Share

chapter 2

AN: Happy afternoon po sa inyong lahat at sa mga nagbabasa nito. ❤ Kakatapos ko lang maligo kaya ito mag-update ako. 😘

-----------

Maluha-luha ako habang nililipat na sa private room ang mama ko dahil succesful ang naging operasyon niya. Wala akong pasidlan ng tuwa at pasasalamat sa panginoon dahil tinupad niya ang panalangin ko na mailigtas ang nag-iisang tao na mahalaga sa akin.

"Danica, anak."

"Ma." Nakangiting sagot ko at hinawakan ko ang kamay niya at dinala sa pisngi ko.

"Salamat dahil talagang gumawa ka ng paraan, pero hindi ko na tatanungin kung ano ang ginawa mo dahil alam kong nagsakrepisyo ka para sa akin."

"Ma, huwag mo sabihin 'yan. Sasabihin ko rin po sa inyo kapag talagang magaling na kayo. Sa ngayon kailangan mo magpalakas." Wika ko at hinalikan ko ang kamay niya.

"Dani, hello nanay Rosita."

Napangiting nilingon ko ang dalawang kaibigan ko na dumamay sa akin sa mga problemang dumating sa amin ng mama ko.

"Nay kamusta na po kayo?" Bati ni Mean katabi nito si, Keth.

"Ayos na ako salamat sa pagbisita niyo sa akin at pagtulong sa amin." Wika ni mama.

"Nako, wala po 'yon. Magkaibigan po kami kaya kami-kami lang ang magtutulungan." Nakangiting sabi ni, Keth.

"Siya nga pala, may lakad ba kayong dalawa? May kailangan kasi akong puntahan. Wala kasi magbabantay kay mama." Wika ko sa dalawa at sabay na tumango sila.

"Go lang girl, sige na kami na bahala dito. Aba, aircon kaya dito kaya malamang mag-eenjoy kami ng bongga dito." Malanding sabi nitong ni Keth.

"Sira! Siya sige. Ma, iwan ko lang po muna may importante lang akong lalakarin." Paalam ko kay mama at tumango ito.

Bago ako lumabas binigyan ko sila ng pera para may pambili sila ng pangkain o kung may kailangan bang bilhin. At sinabi ko na rin sa kanila ang ibang detalye kung saan galing ang pera ko. Nagulat sila pero sabi ko saka ko na ipapaliwanag ng husto sa kanila.

Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko agad si Mr. Dellara kasama ang babae na hindi ko alam kung kaano-ano ko ito. Talagang nandito sila at nakaabang na sa akin. Hindi naman siya ang asawa ng papa ko dahil nasabi na patay na ang asawa ng aking ama.

"Hindi ko siya puwedeng iharap sa mga Deogracia sa ganyan itsura niya, baka kung ano isipin nila." Maarte na sabi nito.

"Bakit kailangan ko pang mag-ayos? Dito ako sanay kaya ok na 'to." Sagot ko at nauna na akong maglakad sa kanila.

"Sundin mo kami dahil ang ama mo ang mapapahiya dito, naiintindihan mo? At isa pa kung hindi dahil dito hindi mapapagamot ang nanay mo kaya gawin mo ang gusto namin."

Inis na pinukol ko siya ng tingin at nagkibit balikat lang si Mr. Dellara, kaya walang nagawa kung hindi ang sundin ang gusto nila. Dinala nila ako sa isang bilihan na magagandang damit at ito ang pinakaayoko ang magsuot ng bistida. Pagsuotin mo na ako ng maikling short 'wag lang mga ganitong dress, hindi ako sanay sa bistida hindi ko feel. Matapos akong pilian ng damit ay kasunod ang sandals pero pinili ko ang hindi ganon kataas dahil medyo mataas na ako at dinala ako sa salon.

"Well, nagmukha kang tao ngayon at masasabi kong may ganda ka rin naman at hindi ka na mukhang yagit."

"Alam mo ikaw namumuro ka na sa akin eh, tao ako. Kaya talagang mukha akong tao. Sandali nga kaano-ano ka ba ng tatay ko?" Inis tanong ko sa kanya pero sa totoo lang sa loob-loob ko talagang hindi ko inaasahan ang ayos ko ngayon. Naging straight kasi ang buhok ko.

