Share

4. Scared

Author: SQQ27
last update Last Updated: 2025-01-07 18:08:06

Chapter Four

Joanne La Senza

Nanatili ako sa pagkakasandal sa pader hanggang sa matapos ang pakikipag-usap ng asawa ko sa cellphone nito. Pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang aking puso sa sakit dahil sa aking narinig. Hindi ko akalain na ang pinagkatiwalaan kong lalaki ay may iba palang kinakalantari. Halos hindi ako makahinga sa paninikip ng aking dibdib dahil sa pigil na sakit at paghihinagpis. Ang luha ko ay muling tumulo, umaagos na para bang tubig sa talón na hindi napipigilan ang pag-agos. Kung mayroon lang pause button ang aking puso ay kanina ko pa pinindot para hindi ako nahihirapan.

Impit akong napaiyak upang hindi ako marinig ng aking asawa na nasa loob pa rin ng kuwarto. Mahirap na at baka lalo siyang magalit sa akin kung sakaling makita niya akong umiiyak. Nais kong umiyak. Nais kong sumigaw upang ilabas ang sama ng loob na kinikimkim ko sa dibdib ngunit hindi ko magawa. Natatakot akong makita ako ng asawa ko bilang isang mahinang babae at baka sabihin na naman niya sa akin na wala akong silbi kundi umiyak. Na baka nag-iinarte lang ako para kaawaan niya ako.

Nang masiguro ko na tahimik na ang silid ay tinuyo ko ang aking luha at humugot nang isang malalim na buntong-hininga upang pakalmahin ang aking sarili. Siniguro ko munang maayos ang aking awra bago dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at marahan iyong itinulak. Dahil gawa iyon sa magandang klase ng kahoy ay walang tunog na lumikha nang isinara ko iyon.

Muli akong bumuga ng hangin ng humarap ako sa kama. Tulog na ang aking asawa. Ni hindi man lang ito nakapagbihis at suot pa rin nito ang damit na gamit nito noong pumasok ito sa opisina. Magulo ang ayos ng buhok at ang suot na kurbata ay niluwangan lamang para makahinga ito nang maayos. Malalim na rin ang paghinga niya kaya nasisiguro kong tulog na nga siya.

Hindi ko na namang mapigilang lumuha habang pinagmamasdan ang guwapo nitong mukha, nang maalala ko ang naging usapan nito kani-kanina lang sa cellphone nito.

Mahal, saan ako nagkulang at bakit kailangan mo akong lokohin ng ganito? Bakit ka naghanap ng iba? Hindi ba ako sapat sa'yo? May mali ba sa akin? Tahimik kong usal. Ayaw ko siyang magising at baka bigla na naman niya akong bulyawan. Kahit ganito pa ang pagtrato mo sa akin ay hindi ako susuko sa relasyon natin, mahal. Ipaglalaban kita dahil asawa kita at hindi ko hahayaan na mapasakamay ka ng iba.

Upang maging komportable sa pagtulog ang asawa ko ay tinulungan ko siyang tanggalin ang suot niyang medyas na hindi pa rin natatanggal. Marahan ang pagkilos ko upang hindi siya magising ngunit napapiksi ako nang bigla siyang napakislot. Tumigil ako sa aking ginagawa at tiningnan ito. Nakahinga ako nang maluwang dahil nanatili pa rin itong nakapikit at tulog pa rin. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa at tuluyang tinanggal ang suot niyang medyas. Matapos niyon ay marahan kong tinanggal ang suot niyang kurbata at niluwangan ang butones ng suot nitong polo. Bahagyang nanginginig ang aking kamay dahil sa takot na magising ko siya.

Napasinghap ako nang makita ko ang medyo mabalahibong dibdib ng aking asawa. He is still muscular and gorgeous as ever. Ang sarap niya pa ring haplusin! Hindi ko mapigilang komento at kumilos ang aking kamay upang sana ay haplusin ang dibdib ng aking asawa ngunit kaagad kong napigilan ang aking sarili. Nag-init ang pisngi ko kaya agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama.

Napagpasyahan kong punasan siya upang maging presko ang pakiramdam nito at maging komportable ito sa pagtulog dahil masakit para sa akin na makita siya sa ganoong ayos.

Iniwanan ko siya saglit upang kumuha ng pajama's na pamalit at inilagay iyon sa mesa na katabi ng kama saka ako pumunta sa banyo at kumuha ng maliit na bimpong pampunas saka maliit na palanggana upang paglagyan ng maligamgam na tubig. Maligamgam ang tubig na inilagay ko sa palanggana dahil may heater naman ang banyo. Pagkatapos niyon ay bumalik ako sa kuwarto upang punasan si Earl.

