Share

Kabanata 4

Penulis: Janijestories
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-19 17:29:03

Umiling-iling ako. Ano ba 'tong iniisip ko? Nahihibang na ba ako o ano? Gusto kong i-untog ang ulo ko sa pader upang matauhan sa mga kahibangan na iniisip.

Nilamon ko ang hawak kong saging saka humarap kay Rexier na siyang isang maling desisyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang muntikan na kaming maghalikan sa sobrang lapit ng mukha namin. Ilang dangkal na lang ang layo ng mga labi namin.

"You choose my pandesal, huh?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi.

Hindi ko napigilan ang sarili na mapatingin sa mapupula niyang labi, namamasa pa ito ng bahagya niya itong dinilaan.

Parang ang sarap ata halikan si Sir.

Jusko naman utak! Gusto ko na talagang i-untog ang ulo ko sa pader! Hindi na tama ang mga iniisip ko!

Pero, nag-sex na kami hindi ba? Wala namang masama kung hahalik lang ako.

Imbis na makinig sa mga binubulong ng demonyo sa utak ko ay mas pinili kong yumuko at umalis sa kanyang harapan saka napipilitang lunukin ang kinakain kong saging.

Sayang ang abs! Pero naalala ko na galit pala ako sa kanya, kaya mas ok ng piliin ko na lang ang kinakain kong saging, sa susunod na ang saging ni Sir.

"Really?" Hindi makapaniwalang rinig kong sabi ni Rexier bago ako tuluyang makalayo sa kanya.

Nakabasungot ang mukha na bumalik ako sa sofa. Gusto ko rin ng abs ni Rexier! Ewan ko ba sa sarili ko, dala na siguro ng pagbubuntis o talagang malandi lang ako.

Ini-on ko ang tv saka nanood ng movie habang kumakain ng saging na may peanut butter, pero kahit na nanonood ako, ang utak ko naman ay lumilipad sa ibang dako. Kahit na nakakatawa ang pinapanood ko ay naglalaway ang aking expression dahil iniisip ko pa rin ang abs ni Rexier.

Puro ako abs! Nakakabusog ba 'yan?

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan lang ako ng maramdaman kong lumulutang ako sa ere, nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Half sleep, half awake.

Naramdaman kong may malambot na tumama sa likuran ko at nilapag ako rito, pagkalapag ay ilang segundo lang nakatulog ako ulit.

"Make sure to take care of her, especially the baby inside her womb."

Malamig na boses ni Rexier ang nag pagising sa diwa ko. Narinig ko ang mga yapak niya na umalis na sa silid kaya binuksan ko ang mga mata ko at unang bumungad sa'kin ang kaedaran ko lang na nurse.

Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Maganda siya, maputi ang balat, makinis ang mukha, walang ka pimple-pimples at higit sa lahat maganda ang ngiti.

Talagang bumungad sa'kin ang malapad niyang ngiti na abot langit na ata sa sobrang lapad, naglalabasan ang mapuputi niyang ngipin, perfect na perfect, walang bulok at walang hindi pantay.

"Good morning po, ma'am. Ako nga po pala si Sylvia, ang iyong private nurse po," bati niya sa'kin, kahit sa pagsalita niya ay sobrang ganda rin, ang hinhin at malumanay.

Ngiti lang ang tinugon ko sa kanya saka bumangon, akmang tutulungan niya ako pero inawayan ko ito. "Kaya ko na ang sarili ko."

Hindi naman kasi ako lampa, hindi pa nga nag-iisang buwan ang pinagbubuntis ko ih.

Hindi naman siya pumalag at hinayaan lang ako sa ginawa ko pero kahit saan ako magpunta ay nakabuntot siya, kung kakain ako, nasa likuran ko lang siya, kung c-cr naman ako ay nagbabantay siya sa labas, nurse ba talaga siya or guard?

Pagod akong umupo sa enedoro saka umihi, nang matapos ay namumungay akong tumayo saka humakbang pero mukhang maling desisyon ang paghakbang ko dahil hindi ko napansin na madulas pala ang floor ng cr.

Nanlaki ang mga mata ko ng bumagsak ang katawan ko sa sahig.

"Ma'am!"

Mukhang naalerto ang nurse ko sa labas ng marinig niya ang malakas na tunog ng pagbagsak ko.

Ang sakit. Ang sakit ng katawan ko, buti na lang at hindi nauntog ang ulo ko sa bowl o sa sahig. Pero..... tinignan ko ang ibaba ko at halos mahimatay ako ng makitang dumudugo ang pagitan ko.

Hindi ako makasigaw sa sakit, ang tanging magawa ko lang ay ngumiwi.

"Ma'am," rinig ko muling salita ni Sylvia bago ako nawalan ng malay.

