MasukNang mahimbing na ang tulog ni Amora ay dahan-dahang bumangon si Evie mula sa pagkakayakap nito sa kanya. Napagod yata ito sa cooking at baking session nila kanina kaya kahit anong galaw ng kama ay hindi ito magising-gising.
Niligpit niya muna ang mga nagkalat nitong laruan sa sahig. Pagkatapos ay muling sinulyapan ito at inayos ang pagkakakumot dito. Nang kampante na siyang nasa maayos na ang lahat ay dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto nito. Muntik na siyang mapatakbo dahil sa pagkakagulat nang makitang may nakaabang sa kanyang paglabas. "Manang naman, eh," bubulong-bulong na reklamo niya. "Kumain ka muna at pinagbalot ko na rin ng pagkain si Sunshine," nakangiti nitong saad sa kanya at kaagad na hinila ang kamay niya. Si Manang Lorna ay ang mayordoma sa mansyon ng mga Lacroix. Matagal na siyang nanilbihan dito. Bukod sa kanya ay may mga katulong pa rito. Si Amora lang at si Russell ang nakatirang Lacroix dito. Patay na ang mga magulang ni Russell at may nag-iisa siyang kapatid na babae na ngayon ay nanirahan sa London. Ang mga malalapit nilang kamag-anak ay nanininarahan sa ibang bansa kaya wala silang ibang kamag-anak dito sa bansa. "Hmm, ang sarap naman nito, manang!" saad ni Evie habang takam na takam sa pagkain. Napangiti na lang ang mayordoma. "Nambola ka pang bata ka," saad nito at naglagay ng isang basong tubig sa harapan niya. "Mas masarap iyong cake na ginawa ninyo ni Amora." "Iyong bilin ni Amora, manang, ha?" paalala ni Evie sa matanda. "Iyong isang slice ng cake ay para sa tatay niya." "Para kang si Amora," natatawang saad ni Manang Lorna. "Ilang beses niya nang inulit ang tungkol sa bagay na iyan." Bitbit ang paperbag na naglalaman ng mga inihandang pagkain ni Manang Lorna para kay Sunshine ay nagpaalam na siya sa mayordoma at tinahak niya na ang palabas ng mansyon. Medyo may kalayuan ang gate. Ang lawak naman kasi ng bakuran. Natigil siya sa paglalakad nang may pumasok na mga sasakyan— magkakasunod-sunod pa. Nilagpasan siya ng naunang dalawang sasakyan. Hihinga na sana siya nang maluwag nang tumigil mismo sa tabi niya ang pangatlong sasakyan. Binaba ng kung sinong nasa loob ang bintana. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ni Evie nang makita kung sino iyon— si Russell. Gulo-gulo ang buhok na bumagay naman sa mukha nito. "Off to the hospital?" tanong ni Russell. Napansin ni Evie na iba ang tono nito ngayon. Hindi niya mawari kung ano iyon— parang pagod na inaantok. Napansin niya ring parang namumutla ito. Hindi pinansin ni Evie ang tanong ni Russell at sa halip ay nagtanong din siya. "A-Ayos ka lang ba?" Lagi nang kaswal kung mag-usap silang dalawa. Para bang magbarkada lang sa kanto. Pero naroroon pa rin iyong kaba at kaunting takot sa puso ni Evie. "I-I'm good," sagot pa nito pero halatang nahihirapan. Hindi alam ni Evie pero pakiramdam niya ay may mali sa mga ikinikilos ni Russell. "S-Sige kung ganoon man. Aalis na ako at pupunta pa ako ng hospital." Mahinang tumango si Russell at kaagad namang nagpatuloy si Evie sa paglalakad. Ganoon din ang mga sasakyan na natigil din nang tumigil ang sinasakyan ni Russell. Nakalabas na siya sa Lacroix Residence nang biglang may bumusina sa likuran niya. Nang lingunin niya isa sa mga tauhan ni Russell ang nagmamaneho niyon. "Sabi ni Boss Russell ay ihatid na raw kita sa hospital," tipid nitong sabi. Hindi na tumanggi pa si Evie dahil gusto niya nang makarating kaagad sa hospital. Bukod sa pagod na siya ay gabi na rin. Isa pa ay ngayon ang nakatakdang operasyon ni Sunshine. Si Sunshine ay may sakit sa puso. Kinailangan ng heart transplant kaya ganoon na lang kalaking pera ang kailangan. Hindi pa kasali ang bayad sa kwarto, ang bayad sa doktor, at