Compartir

Chapter 7

Autor: Sky_1431
last update Última actualización: 2025-09-24 23:02:08

Kahit wala gaanong tulog si Evie ay pumunta pa rin siya sa bahay ng mga Lacroix. Dumaan muna siya sa isang flower shop at bumili ng isang bungkos ng pinagsamang yellow tulips at daisies. Maganda raw ang mga bulaklak na ito sa umaga dahil nagbibigay ito ng good vibes at light energy.

Balak niyang ibigay iyon kay Amora. Lalabas na sana siya nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang rare na bulaklak na hindi basta-basta makikita rito sa bansa.

Kaagad niyang tinanong ang florist na naroon. "Anong
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 223

    Sa bahay-ampunan na nasa dulo ng bayan, laging maaliwalas ang umaga.Hindi dahil may kampana o orasan na tumatawag sa mga bata para gumising, kundi dahil sanay na silang magising bago pa man sumilip ang araw. May mga batang umiiyak sa panaginip, may mga batang nagigising sa gutom, at may mga batang basta na lang bumabangon dahil iyon ang nakasanayan.Kasama si Liara roon.Limang taong gulang na siya.Hindi na siya sanggol na kinikarga, hindi na rin batang halos hindi makalakad. Marunong na siyang tumakbo, magsalita nang buo, at magtanong ng mga bagay na minsan ay walang gustong sumagot.Sa maliit na kama sa sulok ng kwarto, dahan-dahang bumukas ang kanyang mga mata. Ang kisame ay kulay puti, may bahid ng luma, at may maliit na bitak sa gilid—iyon na ang unang bagay na nakikita niya tuwing umaga.Hindi niya alam kung bakit, pero lagi niyang inaabot ang hangin sa tabi ng unan niya paggising.Parang may hinahanap.Parang may nawawala.“Liara, gising na?” tawag ng isang boses mula sa pint

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 222

    Nakatayo si Alliyah sa harap ng lumang gusali. Hindi ito ang uri ng lugar na mapapansin ng karaniwang tao. Wala itong karatula, wala ring ilaw na umaakit ng pansin. Isang gusaling tila iniwan ng panahon—kupas ang pintura, bitak-bitak ang pader, at ang mga bintana’y madilim na parang matagal nang walang nakatira. Ngunit alam niyang mali ang pakiramdam na iyon. Ang mga ganitong lugar ang paborito ni Vesper. Mga lugar na mukhang patay na, pero sa loob ay buhay na buhay ang panganib. Ito ang huling bakas na nakuha ng Sentinel Core. Walang kasiguruhan. Walang kumpirmasyon. Isang koordinado lang na paulit-ulit lumitaw sa mga galaw ng isang lalaking walang permanenteng tirahan, walang pangalan, at walang konsensya. At ngayon, narito siya. Mag-isa. Walang backup. Walang kasamang sundalo. Walang plan B. Hinayaan niyang gumapang ang malamig na hangin sa balat niya habang nakatingin sa harap ng gusali. Hindi siya nagtakip ng mukha. Hindi rin siya naghanap ng pasukan sa likod. Hindi niya

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 221

    Matagal na niyang hindi binibigkas ang pangalang iyon sa isip niya.Sentinel Core.Isang lugar na minsang kumupkop sa kanya at minsang naging pag-asa para sa kanya. Isang institusyong itinayo para sa katahimikan ng bansa, pero sa likod ng makakapal na pader nito, dugo at lihim ang naging pundasyon.Habang papalapit si Alliyah sa pasilidad, unti-unting bumabagal ang hakbang niya. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng alaala. Ang bawat metro palapit ay parang paghila pabalik sa isang buhay na pilit niyang tinalikuran.Ang gusali ay naroon pa rin.Malaki. Malamig. At walang palamuti.Kongkreto at bakal ang bumungad sa kanya, parang walang pakialam kung sino ang dumarating o umaalis. Sa itaas ng tarangkahan, nandoon pa rin ang simbolo ng Sentinel.Huminto siya sa tapat ng gate.Dalawang armadong guwardiya ang agad na lumingon sa kanya. Hindi sila agad nagtaas ng baril, pero malinaw ang tensyon sa kanilang postura.“Pangalan?” tanong ng isa, malamig ang tono.Tumingin si Alliyah di

