Share

3. His Babe

Penulis: SQQ27
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-07 07:26:45

Chapter Three

Joanne La Senza

Lumipas ang araw ay muling nagtagpo ang landas naming ni Earl, ang lalaking aking nakaulayaw sa engagement party ng best friend ko, at nasundan pa iyon ng ilang beses hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob namin sa isa’t isa. Hanggang sa isang araw ay bigla na lang niya akong niyayang magpakasal dahil gusto na niya kaming magsamang dalawa.

"Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo?" Isang araw ay tanong ko sa aking fiance habang papunta kami sa dinner party ng aking magulang. I-a-announce na namin ang aming kasal ngayong gabi sa harapan ng aking pamilya, na simula't sapul ay tumutol na sa pakikipagrelasyon ko kay Earl, lalo na ang aking ina. Subalit ang aking ama ay walang kontra sa desisyon ko. Bagama't hindi nila ako pilit na pinapalayo sa fiancé ko ay ramdam ko pa rin ang hindi pagsang-ayon ng aking ina sa desisyon ko na tanggapin ang pag-ibig ni Earl.

Nang makarating kami sa aming mansiyon ay ang aking ama ang sumalubong sa amin, boto ito kay Earl. Magkapareho kasi ang hilig nila. Mula sa paboritong team sa basketball at soccer, pati brand ng perfume at brand ng relo ay magkatulad rin. Hindi lang ‘yon, pagdating sa negosyo ay pareho ang utak ng mga ito kaya magkasundong-magkasundo ang dalawa.

"My son, mabuti naman napadalaw ka."

Ngumiti ako at napailing habang pinagmamasdan ang dalawang lalaking mahal ko sa buhay na masayang nag-uusap. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa wakas ay matulad ako sa aking ina na hindi tumandang dalaga.

Matapos ang kumustahan ay kaagad na kaming niyaya ng aking ina sa hapag. Iba't-ibang putahe ang nakalapag sa hapag-kainan at lahat ng iyon ay paborito kong pagkain. Napatingin ako sa aking ina na may munting ngiti sa labi.

Ibig ba nitong sabihin tanggap na niya si Earl? Tumingin ako sa aking ina na medyo naluluha saka mahigpit siyang niyakap.

Kapag bumibisita si Earl sa aming bahay ay hindi nagluluto ang aking ina at lagi itong nag-oorder sa labas. Ang dahilan nito, hindi siya magluluto sa taong hindi niya gusto. Kaya ang makitang nag-effort itong magluto ay iisa lang ang ibig sabihin, tanggap na nito si Earl.

Isang tanyag na chief ang aking ina at namana ko sa kanya ang pagiging magaling ko sa pagluluto kaya nakapagpatayo ako ng sarili kong restaurant. Samantalang ang aking ina ay sa bahay na lang nila nagluluto at sa kanila lang isini-showcase ang galing nito sa pagluluto, ngunit iba ako. Gusto kong ipalasap sa iba ang sarap ng aking luto kaya nag-pursue ako na makapagpatayo ng sarili kong restaurant.

"Ano ba ang ia-announce mo at kinakabahan naman yata ako? Buntis ka na ba? Magkakaapo na ba kami ng mommy mo?"

Napukaw ang atensyon ko nang magsalita ang aking ama. Bumaling ako ng tingin sa kanya saka sumulyap kay Earl na katabi nito. Alam na nito ang ibig kong sabihin kaya nginitian niya ako saka ito tumayo at bahagyang yumuko sa aking ama.

"Mr. La Senza, nais ko pong hingin ang kamay ng inyong anak upang maging aking kabiyak. Mahal na mahal ko po si Joanne at hindi ko siya pababayaan. Hindi ko siya sasaktan, nangangako po ako sa inyo."

Naikuyom ko ng mahigpit ang kamao ko dahil bigla akong sinalakay ng kaba nang hindi sumagot ang aking ama. Nanatili lang itong nakatitig kay Earl.

