Lubog na ang araw nang dumating ako sa bahay namin ni Lucas upang kuhanin ang mga gamit na naiwan. Katulad ng nais niya ay kukuhanin ko lahat ng gamit ko rito at walang ititira.
Sarado ang mga ilaw kaya ako na ang nagbukas noon. Mabuti nga at pareho kami na may susi ng bahay kaya hindi hassle kapag pareho kaming wala at walang tao rito sa bahay. Pinalobo ko ang mga pisngi ko nang ilibot ang mga mata sa kabuohan ng bahay. Pitong taon din ako rito pero kahit saan na sulok ko tingnan ay wala man lang ako naging masaya na alaala. Puro masasakit na karanasan ang siyang nakikita ko. Tahimik ang bahay at kulang na lang ay makarinig na ako ng kuliglig sa paligid. Ganito naman lagi ang eksena. Napakalaki ng bahay pero parang wala naman nakatira. Sobrang lungkot din. Sa halip na magtagal pa ay pumunta na ako sa silid ko at niligpit na ang aking mga gamit. Ayos na rin 'to. Tama na 'yung pitong taon na paghihirap ko. Maraming lalaki sa mundo at hindi mauubusan ang bawat isa. Choice na lang natin kung magse-settle tayo sa less but for me... stay single na lang muna after ng annulment. Gusto ko naman maranasan ang freedom na pinagkait sa akin. Buntonghininga na pinaglalagay ko sa maleta ang mga gamit ko. Hindi nagkasiya ang iba kaya pinagkukuha ko na lang iyon upang ilagay na lang sa sasakyan. Bitbit iyon ay lumabas ako sa aking silid. Nangunot ang noo ko nang makita ang bulto ni Lucas na iika-ika na maglakad papunta sa silid niya. Tumaas ang kilay ko nang muntikan pa siya madapa. Lasing? Nagkibitbalikat lang ako at bumaba na upang makaalis na rin. Baka maghumirentado na naman siya kapag nakita niya ako. Nagpatagal pa ako sa ibaba upang masiguro na nakapasok na siya sa silid niya bago ako umakyat. Naabutan ko rin na hindi man lang siya nag-abala na isarado ang pinto niya. Ngumuso ako at hindi nakatiis na silipin siya sa silid niya lalo na nang marinig ang sunod-sunod na pag-ubo. Mamaya namatay pa siya ay kargo-konsensiya ko pa. Pumayag pa naman ako sabihin na ako ang nambubugbog sa kaniya, mamaya maipakulong pa ako nito. Kumatok ako bago tuluyan na pumasok. Hindi na hinihintay pa na papasukin ako dahil alam ko rin sa sarili ko na hinding-hindi niya ako papapasukin dito. Hindi ko na binuksan pa ang ilaw at lumapit na lang sa kama niya. Naroon siya at nakahiga. Takip-takip ang mga mata gamit ang kaniyang kanan na braso dahilan upang hindi niya ako makita. Pinagmasdan ko ang kalagayan niya. Kahit mga sapatos ay hindi man lang tinanggal! "Hoy," ani ko at hinampas siya. "What the fuck!" galit na aniya at masama na agad ang tingin sa akin nang tanggalin ang braso na nakatakip sa kaniyang mga mata. "What are you doing here again? Go pack your things then leave." "Mukhang maayos ka naman. Nagagalit ka pa nga. Nakalimutan ko, matagal nga pala mamatay ang masamang damo," kibitbalikat na pagkausap ko. Hindi na ako nagpaalam at tumalikod na roon upang lumabas na. Ipagpapatuloy na ang pagliligpit ng aking mga gamit ngunit kasasarado ko pa lang ng pinto nang magsunod-sunod na naman ang ubo niya at mukhang nasuka pa. Nagbuga ako ng hangin at muling binuksan ang pinto. Binuksan ko na rin ang ilaw kahit pa nagalit siya. "Turn off the lights!" aniya. "Turn off the lights," panggagaya ko sa kaniya at saka siya nilapitan doon. "Ayan! Alak pa," sabi ko. Pinagkunotan niya ako ng kaniyang noo. "What are you saying?" napapairap na aniya. "Sa sobrang kalasingan mo ay hindi mo na maiayos pa ang sarili