로그인Ang buong mansyon ay puno ng mga bulaklak na puti at gold. Ang bawat sulok ay kumikinang sa ilalim ng mga chandelier, pero sa paningin ko, mukha lang itong entablado ng isang napakalaking libingan ng dignidad ko.
Ngayon ang Legacy Announcement Event. Ang araw kung saan ipakikilala ng mga Delgado ang kanilang 'heir' sa buong San Vicente. At ako? Ako ang main prop. Hindi pala si Marco ang kasabay ko, kundi si Sarah. Nakabuntot siya kay Marco, naka-gown na parang siya ang tunay na asawa. Ang mga kamay nila? Magkahawak lang naman habang naglalakad sa red carpet. Ako? Nakasunod sa likod na parang aninong pinilit na palamutian ang kanilang masayang pamilya. "Don't you dare ruin this," bulong ni Doña Elena sa gilid ko habang naglalakad kami patungong stage. "Pagkatapos ng announcement na 'to, tapos na ang silbi mo. Remember that." Tumingin ako sa paligid. Bawat bisita, bawat camera, bawat journalist ay nakatuon sa sanggol na hawak ni Sarah. Well, nagtataka naman ang iba kung bakit hindi ko hawak ang aking anak. Wala lang talaga silang alam na pinagbabawalan nila ako. Ramdam ko ang pag-igting ng panga ni Sarah. Bahagya niyang hinigpitan ang hawak sa handle ng gold-plated bassinet, kitang-kita ang pagputi ng kanyang mga buko sa daliri. Ang confidence niya? Biglang nag-flicker, parang sirang bumbilya. “Sikat na sikat ka na, Sarah. Baka mabulag ka sa flash ng mga camera,” bulong ko, sapat lang para marinig niya habang naglalakad kami paakyat ng stage. Sinamaan niya ako ng tingin, yung tingin na akala mo ay lalamunin ako nang buhay. “Shut up, you trash. I’m the face of this family tonight, not you.” Nang marating namin ang center stage, huminto si Marco. Inalalayan niya si Sarah na parang ito ang reyna ng buong San Vicente. Ang mga bisita? Tuloy-tuloy ang bulungan. “Bakit ang mayordoma ang may hawak ng baby?” tanong ng isang matandang ginang sa harap, halatang nalilito. “Ano ka ba, syempre katulong siya. Isa pa, need talaga ng spotlight ni Misis Delgado,” sagot ng kasama niya sabay ang tingin sa akin. “Look at her, she’s stunning! Hindi ko akalain na ang katulong nila noon ay parang reyna sa ganda ngayon. Deserve niya talaga ng spotlight.” “Check,” sabat naman ng isa pang lalaki, tumatawa nang mapait. “Dapat lang talaga na bitbit ng mayordoma ang basket. Katulong siya, 'di ba? That’s her place.” Ramdam ko ang pag-init ng dugo ni Sarah. Huminto ang paghinga niya. Gusto niyang mag-react, gusto niyang sumigaw, pero hindi niya pwedeng sirain ang 'perfect image' na binuo ng mga Delgado. Sumulyap ako kay Doña Elena. Nakatayo siya sa gilid, ang mga mata ay parang kutsilyong nakatutok sa akin. "Mona," pabulong niyang banta, "kapag nagkamali ka ngayon, sisiguraduhin kong hindi mo na masisilayan ang araw ng bukas." Hindi ako natinag. Nginitian ko lang siya, isang ngiting walang bahid ng takot. Oh, Doña, hindi mo alam na matatapos na sa gabing ito ang laro ninyo. Nang sandaling malapit na ang announcement, nakarinig ako ng mahinang usapan sa likod ng malaking kurtina. Si Doña Elena at ang kanyang head of security. "Make sure she's gone," madiin na sabi ng Doña. "Pagkatapos ng photo op, dalhin niyo siya sa labas ng boundary. I don't care how, just make sure she doesn't come back. At ang bata... keep the boy. The maid? She's trash that needs to be taken out." Nag-init ang