"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa malamig na boses na siyang nagpabigla sa'kin.
Yumuko ako saka sinara ang pinto. "Ano k-kasi, may sasabihin sana ako sayo." Nanginginig ang boses na turan ko. "Make it fast, I'm busy can't you see," mas malamig pa sa yelo ang boses niya, kunot ang kanyang noo at halatang naiinis sa presensya ko. Anong nangyari sa kanya? "A-ano k-kasi, buntis ako." "Edi, goods—I can get my share after you give birth. Now please leave, I'm busy," aniya sa malamig na boses. Ang sakit, bakit ganoon, ang sakit sa pakiramdam, parang dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit. Wala akong nagawa kundi ang yumuko at umalis sa silid ni Sir. Pagkarating ko sa kwarto ko ay umiyak ako sa ilalim ng aking kumot. Hindi ko naman mahal si Sir pero ngayon lang ata ako na mulat sa realidad na ginamit lang talaga ako ni Sir upang makuha ang mana niya. "Pack your things, utos ni boss," sabi ng secretary ni Sir. Kinabukasan ay bigla na lang siyang pumasok sa kwarto. Hindi na ako nagtanong kung bakit, tamad ko lang sinunod ang utos niya. Wala sila Aling Nika dahil nagmalengke, mukhang tiniming talaga na wala sila rito bago ako utusan. Nang matapos ay kinuha ng secretary ni Sir ang bagahe ko at pinasunod niya ako sa kanya. Walang imik at blangko ang expression kong sinundan siya. Namamaga pa ang mata ko sa buong magdamag na pag-iyak ko. Pinapasok niya ako sa kotse at umandar ito. Huminto naman ito sa isang penthouse. "For now, dito ka titira, may kasama ka diyang nurse, twice a week uuwi si Sir para dalawin ka, and make sure that's the baby is fine, lahat ng 'yan ang bilin ni Sir Rexier," huli niyang sabi bago umalis at iniwan ako sa sala ng penthouse. Napabuntong-hininga na lamang ako saka tamad na umupo sa sofa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod ko sa beyahe at sa dami ng iniisip ko. Nagising na lamang ako ng may humahalik na sa'king leeg. "S-sir," turan ko kay Sir Rexier na busy sa paghahalik saking leeg. He hummed. "Hmmm? You smell so good." Husky ang pagkabigkas niya rito. "Call me, Rexier. I don't like you calling me, Sir." Tumango ako. Umalis siya sa leeg ko saka tumungo sa tyan ko. Kumunot naman ang noo ko, naguguluhan sa inaakto niya. Bakit ganito siya ngayon? Kagabi lang ay halos ipagtabuyan na niya ako. Akmang ibubuka ko ang bibig ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko saka sinagot ang tawag. Si nanay. "Nay kumusta ka na po ba? Umaayos na po ba ang kalagayan mo? Baka hindi ako makabisita diyan ng ilang araw, sobrang busy ko kasi ngayon, kumusta na po ang pinadala kong pera sa inyo?" Ang pera na iyon ay galing kay Rexier. Ang naging kasunduan namin. Kasal kami sa papel, ayun lang naman ay pakay namin sa isa't isa. Siya ay upang makuha ang mana, ako naman upang guminhawa ang buhay namin. "Ok lang naman ako, anak. Medyo guminhawa na ang pakiramdam ko," umupo si mama. "Matanong ko lang, saan mo nakuha ang ganon kalaking pera, anak? 200k talaga? Huwag mong sabihin pumapasok ka sa illegal na gawain, hindi kita pinalaking ganoon!" May banta sa boses ni mama. "Ma, humingi po ako ng bunos kay, Sir. Saka nangutang muna ako sa mga kasamahan ko rito sa mansyon para naman may pang gamot kayo, mahigit isang buwan ka na diyan sa hospital ih, malaki-laki na ang bayarin," pagsisinungalin ko kay mama. Ayaw kong sabihin sa kanya na dahil sa kasunduan namin ng boss ko kaya ako nagkapera. Kabilin-bilinan niya pa naman na dapat ay mahal ko ang taong papakasalan ko. Pero wala akong choice ih, kahit hindi ko mahal si Sir Rexier, pinakasalan ko pa rin siya, alang-alang sa mabuting pamumuhay namin. Binalinga ko si Sir na nakasandal sa sofa habang pikit ang mata. Magagawa ko naman siya sigurong mahalin. Mabait naman si Sir, mabait kung minsa, minsan naman ay tinotopak ng kamalditohan. Nag-usap pa kami ni mama sandali tungkol sa pag-aaral ng mga kapatid ko, ang naiwang pera ay pinatayo nila ng sari-sari store para naman may pagkikitaan sila kahit kaunti lang. Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip na, tama ang naging desisyon ko. Unti-unti ng umaayos ang buhay namin. Hinawakan ko ang tiyan ko, mahal ko ang batang nasa sinapupunan ko. Kahit na may kasunduan kami na si Rexier ang kukuha sa bata pagkatapos naming mag-divorce ay hindi ako papayag, may plano na ako. Ayaw kong mawalay sa anak ko, gagawin ko ang lahat para lang makasama ko siya habang buhay. Binaba ko na ang tawag saka muling bumaling kay Rexier na ngayon ay nakamulat na ang mga mata at malamin na nakatitig sa'king mukha. "Pag-usapan na 'tin ng maayos ang magiging buhay ko habang nagdadalang tao," wika ko sa kanya. Hindi puwedeng malaman ng iba na buntis ako at siya ang ama, ayan ang kasunduan namin, na kasama sa kasunduang walang nakakaalam na kami ay mag-asawa. "You’ll be staying here while you’re pregnant. I’ll visit you two or three times a week—I assume my secretary already mentioned that," he said in a bored tone. Tumango ako. "And furthermore. Ako na bahalang rumason sa mga kasambahay kung bakit wala ka. Also to your mom. Bukas ay may nurse na dadating dito to check on you 24/7 dalawa sila, and also may isang kasambahay din so you won't waste your time cleaning at baka mapano pa ang anak ko, and lastly twice a week ay may groceries na dadating dito." Tango nang tango lang ako, mariing nakikinig sa kanya. Tumayo siya saka inayos ang kanyang suot na black suit. Tumingala ako upang makita ang gwapo niyang mukha. "Puwede ba akong magtanong sayo ng personal na topic, Rexier?" Tanong ko sa kanya. "Spill," he coldy said. "Bakit ako ang napili mo? Hindi ba't may ex ka? Siya na lang sana ang pinili mo, mahal mo naman siya dati, kaya mo naman siyang mahalin siguro ulit, hindi sa nagrereklamo ako-" Rexier cut me off. "Nagrereklamo ka na nga ih," bored niyang sabi saka sinuklay ang buhok niya gamit ang kanyang mahahabang daliri. Matalim ko siyang tinignan dahil sa inis, wala akong pake kung boss ko man siya, ako naman ang nagdadalang tao sa kanyang anak. "No, hindi ganoon! Sinasabi ko lang, bakit ako? Naguguluhan ako, bakit ako pa? Isang hamak na maid lang ang napili mong pakasalan," wika ko sa naguhuluhang boses. Nasa mga mata na rin kasi ng mommy ni Rexier na ayaw niya sa'kin, bakit ako pa ang napili ni Sir? Hindi ba dapat nagpapasalamat ako, dahil sa kanya naging maginhawa na ang buhay ng pamilya ko pero hindi pa rin kasi manilaw sa'kin kung bakit ako. Kaya niya naman sigurong kumuha ng babae na mas maganda at mayaman din tulad niya o 'di kaya'y mahal siya. "Mahirap siyang i-explain kaya manahimik ka na lang." Aniya saka inirapan ako. "I-explain mo kahit mahirap! Kaya ko naman ata 'yang intindihin!" Singhal ko sa kanya, hindi ko na napigilang mapakuyom ng kamao dahil sa inis. Simple lang naman ang sagot ko tapos hindi niya pa masagot ng maayos. "You wanna know why?" His bored look turn into flame, ang malamig niyang mga mata at awra ay naging apoy. Pinasok niya ang dalawa niyang palad sa kanyang bulsa saka matalim na tinignan ako sa mga mata. "Your an easy target, madaling mauto at mahirap kaya madali lang saakin ang kunin ang loob ko, nakikita ko rin sayo na madali kang mabilog sa pera na siyang napatunayan ko naman na tama pala." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, mahihiya pa ako sa sarili ko dahil tama naman ang sinabi niya, na...na bibilog ako ng pera. Pero kailangan ko kasi iyon, hindi naman ako kagaya niya na mayaman at walang problema patungkol sa pera. "Now if you’ll excuse me, don’t assume I chose you because I like you. I could never have feelings for someone who’s just a mere maid. Yes, I may be nice to you sometimes—but that’s only to mess with your head. Don’t ever think I could like you, because that will never happen. I might act nice, but that doesn’t mean I care about you—not even a little." "Hindi ko naman yan iniisip!" Singhal ko, mahigpit na ang pagkakuyom ko sa kamao ko. Nagsisimula na ring mangilid ang luha sa mga mata ko. He 'tsk' and rolled his eyes. "Don't be dramatic, hindi ako nadadala sa paiyak mo." Pagkatapos niya yung sabihin ay tumalikod na siya at pumasok sa isang pinto na mukhang silid niya ata. Pagkaalis niya ay doon na bumuhos ang luha ko. Ito na ba ang tunay na kulay ni Sir Rexier? Ganito ba talaga siya? Hindi naman ganoon ang kanyang ugali noong una ko siyang nakilala, nagagawa ko pa nga siyang biruin minsan. Talaga bang ganito ang tunay na ugali ni Rexier. Pinunasan ko ang luha ko saka nahiga sa sofa, minuto lang ay binalot na ako ng antok at nakatulog doon. Nagising ako ng makaramdam ng gutom at lamig. Tinignan ko ang paligid, madilim ang paligid. Mukhang madaling araw na. Umalis ako sa sofa saka pumaroon sa kusina para maghalungkat ng makakain, kumakalam na ang sikmura ko, dahil na rin siguro sa may bata akong dinadala kaya double ang gutom na nararamdaman ko. Nakakita ako ng saging sa ref saka peanut butter. Abot ngiti naman ang mukha ko nang makita ito, dali-dali ko itong kinuha saka nilapag sa mesa, kumuha ako ng plato saka naglagay doon ng peanut butter. Akmang kakagat na ako ng saging ng biglang may boritong boses ang nagpatigil sa'kin. "What’s that? Is that because of your hormones or something? Weird. I bet it tastes gross—like, yuck." Natigilan ang kamay ko sa ere na may hawak na saging nang makita sa harapan ko ang hubad barong si Rexier, bigla na lang ata nawala ang galit ko sa kanya dahil sa kanyang pandesal at pumuputok na muscles sa braso na nakabungad sa'king harapan. Hindi ko alam kung side effects ba 'to ng pagbubuntis ko pero natatakam talaga ako habang nakatingin sa katawan niya. "Naglalaway ka," bored niyang wika saka nilagpasan ako. Nanlaki ang mga mata ko saka hinawakan ang bibig ko, kumunot ang noo ko sa inis lasi hindi naman ako naglaway, sinungaling! Kinain ko ang saging na may peanut butter habang nakatitig sa likuran ni Rexier, nasa may ref siya at mukhang may hinahanap doon. 'Bat ganoon? Ang sarap-sarap tignan ng likod niya. Hindi maalis ang tingin ko sa kanyang likod, at noong humarap naman siya ay sa abs niya naman tumuon ang mga mata ko. "Manyak," wika ni Rexier na siyang nagpagising sa kahibangan ko. Dali-dali kong inalis ang tingin ko sa tiyan niya saka binalik ito sa kinakain ko. Kung nakikita ko lang sarili ko, siguro ay pulang-pula na ang buong mukha ko, hangang leeg. Mahiya ka naman Pytricia! Akala ko ba galit ka sa kanya at naiinis ka? Tanong ng utak ko. Umiling-iling ako. Oo nga galit ako sa kanya pero masama ba ang humanga sa mala adonis niyang katawan na pasado