Share

2. How They Met

Author: SQQ27
last update Huling Na-update: 2025-01-07 07:24:48

Chapter Two

Joanne La Senza

More than a year ago...

Nagsisimula pa lang ang party ngunit medyo iba na ang pakiramdam ko dahil sa dalawang kopitang alak na aking nainom. Hindi talaga ako sanay uminom, samahan pa ng nag-iingay na mga tao sa paligid at ang patay-sinding ilaw sa entablado. Engagement party ngayon ng bestfriend ko at sa isang kilalang bar ito sa Maynila ginanap. Hindi ko siya matanggihan dahil siya ang nag-iisang kaibigan ko. Simula pagkabata ay magkasama na kami sa kalokohan at kasayahan.

Dahil abala ngayon ang ikakasal sa entablado ay pinagkasya ko ang sarili sa isang sulok kung saan malayo sa maraming tao upang hindi ako lalong mahilo. Paunti-unti rin ang pagsipsip ko sa iniinom kung margarita habang pinapanood ang masayang mukha ng bestfriend ko habang nagbibigay ito ng speech sa taas ng maliit na stage.

Masaya ako para sa kaibigan ko dahil sa wakas, matapos ang sampung taong pagiging magkasintahan nila ng boyfriend niya ay ikakasal na rin sila nito. Marami na'ng pagsubok na dinaanan ang relasyon nila ngunit hindi sila sumuko sa isa't-isa. And I also looking for that kind of relationship. Gusto kong isang seryosong lalaki ang makakatagpo ko. Hindi manloloko at walang bisyo sa buhay kundi ang mahalin lang ako.

Bente-otso anyos na ako at ilang taon na lang ay mawawala na ang edad sa kalendaryo ngunit wala pa rin akong boyfriend kahit gustong-gusto ko na magkaroon. Hindi ko alam kung bakit walang lalaking lumalapit sa akin. Maganda naman ako, sexy at isa pa mataas ang estado sa buhay. Hindi naman sa nagmamadali akong mag-asawa pero kasi natatakot akong baka matulad sa mga tiyahin ko at tiyuhin na tumandang dalaga't binata dahil sawi sa pag-ibig. Mukhang nasa lahi na nga yata namin ang pagiging matandang dalaga. Kung sinuman ang sumumpa sa ninuno ko ay sana sumpain siya pabalik. Gustong-gusto ko lang naman makapag-asawa, bakit ba kayhirap gawin iyon?

Dahil sa kung saan-saan humantong ang iniisip ko ay hindi ko na namalayang may umupo na pala sa harapan na isang lalaki at titig na titig ito sa akin habang s********p ng inumin niya sa rock glass niyang hawak. Halata kong medyo nakainom na rin siya dahil sa klase ng kanyang titig. Mapupungay ang mata niyang bahagyang naitatago ng dilim lalo na at ang kanyang pilikmata ay mahahaba.

Napalunok ako dahil sa titig niya pero hindi ako nakaramdam ng kaba na baka may gagawin itong hindi maganda sa akin. Nagkasalubong ang titig namin at dahil nadala ako ng nainom kong alak ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na titigan siya lalo na at nakakaakit ang mga mga niya. Ang ngiti niya ay hinihigop ang buong pagkatao ko.

"Care to share a table with me?"

Napalunok ako ng margarita na iniinom ko nang marinig ko ang baritonong boses niya. Kaysarap niyong pakinggan, parang boses ng paborito niyang singer na si Zayn Malik.

Tumikhim muna ako bago sumagot.

"Ahm. . . oo naman. Why not? You are harmless, right?" wala sa loob na tanong ko. Dahil sa alak na nainom ko ay kung ano-ano na ang pinagsasabi ko. Nginitian ko siya ng matamis na medyo nakakaakit.

Mahina siyang napatawa saka inilapag ang hawak na kopita sa mesa na nababalot ng silk na tela saka tumiim ang titig niya sa akin. Bahagya rin itong dumukwang upang medyo magkalapit ang mukha naming dalawa saka ito sumagot.

"I am not a harm and definitely not a less." Ngumisi siyang muli habang hindi inaalis ang titig sa'kin.

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya maintidihan. "Anong harm pero 'di less?"

Umayos siya nang pagkakaupo sa upuan nito at itinukod ang siko sa mesa saka ipinatong ang baba sa kamay niya at malakas na nagsalita dahil sa ingay ng paligid. "What I am trying to say is, I am not harmful, and I am not less." Bumaba ang tingin niya sa mesa na para bang itinituro ang sarili.

Kaagad na namula ang pisngi ko sa narinig. Of course, I know what he meant!

