LOGINAng air sa loob ng event ay biglang bumigat. Sa gitna ng mga nagkukumpulan na elite, nakatayo ang pamilyang Delgado na tila isang pader na pilit humaharang sa akin. Hindi pa man ako nakaka-recover sa ganda ng venue, agad na sumalubong ang mala-ahas na boses ni Sarah."Look who's here. Mona, the kidnapper!" mariing bulong ni Sarah habang nakangisi, ang mga mata ay puno ng pagkamuhi. Sinadya niyang ilapit ang mukha niya sa akin para lang kami ang makarinig, pinapanatili ang kanyang socialite persona sa harap ng mga camera. Ang mga mata ni Doña Elena ay nagliyab sa matinding poot na tila lalamunin ako nang buhay. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili nang tuluyan nang mawala ang kanyang maskara ng pagiging composed sa harap ng mga camera. "You! Letcheng babae ka! Punyeta animal!" sigaw niya, ang boses ay sapat na para mapalingon ang ilang malapit na mga bisita, bagama't pilit niya itong nililimitahan para hindi tuluyang magkagulo. Mabilis siyang sumugod sa direksyon ko, ang
Present TimeHingal na hingal ako habang naglalakad pabalik sa booth. Kumakabog pa rin ang puso ko sa sobrang panic, na parang gustong kumawala sa loob ng aking dibdib. Pero paglingon ko sa stall namin, my breath hitched in relief. Buti nalang talaga! Nakabalik na pala si Mateo. Nakaupo sa maliit niyang stool habang abala na ngayon sa pag-aayos ng mga natitirang marshmallow-filled pastries."Anak!" mabilis akong lumapit, kinapa-kapa ko ang balikat niya, tinitingnan kung may kulang ba o kung may nagbago. "Are you okay? May nangyari ba? May sumama ba sa’yo pabalik dito?"Tumingala siya sa akin, walang kaalam-alam, inosente as ever. "Mommy, chill! You look like you’ve seen a ghost. Okay lang ako. Naubos ko na yung samples, tapos napagod na rin ako kaka-explain sa mga matatandang masungit. Staying here is better. Marami pang tao na gustong bumili ng pastries mo."I let out a shaky sigh, trying to steady my breathing. "Good. That’s good. Dito ka na lang, okay? Stick to the booth. Huwag
Ang buong mansyon ay puno ng mga bulaklak na puti at gold. Ang bawat sulok ay kumikinang sa ilalim ng mga chandelier, pero sa paningin ko, mukha lang itong entablado ng isang napakalaking libingan ng dignidad ko.Ngayon ang Legacy Announcement Event. Ang araw kung saan ipakikilala ng mga Delgado ang kanilang 'heir' sa buong San Vicente. At ako? Ako ang main prop.Hindi pala si Marco ang kasabay ko, kundi si Sarah. Nakabuntot siya kay Marco, naka-gown na parang siya ang tunay na asawa. Ang mga kamay nila? Magkahawak lang naman habang naglalakad sa red carpet. Ako? Nakasunod sa likod na parang aninong pinilit na palamutian ang kanilang masayang pamilya."Don't you dare ruin this," bulong ni Doña Elena sa gilid ko habang naglalakad kami patungong stage. "Pagkatapos ng announcement na 'to, tapos na ang silbi mo. Remember that."Tumingin ako sa paligid. Bawat bisita, bawat camera, bawat journalist ay nakatuon sa sanggol na hawak ni Sarah. Well, nagtataka naman ang iba kung bakit hindi
Nine months, siyam na buwan na akong buntis at malapit na akong manganak. Ang bigat ng tiyan ko ay tila kasing-bigat na ng lahat ng insultong kailangang kong lunukin araw-araw. Nakaupo ako sa gilid ng kama, hinihingal habang sinusubukang isuot ang tsinelas ko.Biglang bumukas ang pinto nang walang katok. Pumasok si Doña Elena, ang boses niya ay parang basag na salamin sa loob ng kwarto."Mona! Ang bagal-bagal mo! Hindi dahil buntis ka ay kailangan mo nang maging reyna sa loob ng kwartong 'yan," matalim niyang sabi, habang ang mga mata niya ay mapanuring nakatitig sa aking namamagang paa."Kahit malapit ka nang manganak, hindi ibig sabihin ay exempted ka sa trabaho. May mga bisita tayo mamaya, at gusto kong makita na malinis ang mansion. You’re just a surrogate, don't forget your place."Tumayo ako nang dahan-dahan, hawak ang aking bewang. Gusto kong sumagot, pero alam ko ang kapalit. Kaya mas mabuting manahimik.Pagbaba ko sa sala, naabutan ko sina Marco at Sarah na nasa sofa. Nag
Ang mga chandelier ay kumikislap na parang nang-iinsulto sa akin. Sa isip ko, ang reception hall na 'yun ay isang napakalaking joke. Isang expensive, high-budget, at soul-crushing na circus.Naroon ang ilan sa mga bibigating bisita ng pamilyang Delgado, habang ako? Nakatayo lang sa gitna ng spotlight, suot ang isang gown na mukhang mamahalin pero parang tali ng sako na pilit ginawang wedding dress. Ikinasal ako nang ganun-ganun lang. Ayoko sana pero wala akong magagawa, hawak nila ako sa leeg."Wala si Inay, wala rin si Itay?" wika ko sa sarili habang sinusubukang hanapin ang ni katiting presensya ng aking pamilya. Well, I forgot. Bakit ko pa sila hahanapin kung tinabunan na sila ng pera at banta ng pamilyang Delgado? "You must be Mona?" Isang magandang lalaki ang biglang lumapit sa akin. Ang mukha niya ay tila hinubog ng langit, na para bang hindi niya kailanman nasilayan ang kahirapan. "Congratulations, Misis Delgado." Yumukod pa siya sa harapan ko at marahang hinagkan ang likod n
Five years ago, tahimik ang buong dining room sa mga oras na iyon habang nakatayo lang kaming mga maid sa gilid, naghihintay na tawagin. Pero si Doña Elena? Ramdam namin ang init ng dugo niya na kumukuryente sa buong sulok ng pader."Isang maid? Really, Marco?" basag ni Doña Elena sa katahimikan matapos mapatigil sa kanyang kinakain. "Ang baba naman ng standards mo! Sa lahat ng babae sa mundo, bakit sa maid pa?"Galit na galit talaga si Doña sa nakalap niyang chismis, halatang hindi matanggap na magkakaroon siya ng apo sa isang katulong. Napahigpit naman ako sa paghawak ng aking skirt, dala ang inaasahan na reaksyon nila.Gusto kong sabihin na ako ang babaeng yun. Pero nanuyo ang aking lalamunan. Bigla ko kasing naalala ang banta ni Marco, na hindi dapat ako magsusumbong dahil tiyak sa kamatayan ang bagsak ng pamilya ko. Ginamit niya ang kahinaan na yun para manahimik ako at magkunwaring hindi niya ako pinagsamantalahan."Calm down, Elena," malamig na sabi ni Don Julio na abala sa







