Share

The Marriage Deal
The Marriage Deal
Author: BM_BLACK301

chapter 1

"Doc, kamusta po ang mama ko?"

"Masasabi kong unti-unti ng nanghihina ang kalusagan ng iyong ina. Kailangan na niyang ma-operahan sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi..."

Napayuko ako at pilit na nilalabanan ang luhang gustong bumagsak kanina pa. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng doctor at nakita ko rin sa mama ko na talagang hirap na hirap na siya.

Saan ko ba hahanapin ang malaking halaga para ipang-opera sa mama ko?

Magulo ang isip ko habang naglalakad pauwi ng bahay upang kumuha ng ilang gamit. Isang linggo ng mahigit simula ng isugod ko siya sa hospital katulong ang mga kaibigan ko. Ang mama ko gusto niya na isuko ko na siya pero sabi ko sa kanya huwag, dahil ayokong mawala at iwan niya ako.

"Ano ba, Danica? Tama na, matapang ka hindi ba? Huwag kang umiyak." Mahinang wika ko habang naglalakad dahil nanlalabo na ang mata ko dahil sa mainit na tubig sa magkabilaan na gilid ng mata ko. Tumingala ako upang pigilan ang luha ko.

"Dani!"

"Danica! Bakla ka, dalian mo may naghahanap sa'yo."

Napasingot ako at timigil dahil sa papalapit sa aking ang dalawang kong kaibigan na si, Mean at Keth na bakla. Para bang sobrang importante ang pakay nila sa akin.

"Mabuti at umuwi ka, hindi ka naman namin matawagan dahil walang phone. Pero balak ka talaga naming puntahan ni, Mean."

"Sandali ano ba 'yon?" Naiirita na sagot ko dahil pati ako nangangati na malaman kung bakit.

"Ano kasi, may naghahanap sa'yo sa bahay niyo. May pinakita silang picture ng mama mo pati ang picture mo noong baby ka pa."

Biglang parang may kung ano sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Mean, agad na lumakad ako at mabilis na nakarating sa masikip na lugar na kung saan doon kami nakatira. Pagdating ko doon ay may nakita akong dalawang lalaki at isang babae na mukhang mayaman dahil sa pananamit nito. At mukhang mga body guard 'yung isa, 'yung isa naman na lalaki ay may katandaan na at nakasalamin at may dala itong parang atache case.

"Ikaw ba si, Danica Del Fiero?"

Napatingin ako doon sa lalaking may edad at nagtatakang napatingin sa kanya.

"A-Ako nga." Sagot ko at lumapit sa akin ang babae na siguro ay kaedad ito ni mama.

"Sumama ka sa amin may mahalaga kaming sasabihin sa'yo pero hindi dito sa lugar na ito. Baka himatayin ako dito sa klase ng lugar na ito."

Napaangat naman ang kilay ko dahil sa kaartehan ng babae na ito, pupunta siya dito tapos aarte siya ng ganyan.

"Ano ba ang kailangan niyo sa akin? Wala naman siguro akong atraso sa inyo? Sabihin niyo na lang ang kailangan niyo." Inis na wika ko at nilagpasan ko ang maarte na babae.

"I know you need a money, tama ba ako?"

Natigilan ako sa paglapit sa pinto dahil sa narinig ko.

"Sasama ka sa amin para malaman mo at huwag ka ng umastang hindi mo kailangan."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi nitong babae dahil talaga namang kailangan ko ng pera. Sumama ako sa kanila at dinala ako sa isang mamahalin na restaurant.

"Come on, pumili ka ng kakainin mo. Kahit anong gusto mo." Nakangiting sabi nitong babae pero may laman ang pagkakasabi nito.

"Hindi pa ako gutom ang mabuti pa sabihin niyo na sa akin ang kailangan niyo sa akin." Wika ko at sumandal sa inuupuan ko.

"Masiyado ka ng nagmamadali ganon talaga kapag nangangailangan ng pera at---"

"Puwede ba? Manahimik ka na ang dami mong sinasabi." Naiinis na ako dahil sa pasmadong bibig nitong babae na ito.

"Fine, Mr. Dellara. Paki-explain mo na sa kanya kung bakit tayo nandito sa kanya at lahat-lahat sabihin mo sa kanya dahil sigurado naman akong maiintindihan niya 'yon.

"Bueno, hija. Nakita mo na ba ang ama mo?"

Napatingin ako dito sa lalaki at hindi naman siguro siya ang ama ko dahil wala sa mukha niya at sa mukha ko.

"Hindi pa." Sagot ko lang.

"Dalawang linggo na ang lumipas simula ng mamatay ang iyong ama. At ikaw lang anak niya dahil hindi sila nagkaanak ng asawa niya."

Natigilan ako at hindi nakapagsalita dahil minsan ng naikuwento sa akin ni mama ang tungkol sa ama ko.

"Tapos?" Balewalang wika ko at nakita ko na napaangat ang kilay nitong babae.

"May pamana sa'yo ang ama mo."

Dito bigla akong naging interesado dahil sa pamanang sinabi niya.

"Kung ganon nasaan na? Ibigay mo na sa akin." Wika ko dito at nagkatinginan silang dalawa habang nasa likod lang yung isang lalaki na kasama nila.