mo. Sobrang sarap kasi ng alak e. Laklakin mo pa." "You're spitting nonsense. Go back to your room," utos niya. Pinaningkitan ko pa nga siya ng aking mga mata pero halos ibato na niya sa akin ang unan na hawak. Kalalaking tao sadista. Mukhang hindi naman siya lasing. Napaurong siya nang ilalapat ko sana ang likod ng aking palad sa kaniyang noo. Hinila ko siya dahilan upang mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. "Lumapit ka. Huwag kang maarte," sabi ko. "And why would I do that?" sagot naman niya. Sa halip na sumagot ay sumampa na ako sa kama niya at hinampas siya pabalik nang hampasin niya ang kamay ko. "Titingnan ko lang kung may lagnat ka!" inis na sambit ko. Malamlam ang kaniyang mga mata at parang walang gaanong lakas. Ganito siya sa tuwing nilalagnat. Sa ilang taon ko siya na kasama ay kabisado ko na siya lalo na kapag may lagnat. Akala mo inaapi. Pilit niya na hinahampas ang kamay ko kaya mas nilakasan ko ang paghampas sa kamay niya at saka iyon idiniin sa foam. "Isa," pagbilang ko. Salubong ang mga kilay niya nang mailapat ko ang likod ng aking palad sa kaniyang noo. Hindi na ako nagulat pa nang maramdaman ang init noon. "Done?" tanong niya at saka walang ka-energy-energy na binawi ang kamay. "Kailan pa 'yan? Bakit hindi ka nagsasabi." Tinaasan niya ako ng kaniyang mga kilay. "At bakit ko naman sasabihin sa'yo," masungit na aniya. "Bakit? May aasikaso pa ba sa'yo bukod sa akin?" tanong ko naman. "I called Iris. Papunta na siya rito." Napaiwas ako ng tingin. Mayroon nga pala. Katahimikan ang namayani dahilan upang bumaba na ako sa kama niya. "Anong oras siya pupunta?" tanong ko. "And why would you like to know?" Napairap na lang ako sa tanong niya. "Kapag namatay ka rito ay hindi imposible na ako ang makukulong dahil ako ang huling nakasama mo rito sa bahay," pagdadahilan ko. Bahagya siya na natawa. "Tanga," halos pabulong na lang na aniya. "Mas tanga ka. Ikaw ba naman magkasakit kahit maganda naman ang panahon." "Hubarin mo 'yang sapatos mo. Magluluto lang ako ng may sabaw para makainom ka tuloy ng gamot," utos ko. "No. Pack your things then leave. Si Iris na ang magluluto ng pagkain ko," aniya. Natawa ako. Kung mamamatay na siguro 'to baka si Iris pa rin. "Sige," pagpayag ko at umalis na roon. Walang imik na itinapon ko sa kama ang sarili ko. Walang balak na umalis hangga't hindi nakararating si Iris. Mas maganda na ang sigurado. Sapo ang noo nang imulat ko ang aking mga mata. Hindi na napansin pa na nakatulog na. Tiningnan ko ang silid ko na medyo makalat dahil sa kanina na pag-aalsabalutan ko. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya napagpasiyahan ko na bumaba muna. Tumunog din ang aking tiyan. Hindi na ako nakakain. Kinagat ko ang ibabang labi habang nakatingin sa orasan. Alas tres na. Ang mga cup noodles ko rito sa kusina ay hindi naman nagagalaw kaya nilagyan ko ng mainit na tubig ang isa para naman malamanan ang tiyan ko. Habang niluluto iyon sa mainit na tubig ay binitbit ko na upang doon na lang kumain sa itaas. Natigilan pa ako nang madaanan ang pinto ng silid ni Lucas. Idinikit ko ang aking kaliwang tainga sa pinto na animo'y sa paraan na iyon ay malalaman ko kung nasa loob na ba o pumunta nga ba si Iris. Napanguso ako at hindi na nakatiis pa na buksan ang pinto. Tanging lamp na lang ang siyang nagbibigay ilaw sa loob. Iginala ko pa ang paningin sa kabuohan ng silid niya ngunit kahit kaunting bakas ni Iris ay