mga gamot na kailangang bilhin sa labas ng hospital. Kaya para kay Evie ay hulog ng langit si Amora sa kanya. Kung hindi ito bigla na lang sumulpot sa harapan niya, marahil ay nag-aagaw-buhay na si Sunshine ngayon. Si Sunshine na lang ang mayroon siya. Sa tulong ng negosyo niya at pagsisikap ay napagtapos niya si Sunshine sa pag-aaral nito. Nang makatapos ito ay nakakuha naman ito kaagad ng trabaho sa isang engineering firm. Pagkatapos ng isang taon ay doon na nagsimulang magpakita ng mga sintomas. Hindi niya nga alam kung paano nagkaroon ng ganoong sakit ang kapatid niya. Nabenta niya ang coffee shop niya at baon pa siya sa utang para lang mapanatiling buhay si Sunshine. "Ate..." Bungad ni Sunshine nang makapasok si Evie sa hospital room nito. "Tatlong araw... tatlong araw na kitang inaabangan para makausap." Ito na nga ba ang iniiwasan ni Evie. "Saka na tayo mag-usap," sagot naman ni Evie. "May operasyon ka maya-maya kaya kailangan mong ipanatag ang isip mo." "Saan ka nakakuha ng pera, ate?" tanong ni Sunshine habang nakatingin kay Evie na halatang iniiwasan ang mapatingin sa kanya. "Sinabi ko naman sa iyo na—" "Hindi mo naman siguro tinanggap ang alok na isang gabi ng isang bilyonaryong nakabangga mo sa tabi-tabi?" Dahan-dahang nilingon ni Evie si Sunshine at kaagad itong tinaasan ng kilay. "Akalo ko puso mo ang may deperensya. Utak mo pala. Sasabihin ko na lang kay dok na utak mo ang operahan at palitan." Kaagad namang bumunghalit ng tawa si Sunshine. Bagay talaga rito ang pangalan nito. Kahit may nararamdaman na ay hindi pa rin nakakalimutang tumawa. Kaya marahil kahit na hirap na hirap na si Evie ay ito ang nagsilbing liwanag at saya sa kanya. Nilapitan niya ang kapatid saka umupo sa tabi nito. "Tama ka sa parteng bilyonaryo. Pero hindi niya naman ako inalok ng isang gabi. Iba ang inalok niya." "Ay wow?" Halata sa mukha ni Sunshine na hindi ito naniniwala. "Inalok niya akong maging yaya ng anak niya," seryosong dagdag na sabi ni Evie habang nakatingin nang direkta sa mga mata ni Sunshine. "Konti na lang, ate, at mapapaniwala mo na ako." Tinitigan lang ni Evie ang kapatid. Ni hindi siya kumurap para ipakita rito na nagsasabi siya ng totoo. Nakipagtitigan din naman si Sunshine— hinihintay nito na sabihin ni Evie na nagbibiro lang siya. Hindi nagtagal ay nanlaki ang mga mata ni Sunshine. "T-Totoo nga?" "Oo nga!" "Pagkatapos ng operasyon, ate, ay mag-iiba na ako ng career!" Pumitik pa sa ere si Sunshine at sabay silang tumawa. ---- Kanina pa nagpaparoon at parito si Evie sa labas ng operating room. Hindi siya mapakali, kinakabahan, at nagdadasal na sana ay maging maayos ang operasyon ni Sunshine. Sabi ng doktor ay pito hanggang walong oras ang operasyon. Dalawang oras pa lang ang lumipas. "Hoy bruha!" Nilingon kaagad ni Evie ang pinanggalingan ng boses. Napangiti na lamang siya nang makitang ang kaibigan niyang si Lanie iyon. "May duty ka pa bukas," salubong na saad ni Evie. "Sabi ko naman sa iyo na ako na muna ang bahala rito." Salitan kasi sila sa pagbabantay kay Sunshine. Kung wala ito ay baka matagal nang bumigay ang katawan niya sa puyat at pagod. "Asus, ano ka ba!" Inakbayan ni Lanie si Evie at inakay na maupo sa waiting area. "Ito na lang ang maitutulong ko." Ulilang lubos na sina Evie at Sunshine. Graduation niya sa highschool noon nang sabay na namatay ang mga magulang nila sa isang aksidente at hindi na nakadalo sa graduation niya. Mulo noon ay siya na ang bumuhay kay Sunshine habang pinag-aaral ito maging ang kanyang sarili. "Kumain ka na ba?" tanong ni Lanie. "Oo, kumain ako sa mansyon bago pumunta rito at nagpadala pa si Manang ng pagkain," sagot naman ni Evie habang panay ang sulyap sa sliding door ng operating