mga tenga ko. Trash? Pagkatapos nilang gamitin ang katawan ko para sa dugo nila, ganyan lang kadali? Dumating ang oras ng reveal. Ang grand basket kung saan nakalagay ang baby ay dinala sa gitna ng stage. Ang bawat mata ay nakatitig, nag-aabang sa heir. "Ladies and gentlemen," panimula ni Don Julio, puno ng karisma. "We are proud to present the future of the Delgado legacy." Binuksan ni Sarah ang takip ng basket nang may pagmamalaki. Pero biglang tumigil ang musika at ang paligid ay biglang naging tahimik. Walang bata sa loob. "What the?" sigaw ni Marco, namumutla habang tinitingnan ang laman ng basket na puro kumot lang. "Nasaan ang anak ko?" Nagkagulo ang mga tao. Nagbubulungan ang mga socialite, nagkakasabay-sabay ang mga flash ng camera. Si Doña Elena, halos himatayin sa galit habang hinahanap ng tingin ang sanggol. Nagmistulang zoo ang stage. Ang bawat camera flash ay parang kidlat na bumibiyak sa gabi, habang ang mga bulong ng mga sosyalera ay abot hanggang sa likod ng entablado. “Sarah!” sigaw ni Doña Elena, ang boses ay parang basag na porselana. “Sabi ko, bantayan mo! Bakit walang laman ang basket? Ano ito, isang biro?" Nanlalaki ang mga mata ni Sarah, nanginginig ang mga kamay habang kinakalkal ang mga kumot sa loob ng basket. “D-Doña, hawak ko siya kanina! Bago tayo umakyat, hawak ko pa siya!” “So, nilipad ang bata? Ganoon ba, Sarah?” singhal ni Marco, ang mukha ay pulang-pula sa galit. “Ang tanga-tanga mo! Inutusan kitang alagaan ang heir ko, hindi ang mag-model ng gown sa stage!” “Huwag mo akong sisihin, Marco!” balik ni Sarah, nakalimutan na ang mga audience sa harap nila. “Ikaw ang abala sa pag-papicture sa mga investor! Ang maid na ‘yun, si Mona! Siya ang huling humawak sa bata bago ko kinuha ang basket!” Natigilan si Doña Elena. Ang kanyang tingin ay bumaling sa paligid, hinahanap ang anino ko na wala na sa mansyon. “Hanapin niyo ang maid na ‘yan! Dala niya ang bata! Guards!” Nagmamadaling lumapit ang mga security guard, mukhang mga inutusang aso. “Sir, Ma’am, naka-lock ang lahat ng exits,” sagot ng head guard na hingal na hingal. “Anong naka-lock?!” sigaw ni Don Julio, ang karisma niya ay napalitan na ng purong poot. “Nawawala ang heir ng mga Delgado sa harap ng buong media! Hanapin niyo siya sa bawat sulok ng mansyon na ‘to! Kapag hindi niyo nahanap ang batang ‘yan, kayo ang ipapakain ko sa mga aso!” “Wala na si Mona rito, Don Julio,” pabulong na sabi ng isa sa mga maid na nakatayo sa gilid, nanginginig sa takot. “Nakita ko siyang lumabas sa service entrance kanina pa. Akala ko ay inutusan niyo siya.” Nagkatinginan sina Doña Elena at Sarah. Ang kanilang perfect night ay naglaho na parang bula. Sa likod ng kanilang galit, unti-unting gumagapang ang takot. Ang basurang itinuring nilang disposable ay ang siyang mismong nagdala ng kanilang kinabukasan palayo sa kanila. Sa gitna ng kaguluhan, wala nang nakapansin sa akin. Habang busy ang lahat sa pag-aakala na nawala ang bata dahil sa kapabayaan, ang totoo? Hawak ko na ang anak ko sa ilalim ng aking coat, mahigpit na nakatago habang dahan-dahan akong naglalakad patungo sa service exit. Hindi ako nag-stay para panoorin silang magmukhang katawa-tawa. Habang abala silang magsisihan, ako ay nasa labas na ng gate, nakasakay sa isang black SUV na matagal ko nang pinaghandaan. Hinalikan ko ang