"Papa. . ." wala sa sariling bulong ko habang may nginig sa aking boses.

Ngunit hindi ako tiningnan ng aking ama at nanatili ang mata nito kay Earl. Nilapitan naman ako ng aking ina saka hinawakan sa braso at marahang hinaplos at inginuso ang dalawang lalaki sa buhay ko.

"Ramdam ko ang pagiging sensiro mo iho, ngunit hindi ako papayag—"

Nanlumo ako sa sinabi ng aking ama at yumuko upang itago ang luha na namuo sa aking mata. Ang akala ko ay tatanggapin ni papa si Earl dahil halatang botong-boto ito sa binata pero bakit—

"—na saktan mo ang anak ko! Magkakamatayan tayo!"

I raised my head the moment those words left my father's tongue. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya lumingon ako kay mama. Nakatingin ito sa akin na puno ng tuwa ang mga mata. Puno ng pagtanggap para sa amin ni Earl. Napayakap ako sa kanya nang mahigpit.

Matapos ang araw na iyon ay agad na inihanda ang aming kasal. Mabilisan ang naging preparasyon ngunit bongga pa rin ang kinalabasan at sa loob ng isang buwan ay naikasal na kaagad kami at nangako sa harap ng altar na maging tapat sa isa't-isa. Na mamahalin at aalagaan ang bawat isa at ngayon nga ay magkasama na kami.

Ngunit ang masayang pagsasama namin ay umabot lang ng isang taon dahil sa biglang pagbabago ng aking asawa.

Hindi ko namalayan na patuloy pa rin akong umiiyak habang nakatitig sa masayang larawan namin ni Earl noong ikinasal kami. Sa larawan makikita ang dahilan kung bakit kami nagsasama ngayon ng asawa ko. Bakas na bakas sa mga mata namin na mahal na mahal namin ang isa't-isa, ngunit ngayon, ang nakikita ko sa asawa ko ay purong malamig na pakikitungo.

Habang tumatagal ang pagtitig ko sa larawan ay bumuo sa isip ang masayang tawanan naming mag-asawa at iyon ang nagbigay sa akin ng determinasyon.

"Hindi ako makakapayag na tuluyang mapunta sa wala ang masayang pagsasama namin ng asawa ko. Wala akong pakialam kahit saktan pa niya akong muli. Kung iyon ang dahilan upang tumahimik ang loob niya, ay gagawin ko. Handa akong magpakadesperada para lang hindi niya ako iiwan."

Sinundan ko ang asawa ko sa kuwarto namin kahit alam kong galit pa rin siya sa akin at ipagtabuyan ako, hindi ako pinanghinaan ng loob. Dahil hindi naman gaanong kalakihan ang bahay namin dahil kaming dalawa lang ang nakatira kaya mabilis kong narating ang kuwarto namin sa second floor mula sa salas. Ngunit pagdating sa labas ng kuwarto namin ay agad akong napatigil nang marinig ko na nagsasalita ang aking asawa, may kausap ito sa cellphone niya at hindi ko alam kung sino. Medyo nakaawang ng konti ang pinto dahil hindi iyon nakasara ng ayos kaya rinig na rinig ko kung ano ang pinagsasabi niya sa kausap niya. Hindi agad ako pumasok at binalak kong makinig sa pinag-uusapan niya ng kausap niya dahil naging malambing ang boses niya.

"Babe, we just met a few hours ago. Nami-miss mo na ako kaagad?"

Napatda ako sa aking narinig at napadausdos sa pader na malapit sa pinto. Lalong tumindi ang kaba sa aking dibdib na unti-unting napalitan ng kirot. "Babe? Bakit babe? Sino 'yon?"

May babae ang asawa ko. Kaya ba siya nagiging malamig sa akin? Pero bakit ako ang inaakusahan niyang nanloloko sa kanya? Ang luha kong natuyo na ay muling dumaloy dahil sa aking natuklasan. Hindi ko akalaing niloloko pala ako ng asawa ko. Pero bakit? Paano? Ano ba ang kulang sa akin?

