Masuk"Bakit na rito ka? Akala ko ba ay next week ka na bibisita?" Salita ko sa kanya, hindi ko mawari ang tono ng boses ko, gusto ko itong maging normal lang na tono pero nauwi ito sa mapait na boses.
"Really? Matapos kong mabalitaan ang nangyari sayo? Sa tingin mo ba kakayanin kong manatili lang sa office ko?" Sarkastiko niyang sabi. Gusto kong matuwa pero hindi ko magawa dahil alam ko naman na hindi siya sa'kin nag-aalala, nag-aalala lang siya sa anak niya na nasa sinapupunan ko na siyang gabay para makuha niya ang mga mana niya sa pamilya niya. Hindi ko ako umimik sa kanya. Tinikom ko ang bibig ko saka pinilit nanaman na tumayo. Inalalayan niya ako, pinabayaan ko lang siya hanggang sa tuluyan na akong makaupo sa higaan. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa'kin. Napatitig ako sa mukha niya, lalong-lalo na sa kulay abo niyang mga mata. Nag-aalala ba talaga siya sa'kin? Ang hirap paniwalaan kung talagang sa'kin siya nag-aalala ih, sempre baka inaalala niya ang bata na dinadala ko, nakasalalay ang kalusugan ng anak niya sa magiging kalagayan ko. Tango lang ang tinugon ko sa kanya bago umiwas ng tingin, hindi ko talaga siya kayang tignan sa mata ng matagal. "I'll take a leave for 9 months, maliban sa nurse at doctor mo ay babantayan din kita." "Ako nga ba talaga?" Bulong ko na hindi ko naman na inaasahan na marinig niya. "Ikaw, no but or so whatever. Ikaw ang babantayan ko," puno ng otoridad niyang wika. Wala akong nagawa kundi ang itikom ang bibig ko saka palihim na kinilig, sarap mag mura! Kanina lang ay para akong baliw na galit at nagtatampo sa kanya tapos ngayon kinikilig na ako? Epekto ba 'to sa ilang taon na hindi ako nagka-boyfriend? Gusto kong sakalin si Sir Rexier sa sobrang kilig, pero mas gusto ko ata na ako ang sinasakal niya. Napangisi na lang ako sa mga iniisip ko. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang ngiti sa labi ko. "Why are you smiling? Is there something funny? O baka naman may lalaki kang iniisip kaya ngiti ka nang ngiti diyan!" Pagalit ang boses niya na parang tatay ko na nanenermon. "Oo, may lalaki nga akong iniisip," natatawang sabi ko sa kanya saka tumango-tango. Gusto kong humalakhak nang umasim ang mukha ni Rexier, kahit na maasim naman ang mukha niya, hindi pa rin 'yun nababawasan ang kagwapuhan na taglay niya. Totoo naman kasi na may lalaki akong iniisip at siya 'yun pero sempre hindi ko sasabihin, oo makapal ang mukha ko pero hindi naman kasing kapal ng pader eno. Kasing kapal lang ata 'to ng dictionary namin sa library sa school. "Remember, ako ang nagpakahirap na sumagad at baon para sa anak na 'tin tapos mag-iisip ka lang ng ibang lalaki? Baka gusto mo sagadin ko nanaman 'to para mawala sa utak mo 'yang lalaking pangiti-ngiti mo," galit na sabi ni Rexier na nagpahalakhak sa'kin. Ang saya naman palang asarin si Rexier, ang daling magalit, para siyang angry birds dahil na rin sa makapal niyang kilay na nakakunot. "Patawa ka talaga no, Sir? Saka ok naman ako dito kasama ang mga nurse. Hindi niyo na po kailangan na mag take ng leave para lang bantayan ang baby na nasa tiyan ko, sayang ang trabaho, sayang ang kita, paaaralin mo pa ang kapatid ko saka pagagamutin mo nanay ko," may halong banta at pagbibiro na sinabi ko sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang hindi man lang ngumiti or ngumisi si Rexier, mas lalong kumunot pa ang noo niya at matalim akong tinignan. Malamig ang tingin niya sa'kin na parang sinasabi niya na manahimik na lang ako at itiklop ang bibig ko kundi ipapalamon niya ang kamao niya sa bunganga ko. "Sabi ko nga manahimik na," sabi ko saka ini-zip ang bibig. Napangiwi ako ng kumirot ang dagom sa dextrose na naka tusok sa kamay ko. Eto namang si Rexier ay parang baliw na nataranta agad dahil lang sa pag ngiwi ko. "Ano?! May masakit ba? Sumipa ba si baby?" Natataranta na may halong kaba ang boses niya. Inirapan ko siya, ang over reacting naman kasi-in short ang oa niya. May 1 month old ba na fetus na sumisipa? Wala pa ata 'tong mga paa ih. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kung may sugat ba 'ko or kung ano man ang nangyari sa'kin. "Wala! 'Wag kang mag-aalala sa baby, ok lang siya," pagkokomperma ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya saka malumanay na tumingin sa'kin na siyang ikina laki ng mga mata ko. Bakit ganoon makatingin sa'kin si Rexier? Hindi ko alam, 'di ko siya alam. Ang gulo niya, minsan ay parang balewala lang ako sa kanya habang minsan naman ay sobra siya kung makapag-alala sa'kin. Naputol ang titigan namin ng pumasok ang nurse sa loob. "Oras na po para sa almusal niyo po ma'am at pagkatapos no'n ay iinom po kayo ng gamot." Tumango ako sa kanya, may dala na pagkain ang nurse na inilapag niya sa may maliit na mesa. Kinuha ko ito pero pinigilan ako ni Rexier. "Ako na, susubuan na kita," sabi niya. Susubuan? Baliw ba siya? "Ako na, hindi naman ako lampa or nabalian ng kamay para subuan pa, kaya ko na ang sarili ko," sabi ko saka pilit na kinukuha ang tray ng pagkain sa kamay niya. "No, ako na. Baka mapano ka pa, mahirap na." "Huh? Ano naman mangyayari sa'kin ih kakain lang naman ako. Kaya akin nayan," pinilit ko nanaman na kunin ang tray pero nilayo niya ito sa'kin. " Remember, I'm still your boss, Py. You like it or not, gagawin mo ang utos ko. Susubuan kita and I don't accept 'no' for an answer," puno ng awtoridad niyang sabi. Boss ka nga, ako naman ang nagdadala ng anak mo sa sinapupunan ko. Gusto ko 'to sabihin kaso baka magalit pa lalo si Rexier at tuluyan na talaga niyang ipakain sa'kin ang kamao niya. Well-tumatangap naman ako ng subo, sa ibang paraan ngalang. "Say ahhh," parang batang utos niya sa'kin. Inirapan ko muna siya bago binuksan ang bunganga ko para sumubo ng pagkain.Nalabas na kami sa aming pagsisiping. Papikit na sana ko ngunit hinalikan ni Rexier ang aking labi saka bumulong sa aking tenga. "Asawa ko, gusto ko lang sabihin kung gaano kita kamahal. Hindi lang dahil asawa kita, kundi dahil ikaw ang naging sandigan ko sa lahat ng panahon. Simula noong dumating ka sa buhay ko, nag-iba ang lahat — mas naging makulay, mas naging totoo, mas naging masaya. Kahit madaming hamon ang dumaan sa atin, hindi mo ako iniwan. Sa halip, pinili mong manatili, umunawa, at iparamdam sa akin na kaya natin basta’t magkasama. Maraming beses na tayong napagod, nasaktan, at muntik nang sumuko, pero sa dulo, lagi pa rin nating pinipili ang isa’t isa. Iyon ang tunay na pagmamahal para sa akin — ‘yung hindi perpekto, pero totoo. ‘Yung kaya tayong buuin kahit ilang beses pa tayong mabasag. Salamat sa pag-aalaga mo, sa pag-unawa mo sa mga pagkukulang ko, at sa hindi mo pagbitaw sa ating dalawa. Walang araw na lumilipas na hindi ko ipinagpapasalamat na ikaw ang asawa ko
After 5 years..... "Mama!" Sigaw nang limang taong anak namin. Bitbit ni Pyreia si Xiever. Naglalakad sila patungo sa aming kinaroroonan. Malaki na si Pyreia ngayon, hindi na siya ang baby na kinakarga ko pa noon. 10 years old na si Pyreia at Pyxier at ang anak naman namin na lalaki ay nasa 5 years old pa. Nasa park kami ngayon, nagpi-picnic dahil day off ngayon nang kanilang ama. Speaking of ama nila, nasa likuran ko si Rexier, nakayakap siya sa akin na parang linta nanaman. "Ang bango mo, asawa ko," bulong niya habang sinisimot ang aking leeg na siyang nagpapakiliti sa akin. "Ano ba yan nakikiliti ako," natatawang turun ko sa kanya at pinipilit siyang lumayo sa akin, tinutulak ko pa siya nang mahina pero hindi pa rin yun tumatalab. "Mommy, nagugutom na daw si Xiever," saad ni Pyreia nang makarating siya sa aming harapan. Tinignan ko ang kanyang likuran, hinahanap ang kanyang kakambal. "Bumili siya nang ice cream sa isang store sa malapit lang, mommy," saad n
