Share

Kabanata 61

Author: Janijestories
last update Huling Na-update: 2025-08-10 20:00:46

Makalipas ang dalawang araw, hindi ko nakikita si sir o nararamdaman na lumabas siya sa kanyang silid.

Nag-aalala na tuloy ako kung ano na ang nangyari sa kanya. Gusto kong pumasok sa silid niya kaso baka pagalitan niya ako at isisante kapag bigla-bigla na lang akong pumasok sa loob, ayaw ko naman na mangyari 'yun.

Sumapit ang hapon, tinignan ko muli ang pinto ng silid ni sir. Naroon pa rin ang tray na may lamang pagkain sa sahig.

Hindi niya ba narinig ang katok ko? Naglakad ako patungo sa pinto ng silid ni sir. Kumatok ako ulit ng tatlong beses.

"Sir? Bakit hindi niyo po kinain ang hinanda ko? Ayaw niyo po ba?" Sigaw ko pero wala akong natanggap na sagot mula sa loob.

Namuo na ang kaba sa dibdib ko. May masama kong kutob, ilang beses akong kumatok at tinawag si sir mula sa labas pero kahit na ano ang gawin ko, wala pa ring sagot na natatanggap ko.

Pinihit ko ang pinto, hindi ito naka-lock. Kahit na nagdadalawang isip ay pumasok pa rin ako sa loob, binuksan ko ang pinto at pumas
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gretchen Chavez
more update pa po plsss Ang Ganda nman Po Ang kwento
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 64

    Nakatulog kaagad si Sir matapos ko siyang pakainin. Sinapo ko ulit ang kanyang noo, medyo bumaba na ang kanyang temperature. Tulad ng sabi niya, hindi ko siya iniwan. Habang natutulog siya ay binabantayan ko siya, iniiwas ko ang tingin ko sa picture frame na nasa mesa kung saan nakadikit doon ang picture nang kasal nila ni Xyle. Pareho silang nakangiti roon, halatang masayang-masaya silang dalawa na ikinasal. May parti pa rin sa akin na nasasaktan pero iniisip ko na lamang na, hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Rexier, siguro ay mamahalin ko na lang siya ng tahimik. Pipilitin ko ang sarili kong kamuhian siya. Nang sa ganoon ay makaya kong iwasan siya. Galit ako 'di ba? Dapat ay galit ako sa kanya. Pinaikot niya lang ako, kahit pa sabihin pa nating kasal lang kami dahil sa kasunduan, hindi pa rin mapagkakaila na nagloko siya. Nakipagtalik siya habang kasal pa kami, meaning nun ay kumabit siya. Habang nagbabantay sa kanya, hindi ko namalayan na unti-unti na palang pumipikit a

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 63

    Matapos ang pag-uusap namin nang anak ko ay siyang pagkaluto naman ng sopas ko. Pinatay ko ang tawag saka inihain ang mainit na sopas sa bowl saka inilagay ito sa may tray. Akmang hahakbang na ako ng may naramdaman akong bulto sa akin likuran, sa amoy at tindig pa lang nito ay alam ko na kung sino ito. "So, may anak ka na pala," bulong niya sa tenga ko. Halos matapon ko ang bitbit kong tray dahil sa sinabi niya, narinig niya ang pag-uusap namin ng anak ko? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, nagiging istatwa lang ako. Walang kagalaw-galaw, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Eto na ba? Malalaman niya na ba? "May asawa ka na pala," muli niyang saad, hindi tunog gulat ang kanyang pagkasabi bagkus ay malamig ito. Kasing lamig nang yelo. Dahil sa kaba ay napatango ako, huli ko na naisip ang naging galaw ko. Mariin akong napapikit, kailangan ka pa nagkaasawa Py??! Ih sa kanya ka lang naman ikinasal at wala ng iba pa. Buong tapang akong lumungin sa likuran ko kung