"Maglalagay na ako ng cctv sa cr, even the shower! Hindi na dapat maulit 'to! Paano na lang kung hindi iyun naagapan?! Mawawalan ako ng anak! Ang worst mawawalan ako ng asawa!"

"Sir huminahon po, kayo. Ang isipin niyo na lang ay parehas silang maayos at buhay," isang matandang boses.

"I'll take a leave until my child came out, hindi 'to puwedeng ulit mangyari."

Nagising ako sa ingay ng paligid, nagmulat ako ng mga mata, bumungad sa'kin si Rexier at isang doctor na babae, katabi niya si Sylvia na tahimik lang at nakayuko.

"M-my b-baby?" Nahihirapan kong tanong.

Namuo ang kaba sa dibdib ko ng maalala ang pagdudurugo ko kanina. Madami ang pumapasok sa utak ko.

Pinilit akong tumayo pero mas nangingibabaw ang sakit ng katawan ko, bawat galaw ko ay kumikirot ang likod ko, napansin ko rin na may dextrose sa na nakatusok sa kamay ko.

"Py, stay still. The baby is ok, humiga ka lang at magpahinga muna," natatarantang sabi sa'kin ni Rexier ng mapansin niyang gising na ako.

Lihim akong nagpasalamat sa utak ko sa binalita niya, buti naman at maayos lang ang bata sa sinapupunan ko, kung hindi ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Ang sama kong ina, hindi man lang ako nag-ingat sa mga kinikilos o tinatapakan ko, kung hindi lang ako pinalad, baka nawala na ang anak ko.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga hula ko, puno ng dismaya ang nararamdaman ko ngayon, dismaya dahil muntikan ng malaglag ang batang nasa sinapupunan ko.

"It's ok, misis. Maayos ang kalagayan ng baby, his or her is healthy, no need to worry, mag-ingat na lang sana sa susunod," rinig kong bilin sa'kin ng doctor.

Nakatulala ako sa kisame habang tumutulo ang luha ko. Wala akong ni lingon ni isa sa kanila.

"Go out doc, nurse. I'll be talking to my wife privately.

Pagkarinig kong sumara ang pintuan ay bumaling ang tingin ko kay Rexier.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Maid Who Married The Boss   Pangwakas

    Nalabas na kami sa aming pagsisiping. Papikit na sana ko ngunit hinalikan ni Rexier ang aking labi saka bumulong sa aking tenga. "Asawa ko, gusto ko lang sabihin kung gaano kita kamahal. Hindi lang dahil asawa kita, kundi dahil ikaw ang naging sandigan ko sa lahat ng panahon. Simula noong dumating ka sa buhay ko, nag-iba ang lahat — mas naging makulay, mas naging totoo, mas naging masaya. Kahit madaming hamon ang dumaan sa atin, hindi mo ako iniwan. Sa halip, pinili mong manatili, umunawa, at iparamdam sa akin na kaya natin basta’t magkasama. Maraming beses na tayong napagod, nasaktan, at muntik nang sumuko, pero sa dulo, lagi pa rin nating pinipili ang isa’t isa. Iyon ang tunay na pagmamahal para sa akin — ‘yung hindi perpekto, pero totoo. ‘Yung kaya tayong buuin kahit ilang beses pa tayong mabasag. Salamat sa pag-aalaga mo, sa pag-unawa mo sa mga pagkukulang ko, at sa hindi mo pagbitaw sa ating dalawa. Walang araw na lumilipas na hindi ko ipinagpapasalamat na ikaw ang asawa ko

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 138

    After 5 years..... "Mama!" Sigaw nang limang taong anak namin. Bitbit ni Pyreia si Xiever. Naglalakad sila patungo sa aming kinaroroonan. Malaki na si Pyreia ngayon, hindi na siya ang baby na kinakarga ko pa noon. 10 years old na si Pyreia at Pyxier at ang anak naman namin na lalaki ay nasa 5 years old pa. Nasa park kami ngayon, nagpi-picnic dahil day off ngayon nang kanilang ama. Speaking of ama nila, nasa likuran ko si Rexier, nakayakap siya sa akin na parang linta nanaman. "Ang bango mo, asawa ko," bulong niya habang sinisimot ang aking leeg na siyang nagpapakiliti sa akin. "Ano ba yan nakikiliti ako," natatawang turun ko sa kanya at pinipilit siyang lumayo sa akin, tinutulak ko pa siya nang mahina pero hindi pa rin yun tumatalab. "Mommy, nagugutom na daw si Xiever," saad ni Pyreia nang makarating siya sa aming harapan. Tinignan ko ang kanyang likuran, hinahanap ang kanyang kakambal. "Bumili siya nang ice cream sa isang store sa malapit lang, mommy," saad n