room. "Oh, kumusta naman si Fafa Russell." Mula sa pagiging seryosong nakatingin sa may operation room ay kaagad na nalipat ang tingin ni Evie sa kaibigan. "At kailan ka pa naging malandi?" "Noong nagkwento ka sa akin," humahagikhik na sagot ni Lanie. "Siraulo ka," napapailing na tugon naman ni Evie saka napabuntonghininga. "Alam ko kanina, noong pauwi na ako, nakasalubong ko sila." "Oh tapos?" kaagad na tanong ni Lanie na halatang excited sa kung anong chismis ni Evie. "Nag-goodbye kiss na ba siya?" "Manahimik ka nga!" saway ni Evie pero sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na lang uminit ang mukha niya. Umilinig-iling siya para mawala iyon sa isipan niya. "Para siyang, nasasaktan." "Hala ka! Tapos affected ka? Iba na iyan ghorl!" "Pakinggan mo kasi muna ako," naniningkit ang mga matang sabi ni Evie bago nagpatuloy sa pagkwento. "Alam mo iyong pakiramdam na may sugat ka tapos iniinda mo lang iyong hapdi at kirot." "Ay baka brokenhearted si Fafa Russell!" "May nakapagsabi na ba sa iyo na wala kang kwentang kausap?" Taas ang kilay na inismiran ni Evie si Lanie. "Sasabihin ko sa doktor na ipaopera na rin iyang utak mo." Hindi alam ni Evie na habang nag-uusap sila ng kaibigan ay may isang pares ng mga mata ang nanonood at nakikinig lang sa kanila. "Paano kaya kung malaman mo kung sino talaga si Russell? Mananatili ka pa kaya bilang yaya? Isusumpa mo kaya siya?" bulong ng taong iyon sa sarili.Tahimik ang buong silid nang dumating si Gray. Madilim, malamig, at tanging mahinang ilaw mula sa holographic panel ang nagbibigay-liwanag kay Mireille na nakaupo sa gitna ng mahabang mesa. Ang babaeng kinatatakutan ng halos lahat sa Black Network— maliban kay Gray— ay nakasuot ng pulidong itim na suit, mukhang hindi pa natutulog kahit dalawang araw nang may sunod-sunod na operasyon.Pagpasok ni Gray, wala siyang dala kundi ang maliit na wrist console at ang malamig niyang ekspresyon na tila walang kahit anong bigat ng mundo ang makakaantig dito.“Sit,” maikling utos ni Mireille.Tahimik siyang tumalima. Ang bawat kilos ni Gray ay kontrolado, magaan, ni walang bahid ng kaba o pagdadalawang-isip. Parang sinanay buong buhay para sa ganitong tagpo— na totoo naman.Inayos ni Mireille ang isang folder sa harap niya. Makapal, maraming naka-attach na encrypted pages at sealed data chips. Iba ang aura ng misyon na ito—hindi ito basta-basta.“Gray,” panimula ni Mireille, malamig ang tono. “You
Tahimik ang umaga sa command base ng Lacroix-Toporov Alliance, ngunit mabigat ang hangin. Ang mga ilaw sa war room ay kumikislap habang naglo-load ang data mula sa huling mission ni Rio. Sa gitna ng malaking holographic table, nakatayo sina Evie, Russell, at Nikolai, habang si Rio ay nakaupo sa gilid, tahimik pero halatang hindi mapakali.“Balikan natin ito,” malamig na sabi ni Evie.Muling pinindot ni Nikolai ang playback. Sa hologram, lumabas ang eksaktong laban ni Rio kay Gray—mabilis, brutal, at halos pantay ang galaw. Pero sa sandaling tumingala si Gray sa camera, lumitaw ang isang pares ng mata na hindi kailanman makakalimutan ni Evie.Tumigil ang video.Tahimik ang lahat. Wala ni isa ang nagsalita.“Mom…” mahinang sabi ni Nikolai, “sigurado ka ba?”Dahan-dahang umupo si Evie, tinatakpan ng kamay ang labi. “Hindi ko makakalimutan ang mga matang ‘yon. Kahit sa impiyerno ko pa siya makita— alam kong siya ‘yon. Siya nga si Amora.”Nagkatinginan sina Russell at Rio. Sa mga mata ni R
