MasukTahimik ang buong silid nang dumating si Gray. Madilim, malamig, at tanging mahinang ilaw mula sa holographic panel ang nagbibigay-liwanag kay Mireille na nakaupo sa gitna ng mahabang mesa. Ang babaeng kinatatakutan ng halos lahat sa Black Network— maliban kay Gray— ay nakasuot ng pulidong itim na suit, mukhang hindi pa natutulog kahit dalawang araw nang may sunod-sunod na operasyon.Pagpasok ni Gray, wala siyang dala kundi ang maliit na wrist console at ang malamig niyang ekspresyon na tila walang kahit anong bigat ng mundo ang makakaantig dito.“Sit,” maikling utos ni Mireille.Tahimik siyang tumalima. Ang bawat kilos ni Gray ay kontrolado, magaan, ni walang bahid ng kaba o pagdadalawang-isip. Parang sinanay buong buhay para sa ganitong tagpo— na totoo naman.Inayos ni Mireille ang isang folder sa harap niya. Makapal, maraming naka-attach na encrypted pages at sealed data chips. Iba ang aura ng misyon na ito—hindi ito basta-basta.“Gray,” panimula ni Mireille, malamig ang tono. “You
Tahimik ang umaga sa command base ng Lacroix-Toporov Alliance, ngunit mabigat ang hangin. Ang mga ilaw sa war room ay kumikislap habang naglo-load ang data mula sa huling mission ni Rio. Sa gitna ng malaking holographic table, nakatayo sina Evie, Russell, at Nikolai, habang si Rio ay nakaupo sa gilid, tahimik pero halatang hindi mapakali.“Balikan natin ito,” malamig na sabi ni Evie.Muling pinindot ni Nikolai ang playback. Sa hologram, lumabas ang eksaktong laban ni Rio kay Gray—mabilis, brutal, at halos pantay ang galaw. Pero sa sandaling tumingala si Gray sa camera, lumitaw ang isang pares ng mata na hindi kailanman makakalimutan ni Evie.Tumigil ang video.Tahimik ang lahat. Wala ni isa ang nagsalita.“Mom…” mahinang sabi ni Nikolai, “sigurado ka ba?”Dahan-dahang umupo si Evie, tinatakpan ng kamay ang labi. “Hindi ko makakalimutan ang mga matang ‘yon. Kahit sa impiyerno ko pa siya makita— alam kong siya ‘yon. Siya nga si Amora.”Nagkatinginan sina Russell at Rio. Sa mga mata ni R
Tahimik ang buong compound ng Lacroix-Toporov Alliance. Ang dating mainit na base ng operasyon ay ngayon puno ng mga holographic screen, data servers, at mga digital maps ng buong Europe at Asia.Sa gitna ng lahat ng ito, nakaupo si Nikolai, the quiet storm behind the entire empire. Sa loob ng black network, kilala siya bilang Cipher, ang hacker na kayang magpatumba ng buong gobyerno sa loob lamang ng tatlong minuto.“Rio, I’ve cracked the last firewall,” sabi ni Nikolai sa comms, habang mabilis na tumatakbo ang codes sa screen. “Target frequency trace complete. The Revenants moved their base somewhere in Eastern Europe.”Sa kabilang linya, maririnig ang kalmadong boses ni Rio na kasalukuyang nasa field operation sa Ukraine. “Copy that. Send coordinates.”Mabilis na pinindot ni Nikolai ang ilang command keys. Sa holographic map, lumitaw ang markadong lugar— isang lumang fortress sa gilid ng kabundukan.“Got it,” wika ni Rio. “If this is right, that’s where Gray’s team stashed the last
Labinlimang taon na ang lumipas mula nang araw na iyon. Mula noon, nagbago ang lahat. Nawala si Amora sa kanila at hindi nila alam kung nasaan na ito o buhay pa ba ito.Nawalan ng malay si Evie noon dahil sa apat na balang tumama sa kanya. Bago pa man makatakas si Marionne, ay nabaril na ito ni Russell.Oo, dumating sila Russell nang araw na iyon.Pero si Amora ay hindi na nila mahagilap.Hindi rin nila makausap nang maayos si Marionne dahil mayroon itong multiple personality disorder. Ayon sa doktor na sumuri dito ay bunga iyon ng matinding pinagdaanan nito.Mula noon ang mundo ng mga sindikato ay muling nagkaroon ng bagong balanse— sa pagitan ng Lacroix-Toporov Alliance at ng iba pang pwersang umusbong sa dilim.---Venice, Italy — present.Tahimik ang gabi, maliban sa patak ng ulan at ingay ng mga motor mula sa malalayong kalye. Sa tuktok ng isang lumang gusali, nakaluhod si Gray, nakasuot ng dark combat suit, may night-vision goggles at silencer rifle. Sa ilalim ng hood, ang kanya
Napapailing si Evie matapos marinig ang mahabang salaysay ni Marionne. "Hindi... h-hindi totoo iyan.""Nakakasakit ka naman ng damdamin, kambal," nanunuyang saad ni Marionne at binigyang diin pa ang salitang kambal. "Hindi mo ba matanggap na galing ka sa isang surrogacy precedure at kambal tayo? Hindi tayo identical twin kaya hindi tayo magkamukha. Isa pa... nag-undergo ako ng ilang retoke dahil na rin sa mga sugat na gawa ni Marcos at nag-iwan iyon ng malaking peklat sa mukha ko.""Hindi totoong inabandona ka nina mama at papa!" sigaw ni Evie kahit pa pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng dugo. "Mabubuting tao ang mga magulang natin! Ang mga tauhan namin dito sa S-Top ay pawang mga natulungan ni papa sa Pinas. Wala silang mga magulang at kinupkop sila ni papa. Kaya imposibleng inabandona nila ang sarili nilang anak!""Kalokohan!" ganting sigaw ni Marionne. "So anong tawag mo sa akin? Anong tawag mo sa mga ginawa ng walang hiyang Marcos na iyon! Joke lang? Practice lang?""H-Hindi k
Simula ng araw na iyon ay nakipagkasundo si Arseni kina Manolo at Antonio— ipapalabas nilang tumiwalag na si Arseni.Magiging lihim na ang pagkakaibigan nila. Na kahit ang mga anak nila ay hindi malalaman ang ugnayan nilang tatlo kahit na ang tungkol kay Marvin.Sa ganoong paraan ay hindi iisipin ni Marvin na pinagkaisahan ito ng tatlong kaibigan. Kahit ganoon ang ginawa nito ay hindi pa rin maalis sa tatlo na minahal nila ito na parang isang tunay na kapatid. Kinailangan lang nilang putulin ang koneksyon dito para magbigay iyon ng aral dito.Kaya ang Operation Seraphim na pinag-aralan nila at binigyan ng oras ay hindi kailanman nila pinagpatuloy.Ang mga panganay nilang anak ang siyang sumunod sa mga yapak nila— sina Grigory, Manuel, at Alfonzo. Lumaki silang hindi kailanman nalaman ang pagkakaibigan ng kanilang mga tatay.Naging epektibo naman iyon dahil ni minsan ay hindi na nila nabalitaang nasasangkot sa isang krimen si Marvin. Kaya pinagpatuloy na lang nila ang ganoong set up.N