wala akong makita. Nagbuga ako ng hangin at lumapit sa gawi ng kama. Pansin ko ang pangangatog niya sa lamig dahilan upang pahinaan ko ang aircon niya. Itinaas ko rin ang kumot hanggang dibdib niya. Mas mainit siya kumpara kanina. Ibinaba ko muna ang cup noodles ko at saka walang pakialam na pumunta sa banyo niya upang kumuha ng basang panyo ngunit ako rin ang nahirapan na magpabalik-balik sa banyo upang basahin iyon dahil walang basin kaya bumaba na lang ako para kumuha ng isa. Natigil ako sa pagdampi-dampi ng basang towel sa kaniyang noo nang huliin niya ang aking braso. Mapungay ang mga mata at namumula ang mga iyon nang imulat niya. "Malamig," aniya. Taliwas sa inaasahan ko na pagsigaw niya sa akin. Binawi ko ang braso ko sa kaniya at binalik na ang towel sa basin. Pumikit na rin siya ulit. Mukhang handa na bumalik sa pagtulog. "Hindi ka uminom ng gamot kanina," pagkausap ko ngunit wala akong narinig na responde mula sa kaniya. "Hindi ka pinuntahan ni Iris?" tanong ko. "Kung nandito ka lang para pagsabihan ako mas mabuti na lumabas ka na. Wala akong lakas na makipagsagutan sa'yo," nanghihinang aniya. "Umupo ka," utos ko. "I'm sleeping," aniya. "Umupo ka. Kainin mo 'tong noodles para may laman ang tiyan mo at makainom ka na rin ng gamot," sabi ko. "Stop being a bossy. I am the boss here," pakikipagtalo pa niya. Akala ko ba walang lakas? "Hindi ko naman ninanakaw title mo. Ang sa akin lang kumain ka na at may sakit ka na nga nagawa mo pang magpalipas ng gutom." Tinanggal ko ang takip noong cup noodles ko at saka iyon hinalo. Tama lang ang pagkaluto noon. Napaiwas siya ng tingin nang balingan ko siya. Asta na tutulungan ko siya na umupo nang itulak niya ang braso ko. "Bring it with you. I don't need it. I don't need your help. Kaya ko ang sarili ko. I don't need you," aniya. Napairap ako. Akala ko naman ayos na at kahit papaano ay naluto ang utak niya para maging mabait naman sa akin. "Ano na naman ba," ako. "You heard what I said, Aurora," sambit niya. "Papairalin mo na naman ba 'yang napakataas mo na pride kapalit ng kalusugan mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Ikaw na nga itong inaasikaso ay parang ayaw mo pa—" "I said, I can take care of myself. I don't need anybody especially you. I don't need your pity," galit na aniya. "Wow, kahit saan talaga e 'no? May sakit o wala ay ganoon pa rin," sarkastikong sambit ko. "And I didn't asked you to take care of me. What I asked is for you to leave my house—" "Our house!" pagtatama ko. "This is my only and only house, Aurora. You don't own anything here except your garbages," aniya malamang sa malamang ay tinutukoy ang mga gamit ko sa kwatro. Tumango ako. "Ay... Pasensiya na. Nadala lang ako sa salitang kasal. Sabi kasi pagmamay-ari mo ay pagmamay-ari ko rin—" "And just to remind you, we are just married on the paper. Nothing personal," pagpuputol niya sa akin. "So... This is why you are acting worried all of a sudden. Why? It's because, it is your responsible as a wife?" nang-aasar na aniya. "Hindi mo ba kayang ibaon muna lahat ng galit mo sa akin kahit na... In the first place ay ako dapat ang may sama o galit ng loob sa'yo—" "Then why you just can't hate me?" tanong niya. Natatawa na nailing ako. Saan na naman ba tutungo ang usapan na ito. Bangayan na lang ba talaga hanggang sa maghiwalay? "Gusto mo malaman?" tanong ko. Hinintay ko siya na sumagot ngunit pag-iwas ng tingin lamang ang kaniyang