Share

Chapter 6

Author: Sky_1431
last update Last Updated: 2025-09-24 02:54:02

Pigil ang hiningang nakapikit si Russell habang patuloy na binubunot ni Kurt ang balang tumama sa kanyang hita. Si Marcelo ang personal niyang doktor at matagal ng kaibigan.

"How many bullets do I have to deal with, Russ?" Iritado man ang tinig ay halata namang nag-aalala ito para sa kaibigan.

"Ang mahalaga ay buhay pa rin," nakangising sagot ni Russell kahit na halos naliligo na siya sa sarili niyang pawis.

"Hindi man lang tumatalab ang anesthesia sa iyo."

"Makapal na yata ang balat ko," biro niya pa kahit hindi na maipinta ang kanyang mukha.

"Ang sabihin mo gabi-gabi ka na lang lango sa alak. Lagi ka na ngang natatamaan ng bala, hindi ka pa conscious sa mga kinakain o iniinom mo," sermon nito sa kanya. "Kung ayaw mong maagang mawalan ng tatay si Amora, umayos ka naman."

Natahimik naman si Russell. Hindi niya naman masisisi ang kaibigan dahil tama naman ito.

Tatlong taon na rin ang nakalipas simula nang maging ganito siya. Gabi-gabi siyang umiinom hindi dahil sa lasenggero siya pero gusto niya lang makatulog kaagad.

"Isa pa," sabi pa ni Kurt habang sinisimulan nang tahiin ang sugat ni Russell. "Maglaan ka rin ng oras kay Amora. Iniwan na nga siya ni—"

"Don't dare to mention that woman's name..." bulong ni Russell pero puno iyon ng hinanakit.

Napahinga nang malalim si Kurt. "What I'm trying to say... ikaw na lang ang mayroon si Amora. Hindi mo naman maaasahan ang kapatid mo. Kaya alagaan mo naman ang sarili mo. Busy ako sa hospital at hindi sa lahat ng oras ay maaasahan mo ang tulong ko."

Nang marinig ang mga huling sinabi ni Kurt ay biglang nagbago ang mood ni Russell. "Naalala mo ba noong dumaan kami ni Amora sa hospital mo?"

Tumango si Russell. "At halos lahat ng security guard ay naghanap kay Amora."

"Exactly..." Umupo siya dahil tapos na si Kurt sa pagtatahi ng sugat niya. "She met someone there."

Umarko ang isang kilay ni Kurt. "Tapos tinawag niyang mommy? Wala ng bago pagdating kay Amora."

"Nope, iba sa pagkakataon na ito," umiiling na sagot ni Russell. "Kaagad na nahulog ang loob ni Amora kay Evie."

"Evie?" Ngayon ay dalawang kilay na ni Kurt ang nakataas. "Ibig sabihin ay nakipagkilala ka sa babae na iyon? Hmm... iba nga. Maganda siguro."

"Oo— ang ibig kong sabihin ay siya na ang yaya ni Amora." Kaagad na umiwas ng tingin si Russell.

"Agad-agad? Paano ka nakasisiguro na mapagkakatiwalaan ang Evie na iyon?" Para ng tatay si Kurt na kanina pa nanenermon sa anak niya.

"Chill!" natatawang sagot naman ni Russell. "When it comes to money, all is too easy."

"Huhh?"

"Naka-confine ang kapatid niya sa hospital mo at nangangailangan siya ng pera para sa operasyon nito. Alam kong hindi siya gagawa ng ikakapahamak niya o ng kapatid niya." Hindi alam ni Russell kung bakit ganoon na lang siya kasigurado na mapagkakatiwalaan nga si Evie. "I-Isa pa ay may nakabantay naman sa bawat kilos niya."

"Ohh... sa hospital ko, you say?" paninigurong tanong ni Kurt. "So ikaw ang magbabayad ng lahat?"

Tumango lang si Russell.

"Hindi ka ba lugi? Alam kong hindi problema sa iyo ang pera, pero..."

"Hindi," siguradong sagot ni Russell. "Dahil ngayon ko lang nakitang ganoon kasaya ang anak ko sa twing magkasama sila ni Evie."