na sa kilven klyne na model? Pero mas bagay ata kay Rexier ang maging matcho dancer. "Hindi a-ako manyak, tinitignan ko lang kung ano ang laman ng ref," dahilan ko at nanginginig pa dahil sa kaba. "Yeah, right. Laman ng ref, sige paniwalaan na 'tin yan," sarkastiko niyang sabi. Isang iglap lang ay nasa likuran ko na siya, hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya na nakalapit na pala ang katawan niya sa likuran ko. Para naman akong istatwa na hindi makagalaw. "You want my pandesal right? Pili ka, iyang kinakain mo o ang pandesal ko?" Bulong niya sa tenga ko na siyang bahagyang nagpatalon sa'kin. Ang bilis ng tibok na puso ko, para itong nakikipag karera sa sobrang bilis. Kabang-kaba ako sa mga kinikilos niya, kahit sa pagbulong niya ay para na akong nangingisay sa kaba. "Choose," malamig niyang bulong sa tenga ko. Nanindig ang mga balahibo ko sa kanyang ginawa. Napalabi ako saka napaisip, 'di ba't galit ako sa kanya? Galit ako sa lalaking 'to pero bakit ganoon? Gusto kong piliin ang pandesal nito.WARNING 18+ I didn't sleep. Gising ako buong gabi, wala akong ginawa kundi ang uminom ng uminom pero kahit marami na ang nainom ko ay hindi pa rin ako tinamaan ng antok. Wala ang tatlo ngayon, kukunin nila ang DNA test na pinagawa ko noong nakaraang buwan sa sinapupunan ni Xyle. I wanted to know if the child she's carrying is mine. Kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko siya ginalaw, wala akong ginalaw na ibang babae maliban kay Py simula noong naging asawa kami. Gusto ko pa ring manigurado. Gusto kong malaman kung nagsasabi nga ng totoo si Xyle. Umiinom ako ng alak ng biglang tumunog ang cellphone ko. Wala akong balak na sagutin ito pero paulit-ulit na tumatawag, naiinis na ako sa ingay kaya pinulot ko ang cellphone kong nasa ibabaw ng mesa at sinagot ito. "Sir, someone is looking for you here at the company. We really need you right now—the company is sinking. Even just for today, we hope you can come," saad ng kung sino sa kabilang linya. Pamilyar ang boses nito, ilan
WARNING 18+ RAXIER P.O.V "I miss my baby," mangiyak-ngiyak na saad ko sa tatlong guard na kasalo ko sa inuman. Mahigit ilang buwan na simula nang iwan ako ni Py. Hinanap ko siya, pero lagi akong bigo. Sumuko na ang mga detective na kinuha ko. Kahit anong gawin nila ay wala pa rin silang lead na nakuha kung nasaan si Py. Tuwing gabi ay inaaya ko ang mga guard ko na makipag inuman sa'kin. Hindi ako makatulog sa gabi, sa tuwing pinipikit ko ang mata ko ay mukha ni Py ang nakikita ko. "Boss, tawag po ng tawag ang ina niyo," saad ni Cy. Ininom ko ang alak sa baso, nilagok ko ito at pabagsak na nilagay ang baso sa mesa. "Hayaan niyo lang," tanging nasabi ko. Bumaling ang tingin ko kay Azul. "Kumusta na ang DNA?" Tanong ko. "Bukas po boss makukuha na namin ang papel na naglalaman ng DNA testing niyo ng bata," imporma niya. Tumango-tango ako sa naging turan niya. Nagsalin ako ulit ng alak sa'king baso at nilagok ito, napansin kong ako na lang ang umiinom, ang tatlong