Patuloy akong nakinig sa kanya kahit masakit na masakit na sa puso ko ang bawat matatamis na salitang binibitawan niya sa kausap niya. Maaayos ko pa kaya ang relasyon namin ng asawa ko?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Martyr Wife's Torment   36: Parents

    Next:Joan La Senza Ang buong akala ko, makikita at makakausap ko na ang aking magulang, ngunit isa pala iyong malaking panaginip. Nang dumating ang aking ama't ina aynakagapos pa rin ako sa kama. Sinadya pa ni Earl na buksan ang pinto sa kwarto para siguradong marinig ko ang pinag-uusapan nila mula sa salas sa ibaba. My parents were delighted when they arrived at our house. Rinig na rinig ko sa boses nila ang tuwa at galak na makita ako pero… nang magsalita si Earl ay biglang namatay ang ilaw ng pag-asa sa aking puso. “Bakit wala akong nabalitaan na nasa Palawan pala si Joanne? Bakit hindi man lang nagpaalam sa akin ang babaeng iyon?” Narinig ko ang nagtataka at nagtatampong tanong ng ang aking ina. Sandaling katahimikan ang namayani at hindi ko pa naririnig na magsalita ang aking ama. Habang si Earl ay nakikipag-usap sa magulang ko, si Tiffany naman ay nasa kwarto naming mag-asawa at nakataas ang kilay habang binabantayan ako. I wanted to shout, but I couldn't. Nakabusal ang bib

  • The Martyr Wife's Torment   35: Chained

    Joanne La Senza Hindi lang nakuntento si Earl sa sampal at hinaklit niya ako sa braso saka muling ibinalik sa basement upang doon ikulong.“Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Joanne, ha!? Ilang beses ko na bang sinabi sa ‘yo na nakikitira lang dito si Tiffany kaya pwede ba, itrato mo siya nang maayos?” bulyaw sa akin ni Earl na ikinasindak ko dahil sa lakas ng boses niya. Hawak ang pisngi na nasampal ng asawa ay nagmamakaawa ko siyang tiningnan. “Pero, Earl. Nagsisinungaling si Tiffany sa ‘yo. Natapos ko na ang paglilinis sa kusina at nagpapahinga lang ako nang maabutan mo. Please, maniwala ka naman sa akin, Earl….Sino ba ang asawa mo sa aming dalawa ni Tiffany? Bakit siya kaya mong paniwalaan pero ako hindi?”Sinubukan kong hawakan sa mga braso ang asawa upang muling magmakaawa rito habang panay ang tulo ng luha. Ngunit walang awang nakatingin lang sa akin ang asawa. Matalim pa rin ang mata nitong nakatitig sa akin. “Kahit kailan ay hindi ko iniisip na isa kang sinungaling, Joanne. Pe

  • The Martyr Wife's Torment   34: Queen

    Next Joanne La Senza Habang naghihintay kay Earl na bumalik sa hapagkainan ay agad ko namang inayos ang sarili sa banyo sa ibaba at doon ay naghilamos ako. Napangiwi ako sa sakit dahil sa aking mga sugat na nabasa pero tiniis ko iyon para lang kahit papaano ay presentable ang itsura ko habang kaharap si Earl sa hapagkainan. Ngunit nakatapos na akong mag-ayos ay hindi pa rin bumabalik si Earl kaya naman napagdesisyunan ko na umakyat sa taas upang tawagin ito. Dahil sa paglalatigo ni Earl ay masakit ang mga binti ko at hita at napakahirap humakbang kaya dahan-dahan ang aking kilos. Mas madali kanina dahil pababa ako. Pawisan na ako bago pa makarating sa kwarto namin sa taas. Wala siya sa loob ng kuwarto nang makapasok ako pero rinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya doon ako dumiretso. Bahagyang nakaawang ang pinto at akma akong sisilip doon pero agad akong nakarinig ng dalawang magkaibang boses sa loob. Hindi lang iyon basta boses na nag-uusap kundi mga ungol na alam kong minsa