Bago pa ako makasagot ay lumapit sa kinaroroonan ko ang bestfriend ko na si Chelsea, ang bride to be. Malawak ang ngiti nito at bakas na bakas sa mukha ang kasiyahan. Katabi nito ang fiancé na kaibigan din niya. Kaagad na guminhawa ang pakiramdam ko na hindi ko namalayang bigla palang sumikip habang nakatitig sa lalaki.

"Hi, Joanne. Nandito ka lang pala. Akala ko umalis ka na, eh. Ipapakilala sana kita sa pinsan ni Zack— Natigilan ito nang makita kung sino ang kausap ko. "Nagkakilala na kayo?"

"Yes!"

"No!" magkasabay naming sagot.

Lalong nalito sa amin si Chelsea na ikinatawa ng fiance nito.

"Hon, mukhang nagkakaintindihan na silang dalawa. We shouldn't disturb them," biglang sabad ni Zack na kinindatan pa ang kasintahan. Kaagad nitong niyaya si Chelsea at nilisan na ang kinaroroonan namin ng estrangherong lalaki upang estimahin ang ibang bisita nila.

Binalingan ko ang lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang pangalan. Bahagya pa akong napakislot nang makita na matiim pa rin itong nakatitig sa akin na para bang anumang oras ay nais niya akong lamunin ng buhay. "B-bakit?" natataranta kong tanong. Kaagad na dinagundong ng kaba ang dibdib ko.

"Would you like to dance?" anito na agad ko namang pinaunlakan.

Habang nagsasayaw kami ay nag-umpisa kaming magkuwentuhan. At dahil sa sulok kami ng club sumasayaw ay hindi na masiyadong malakas ang tugtog ng musika, lalo na at pinalitan iyon ng malamyos na tugtugin. Nawala na rin ng tuluyan ang pagiging awkward ko sa kanya dahil habang nagtatagal ang aming pag-uusap ay lalong gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya.

Hanggang sa humantong ang unang gabi ng aming pagkikita sa isang hotel. Lasing na ako dahil dumami pa ang aking nainom na alak, kaya lakas-loob akong sumama sa kanya sa isang hotel na nasa itaas na building lang din ng club na pinanggalingan namin. At hindi na ako nag-atubili pa dahil isinuko ko sa kanya ang iniingatan kong pagkababae.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Martyr Wife's Torment   38. Where is Joanne

    CreedNakabalik na ako sa Maynila pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita kahit ang anino ni Joanne. Medyo kinakabahan na ako baka kung ano na ang nangyari sa kanya lalo na at hindi maganda ang awra ng katawan niya nang huli kaming magkita. Pabalik-balik na rin ako sa opisina niya pero ang sabi sa akin ng kanyang sekretarya ay ilang araw na raw itong hindi pumapasok. Ang asawa nitong si Earl ang pansamantalang namamahala sa negosyo nito na lalo kung ipinagtaka. Kung walang nangyari sa babae ay nasa opisina ito ngayon at hindi ang asawa nito. Alam ko na galit sa akin si Earl kaya kahit gustuhin ko mang lapitan ang lalaki at kausapin tungkol kay Joanne ay hindi puwede. Hindi lang iyon. Ang unit na inuupahan ko sa building ni Joanne ay pinapatigil na rin ng lalaki ang renta. Ang ibig sabihin niyon ay ayaw nitong nasa iisang building lang kami ng asawa niya. Mapakla ako ngumiti. Hindi ko kailangan ng isang unit. Kailangan ko si Joanne pero ang problema ay hindi ko makita kung

  • The Martyr Wife's Torment   37. Help Me... Please

    Joanne La SenzaHindi ako makaimik sa sinabi ni Earl. Napatunganga lang ako habang nakaharap sa kanya. Hindi ko lubos maisip na ang maling paniniwala at pagseselos nito ay umabot sa pananakit sa akin hanggang sa mawalan ako ng kalayaan. Hindi ko rin maisip na ang labis nitong pagseselos ay magiging kalbaryo ng buhay ko at ng aking magulang pati na rin ang ikakapahamak ng aking negosyo. Gusto kong magkaroon ng komunikasyon sa labas para magbigay ng babala sa ang aking pamilya ngunit paano? I am helpless. Sino ba ang makakatulong sa akin? Hinayaan ko si Earl sa kung ano ang gawin niya. Hinayaan ko rin siya na igapos ako kawawain ako, at hayaan akong magutom. Walang araw na hindi ako nakaramdam ng sakit lalo na kahit nagkakaroon ako ng lagnat hindi pa rin nila ako binibigyan ng gamot. Patuloy akong nakakulong sa basement. Swerte na kung makakakain ako ng dalawang beses sa isang araw at kung iyon ay hindi tira-tira nilang pagkain. Ilang beses kong inisip na kitlin ang buhay ko, ngunit