"Kasal na lang ang kulang sa amin ng iyong ama, hindi lang natuloy dahil nga sa nangyari. Pinagbilin ka niya sa akin na kapag sakaling mawala raw siya kaya ginagawa ko ang hiling niya."

Paliwanag nito pero hindi ako kumbinsido sa sinabi niya, ibig sabihin pangalawang asawa siya ng ama ko. Ang mama ko naman so ano pala siya kabit? Alam ko naman na hindi maganda ang naging buhay ng aking ina, pero simula raw ng ipagbuntis niya ako ay tumigil na siya sa ganoong gawin.

Hindi naman raw niya ginusto ang trabaho na 'yon, nangyari daw 'yun sa kanya dahil sa kinakasama ni mama na akala niya 'ay mabait. Yon din pala ang magdadala sa kanya sa masalimuot na buhay. Pinasok siya bilang isang bayaran na babae sa isang club para pagkakitaan.

"Nandito na tayo at pakiusap lang ayusin mo ang pananalita mo, huwag mo ipakita sa kanila ang kagaspangan ng ugali mo."

"Kung hindi niya gusto ang ugali ko mas maganda nga 'yon para ayawan niya na ako agad. At wala akong pakialam sa iisipin nila dahil ito ako at hind 'yon mababago." Inis na sagot ko at naiiling na lang itong babae na hindi ko pa alam kung ano ang pangalan niya.

Lumabas na kami ng kotse at saglit na natulala ako dahil ang laki ng bahay na nakatayo sa pinakagitna. Para itong palasyo sa sobrang laki at pakiramdam ko para akong nalula.

"Ito ang bahay ng mga Deogracia, dito nakatira ang mapapangasawa mo. Katulad ng iyong ama napakayaman nila o sabihin na natin na mas lamang sila ng yaman sa Del Fierro."

"Sa tingin ko nga." Sagot ko lang dito kay Mr. Dellara na nasa tabi ko, naunang ng naglakad 'yung babae.

"Mr. Dellara, ano ba ang pangalan ng babae na 'yon?" Tanong ko dito dahil magkasabay kaming naglalakad.

"Clarita, siya ang naging kasa-kasama ng iyong ama bago siya pumanaw. Balak pakasalan ng yong ama si Clarita hindi lamang natuloy."

"Mabuti nga hindi natuloy. Ano bang kinamatay ng ama ko?" Curious na tanong ko.

"Bigla siyang inatake sa opisina niya mismo, si Clarita ang nagbalita sa akin at talaga namang hindi ko inaasahan ang pangyayari na 'yon."

Natigilan ako at napaisip dahil may kung ano akong naiisip tungkol sa pagkamatay ng ama ko. Pero sa ngayon hindi ko muna 'yon iisipin muna. Sumunod lang ako kay Mr. Dellara at lahat ng madadaanan ko ay napapalingon ako dahil talagang nakakamangha sa loob at sobrang linis at kintab ng tiles.

Pagpasok namin sa isang pinto ay bumungad sa akin ang mahaba na lamesa na may kung ano-anong masasarap na pagkain. May dalawang tao ang nandoon isang babae at isang lalaki.

Sandali siya ba ang mapapangasawa ko? Anak ng kabayo, eh para ko ng tatay 'yon.

Pakiramdam ko gusto ko ng tumalikod palabas dahil parang hindi ko kayang makilala itong mapapangasawa ko.

"Danica, maupo ka na."

Napatingin ako dito kay Clarita na nakaupo na katabi si, Mr. Dellara.

"Ito na ba ang anak ni, Mr. Del Fiero?" Nakangiting wika ng ginang na mukhang asawa ng isang presidente dahil sa ayos nito.

"Siya nga Mrs. Deogracia." Sagot ni Clarita.

Naupo naman ako at ngumiti lang ako ng pilit at palihim na tiningnan ang katabi nitong lalaki.

"Danica siya ang ina ng iyong mapapangasawa at siya maman ang yung--"

"Wait, siya ba talaga ang mapapangasa--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa may biglang pumasok na lalaki.

"I'm late, sorry."

"Hijo, saan ka ba nangaling? Mabuti at kararating lang 'din nila."

Hindi mawala ang tingin ko dito sa bagong dating na naupo sa tabi ko.