  • The Martyr Wife's Torment   Chapter 33: Breakfast

    Earl SarmientoPagkalabas ko ng kwarto namin Joanne ay agad akong dumiretso sa study at kumuha ng bote ng alak. Hindi na ako nag-aabalang isalin iyon sa baso dahil diretso ko iyong nilagok. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong saktan si Joanne. Alam kong nadala ako ng selos dahil nakita ko ang lalaking kinamumuhian ko sa lugar kung saan nandoon din ang asawa ko pero sana ay hindi ko sinaktan nang ganoon ang asawa ko. Nangangalahati na ako ng bote nang biglang pumasok si Tiffany. Marahil ay nakauwi na ito matapos ang photoshoot nito para sa bagong produkto ng brand na nirerepresenta nito. “Why are you drinking in the middle of the day, Earl? May problema ba?” Agad na lumapit sa akin si Tiffany nang makita akong lumalaklak sa bote mismo. Sinubukan nitong agawin sa akin ang bote pero hindi ko siya hinayaang magtagumpay. “How's your shoot?” kaswal na tanong ko. Hindi ko sinalubong ang kanyang labi ng akma niya akong halikan. I could smell her perfume drifting on my nose, but the lustfu

  • The Martyr Wife's Torment   Chapter 32: Locked up

    NextJoanne La Senza “Anong karapatan mo para saktan sa Tiffany, Joanne?” Napasiksik ako sa pader sa lakas ng boses ng asawa ko at ang patuloy nitong paghampas sa latigo. Hindi pa man iyon lumalapat sa katawan ko ay ramdam ko na ang hapdi at sakit. Nanginig ang katawan ko dahil sa takot. Patuloy sa pag-agos aking luha at kahit nagmamakaawa ako ay wal itong pakiramdam. Matalim pa rin ang tingin niya sa akin.“Earl, please… nagmamakaawa ako sa ‘yo. Pakinggan mo ako. Hindi ko sinasadyang saktan si Tiffany. Gusto ko lang sanang… gusto ko lang hubarin niya ang damit na ibinigay ko sa ‘yo.” “Goddamnit, Joanne! Isang damit lang ipinagdadamot mo pa? Ano’ng problema mo? Dahil doon sinaktan mo si Tiffany?”“Earl, hindi naman gano’n yun, eh. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang mga binibigay ko sa ‘yo. Oo, damit nga lang iyon, pero, Earl… sinabi mo sa akin na walang nangyayari sa inyong dalawa. But, tingnan mo ang trato mo sa kanya. Oo, alam kong bestfriend kayong dalawa pero…” “Stop you

  • The Martyr Wife's Torment   Chapter 31: T-shirt

    Next:Joanne la Senza“Mabuti naman at gising ka na.” Ang nang-aasar na boses ang bumungad sa akin matapos lumiwanag ang buong paligid dahil sa pagsindi ng ilaw. Sandali kong naipikit ang aking mata dahil nabigla sa liwanag at nang imulat ko iyon ay ang nakangising mukha ni Tiffany ang naghihintay sa akin. Agad na nanibugho ang damdamin ko nang makita ang damit ng asawa ko na suot niya. “Why are you wearing my husband’s shirt?” Tumayo ako at agad siyang nilapitan saka pilit na pinahubad sa kanya ang damit. Ininda ko ang pagkahilo dahil sa gutom dahil nilukob ako ng galit. “Take it off, Tiffany!” Hindi ko maatim na ang paboritong damit ng asawa ko, na siyang niregalo ko sa kanya sa birthday niya, ay suot-suot ng babaeng ito. Lantaran na ang ginagawa nilang panloloko sa akin… pero bakit? Bakit hindi ko pa rin kayang iwan si Earl? Why am I still hoping na itakwil niya si Tiffany at piliin ako?Nanlaban si Tiffany at dahil wala akong lakas mula sa pagkawala ng malay at gutom ay matagump

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status