  • The Martyr Wife's Torment   36: Parents

    Next:Joan La Senza Ang buong akala ko, makikita at makakausap ko na ang aking magulang, ngunit isa pala iyong malaking panaginip. Nang dumating ang aking ama't ina aynakagapos pa rin ako sa kama. Sinadya pa ni Earl na buksan ang pinto sa kwarto para siguradong marinig ko ang pinag-uusapan nila mula sa salas sa ibaba. My parents were delighted when they arrived at our house. Rinig na rinig ko sa boses nila ang tuwa at galak na makita ako pero… nang magsalita si Earl ay biglang namatay ang ilaw ng pag-asa sa aking puso. “Bakit wala akong nabalitaan na nasa Palawan pala si Joanne? Bakit hindi man lang nagpaalam sa akin ang babaeng iyon?” Narinig ko ang nagtataka at nagtatampong tanong ng ang aking ina. Sandaling katahimikan ang namayani at hindi ko pa naririnig na magsalita ang aking ama. Habang si Earl ay nakikipag-usap sa magulang ko, si Tiffany naman ay nasa kwarto naming mag-asawa at nakataas ang kilay habang binabantayan ako. I wanted to shout, but I couldn't. Nakabusal ang bib

  • The Martyr Wife's Torment   35: Chained

    Joanne La Senza Hindi lang nakuntento si Earl sa sampal at hinaklit niya ako sa braso saka muling ibinalik sa basement upang doon ikulong.“Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Joanne, ha!? Ilang beses ko na bang sinabi sa ‘yo na nakikitira lang dito si Tiffany kaya pwede ba, itrato mo siya nang maayos?” bulyaw sa akin ni Earl na ikinasindak ko dahil sa lakas ng boses niya. Hawak ang pisngi na nasampal ng asawa ay nagmamakaawa ko siyang tiningnan. “Pero, Earl. Nagsisinungaling si Tiffany sa ‘yo. Natapos ko na ang paglilinis sa kusina at nagpapahinga lang ako nang maabutan mo. Please, maniwala ka naman sa akin, Earl….Sino ba ang asawa mo sa aming dalawa ni Tiffany? Bakit siya kaya mong paniwalaan pero ako hindi?”Sinubukan kong hawakan sa mga braso ang asawa upang muling magmakaawa rito habang panay ang tulo ng luha. Ngunit walang awang nakatingin lang sa akin ang asawa. Matalim pa rin ang mata nitong nakatitig sa akin. “Kahit kailan ay hindi ko iniisip na isa kang sinungaling, Joanne. Pe

  • The Martyr Wife's Torment   34: Queen

    Next Joanne La Senza Habang naghihintay kay Earl na bumalik sa hapagkainan ay agad ko namang inayos ang sarili sa banyo sa ibaba at doon ay naghilamos ako. Napangiwi ako sa sakit dahil sa aking mga sugat na nabasa pero tiniis ko iyon para lang kahit papaano ay presentable ang itsura ko habang kaharap si Earl sa hapagkainan. Ngunit nakatapos na akong mag-ayos ay hindi pa rin bumabalik si Earl kaya naman napagdesisyunan ko na umakyat sa taas upang tawagin ito. Dahil sa paglalatigo ni Earl ay masakit ang mga binti ko at hita at napakahirap humakbang kaya dahan-dahan ang aking kilos. Mas madali kanina dahil pababa ako. Pawisan na ako bago pa makarating sa kwarto namin sa taas. Wala siya sa loob ng kuwarto nang makapasok ako pero rinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya doon ako dumiretso. Bahagyang nakaawang ang pinto at akma akong sisilip doon pero agad akong nakarinig ng dalawang magkaibang boses sa loob. Hindi lang iyon basta boses na nag-uusap kundi mga ungol na alam kong minsa

  • The Martyr Wife's Torment   Chapter 33: Breakfast

    Earl SarmientoPagkalabas ko ng kwarto namin Joanne ay agad akong dumiretso sa study at kumuha ng bote ng alak. Hindi na ako nag-aabalang isalin iyon sa baso dahil diretso ko iyong nilagok. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong saktan si Joanne. Alam kong nadala ako ng selos dahil nakita ko ang lalaking kinamumuhian ko sa lugar kung saan nandoon din ang asawa ko pero sana ay hindi ko sinaktan nang ganoon ang asawa ko. Nangangalahati na ako ng bote nang biglang pumasok si Tiffany. Marahil ay nakauwi na ito matapos ang photoshoot nito para sa bagong produkto ng brand na nirerepresenta nito. “Why are you drinking in the middle of the day, Earl? May problema ba?” Agad na lumapit sa akin si Tiffany nang makita akong lumalaklak sa bote mismo. Sinubukan nitong agawin sa akin ang bote pero hindi ko siya hinayaang magtagumpay. “How's your shoot?” kaswal na tanong ko. Hindi ko sinalubong ang kanyang labi ng akma niya akong halikan. I could smell her perfume drifting on my nose, but the lustfu

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status