Natigil sila sa pag-uusap nang tumunog ang intercom. "Boss, nakahanda na po ang hapunan."

Nasa underground sila— ang nagsisilbing hideout nila at hindi sila mahahanap ng mga kalaban kung sakali mang lusubin sila. Systematically protected ang buong compound ng Lacroix Residence. Ibig sabihin ay hindi sila basta-basta mapapasok ng kahit na sinong kalaban o ng mga hacker.

Nang nasa hapagkainan na sila ay kaagad na napansin ni Russell na magkaiba sila ng dessert ni Kurt. "Manang Lorna?"

Kaagad namang lumapit ang matanda. "Ano iyon?"

Parang mag-nanay lang ang turingan ng dalawa kaya hindi na kailangan ng pormalidad.

"Bakit magkaiba?" tanong naman ni Russell na parang batang nagsusumbong.

"Ahh," napangiti naman si Manang Lorna sa kung anong tinutukoy ni Russell. "Iyang cake na nasa platito mo ay ang ginawa nina Amora at Evie kanina. Bilin pa ni Evie na ibigay sa iyo iyan at siguraduhing kakainin mo."

Hindi maintindihan ni Russell kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi naman siya kinakabahan gaya na lang kapag nawawala si Amora. Hindi rin siya nag-aalala gaya ng sa twing umiiyak si Amora.

Huli niyang naramdaman ang ganito ay tatlong taon na ang nakalilipas— sa nanay ni Amora.

At sa loob ng tatlong taon na iyon ay bato na ang kanyang puso. Pero ito at sa simpleng cake na gawa ng isang babaeng hindi niya pa lubos na kilala ay nagwawala na ang puso niya.

"Pwede patikim?" tanong ni Kurt at akmang kukuha na ng cake gamit ang tinidor niya nang biglang ilayo iyon ni Russell sa kanya.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Manang Lorna? Para sa akin ito."

Ngumisi nang makahulugan si Kurt. "Curious na ako sa Evie na iyan, ha."

Hindi na iyon binigyang-pansin ni Russell at nakatitig na sa cake. Hindi siya natakam sa sa kanin at ulam dahil nasa cake na ang atensyon niya. Nang biglang may kung anong alaala ang pilit na kumakatok sa isipan niya.

Hindi niya maintindihan kung bakit parang pamilyar ang cake na iyon gayong marami naman siyang nakita at natikman na cake. Naisip niya na baka nakakakain na siya ng ganitong cake.

Hindi na siya makapaghintay at tinikman na nga ang cake.

Sa paglapat ng cake sa bibig niya ay nabitiwan niya kaagad ang tinidor.

"Woah... ganoon ba talaga kasarap?" pang-aasar ni Kurt na ngayon ay kumakain na sa kanin at ulam na inihandan ni Manang Lorna.

Nabitiwan ni Russell ang tinidor dahil hindi sa sobrang sarap niyon. Simple lang naman ang cake at pangkaraniwan lang ang lasa. Pero iba ang dating niyon sa kanya.

"Manang... nakagawa ka na ba ng cake na ganito noon?" biglang tanong ni Russell habang nakatingin pa rin sa cake.

Nagtataka namang napatingin si Manang Lorna kay Russell. "Hindi ko forte ang baking, kaya hindi pa ako nakakapag-bake ng cake o cupcakes."

"How about my mother?"

Nagulat si Manang Lorna sa tanong na iyon ni Russell. Simula kasi nang mamatay ang mga magulang nito ay hindi na ito nagtatanong o nagkukwento ng tungkol sa mga ito.

"Nakalimutan mo bang hindi marunong magluto si Donya Paulina," sagot naman ni Manang Lorna bagama't nasa tono pa rin nito ang pagtataka.

"Manang..." singit ni Kurt nang mapansing seryosa na ang kaibigan. "Nakalimutan din ba ninyo na na-diagnos si Russell noon ng dissociative amnesia?"

"A-Ahh, oo nga pala, pasensya ka na, Russell," naiilang na napangiti ang matanda.

