya ay nagtatalon na siya sa sobrang kilig.

Nagsimula ang lahat pagkatapos niyang maoperahan. Binisita siya nito minsan dahil magkakilala raw ang ate niya at
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 32

    "Nag-abala ka pa," nakangiting saad ni Sunshine habang nakatingin sa isang bungkos ng bulaklak na binigay ni Kurt sa kanya.Nasa loob sila ng opisina nito. Katatapos lang ng buwanang check up niya at kagaya ng mga naunang check ups niya ay nakaalalay sa kanya si Kurt."Hindi ka abala," sagot naman ni Kurt sa kanya.Matagal na itong nanliligaw sa kanya at naghihintay lang siya ng magandang pagkakataon para sagutin ito. Alam na rin ito ng Ate Evie niya at wala ring problema kay Russell."Just keep it up," dagdag na sabi ni Kurt at inalalayan siyang makaupo sa may sala area. "Sabi ng doktor mo ay paganda nang paganda ang kondisyon mo. Baka sa susunod na dalawang buwan ay pwede ka nang magtrabaho. Though I don't want you to pero ayaw ko namang maging hadlang sa mga gusto mong gawin."Matamis na ngumiti si Sunshine pero sa loob-loob niya ay nagtatalon na siya sa sobrang kilig.Nagsimula ang lahat pagkatapos niyang maoperahan. Binisita siya nito minsan dahil magkakilala raw ang ate niya at

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 31

    Dumaan ang pasko at bagong taon ay naging masaya naman si Evie sa piling ni Russell. Walang araw na hindi nito pinaramdam sa kanya ang pagmamahal nito. Hindi na ito umalis at nawala ng ilang linggo.Kung may mga aberya man ay nagagawan naman iyon ng paraan at solusyon ni Diego. Naging abala sila sa pamamasyal at sinasama siya nito sa mga party ng mga mayayaman. Pinapakilala siya nitong 'asawa'. Hindi naman nagmamadali si Evie na alukin siya ng kasal ni Russell. Pero may mga pagkakataong umaasa siyang isang araw ay mag-propose ito sa kanya.Marami nang nakilala si Evie— mga bigating tao sa industriya. Lagi niyang nakikita sa mga pagdiriwang si Emmanuel. Hindi pa rin magaan ang loob niya rito dahil hindi niya pa nakakalimutan ang panaginip niyan iyon.Kasalukuyan silang nasa isang kagubatan sa labas ng La Union na pag-aari ni Emmanuel. Mahilig silang dalawa ni Russell sa shooting sports kaya naman ay naglalaan sila ng panahon para dito. Magha-hunting sila ng ligaw na hayop o hindi naman

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 30

    "Mommy?"Nilingon ni Evie si Amora na bakas sa mukha ang pagtataka. "Why?""You're happy and glowing..."Kaagad na napaubo si Russell sa sinabing iyon ng anak. Mabuti na lang at hindi masyadong marami ang nahigop na kape. Habang nararamdaman naman ni Evie ang pag-init ng kanyang mukha. Nagkatinginan silang dalawa at mabilis ding nag-iwas ng tingin sa isa't isa.Kasalukuyan silang nag-aagahan at mag-aayos sila ng Christmas decorations mamaya.Hindi naman alam ni Sunshine kung anong sasabihin sa bata. Sa mura nitong edad ay matalino na ito at mabilis na makaintindi ng mga bagay-bagay. Kaya kailangan talagang piliin ang mga salitang sasabihin dito. Bukod sa matalino ito ay palatanong din.Pigil na pigil naman si Manang Lorna ng ngiti sa gilid habang naglalapag ng mga pagkain sa mesa. Nalipat naman ang tingin ni Amora sa kanyang ama kaya nagkaroon ng pagkakataon si Evie na makatakas at kunwari ay tutulong sa paghanda ng mga pagkain.Nagtagpo ang mga mata nina Amora at Russell. Dali-dalin

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 29 - (Warning : SPG)

    Ang halik ay kalmado sa umpisa. Hindi naglaon ay naging mapusok, mapaghanap, at naging sanhi ng pag-aalab ng kanilang mga damdamin. Sabik na sabik sa isa't isa na animo ay kaytagal na panahong nawalay sa piling ng bawat isa.Sa pagkakataong ito ay hindi na pipigilan ni Evie ang sarili.Bahala na.Ang alam niya lang ay mahal niya na si Russell.Hindi naman sukatan ang tagal ng pagkakakilala ninyo o pagsasama. Ang mahalaga ay dalawang pusong parehas ng nararamdaman.Gumanti ng halik si Evie. Sinabayan ang bawat galaw ng mga labi ni Russell. Dahil doon ay mas lalo lamang nag-init si Russell. Pero kaagad ding natigilan at saglit na lumayo nang bahagya kay Evie.Nagtatakang tingin naman ang ibinigay ni Evie kay Russell.Halatang nagdadalawang isip na magsalita si Russell pero lakas-loob pa ring nagsalita. "Ngayon pa lang sabihin mong tumigil na ako...""I don't want..." sagot ni Evie na nagpabagsak ng balikat ni Russell at kaagad na napayuko. Napangiti naman si Evie at dinugtungan ang sina

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 28

    "I can't go back home for now."Iyon ang huling mensahe ni Russell kay Evie tatlong araw na ang nakalipas. Dalawang linggo na rin matapos itong tumawag sa kanya. Maliban doon ay hindi na nasundan pa.Tinatanong niya lagi si Baste at ang lagi nitong sinasabi ay masyado itong abala. Nagkaroon ng problema kaya hindi ito makauwi-uwi dahil hindi iyon pangkaraniwang trabaho na pwede lang nito iiwan kay Diego.Gaano kaabala na kahit ang pangungumusta man lang sa kanila ni Amora ay hindi magawa?Naiinis siya at nag-aalala rin.Dalawang linggo na rin na panay pasyal nila sa labas. Napupuno na ang kwarto nila ni Amora ng mga laruan nito. Bumili na rin siya ng mga Christmas decoration dahil dalawang buwan na lang ay pasko na. Plano niyang ngayon sana simulan ang pag-aayos sa buong bahay at mag-decorate na rin ng Christmas tree, pero hindi niya alam kung bakit parang ang tamlay ng buo niyang katawan.Wala siyang ganang gumalaw-galaw."Mommy..." tawag ni Amora sa kanya. "You said we'll decorate to

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 27

    Kasalukuyan nasa isang mall dito sa proper town ng Coruazon sila Evie. Kung gaano kasaya si Amora habang naglalaro sa loob ng isang panlarong pambata ay ganoon naman katuliro si Evie."Hoy, ate," tawag ni Sunshine sa kanyang atensyon. "Parang kang namatayan diyan."Wala sa sariling nilingon niya si Sunshine at naiilang na ngumiti. "P-Punta lang ako sa comfort room."Hindi niya na hinintay pang makasagot si Sunshine at kaaga nang umalis. Nag-text muna siya kay Baste na maging alerto sa pagbabantay kay Amora.Nang makapasok na siya sa comfort room ay kaagad siyang naghilamos para mahimasmasan ang kanyang pakiramdam. Pagkatapos ay kumuha ng tissue at pinunas iyon sa kanyang mukha.Napansin niyang hindi siya nag-iisa sa harap nang malaking salamin. Hindi niya na lang iyon pinansin o nilingon man lang."Everlyn Zamora..."Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang pangalan na iyon. Dahan-dahan niyang nilingon ang nagsalita. Naka-shades ito at nakasuot ng kalo. Bukod pa roon ay naka-hood

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status