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 220

    Hindi agad sumikat ang araw nang makarating si Alliyah sa hangganan ng susunod na bayan.Sa katunayan, halos hindi pa humihiwalay ang gabi sa lupa. Ang langit ay kulay abo—hindi madilim, hindi rin maliwanag—parang hindi pa rin sigurado kung alin ang dapat manaig. Ang mga ilaw sa kalsada ay nakabukas pa, nanginginig sa malamig na hangin ng madaling-araw.Tahimik ang paligid.Walang busina. Walang nagmamadaling tao. Walang matang nakatuon sa kanya.At iyon ang gusto niya.Mahigpit ang yakap niya kay Liara, ang ulo ng bata ay nakasubsob sa balikat niya, ang maliit na kamay ay nakakapit sa tela ng kanyang jacket. Mahimbing pa rin ang tulog nito, walang kaalam-alam sa bigat ng desisyong ginagawa para sa kanya.Huminto si Alliyah sa gilid ng kalsada.Sa tapat niya, may isang gusaling hindi engrande, hindi rin kaaya-aya sa unang tingin. Simple lang—isang lumang bahay na pinalaki, pinalawak, at ginawang tahanan ng mga batang walang magulang.Isang bahay-ampunan.Walang karatulang malaki. Wala

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 219

    Hindi agad kumilos si Alliyah.Nasa underground pa rin siya, nakaupo sa gilid ng mesa, habang ang oras ay unti-unting gumagapang palayo. Alam niyang hindi siya pwedeng magmadali. Hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi kapag ang bawat maling hakbang ay maaaring maging huli.Sa maliit na monitor na nakakabit sa pader, kita niya ang labas ng bahay.Mga pulis.Marami.May mga ilaw na umiikot—pula at bughaw—na tila walang kapagurang sumasayaw sa dilim. Ang tunog ng radyo, ang pabulong-bulong na usapan, ang mabibigat na yabag ng mga sapatos sa lupa—lahat iyon ay umaabot kahit papaano sa ilalim ng lupa.Nakita niya kung paano binuksan ang gate.Kung paano pumasok ang ilan sa loob ng bahay.Kung paano tumigil ang ilan sa may tindahan.At kung paano, maya-maya, nagbago ang galaw ng mga pulis.Mas naging maingat. Mas naging seryoso. Mas naging mabigat ang hangin.Alam na niya kung ano ang nakita nila.Hindi na niya kailangang hulaan.Nakita ng mga pulis ang mga katawan. Ang mga pugot na ulo. Ang ba

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 218

    Hindi na umalis si Alliyah sa underground safe space nang gabing iyon.Hindi dahil sa wala siyang lakas umakyat—kundi dahil alam niyang ang sandaling iyon ay hindi para sa pagtakas, kundi para sa pagharap. Isa pa, mukhang hindi na rin ligtas sa itaas.Tahimik ang paligid. Walang tunog ng sasakyan. Walang yabag sa itaas ng bahay. Walang huni ng kahit anong buhay sa labas. Parang kusang nagdesisyong huminto ang mundo para bigyan siya ng oras.Isang buong gabi para mag-isip.Umupo siya sa gilid ng maliit na mesa, nakapatong ang dalawang siko, magkapatong ang mga kamay. Nakayuko ang ulo, pero ang isip niya ay walang tigil sa pagtakbo.Paulit-ulit bumabalik ang mga imahe.Ang monitor. Ang taho. Ang pagbagsak ng isa-isa. Ang mga mata ni Gray sa huling segundo.Pinikit niya ang mga mata, pero mas naging malinaw ang lahat.Kung susundin niya ang huling habilin ni Gray—kung kukunin niya si Liara at magpapakalayo—kung iiwan niya ang lahat at magtatago sa kung saan—Ano ang mangyayari?Alam n

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status