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 137

    Mahigit isang linggo na simula nang makaalis ako nang hospital. Wala akong ibang ginawa sa buong linggo ko kundi ang sumuka at kumain. Na para bang ang lahat nang kinakain ko ay naisusuka ko lang. Mukhang bumabawi ngayon ang baby ko sa isang buwan na tulog ako, naging behave siya sa isang buwan na 'yun tapos ngayon ay gaganti na siya sa lahat ng araw na nakaligtaan niya. "Py, let's go on a date?" Saad sa akin ni Rexier mula sa aking likuran. Hindi ko alam kung nagtatanong ba siya o nag-aaya. Inayos ko ang buhok ko dahil nagluluto ako ngayon nang cookies na kini-crave ko, parang linta naman si Rexier na sunod nang sunod lang sa bawat galaw ko. Nababahala raw kasi siya at baka kung ano ang mangyari sa akin at sa baby namin. Gusto ko na lang siyang sabunutan sana, apaka oa niya. Maayos naman ako saka tatawagin ko naman siya kapag may mangyari sa akin, ih ngayon kasi kung saan ako pupunta at dadako, nasa likuran ko lang siya sumusunod na parang pato. "Nagtatanong ka ba

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 136

    Matapos niyang ihanda ang pagkain sa plato, agad siyang bumalik sa akin na may dala nang plato, ngunit may isa kaming problema.Naka dextrose ang isa kong kamay, habang ang isa ko ring kamay ay nahihigaan ni Pyreia. "Hmm-""Susubuan na kita..." Putol niya sa sasabihin ko sana. Hindi na ako umangal, wala rin naman akong naisip na iba pang sulosyon para makakain ako. Hinayaan ko siyang subuan ako. Inayos niya ang kanin at ulam sa ibabaw ng kutsara saka itinapat ito sa aking bibig. Nahihiya pa akong buksan ang bibig ko upang salubungin ang kanyang itinapat na pagkain sa akin pero ayaw ko naman siyang mangalay kakahintay sa akin na ibuka ang bibig ko kaya wala na akong nagawa kundi ang ibuka ang aking labi at kainin ang kanyang inilahad.Naging ganoon ang cycle nang pagkain ko. Hindi kami nag-iimikan at nagkakatitigan lamang, nakatitig ako sa kanya habang busy na busy siya sa pagsubo sa akin. Napansin kong nakaligo na siya dahil medyo basa pa ang kanyang buhok, hindi na siya kasing s

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 135

    Hindi naman inabot ng isang minuto, agad na dumating ang mga nurse at may kasamang doctor ang mga ito. Pinagilid muna nila si Rexier at inasikaso nila ako. Inalis ko muna ang tingin ko kay Rexier nang tutukan ako nang maliwanag na bagay ng doctor. Inalis nila ang tube nang oxygen sa aking bibig. Madami silang ginawa sa akin, nakatulala lamang ako sa kisame habang ginagawa nila ito. Ni hindi ko nga namalayan na tapos na pala sila sa mga pinaggagawa nila. Ngayon ay tinatanong na lamang nila ako nang kung ano-ano na agad ko namang sinasagot."Mahigit dalawang buwan kang walang malay, misis. Mabuti na lamang at malakas ang kapit nang baby, hanggang ngayon ay nasa sinapupunan mo pa rin siya, aalis muna ako, kailangan ko pang i-examine ang dugo mo sa lab," nakangiting saad nang doctor saka umalis na sa silid. At sumunod naman ang mga nurse sa kanya matapos nilang ikabit sa akin ang dextrose.Tanging ako na lamang at si Rexier ang naiwan ngayon sa silid.Nanghihina pa rin ang katawan ko,

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 134

    Pytricia P.O.VNagising ako nang masakit ang buong katawan. Gising ang diwa ko pero nakapikit pa rin ako. Kumunot ang noo ko nang maramdaman kong may humihimas sa aking palad at para bang may nakahiga sa aking tabi. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero mas gusto ko munang pakiramdaman ang paligid. Patay na ba ako? Ang huling naaalala ko lamang ay nawalan ako nang malay, all of the sudden dumilim ang paningin ko. Hindi ko na alam kung ano ang kasunod na nangyari. Nasa heaven na ba ako? "Kumusta na siya?" Rinig kong salita nang kung sino.Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses nito, pamilyar ang kanyang boses, na para bang narinig ko na ito rati ngunit hindi ko lang matandaan kung sino. Talaga bang nasa langit ako? O baka nasa imperno ako? Ang bait ko kaya para mapunta sa imperno...... siguro? "Hindi pa rin siya nagigising, I miss her so much, hindi ko akalain na may anak pala kami, na masusundan namin sila Pyxier at Pyreia. All this time, buntis siya at wala man lang akong

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status