noo ng sanggol na natutulog nang mahimbing sa aking mga braso. "We're free, baby. And this is just the beginning of their nightmare." Habang papalayo ang sasakyan, tumingin ako sa side mirror. Kitang-kita ko ang mansyon na tila nasusunog sa galit at kalituhan. Mangiyak-ngiyak naman ang pinagmasdan ang paglayo namin. Lubos talaga akong nagpasalamat kay Mister Alejandro, kung hindi dahil sa tulong niya? Malamang hindi ko na makikita ang anak ko. Well, buong akala ng mga Delgado ay tapos na ang laro. They have no idea. The real queen of this game has just left the mansion, and she's taking the crown with her.Present TimeHingal na hingal ako habang naglalakad pabalik sa booth. Kumakabog pa rin ang puso ko sa sobrang panic, na parang gustong kumawala sa loob ng aking dibdib. Pero paglingon ko sa stall namin, my breath hitched in relief. Buti nalang talaga! Nakabalik na pala si Mateo. Nakaupo sa maliit niyang stool habang abala na ngayon sa pag-aayos ng mga natitirang marshmallow-filled pastries."Anak!" mabilis akong lumapit, kinapa-kapa ko ang balikat niya, tinitingnan kung may kulang ba o kung may nagbago. "Are you okay? May nangyari ba? May sumama ba sa’yo pabalik dito?"Tumingala siya sa akin, walang kaalam-alam, inosente as ever. "Mommy, chill! You look like you’ve seen a ghost. Okay lang ako. Naubos ko na yung samples, tapos napagod na rin ako kaka-explain sa mga matatandang masungit. Staying here is better. Marami pang tao na gustong bumili ng pastries mo."I let out a shaky sigh, trying to steady my breathing. "Good. That’s good. Dito ka na lang, okay? Stick to the booth. Huwag
Ang buong mansyon ay puno ng mga bulaklak na puti at gold. Ang bawat sulok ay kumikinang sa ilalim ng mga chandelier, pero sa paningin ko, mukha lang itong entablado ng isang napakalaking libingan ng dignidad ko.Ngayon ang Legacy Announcement Event. Ang araw kung saan ipakikilala ng mga Delgado ang kanilang 'heir' sa buong San Vicente. At ako? Ako ang main prop.Hindi pala si Marco ang kasabay ko, kundi si Sarah. Nakabuntot siya kay Marco, naka-gown na parang siya ang tunay na asawa. Ang mga kamay nila? Magkahawak lang naman habang naglalakad sa red carpet. Ako? Nakasunod sa likod na parang aninong pinilit na palamutian ang kanilang masayang pamilya."Don't you dare ruin this," bulong ni Doña Elena sa gilid ko habang naglalakad kami patungong stage. "Pagkatapos ng announcement na 'to, tapos na ang silbi mo. Remember that."Tumingin ako sa paligid. Bawat bisita, bawat camera, bawat journalist ay nakatuon sa sanggol na hawak ni Sarah. Well, nagtataka naman ang iba kung bakit hindi
Nine months, siyam na buwan na akong buntis at malapit na akong manganak. Ang bigat ng tiyan ko ay tila kasing-bigat na ng lahat ng insultong kailangang kong lunukin araw-araw. Nakaupo ako sa gilid ng kama, hinihingal habang sinusubukang isuot ang tsinelas ko.Biglang bumukas ang pinto nang walang katok. Pumasok si Doña Elena, ang boses niya ay parang basag na salamin sa loob ng kwarto."Mona! Ang bagal-bagal mo! Hindi dahil buntis ka ay kailangan mo nang maging reyna sa loob ng kwartong 'yan," matalim niyang sabi, habang ang mga mata niya ay mapanuring nakatitig sa aking namamagang paa."Kahit malapit ka nang manganak, hindi ibig sabihin ay exempted ka sa trabaho. May mga bisita tayo mamaya, at gusto kong makita na malinis ang mansion. You’re just a surrogate, don't forget your place."Tumayo ako nang dahan-dahan, hawak ang aking bewang. Gusto kong sumagot, pero alam ko ang kapalit. Kaya mas mabuting manahimik.Pagbaba ko sa sala, naabutan ko sina Marco at Sarah na nasa sofa. Nag