naging sagot. Umirap na lang ako at kinuha ang chance na iyon upang ibigay ang buong lakas at subukan siya na paupuin kahit na ayaw talaga niya. Nagmatigas pa siya dahilan upang mas mainis ako. "Umayos ka nga!" "I told you to leave my fucking room. I don't need you and your noodles. Should I repeat it again and again?" masama ang tingin sa akin na aniya. "Hindi ako aalis hangga't hindi ka umiinom ng gamot," pakikipagmatigasan ko rin. Akala yata matataboy ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Sino ang masisindak kung mas mukha pa siyang nagmamakaawa kaysa magmukhang galit. Padabog siya na umupo at basta hinablot sa akin ang cup noodles. Natapon ang mainit na sabaw noon sa kamay ko na agad ko rin na ipinunas sa suot na short. "Kainin mo na 'yan," sabi ko at inalalayan pa na mahawakan ng ayos ang baso noon. Mabuti at may harang ang cup dahilan upang mahawakan iyon nang hindi napapaso ang mga daliri kapag hinahawakan niya. Tipid lang ako ngumiti nang mag-iwas siya ng tingin matapos ko siyang mahuli na nakasunod ng tingin sa kamay ko na natapunan kanina. "Kukuhanin ko lang 'yung gamot at saka tubig mo. Ubusin mo na 'yan," utos ko bago tuluyan na iniwan siya sa loob.AURORA'S POVI was sore down there. Nang gumising ako ay mahimbing pa rin ang tulog ni Lucas.Nangialam na lang ako sa lagayan niya nga mga damit upang iyon ang isuot at ipantakip sa katawan ko. Nasira ang suot ko mula sa panlabas hanggang sa underwear ko. He was a beast!Kahit na halos hindi na makalakad nang maayos ay wala naman akong pagsisisi na nararamdaman. Ginusto ko iyon at hindi ko ipagkakaila.Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi nagmamakaawa na tumigil na siya. Nakapagpahinga lang ako nang makaidlip pero nagising din na niroromansa na naman niya ang katawan ko.Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Naubusan yata ako ng tubig sa katawan dahil sa pianggagawa niya. Pinipigilan pa niya sarili niya kanina pero nang ibaba naman niya ako sa kama niya ay kulang na lang wasakin na ako.Napaubo ako nang maramdaman ang pagpulupot ng braso sa aking baywang at pagsiksik ni Lucas ng kaniyang mukha sa aking leeg."One more?" tanong niya at bahagya pa na hinila ako, dahilan upang
"Gusto mo pa?" Nilapit ko sa kaniya ang pasta na hindi ko naman nagalaw.I was busy watching her enjoying the food that I cooked. Nagdadalawang-isip niya iyon na tiningnan."Ayaw mo ba?" tanong niya.Umiling ako. "Hindi ako gutom," sagot ko."Nagsasayang ka ng pagkain. Dapat hindi ka nagluto nang marami," pagbubunganga niya kahit na nakangiti nuyang kinukuha ang plato ko."Hinay-hinay sa wine. You have low alcohol tolerance," paalala ko sa kaniya.Ngumiti lang siya sa akin at binigay ang kaniyang buong atensiyon sa pasta na kinakain."Alam ba ng mapapangasawa mo na ako ang pupuntahan mo rito? Do he even know me? Kung sino ako sa buhay mo?"Matagal siyang napatitig sa akin habang mabagal na ngumunguya. Animo'y nag-iisip."Of course," sagot niya kalaunan."Do I know him?""You do," tumatangong sambit niya."Magpapalit lang muna ako ng damit," paalam ko at iniwan siya roon.How I envy her for being able to moved on and healed her heart that fast while here I am, still stuck on the day wh