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 62

    Nawalan ng ala-ala si Rexier? Kaya ba hindi niya ako nakikilala. Bumaling ang tingin ko sa lalaking mahimbing na natutulog sa kama. Kasal na siyang tao. May anak na siya, may pamilya na. Pero bakit ganoon? Imbis na kamuhian ko siya, tumitibok ang marupok kong puso. Hindi 'to puwede, hindi 'to maaari. Hindi puwede 'tong nararamdaman ko, kung ano man ito, dapat kong pigilan habang maaga pa. Umalis ako sa silid at hinayaan ang natutulog na Rexier sa loob. Bumalik ako sa sarili kong silid saka sumalampak sa kama. Doon ay biglang bumuhos ang kaninang pinipigilan kong luha, iyak ako ng iyak. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan, iyak hanggang sa naging hagulgol ang ginawa ko. Gusto kong suntukin siya, gusto ko siyang saksakin pero hindi ko magawa, ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Bakit ako nagiging marupok? Sinaktan ka niya ako hindi ba? Pero bakit imbis na magalit ako sa kanya, hindi ko magawa. Iyak ako ng iyak hanggang sa makatulog ako. Hindi ko namalayan na nakaidlip na p

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 61

    Makalipas ang dalawang araw, hindi ko nakikita si sir o nararamdaman na lumabas siya sa kanyang silid. Nag-aalala na tuloy ako kung ano na ang nangyari sa kanya. Gusto kong pumasok sa silid niya kaso baka pagalitan niya ako at isisante kapag bigla-bigla na lang akong pumasok sa loob, ayaw ko naman na mangyari 'yun. Sumapit ang hapon, tinignan ko muli ang pinto ng silid ni sir. Naroon pa rin ang tray na may lamang pagkain sa sahig. Hindi niya ba narinig ang katok ko? Naglakad ako patungo sa pinto ng silid ni sir. Kumatok ako ulit ng tatlong beses. "Sir? Bakit hindi niyo po kinain ang hinanda ko? Ayaw niyo po ba?" Sigaw ko pero wala akong natanggap na sagot mula sa loob. Namuo na ang kaba sa dibdib ko. May masama kong kutob, ilang beses akong kumatok at tinawag si sir mula sa labas pero kahit na ano ang gawin ko, wala pa ring sagot na natatanggap ko. Pinihit ko ang pinto, hindi ito naka-lock. Kahit na nagdadalawang isip ay pumasok pa rin ako sa loob, binuksan ko ang pinto at pumas

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 60

    Maaga akong nagising para magluto at maglinis. Pagkatapos kong magluto ng itlog at hotdog ay inilagay ko ang tray sa harap ng pinto ng amo ko saka kumatok ng tatlong beses bago tumalikod at umalis. Nagtungo ako sa sala para maglinis, tulad ng sabi niya, hindi ko nilinis ang buong bahay, ang nilinisan ko lang ay ang kusina at sala. Bandang alas 10 ng umaga ng matapos ako sa lahat ng mga gawain ko. Naligo ako saka sumalampak sa kama, tinawagan ko mga anak ko at kinamusta ito, maayos lang naman sila, hindi sila sakit sa ulo kay nanay at higit sa lahat hindi pasaway. Nakaramdam ako ng pagod at antok pagkatapos ng tawag. Dahil basa pa ang buhok ko ay tumayo ako saka bumaba upang libangin ang sarili para hindi makatulog. Pababa na ako ng hagdan nang bigla kong marinig ang pinto mula sa silid ng amo ko. Nilingon ko ang likuran ko, nagbabakasakali na ito na ang time na makikita ko na ang mukha ng amo ko pero ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang wala akong matagpuan na bulto sa aking l

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 59

    Umalis ako tulad ng sabi niya, mahirap na at baka alisin niya ako sa trabaho kapag hindi ko siya sinunod. Medyo may kalakihan din kasi ang sweldo ko rito, nakasaad sa papel na binigay sa akin ng babae. Nagtaka ako noong una kung bakit sobrang laki, ayun naman pala mag-isa lang ako sa napaka laking mansyon. Hindi naman puwede na maalis ako sa trabaho, may mga anak pa akong pinapakain at binubuhay. Hindi ako bumalik sa silid ko, bagkus ay nagtungo ako ulit sa kusina para kumain, nag-iwan ako ng sarili kong ulam at kanin. Kumain ako mag-isa, nakaramdam ako ng kaunting lungkot. Ang laki-laki kasi ng mesa tapos ako lang mag-isa na kumakain, at the same time rin natatakot ako ako dahil wala akong ibang marinig na mga ingay maliban sa huni ng mga insekto sa gabi. Nagpa-music na lamang ako upang maibsan ang takot na nararamdaman ko. Kumakain ako nang biglang dumilim ang paligid. Nag-brown out. Ang kaninang takot na nararamdaman ko ay biglang dumoble, takot ako sa dilim, d

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status