Ang mga chandelier ay kumikislap na parang nang-iinsulto sa akin. Sa isip ko, ang reception hall na 'yun ay isang napakalaking joke. Isang expensive, high-budget, at soul-crushing na circus.Naroon ang ilan sa mga bibigating bisita ng pamilyang Delgado, habang ako? Nakatayo lang sa gitna ng spotlight, suot ang isang gown na mukhang mamahalin pero parang tali ng sako na pilit ginawang wedding dress. Ikinasal ako nang ganun-ganun lang. Ayoko sana pero wala akong magagawa, hawak nila ako sa leeg."Wala si Inay, wala rin si Itay?" wika ko sa sarili habang sinusubukang hanapin ang ni katiting presensya ng aking pamilya. Well, I forgot. Bakit ko pa sila hahanapin kung tinabunan na sila ng pera at banta ng pamilyang Delgado? "You must be Mona?" Isang magandang lalaki ang biglang lumapit sa akin. Ang mukha niya ay tila hinubog ng langit, na para bang hindi niya kailanman nasilayan ang kahirapan. "Congratulations, Misis Delgado." Yumukod pa siya sa harapan ko at marahang hinagkan ang likod n
Five years ago, tahimik ang buong dining room sa mga oras na iyon habang nakatayo lang kaming mga maid sa gilid, naghihintay na tawagin. Pero si Doña Elena? Ramdam namin ang init ng dugo niya na kumukuryente sa buong sulok ng pader."Isang maid? Really, Marco?" basag ni Doña Elena sa katahimikan matapos mapatigil sa kanyang kinakain. "Ang baba naman ng standards mo! Sa lahat ng babae sa mundo, bakit sa maid pa?"Galit na galit talaga si Doña sa nakalap niyang chismis, halatang hindi matanggap na magkakaroon siya ng apo sa isang katulong. Napahigpit naman ako sa paghawak ng aking skirt, dala ang inaasahan na reaksyon nila.Gusto kong sabihin na ako ang babaeng yun. Pero nanuyo ang aking lalamunan. Bigla ko kasing naalala ang banta ni Marco, na hindi dapat ako magsusumbong dahil tiyak sa kamatayan ang bagsak ng pamilya ko. Ginamit niya ang kahinaan na yun para manahimik ako at magkunwaring hindi niya ako pinagsamantalahan."Calm down, Elena," malamig na sabi ni Don Julio na abala sa
MONA’S POV Ang 'Grand Food & Wine Expo' sa lungsod ay hindi biro. Punong-puno ito ng mga high-society foodies, sikat na restaurateurs, at mga tao na walang-bukas kung gumastos. Busy ako sa pag-aayos ng mga signature marshmallow-filled pastries sa aming booth. Katabi ko lang si Mateo, ang five-year-old kong anak, na parang na-bore yata sa pag-aabang ng mga customer. "Mom, can I go explore?" reklamo ni Mateo habang nilalaro ang isa sa mga mood toppers ng pastries namin. "Promise po hindi po ako magpunta sa malayo." Tiningnan ko ang paligid. The crowd was insane. Elite level na mga tao ang naglalakad-lakad, holding wine glasses like it was a fashion accessory. Ayokong mawala siya sa mga paningin ko, but the hustle was real. "Okay, go," sabi ko habang patuloy sa pag-aayos ng display tray. "Pero, bawal ang gala lang. You have to be productive, okay? Dalhin mo ‘tong mga sample box. Offer free taste sa mga tao. Be charming, baby, pero don't go too far." "Copy, Mom!" excited ni




![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


