Habang pababa sa hagdanan si Giovanni ay nagliikot din ang kaniyang mga mata. Kailangan niyang kabisaduhin ang bawat sulok ng kabahayan. Isa sa mga gusto niyang madiskubre ay ang mga secret passage at mga emergency exit para kay Lucca. Kailangang alam niya iyon para kapag dumating na ang araw na lulusubin na nila ang Baldini Mansion ay matitiyak nilang hindi makakatakas si Lucca. Mahaba-haba at matinding pakikipaglapit pa kay Lucca ang kailangan niyang magampanan.
"Gio, kanina ka pa namin hinihintay bumaba. Hindi ka na namin inistorbo dahil baka napasarap talaga ang pagtulog mo."Nasa huling baitang na si Gio nang marinig niya ang boses ni David. Kung alam lang sana ng lalaki na hindi naman talaga siya nakatulog. Hindi siya nasarapan sa malambot na kama kung iyon ng ibig sabihin ni David. Kung ikukumpara sa kaniyang mansiyon, alam niyang mas maganda talaga ang sa mga Baldini, ngunit kahit gaano pa iyon kaganda, hindi niyon matatakpan ang dumi at kasamaan ng isang Baldini."Oo nga, pasensiya na. Ngayon lang kasi ako nakahiga sa napakalaki at napakalambot na kama," sagot na lamang ni Giovanni na ikinangiti naman ni David."Nasa dining room na sina Lucca. We're just about to eat. Tamang-tama ang baba mo," wika ni David.'Sina? Makikilala ko na ba si Daria Hermosa?' bulong ng isipan ni Giovanni.Hindi nga nabigo si Giovanni dahil pagkarating nila ni David sa dining ay namataan kaagad niya sa dulo ng mesa si Lucca habang nasa kanang gilid naman ang isang babae na namukhaan niya kaagad na si Daria. Katulad ng nakita niyang larawan ng babae, napakaganda nga nito at batang-bata ang itsura. Maigsi ang kulay itim nitong buhok at mayroon itong bangs na sayad sa mga kilay nito. Light brown ang mga mata nito at para bang inaantok. Tama lang ang tangos ng ilong at tama lang din ang liit ng mapupula nitong mga labi. Isa ring kapansin-pansin sa babae ang mga freckles sa magkabilaang pisngi nito."I want you to meet my soon to be wife, Gio," saad ni Lucca at ibinaba muna nito ang hawak na kubyertos. "Daria. And Daria, darling, this is Gio. Ang nagligtas sa ating lahat," masiglang pagpapakilala nito sa dalawa."Nice meeting you po, Ma'am Daria," magalang at nakangiti namang bati ni Giovanni."Please, just call me Daria. Walang tumatawag sa akin ng ma'am dito because I prefer them calling me in my first name," magaan at malamyos ang boses na sabi ni Daria kay Giovanni.Pinigilan naman ni Giovanni na mamangha hindi lang sa ganda ni Daria kundi pati sa mala-anghel nitong boses. Sinubukan niyang maging normal pa rin ang kilos at pagtugon sa babae."S-sige po, kung iyon po ang gusto ninyo at kung ayos lang po kay boss," kumamot pa sa ulo si Giovanni habang pinaglilipat-lipat ang tingin kina Lucca at Daria."Of course, Gio. Wala talagang tumatawag sa kaniya ng ma'am dito dahil ayaw niya," tugon naman ni Lucca."No need for po or opo na rin sana, Gio..." nakangiti pa ring sabi ni Daria. "Ahm, is it okay to call you Gio, too?" pagpapaalam din nito kay Giovanni."Siyempre naman po! Walang problema," mabilis namang sagot ni Giovanni."No more po, please," pagtawa ni Daria.Napatango at napangiti na lamang si Giovanni. Tingin niya kahit saang anggulo at kahit hindi ngumiti si Daria ay labas ang natural nitong ganda."Bueno, maupo ka na rin at kumain, Gio. Pag-usapan na rin natin ang magiging routine mo sa akin," itinuro pa ni Lucca ang isa sa mga bakanteng upuan doon.Tahimik nga na kumain at nakinig si Giovanni sa mga sinasabi ni Lucca. Paminsan-minsan din ay nagsasalita si David habang si Daria naman ay tahimik lang din na kumakain. Lihim niya ring inobserbahan ang bawat pinong kilos ng babae. Napansin din niya na may kanipisan ang suot nitong muscle shirt kung kayat maaaninag ang kulay itim nitong bra. Nang tumayo rin ang babae ay agaw-pansin ang mapuputi nitong mga hita na bumagay sa suot nitong maikling shorts. Hindi na nga yata niya halos naintindihan ang ibang mga ipinapaliwanag ni Lucca na trabaho niya dahil sa presensiya ng babae...