"Bago 'yan basahin mo muna ang huling sulat ng iyong ama at saka ko ipapaliwanag sa'yo ang manang gusto mong makuha."

Sus! Ano ba yan may pa-ganon pa hindi na lang ibigay. Ito na ata ang sagot sa pagpapa-opera ko kay mama salamat po lord!

Hinablot ko sa kamay nito ang sobre na naglalaman ng sulat na sinasabi niya at mukhang binasa na rin nila 'yon dahil bukas na ito. Pinasadahan ko ito at hindi ko pa natatapos ang basahin ay bigla ko itong tinapon sa harap nila.

"Ano ba namang kalokohan 'yan? Kailangan ko pa magpakasal para lang makuha ang mana ko? Nababaliw ba kayo?" Inis tumayo ako dahil sa kalokohan na nakasulat doon.

"Ayaw mo ba ma-operahan ang mama mo? Hindi mo kayang gawin 'yon para sa ikakagaling ng mama mo?"

Napipikit naman ako dahil sa naalalang kalagayan ni mama pero bakit kailangan magpakasal pa?

"Hija, ang kasal na 'yon kung binasa mo lahat ay tatagal lamang ng limang buwan. Pagkatapos no'n ay maaari na kayong maghiwalay." Seryoso na wika ng matandang lalaki.

"Bakit kasi kailangan pa ng kasal? At sino naman ang pakakasalan ko baka mamaya ay isang panget na matanda?" Asar na wika ko at napapailing na lang.

"Kung payag ka sa kasunduan na 'yon ay mangyaring pumirma ka dito."

Napaangat ang mukha ko at sa papel na kanina lang ay binasa ko. Ayoko man ang kalokohan na ito pero para sa mama ko gagawin ko.

"Mabuti naman at hindi ka na nag-isip pa dahil ito na ang sagot para sa mama mo kaya huwag ka ng umarte."

Napatingin naman ako dito dahil sa nakakainis na pananalita nito.

"Sandali sino ka ba? Asawa ka ba ng papa ko?" Napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

"Bagay ka talaga sa lugar na mayroon ka dahil wala kang modo. Masuwerte ka dahil naalala ka pa ng ama mo dahil kung hindi..."

"Kung hindi ano?" Seryoso na sagot ko at nakipaglaban ako ng titigan sa kanya.

"Tama na 'yan huwag na kayong magtalo na dalawa. Hija kung may tanong ka maaari mo akong tawagan dito. Ako ang personal na abogado ng iyong ama."

"Sige." Sagot ko at kinuha ang calling card.

"Sandali, kailangan ko na ng pera dahil hindi na makakapaghintay ang operasyon sa mama ko." Sabi ko dahil 'yon ang mas importante sa akin.

"Huwag kang mag-alala hija maaari mo ng mapagamot ang mama mo, ito ang gamitin mo para bayaran ang kailangan sa operasyon. May limitasyon ang paggamit ng card na 'yan, hinanda na yan ng ama mo bago siya mawala. Nandiyan na rin ang password, palitan mo na lang."

"Talaga palang planado niya na ito, pero ang hindi ko maintindihan bakit may ganito pang pakulo na kasalang magaganap." Naiiling na sabi ko at tumayo na ako.

"Bukas ipapasundo kita at kailangan mo magpunta sa mansyon dahil ipapakilala kita sa mapapangasawa mo."

Tumango lang ako at hindi na nagpaalam sa kanila dahil gusto ko ng makabalik sa hospital upang magawa na ang operasyon. Breast canser ang sakit ng mama ko kaya hindi ko talaga alam kung saan kukuha ng malaking halaga para sa magamot siya. Pero ito isang milagro ang biglang dumating.

Napangiti ako habang hawak ang atm at hindi makapaniwala, napansin ko na may pangalan ko 'yon. Nakakita ako ng atm machine at sinubukan na mag-balance doon, alam ko naman ito gamitin dahil may bank account si mama noon at lagi niya akong sinasama kapag magwi-widraw pero ngayon wala na dahil ilang taon na rin simula ng maubos ang laman no'n.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang laman no'n, limang milyong piso. Halos manginig ang buong katawan ko at napalingon ako sa paligid. Muli kong nilabas ang atm at pumasok ako agad sa loob ng bangko upang mag-widrawal.

Ma, hintayin mo ako mapapagamot na kita. Gagaling ka na ma.

Naiiyak ako habang nakaupo at nakapila hindi na ako makapaghintay para bumalik sa hospital. Matapos kong mag-widraw ng pera ay namili ako ng pangangailangan ni mama, ililipat ko rin siya sa private room dahil may mga kasama sya sa silid kung saan siya naka-confine.

Pagbalik ko sa hospital ay agad na kinausap ko ang doctor na gawin ang operasyon para kay mama.

"Ma, lakasan mo loob mo ah? Gagaling ka na." Naiiyak na wika ko habang hawak ko ang maputlang kamay ni mama.

"D-Danica, anak. P-paanong?"

"Huwag na po kayong magsalita saka ko na lang ipapaliwanag sa inyo ang importante sa akin 'ay ang gumaling kayo." Pinahiran ko ang luha ko at dinala na si mama sa operating room, abot-abot ang panalingin ko sa kagalingan ng mama ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status