"Siya ang kapatid ni Mrs. Deogracia." tukoy nito doon sa inakala ko na mapapangasawa ko. "Siya naman si Vross Damien Deogracia ang 'yung mapapangasawa."

Napatingin sa akin itong si Vross at ganon rin ako, napansin ko na saglit niya akong pinasadahan ng tingin.

Ok, hindi na masama ang itsura niya.

Wika ng isipan ko at balewalang binalik ko ang paningin ko sa mga pagkain na nasa harapan ko.

"Puwede na bang kumain? Nagugutom na ako." Nakangiting wika ko at mga napatingin sila sa akin pero hindi ko na 'yon pinansin pa at kumuha ako agad ng pritong manok.

"Oo naman hija sige lang kumain ka na." Wika ni, Mrs. Deogracia.

"Hijo, siya nga pala si Danica ang nag-iisang anak ng ninong mo." Nakangiting sabi ng ginang.

Tumango lang ako kanya at pinagpatuloy ko ang pagkain ko, pansin ko ang matang nakatingin sa akin. Hinayaan ko na lang sila dahil gutom na gutom na ako dahil hindi ako kumain kanina. Nagsimula na rin silang kumain, pasimple na tiningnan ko itong katabi ko dahil kapiraso lang ang laman ng plato niya samantalang sa akin ang dami ng buto nang manok.

Nag-usap sila at tumatango lang ako, umiiling kapag may tanong sila hangggang sa pinapirma rin itong sinasabi na mapapangasawa ko sa papel kung saan rin ako pumirma. Matapos kumain ay tumayo ako, naglakad-lakad ako at napansin ko na may swimming pool sa labas.

"Nice to meet you my soon to be wife,"

Napaharap ako dahil sa narinig ko at nakita ko itong si Vross na may hawak na baso na mukhang alak ang laman.

"Nice to meet you rin." Nakangiting wika ko at inagaw ko sa kamay niya ang baso at agad na ininom ang laman no'n. Napatingin at hindi siya nakapagsalita sa akin ng ibalik ko na ang baso sa kanya.

"Ang sarap ng alak na 'yan iba talaga kapag imported, meron pa ba niyan?" Nakangiting sabi ko.

"By  the way, i'm here for saying this after wedding."

Hinawi ko naman ang buhok ko paitaas dahil naaalibadbaran ako sa pag-English niya. At isa pa hindi niya sinagot ang tanong ko sa alak.

"Puwede ba magtagalog ka na lang? Hindi ako masiyadong nakakaintindi ng English. Para mas madali tayong magkaunawaan.

"After five months, malaya ka na at ganon rin ako. Ang gusto ko wala tayong pakialam sa isa't isa at sinisigurado ko sa'yo na hindi kita pakikialamanan sa mga gusto mo. Huwag mo lang ipapahiya ang apelyido ko."

"Ok 'yon lang pala, mas gusto ko nga 'yon dahil unang-una hindi tayo magkakilala. At isa pa iisa lang pala ang habol natin dito, ako rin may gusto ako at kailangan sundin mo 'yun."

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo, bueno ano ang gusto mo?" Seryoso na tanong nito at namulsa.

"No touch, no touching. Huwag na 'wag mo akong hahawakan o tabihan man lang sa higaan, malinaw ba?" Sabi ko at gumalaw ang may kakapalan na kilay niya.

"Are you serious? Kailangan kitang hawakan minsan lalo na kung a-attend tayo sa mga party o sa mga family gathering." May inis sa mukhang wika niya.

"Okey kapag kailangan talaga pero bukod doon wala na lalo na ang pagtabi sa akin huwag mo 'yon gagawin kung hindi babalian kita ng bato."  Pagbabanta ko sa kaniya.

"What the? Did you think na tatabihan kita?" Salubong ang kilay na sabi niya na may nakakainsulto na tingin.

Tumawa naman ako ng nakakaloko dahil nainis ako sa paraan ng pagtingin niya sa kabuan ko. Dahil para bang diring-diri siya sa maganda kong katawan.

"Tama na 'yan tapos ang usapan." Sabi ko at iniwan ko siyang mag-isa na naiiling.

Mukhang hindi kami magkakasundo pero magtitiis ako para sa mana ko. Para 'yon sa amin ng mama ko. Sa kinabukasan namin.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status