Ganoon pa rin ang posisyon na nadatnan ko mula nang iwan ko siya sandali. Marahil ay lasing na lasing ito at hindi ko alam kung gaano karami ang nainom niya. Ganoon pa man ay nagpatuloy ako sa aking balak

Bukas kapag hindi na siya lasing ay mabait na ulit siya sa akin. Hindi na niya ulit ako sasaktan ng pisikal at pagsabihan ng kung ano-ano. Ganito lang siya palagi sa akin kapag siya'y lasing. Kaya ngayong gabi kailangan ko siyang tulungan upang makatulog siya ng maayos. Kaya naniniwala ako na babalik pa rin siya sa akin at hindi niya ako iiwan.

Matapos kong ilapag ang maliit na palanggana sa mesita na katabi ng kama ay marahan kong nilapitan si Earl at sandaling pinagmasdan. Napakaguwapo talaga ng asawa ko at hindi ako nagsasawang pagmasdan ang maamo niyang mukha. The urge to caress his face churned inside me, but my hand stopped midway before it landed on his handsome face. Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang pisngi habang walang sawa itong pinagmasdan. Nang magsawa ay saka ko inumpisahan ang pagtanggal sa butones ng suot niyang polo na may mahabang manggas. Puno ng pag-iingat ang kilos ko upang hindi siya magising. Bahagya pang nanginginig ang kamay ko sa takot pero hindi ako tumigil.

Bawat butones na binubuksan ko ay nae-expose ang malapad na dibdib niya, lalong nanginig ang kamay ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na takot ang nararamdaman ko kundi pananabik. Pananabik na hawakan siya at haplusin ang malapad at matigas na dibdib niya na siyang aking panangga sa lamig kapag ako'y kanyang niyayakap.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Martyr Wife's Torment   37. Help Me... Please

    Joanne La SenzaHindi ako makaimik sa sinabi ni Earl. Napatunganga lang ako habang nakaharap sa kanya. Hindi ko lubos maisip na ang maling paniniwala at pagseselos nito ay umabot sa pananakit sa akin hanggang sa mawalan ako ng kalayaan. Hindi ko rin maisip na ang labis nitong pagseselos ay magiging kalbaryo ng buhay ko at ng aking magulang pati na rin ang ikakapahamak ng aking negosyo. Gusto kong magkaroon ng komunikasyon sa labas para magbigay ng babala sa ang aking pamilya ngunit paano? I am helpless. Sino ba ang makakatulong sa akin? Hinayaan ko si Earl sa kung ano ang gawin niya. Hinayaan ko rin siya na igapos ako kawawain ako, at hayaan akong magutom. Walang araw na hindi ako nakaramdam ng sakit lalo na kahit nagkakaroon ako ng lagnat hindi pa rin nila ako binibigyan ng gamot. Patuloy akong nakakulong sa basement. Swerte na kung makakakain ako ng dalawang beses sa isang araw at kung iyon ay hindi tira-tira nilang pagkain. Ilang beses kong inisip na kitlin ang buhay ko, ngunit

  • The Martyr Wife's Torment   36: Parents

    Next:Joan La Senza Ang buong akala ko, makikita at makakausap ko na ang aking magulang, ngunit isa pala iyong malaking panaginip. Nang dumating ang aking ama't ina aynakagapos pa rin ako sa kama. Sinadya pa ni Earl na buksan ang pinto sa kwarto para siguradong marinig ko ang pinag-uusapan nila mula sa salas sa ibaba. My parents were delighted when they arrived at our house. Rinig na rinig ko sa boses nila ang tuwa at galak na makita ako pero… nang magsalita si Earl ay biglang namatay ang ilaw ng pag-asa sa aking puso. “Bakit wala akong nabalitaan na nasa Palawan pala si Joanne? Bakit hindi man lang nagpaalam sa akin ang babaeng iyon?” Narinig ko ang nagtataka at nagtatampong tanong ng ang aking ina. Sandaling katahimikan ang namayani at hindi ko pa naririnig na magsalita ang aking ama. Habang si Earl ay nakikipag-usap sa magulang ko, si Tiffany naman ay nasa kwarto naming mag-asawa at nakataas ang kilay habang binabantayan ako. I wanted to shout, but I couldn't. Nakabusal ang bib