"Ibaba mo ako!" reklamo niya nang buhatin ko siya na para bang isang sako ng bigas."Huwag ka nga malikot!" nagsisimula na rin na mainis na sambit ko.Nang mabuksan ko ang sasakyan ko ay saka ko siya pinasok sa loob. Kulang na lang ay patayin na niya ako sa sama ng kaniyang mga mata."Subukan mo lumabas. Hindi na ako natutuwa sa'yo," seryosong sambit ko."Bakit ba kasi pinipilit mo ako na sumama sa'yo? Sinabi na gusto ko na umuwi—""Ako ang maghahatid sa'yo. Mag-uusap muna tayo.""Wala tayong dapat na pag-usapan, Lucas."Umikot ako papunta sa driver seat."Yes, mayroon. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka pa pumunta rito? Was it too important at lumipad ka pa patungo kahit na puwede mo naman ako tawagan—"Tumawa siya na naging dahilan upang balingan ko siya. "Tawagan para ano? Para hindi ko makita 'yung girlfriend mo?""She's not my girlfriend," pagtatama ko."Naghalikan kayo tapos ngayon hindi mo siya girlfriend? Tangina, ano? Pati girlfriend mo ipagtatabuyan mo?""That was an
I gasped a breath before facing her. Tahimik lang siya sa harapan ko habang nakatingin sa akin. Pinaghalong kaba at takot ang kumain sa sistema ko pero hindi ko iyon ipinahalata."Aurora," banggit ko sa pangalan niya."Lucas," tawag niya sa akin. Kita ang gulat sa kaniyang mga mata na animo'y hindi ako inaasahan na makita sa harapan niya ngayon.Tumagos ang mga mata niya mula sa akin patungo sa likod. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Justine ang tinitingnan niya."Naiwan mo 'yung girl friend mo," aniya na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko."What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.After four years, here she is... in front of me. I don't know how to act dahil masiyado akong nagulat sa mga pangyayari at sa hindi pa magandang sitwasyon niya ako nakita. If... If I can just hug her tight, I would.Nalipat ang atensiyon ko sa kaniyang labi nang kagatin niya iyon, bagay na ginagawa niya tuwing pinipigilan niya ang sarili niya na may masabi na kung ano. Hinabol
Matagal ko na tinitigan ang mukha niya. I was controlling myself to make a move just not to scare her.Iyak siya nang iyak sa harapan ko and God knows kung gaano ko pinigilan ang sarili ko na hatakin siya at kulungin sa bisig ko. Seeing her crying in front of me makes me want to cry my heart too.As much as I don't want to see her crying in front of me, wala akong magawa. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong sobrang bigat din ang dinadala niya sa kaniyang puso.Umalis siya ng Pilipinas nang walang kalinawan sa mga nangyari noon. Nagtanim siya ng galit at hanggang ngayon ay tila hindi naman iyon nawala.I am not asking her to forgive me anytime soon now. I just want to apologize for what I did. Alam ko rin na hindi ganoon madali magpatawad.Wala sa plano ko ang magpaalam sa kaniya. It was never on my list to talk to her before I go pero wala akong pagpipilian dahil sadyang mukhang ito ang nakatadhana na mangyari."Goodbye," I love you.Hindi ko na napigilan pa ang mga luha na lumadas
"Aurora left her kids here. Hindi ko maiwanan," bungad ni Chris nang sagutin niya ang tawag ko."Where did she go?" salubong ang mga kilay na tanong ko.Hindi pa rin siya nadala sa nangyari noon. She still left anywhere our kids."I told you hindi ko maiwanan ang mga bata. I am here in front of Aurora parents house. The kids where playing outside," balita niya."Diyan na ako didiretso," sagot ko at pinatay na ang tawag.Niliko ko ang manibela upang bumalik. Nagpaalam na may pupuntahan si Christian at hindi ko rin naman kayang iwan ang mga anak ko na walang bantay ang mga iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila.This is the only way, I can do for them. To secure their safety. Matagal akong nawala sa tabi, though not literally since there are times that I visited in Seattle even they weren't aware."Thanks," pagpapasalamat ko aky Chris nang magpaalam na siyang aalis na."Superman!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng bata na naging dahilan n