Bandang alas tres ng hapon ng dumating si Ryan. Tulad ng sabi niya kanina, may dala siyang bananacue at peanut butter. Malapad ang ngiti ko sa dala niyang pagkain. Pinapasok ko siya sa bahay at pinaupo sa kahoy na sofa. Dumating naman si lola Amora galing sa kanyang silid, nakangiti ang matanda mukhang nagkabati na ata sila ng kanyang iniirog."Oh na rito ka pala hijo." Aniya kay Ryan. Tumayo si Ryan at lumapit kay lola Amora upang magmano. "Ah magandanghapon po, donya. Binisita ko lamang po si Blaire, baka kasi nagugutom na siya at ang baby kaya nagdala na rin ako ng makakain nilang meryenda. Ikaw po? Baka gusto niyo pong kumain? May dala po akong bananacue." Magalang na saad niya sa matanda.Tinapik ni lola ang balikat ni Ryan saka umiling. "Hindi na, hijo. May lakad pa kasi ang lola ngayon, buti nga at na rito ka. Ikaw muna ang magbabantay kay Blaire."Umasim ang mukha ko sa sinabi ni lola Amora. At saan naman siya pupunta? Napapansin kong napapadalas na ang paggagala ni lola A
Rexier P.O.V "F*ck! Where's my wife?!" Sigaw ko sa tatlong bodyguard na nasa 'king harapan. Nakayuko lang sila, walang imik. Ilang araw ko ng pinapahanap si Pytricia sa kanila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila mahanap-hanap ang babae. Nag-hire na rin ako ng mga investors pero ganoon din sila- wala silang nasagap na impormasyon kung nasaan man ang asawa ko. Sisigawan ko pa sana sila nang biglang may nag-door bell sa labas. Napahilamos na lamang ako sa sariling mukha dahil sa frustration na aking nararamdaman ngayon. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, I feel guilty, frustrated, and angry. Galit ako sa sarili ko. Umalis silang tatlo sa'king harapan at pinagbuksan ang taong nag-door bell. Nakasandal ako sa couch, pagod na pagod sa kakahanap kay Py. Py where are you? Gusto ko na siyang hawakan, yakapin, at makita ang napakaganda niyang mukha. Lalong-lalo na ang malaki niyang tiyan. "Rexy," saad ng isang boses na pamilyar sa'kin. Tamad na iminulat ko ang mga m
Naudlot ang panonood ko ng b*ld ng biglang may tumawag sa'kin mula sa labas. "Inday!" Tawag sa'kin ni lola Amora. Kakarating lang niya mula sa bayan. Nagbihis ako. Pagkatapos ay kamot ang ulo na lumabas ako mula sa silid ko. Nakakainis naman kasi! Bakit ba parating wrong timing ito si Lola Amora. Nakakabitin siya sa panonood ko ih!Pagkalabas ko ng silid ay bumungad sa akin ang malapad na ngiti ni lola Amora. Mukhang sumakses siya sa pamamalengke-slash sa date niya ngayon. Malapad ang ngiti ni lola Amora, animo'y nakapanalo sa loto. "Kunin mo 'to, kainin mo, para naman maging masustansya ang bata paglabas," saad niya saka inilahad sa'kin ang isang supot na may lamang mga prutas. Hindi paman ako nakapagpaalam sa kanya, nang bigla niya lang ako talikuran at pumunta siya sa kusina. Nagkibit-balikat na lamang ako, sanay na sa kanya. Basta't kinikilig ang matanda, wala na 'yang pakealam sa kanyang paligid. Binalatan ko ang orange. Umupo ako sa couch saka ini-open ang cellphone ko mul
Bagot na bagot ako, mahigit dalawang buwan na akong namalagi rito sa probinsya. Wala akong ibang kasama kundi si lola Amora. Kinabukasan kasi matapos akong ihatid ni Cy dito ay umalis na rin siya para bumalik sa mansyon. Sa makalawang buwan ay lilipat kami ni lola Amora sa bayan, malapit na kasi akong manganak, malayo pa ang hospital dito sa probinsya kung saan naka tira si lola Amora kaya lilipat muna kami ng tirahan sa bayan para mas madali akong maisugod sa hospital kapag manganganak na ako. Nakakabagot siya, wala akong ibang ginagawa rito kundi ang manood ng tikt*k sa cellphone ni lola Amora, magbasa ng mga pocket book, at maglinis. Minsan ay napapaiyak ako sa tuwing naalala ko si Rexier, kahit anong gawin ko para makalimutan siya, hindi ko magawa. Nagpapaka-busy na ako pero wala pa rin, sa tuwing bakante ang utak ko, naaalala ko siya. Muli kong nararamdaman ang sakit na ibinigay niya sa'kin. Napapaisip tuloy ako kung kumusta na siya-sila ni Xyle? Siguradong masaya na