Nagkaroon ng ganoong diagnosis si Russell noon. Ang dissociative amnesia ay sanhi ng isang trauma. Parang defense mechanism ng utak ng isang tao— inaalis nito ang isang hindi kanais-nais na pangyayari sa alaala ng isang tao nang hindi na ito mahirapan o masaktan pa.

Nasaksihan kasi mismo ng mga mata ni Russell kung paanong namatay ang kanyang mga magulang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 169

    Tahimik ang gubat—hindi na iyong katahimikang puno ng banta, kundi isang kakaibang katahimikang parang may hinihintay na desisyon. Ang liwanag ng umaga ay mas malinaw na ngayon, tumatama sa mga dahon, sa dugong natuyo sa lupa, sa mga bakas ng laban na katatapos lang.Nakaupo si Alliyah sa ibabaw ng isang ugat ng puno.Hindi na siya nagwawala.Hindi na siya sumisigaw.Hindi na rin siya nanginginig sa galit.Tahimik siyang nakatingin sa sarili niyang mga kamay—mga kamay na dati’y sandata, ngayon ay tila hindi niya kilala. Ang paghinga niya ay mabagal, kontrolado, halos parang isang batang pinagsabihan at natutong tumahimik.Si Gray ay nakatayo ilang hakbang ang layo.Hindi niya inaalis ang tingin sa kanya.Hindi dahil takot siya—kundi dahil sanay na siyang magbantay. Ang bawat kilos ni Alliyah ay binabasa niya, hindi bilang kaaway, kundi bilang isang taong matagal nang sinanay na itago ang tunay na damdamin sa likod ng pagsunod.“Alliyah,” maingat niyang tawag.Dahan-dahang tumingin sa

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapterrrr 168

    Nagising si Alliyah sa tunog ng sariling paghinga.Hindi agad siya kumilos. Hindi dahil kalmado siya—kundi dahil may mali. May bigat sa mga braso niya. May higpit sa mga pulso. May lamig ng lupa sa likod niya at amoy ng dugo at damo sa hangin. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.Dilaw ang liwanag ng umaga, sumisingit sa pagitan ng mga puno. Ang gubat ay tahimik, pero hindi payapa. Ang katahimikan nito ay parang nanonood.Sumubok siyang igalaw ang kamay niya.Hindi siya makawala.“—Ano ‘to?!” biglang sigaw niya, sabay pilit na hinila ang mga kamay na nakatali. Sumakit ang pulso niya agad.Umupo siya nang biglaan, galit na galit, humahagulgol ang hininga. “Pakawalan mo ako!” sigaw niya, kahit wala pa siyang nakikitang tao. “Pakawalan mo ako ngayon din!”Pinilit niyang tumayo, ngunit nakatali rin ang mga paa niya. Bumagsak siya pabalik sa lupa, marahas, ngunit hindi niya naramdaman ang sakit—o mas tamang sabihin, mas malakas ang galit kaysa sa kirot.“Gray!” sigaw niya, paos, puno

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 167

    Tahimik pa rin ang gubat, ngunit ang katahimikang iyon ay mabigat na, halos hindi na makahinga.Puno na ng sugat si Gray.Hindi na mabilang ang hiwa sa braso niya, ang pasa sa tagiliran, ang hapding umaakyat mula sa tuhod hanggang baywang. Ang bawat paghinga ay may kasamang kirot, parang may basag na salamin sa loob ng dibdib niya. Ang dugo ay dumadaloy mula sa balikat niya, tumatagas sa manggas ng damit, humahalo sa putik at damo sa ilalim ng mga paa niya.Ngunit nananatili siyang nakatayo.Hindi dahil malakas pa siya.Kundi dahil ayaw pa niyang bumigay.Sa harapan niya, ilang hakbang lang ang layo, si Alliyah ay nakatayo rin—ngunit hindi na kasing bilis kanina. Ang mga balikat nito ay bahagyang nakalaylay, ang paghinga ay hindi na pantay. Ang mga mata nito, na kanina lang ay nag-aapoy sa galit, ay ngayon may bahid na ng pagod—hindi pisikal lang, kundi emosyonal, parang isang apoy na matagal nang sinusunog ang sarili at ngayo’y nauubusan na ng hangin.Ngunit hindi pa rin siya sumusuk