Mahigit isang linggo na simula nang makaalis ako nang hospital. Wala akong ibang ginawa sa buong linggo ko kundi ang sumuka at kumain. Na para bang ang lahat nang kinakain ko ay naisusuka ko lang. Mukhang bumabawi ngayon ang baby ko sa isang buwan na tulog ako, naging behave siya sa isang buwan na 'yun tapos ngayon ay gaganti na siya sa lahat ng araw na nakaligtaan niya. "Py, let's go on a date?" Saad sa akin ni Rexier mula sa aking likuran. Hindi ko alam kung nagtatanong ba siya o nag-aaya. Inayos ko ang buhok ko dahil nagluluto ako ngayon nang cookies na kini-crave ko, parang linta naman si Rexier na sunod nang sunod lang sa bawat galaw ko. Nababahala raw kasi siya at baka kung ano ang mangyari sa akin at sa baby namin. Gusto ko na lang siyang sabunutan sana, apaka oa niya. Maayos naman ako saka tatawagin ko naman siya kapag may mangyari sa akin, ih ngayon kasi kung saan ako pupunta at dadako, nasa likuran ko lang siya sumusunod na parang pato. "Nagtatanong ka ba
Matapos niyang ihanda ang pagkain sa plato, agad siyang bumalik sa akin na may dala nang plato, ngunit may isa kaming problema.Naka dextrose ang isa kong kamay, habang ang isa ko ring kamay ay nahihigaan ni Pyreia. "Hmm-""Susubuan na kita..." Putol niya sa sasabihin ko sana. Hindi na ako umangal, wala rin naman akong naisip na iba pang sulosyon para makakain ako. Hinayaan ko siyang subuan ako. Inayos niya ang kanin at ulam sa ibabaw ng kutsara saka itinapat ito sa aking bibig. Nahihiya pa akong buksan ang bibig ko upang salubungin ang kanyang itinapat na pagkain sa akin pero ayaw ko naman siyang mangalay kakahintay sa akin na ibuka ang bibig ko kaya wala na akong nagawa kundi ang ibuka ang aking labi at kainin ang kanyang inilahad.Naging ganoon ang cycle nang pagkain ko. Hindi kami nag-iimikan at nagkakatitigan lamang, nakatitig ako sa kanya habang busy na busy siya sa pagsubo sa akin. Napansin kong nakaligo na siya dahil medyo basa pa ang kanyang buhok, hindi na siya kasing s
Hindi naman inabot ng isang minuto, agad na dumating ang mga nurse at may kasamang doctor ang mga ito. Pinagilid muna nila si Rexier at inasikaso nila ako. Inalis ko muna ang tingin ko kay Rexier nang tutukan ako nang maliwanag na bagay ng doctor. Inalis nila ang tube nang oxygen sa aking bibig. Madami silang ginawa sa akin, nakatulala lamang ako sa kisame habang ginagawa nila ito. Ni hindi ko nga namalayan na tapos na pala sila sa mga pinaggagawa nila. Ngayon ay tinatanong na lamang nila ako nang kung ano-ano na agad ko namang sinasagot."Mahigit dalawang buwan kang walang malay, misis. Mabuti na lamang at malakas ang kapit nang baby, hanggang ngayon ay nasa sinapupunan mo pa rin siya, aalis muna ako, kailangan ko pang i-examine ang dugo mo sa lab," nakangiting saad nang doctor saka umalis na sa silid. At sumunod naman ang mga nurse sa kanya matapos nilang ikabit sa akin ang dextrose.Tanging ako na lamang at si Rexier ang naiwan ngayon sa silid.Nanghihina pa rin ang katawan ko,
Pytricia P.O.VNagising ako nang masakit ang buong katawan. Gising ang diwa ko pero nakapikit pa rin ako. Kumunot ang noo ko nang maramdaman kong may humihimas sa aking palad at para bang may nakahiga sa aking tabi. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero mas gusto ko munang pakiramdaman ang paligid. Patay na ba ako? Ang huling naaalala ko lamang ay nawalan ako nang malay, all of the sudden dumilim ang paningin ko. Hindi ko na alam kung ano ang kasunod na nangyari. Nasa heaven na ba ako? "Kumusta na siya?" Rinig kong salita nang kung sino.Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses nito, pamilyar ang kanyang boses, na para bang narinig ko na ito rati ngunit hindi ko lang matandaan kung sino. Talaga bang nasa langit ako? O baka nasa imperno ako? Ang bait ko kaya para mapunta sa imperno...... siguro? "Hindi pa rin siya nagigising, I miss her so much, hindi ko akalain na may anak pala kami, na masusundan namin sila Pyxier at Pyreia. All this time, buntis siya at wala man lang akong