Tahimik ang buong compound ng Lacroix-Toporov Alliance. Ang dating mainit na base ng operasyon ay ngayon puno ng mga holographic screen, data servers, at mga digital maps ng buong Europe at Asia.Sa gitna ng lahat ng ito, nakaupo si Nikolai, the quiet storm behind the entire empire. Sa loob ng black network, kilala siya bilang Cipher, ang hacker na kayang magpatumba ng buong gobyerno sa loob lamang ng tatlong minuto.“Rio, I’ve cracked the last firewall,” sabi ni Nikolai sa comms, habang mabilis na tumatakbo ang codes sa screen. “Target frequency trace complete. The Revenants moved their base somewhere in Eastern Europe.”Sa kabilang linya, maririnig ang kalmadong boses ni Rio na kasalukuyang nasa field operation sa Ukraine. “Copy that. Send coordinates.”Mabilis na pinindot ni Nikolai ang ilang command keys. Sa holographic map, lumitaw ang markadong lugar— isang lumang fortress sa gilid ng kabundukan.“Got it,” wika ni Rio. “If this is right, that’s where Gray’s team stashed the last
Labinlimang taon na ang lumipas mula nang araw na iyon. Mula noon, nagbago ang lahat. Nawala si Amora sa kanila at hindi nila alam kung nasaan na ito o buhay pa ba ito.Nawalan ng malay si Evie noon dahil sa apat na balang tumama sa kanya. Bago pa man makatakas si Marionne, ay nabaril na ito ni Russell.Oo, dumating sila Russell nang araw na iyon.Pero si Amora ay hindi na nila mahagilap.Hindi rin nila makausap nang maayos si Marionne dahil mayroon itong multiple personality disorder. Ayon sa doktor na sumuri dito ay bunga iyon ng matinding pinagdaanan nito.Mula noon ang mundo ng mga sindikato ay muling nagkaroon ng bagong balanse— sa pagitan ng Lacroix-Toporov Alliance at ng iba pang pwersang umusbong sa dilim.---Venice, Italy — present.Tahimik ang gabi, maliban sa patak ng ulan at ingay ng mga motor mula sa malalayong kalye. Sa tuktok ng isang lumang gusali, nakaluhod si Gray, nakasuot ng dark combat suit, may night-vision goggles at silencer rifle. Sa ilalim ng hood, ang kanya
Napapailing si Evie matapos marinig ang mahabang salaysay ni Marionne. "Hindi... h-hindi totoo iyan.""Nakakasakit ka naman ng damdamin, kambal," nanunuyang saad ni Marionne at binigyang diin pa ang salitang kambal. "Hindi mo ba matanggap na galing ka sa isang surrogacy precedure at kambal tayo? Hindi tayo identical twin kaya hindi tayo magkamukha. Isa pa... nag-undergo ako ng ilang retoke dahil na rin sa mga sugat na gawa ni Marcos at nag-iwan iyon ng malaking peklat sa mukha ko.""Hindi totoong inabandona ka nina mama at papa!" sigaw ni Evie kahit pa pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng dugo. "Mabubuting tao ang mga magulang natin! Ang mga tauhan namin dito sa S-Top ay pawang mga natulungan ni papa sa Pinas. Wala silang mga magulang at kinupkop sila ni papa. Kaya imposibleng inabandona nila ang sarili nilang anak!""Kalokohan!" ganting sigaw ni Marionne. "So anong tawag mo sa akin? Anong tawag mo sa mga ginawa ng walang hiyang Marcos na iyon! Joke lang? Practice lang?""H-Hindi k
Simula ng araw na iyon ay nakipagkasundo si Arseni kina Manolo at Antonio— ipapalabas nilang tumiwalag na si Arseni.Magiging lihim na ang pagkakaibigan nila. Na kahit ang mga anak nila ay hindi malalaman ang ugnayan nilang tatlo kahit na ang tungkol kay Marvin.Sa ganoong paraan ay hindi iisipin ni Marvin na pinagkaisahan ito ng tatlong kaibigan. Kahit ganoon ang ginawa nito ay hindi pa rin maalis sa tatlo na minahal nila ito na parang isang tunay na kapatid. Kinailangan lang nilang putulin ang koneksyon dito para magbigay iyon ng aral dito.Kaya ang Operation Seraphim na pinag-aralan nila at binigyan ng oras ay hindi kailanman nila pinagpatuloy.Ang mga panganay nilang anak ang siyang sumunod sa mga yapak nila— sina Grigory, Manuel, at Alfonzo. Lumaki silang hindi kailanman nalaman ang pagkakaibigan ng kanilang mga tatay.Naging epektibo naman iyon dahil ni minsan ay hindi na nila nabalitaang nasasangkot sa isang krimen si Marvin. Kaya pinagpatuloy na lang nila ang ganoong set up.N