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 166

    Tahimik ang kabundukan, ngunit ang katahimikang iyon ay panlilinlang. Sa ilalim ng bawat yabag ni Gray sa basang lupa ay may nakaabang na panganib—mga patalim ng alaala, mga aninong maaaring gumalaw anumang oras. Nagsimula na siyang kumilos. Hindi na siya nag-aksaya ng oras sa pagdududa. Ang bawat segundo ay mahalaga, at alam niyang habang tumatagal, mas lalong tumitibay ang galit na bumabalot kay Alliyah.“Juliet,” bulong niya sa comms, mahina ngunit malinaw. “Nasa silangang bahagi na ako. May bakas ng dugo sa mga puno.”Static muna ang sagot bago marinig ang boses ni Juliet—kalmado, ngunit may halong pag-aalala.“Nakikita ko sa thermal scan ang galaw mo. Mag-ingat ka, Gray. May isang heat signature, mga tatlong daang metro sa unahan mo.”Huminto si Gray. Dahan-dahan siyang yumuko, hinipo ang lupa. Sariwa pa. Hindi pa natutuyo ang dugo.“Siya ‘yon,” sabi niya. “Hindi na siya nagtatago.”“Parang... hinihintay ka niya,” sagot ni Juliet. “Gray, kung pakiramdam mo ay delikado—”“Delikado

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 165

    Tahimik ang hideout, ngunit hindi iyon ang uri ng katahimikang nagbibigay ng kapayapaan. Ito ang katahimikang puno ng sugat, ng mga ungol na pilit pinipigilan, ng amoy ng dugo at gamot na nagsasama sa hangin. Sa gitna ng lahat ng iyon, nakatayo si Gray—nakapikit, nakasandal sa malamig na pader, parang pilit inuukit sa sarili ang desisyong matagal na niyang tinatakbuhan.Tiningna niya ang relo sa pulso niya, ilang minuto na lang at dadating na ang back up.Panahon na.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Wala nang pag-aatubili. Wala nang tanong. Ang mga sagot ay matagal nang naroon—pinili lang niyang huwag pakinggan noon.Lumakad siya papunta sa mesa kung saan nakalatag ang mga kagamitan niya. Hindi armas ang una niyang hinawakan, kundi ang maliit na cellphone na ibinigay niya kay Juliet kanina. Doon niya ipinalipat ang lahat ng video—ang mga file mula sa lumang base ng Alliance. Ang katotohanang matagal na ikinulong sa mga server.Lumapit si Juliet, tahimik ngunit alerto.“Sigura

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 164

    Hindi na nagtagal ang pagkabigla.Sa sandaling malinaw na malinaw kay Gray at Juliet ang lawak ng nangyari, kusang gumalaw ang mga katawan nila—parang matagal nang sanay sa ganitong uri ng impiyerno. Walang sigawan. Walang tanong na “bakit.” Ang mga ganoong salita ay para sa mga taong may oras pang masaktan. Wala na silang ganoong pagkakataon.“Juliet,” sabi ni Gray, mababa ngunit matalim ang tinig, “hanapin mo siya.”Hindi na kailangan ng paliwanag.Tumango si Juliet at agad na tumakbo patungo sa control room ng hideout—isang maliit ngunit sapat na silid na puno ng mga monitor, wire, at improvised na sistema ng surveillance na inayos nila ni Rio para hanapin sana ang may pakana ng sunog sa bahay nina Nikolai na sa hindi inaasahan ay si Alliyah pala, at ngayon ay si Alliyah pa rin ang dahilan.Ngunit ngayon, iyon na lang ang pag-asa nilang makita kung saan nagpunta si Alliyah o kung may bakas man siyang naiwan.Samantala, lumuhod si Gray sa tabi ng unang sugatan na nadaanan niya.Isan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status