"What are you doing here?" tanong ni Noah.He is in front of me. If eyes could kill baka kanina pa ako nakahilata at pinaglalamayan.May mga pulis lang sa paligid namin and I know how does it feels like. Ang pinagkaiba lang ay nakulong ako dahil sa kagustuhan ni Aurora na makulong ako at itong nasa harapan ko ay dahil sinubukan na pumatay ng isang tao."Did Aurora visited you?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.Nakararating sa akin ang mga nangyayari kay Aurora. Chris was helping me to keep an eye with Aurora. It's not that I want to invade her privacy but I need to. The last time that I decided to stop checking on her, in just a span of fucking second nasa panganib na naman ang buhay niya."Nakalabas na siya ng hospital for your information. It seems your mother didn't tell you nor give any update about Aurora yet," dagdag ko.Napangisi ako nang makita na mukhang naging interesado siya sa pinagsasasabi ko. Awang-awa na ako rito sa kaibigan na ito ni Aurora. Noon pa ay pinap
Naiwan ako na nakaupo rito sa labas ng bahay. Ilang oras na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay wala pa rin bumabalik na Lucas at mga anak ko.Ilang beses na akong panay ang silip sa mga sasakyan na dumaraan. Umaasa na isa sa mga sasakyan noon ay sakay sina Luna at Liam.Gusto ko na magpahinga pero hindi ko magawa. Hihintayin ko na makabalik sila rito. Hindi ko kakayanin kung maging ang mga anak ko ay mawawala pa sa akin. Sila na lang ang tanging pamilya na mayroon ako.Lucas cannot just stole my kids away and hide it from me. Ako ang mas may karapatan sa aming dalawa sa mga bata pero ano rin ang magagawa ko kung tuluyan na niyang inilayo sa akin ang mga anak ko.Pinunasan ko ang luha na tumulo mula sa aking mga mata. Napapagod na ako umiyak. Kung alam ko na ganito ang mangyayari ay nanatili na lang kami sa loob ng bahay.Kung alam ko lang na ang pag-iwan ko na iyon sa mga anak ko para lang makausap ang ama nila ay kapalit naman ng pagkawalay ko sa mga anak ko ay hindi ko na sana si
Kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan ko. Ang problema ko pa ay nang dahil na rin sa rush hour ay nahihirapan akong sumingit-singit.Kanina pa ako binubusinahan ng mga sasakyan na ino-overtake-an ko pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na maabutan si Lucas.Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit may kaba akong nararamadaman. Kasasabi ko lang kanina na ilalayo ko ang mga anak ko sa kaniya pero heto ako at halos ibangga na ang sinasakyan makarating lang sa condo building niya.Bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya? Kung hindi pa sasabihin sa akin ni Noah ay wala akong kaalam-alam.Pagkatapos ng lahat ay aalis siya? Iiwan niya at ibabaon na lang ang lahat? Gusto na niya magbagong buhay at mamuhay nang mas tahimik?Labas sa ilong ang pagbuga ko ng hangin. Napasabunot na lang din ako sa buhok ko habang nakatingin sa sasakyan na nasa harapan ko. Ang ilang segundo na iyon ay parang ilang minuto na."Damn you, Lucas," inis na bulong ko.Panay ang sulyap ko sa cellphone. Hindi ak