  • The Martyr Wife's Torment   35: Chained

    Joanne La Senza Hindi lang nakuntento si Earl sa sampal at hinaklit niya ako sa braso saka muling ibinalik sa basement upang doon ikulong.“Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Joanne, ha!? Ilang beses ko na bang sinabi sa ‘yo na nakikitira lang dito si Tiffany kaya pwede ba, itrato mo siya nang maayos?” bulyaw sa akin ni Earl na ikinasindak ko dahil sa lakas ng boses niya. Hawak ang pisngi na nasampal ng asawa ay nagmamakaawa ko siyang tiningnan. “Pero, Earl. Nagsisinungaling si Tiffany sa ‘yo. Natapos ko na ang paglilinis sa kusina at nagpapahinga lang ako nang maabutan mo. Please, maniwala ka naman sa akin, Earl….Sino ba ang asawa mo sa aming dalawa ni Tiffany? Bakit siya kaya mong paniwalaan pero ako hindi?”Sinubukan kong hawakan sa mga braso ang asawa upang muling magmakaawa rito habang panay ang tulo ng luha. Ngunit walang awang nakatingin lang sa akin ang asawa. Matalim pa rin ang mata nitong nakatitig sa akin. “Kahit kailan ay hindi ko iniisip na isa kang sinungaling, Joanne. Pe

  • The Martyr Wife's Torment   34: Queen

    Next Joanne La Senza Habang naghihintay kay Earl na bumalik sa hapagkainan ay agad ko namang inayos ang sarili sa banyo sa ibaba at doon ay naghilamos ako. Napangiwi ako sa sakit dahil sa aking mga sugat na nabasa pero tiniis ko iyon para lang kahit papaano ay presentable ang itsura ko habang kaharap si Earl sa hapagkainan. Ngunit nakatapos na akong mag-ayos ay hindi pa rin bumabalik si Earl kaya naman napagdesisyunan ko na umakyat sa taas upang tawagin ito. Dahil sa paglalatigo ni Earl ay masakit ang mga binti ko at hita at napakahirap humakbang kaya dahan-dahan ang aking kilos. Mas madali kanina dahil pababa ako. Pawisan na ako bago pa makarating sa kwarto namin sa taas. Wala siya sa loob ng kuwarto nang makapasok ako pero rinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya doon ako dumiretso. Bahagyang nakaawang ang pinto at akma akong sisilip doon pero agad akong nakarinig ng dalawang magkaibang boses sa loob. Hindi lang iyon basta boses na nag-uusap kundi mga ungol na alam kong minsa

  • The Martyr Wife's Torment   Chapter 33: Breakfast

    Earl SarmientoPagkalabas ko ng kwarto namin Joanne ay agad akong dumiretso sa study at kumuha ng bote ng alak. Hindi na ako nag-aabalang isalin iyon sa baso dahil diretso ko iyong nilagok. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong saktan si Joanne. Alam kong nadala ako ng selos dahil nakita ko ang lalaking kinamumuhian ko sa lugar kung saan nandoon din ang asawa ko pero sana ay hindi ko sinaktan nang ganoon ang asawa ko. Nangangalahati na ako ng bote nang biglang pumasok si Tiffany. Marahil ay nakauwi na ito matapos ang photoshoot nito para sa bagong produkto ng brand na nirerepresenta nito. “Why are you drinking in the middle of the day, Earl? May problema ba?” Agad na lumapit sa akin si Tiffany nang makita akong lumalaklak sa bote mismo. Sinubukan nitong agawin sa akin ang bote pero hindi ko siya hinayaang magtagumpay. “How's your shoot?” kaswal na tanong ko. Hindi ko sinalubong ang kanyang labi ng akma niya akong halikan. I could smell her perfume drifting on my nose, but the lustfu

  • The Martyr Wife's Torment   Chapter 32: Locked up

    NextJoanne La Senza “Anong karapatan mo para saktan sa Tiffany, Joanne?” Napasiksik ako sa pader sa lakas ng boses ng asawa ko at ang patuloy nitong paghampas sa latigo. Hindi pa man iyon lumalapat sa katawan ko ay ramdam ko na ang hapdi at sakit. Nanginig ang katawan ko dahil sa takot. Patuloy sa pag-agos aking luha at kahit nagmamakaawa ako ay wal itong pakiramdam. Matalim pa rin ang tingin niya sa akin.“Earl, please… nagmamakaawa ako sa ‘yo. Pakinggan mo ako. Hindi ko sinasadyang saktan si Tiffany. Gusto ko lang sanang… gusto ko lang hubarin niya ang damit na ibinigay ko sa ‘yo.” “Goddamnit, Joanne! Isang damit lang ipinagdadamot mo pa? Ano’ng problema mo? Dahil doon sinaktan mo si Tiffany?”“Earl, hindi naman gano’n yun, eh. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang mga binibigay ko sa ‘yo. Oo, damit nga lang iyon, pero, Earl… sinabi mo sa akin na walang nangyayari sa inyong dalawa. But, tingnan mo ang trato mo sa kanya. Oo, alam kong bestfriend kayong dalawa pero…” “Stop you

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status