******Matapos isuot ni Giovanni ang brown leather jacket ay lumabas na siya ng kuwarto. Light brown ang suot niyang t-shirt na pinaresan ng faded pants. Kulay itim naman ang suot niyang leather boots."Good morning!" masigla niyang bati kay Carlo dahil nakasalubong niya ito sa sala nang makababa na siya sa hagdanan.Subalit hindi man lang siya pinansin ni Carlo at dere-deretso lang ito sa paglabas. Nagkibit-balikat na lamang siya at sumunod na lang din sa paglabas. Unang araw niya iyon bilang personal bodyguard ni Lucca at kasama nga siya sa pagpunta sa casino ng mga ito. Isa iyon sa mga hinihintay niya, ang mapasok niya ang casino nang malaya."Nandito ka na pala, Gio. Let's just wait for Lucca. May nakalimutan lang siya kaya bumalik siya sa loob," si David ang nagsalita. Nakatayo sa tabi nito ang wala pa ring imik na si Carlo.Tumango at ngumiti lang naman dito si Giovanni. Pagkatapos ay biglang nadako ang paningin niya sa bandang kaliwa niya kung saan namataan niya si Daria na naglalakad. May bitbit na basket ang babae at may mga lamang gulay. Pakiramdam niya ay kumabog ang dibdib niya nang ngitian siya ng babae.'Shit! Get yourself together, Giovanni!'Nakakaakit lang naman ang itsura ni Daria. Nakasuot ito ng kulay itim na v-neck na bestida na hindi naman hapit sa katawan nito. Malalim ang neckline niyon at manipis lang ang strap."Good morning, Gio! Good luck sa unang araw mo," bati ni Daria kay Giovanni.Napalunok naman bigla si Giovanni. Ni hindi niya na namalayan na nakalapit na pala sa kinatatayuan niya si Daria."Hey, sweetie!" siya namang dating ni Lucca at niyakap si Daria saka hinalikan sa labi.Napaiwas naman ng tingin si Giovanni at bahagyang lumayo sa dalawa."Are you sure you're okay here today?" tanong ni Lucca kay Daria."Oh, Lucca, come on... This is not the first time na hindi ako sumama sa 'yo. Talagang may gusto lang akong lutuin ngayon at tiyak na marami kang makakain mamaya pag-uwi mo," natatawa namang sagot ni Daria."Sigurado namang mabubusog ako riyan?" may pagkapilyong ngiti ni Lucca na hinapit pa sa balakang si Daria.Kita naman ni Giovanni ang panandaliang matalim na pagtitig ni Carlo kay Daria. Ramdam na ramdam na niya na hindi maganda ang relasyon ni Carlo kay Daria."Love birds, mamaya na iyan at baka naiinip na itong si Gio," pagtawag pansin naman ni David kay Lucca."Oh, I'm sorry, oo nga pala, unang araw ngayon ni Gio kaya dapat hindi siya maboring kaagad," natawang sabi ni Lucca."Mag-iingat kayo," malambing namang wika ni Daria at saka nito kinabig ang ulo ni Lucca upang halikan ito sa labi.Nang makasakay na sila sa sasakyan ay kita pa ni Giovanni na kumakaway si Daria sa kanila."Naku, Gio, masanay ka na sa dalawang iyan, ha? Masyadong in love sa isa't-isa," untag ni David nang makita si Giovanni na nakatingin pa sa kumakaway na si Daria."H-ha? W-wala naman akong problema roon..." parang natauhan namang sabi ni Giovanni.'Damn you, Giovanni! Ano bang nangyayari sa 'yo?!' pinagalitan nga ni Giovanni ang sarili dahil sa hindi normal na iniaakto niya ng mga oras na iyon."She's one of my everything, Gio. Gusto kong bukod sa akin, pati siya ay babantayan mo rin lalo na kapag wala ako," bigla naman ay seryosong sabi ni Lucca.Napangisi at napailing naman si Carlo na para bang nasusuka sa sinasabi ni Lucca. Lahat ng kilos ni Carlo ay hindi nakakaligtas sa mga mata ni Giovanni. Ngunit bukod doon, mas nakapokus siya sa nararamdaman ni Lucca. Malaking bagay sa kaniya si Daria ngayon dahil alam niya ng magagamit niya ito sa lalaki.Ngunit isa sa pinoproblema niya ay ang kakaibang dating ni Daria sa kaniya... Pakiramdam niya ay naiintindihan niya na kung bakit ganoon na lamang katindi ang pag-aalala at pagmamahal na ipinapakita ni Lucca sa babae. Kung naniniwala lang sana siya sa gayuma, iisipin na niyang may malakas at kakaibang gayumang dala si Daria dahil maging siya ay tila nahipnotismo rito...Nakangiting sinalubong ni Giovanni si Lucca. Umaga noon at sinabihan siya ni David gabi pa lamang na darating na nga si Lucca at kailangan niya umanong maghanda dahil isasama siyang muli sa casino. Tingin niya ay iyon na ang simula ng sinasabi sa kaniyang sasanayin na siya sa casino."Welcome back, boss," ang salubong ni Giovanni.Tinapik lang naman ni Lucca sa balikat si Giovanni bago ito nagtuloy sa silid nila ni Daria. Napasunod naman ng tingin si Giovanni at nakita niya ang paghalik at pagyakap ni Lucca sa babae nang bumukas ang pinto sa silid ng mga ito."Ayos ka na ba?"Kaagad na napalingon si Giovanni sa pagpasok naman ni David sa mansiyon kasama si Carlo.Tumango si Giovanni habang nakatitig kay Carlo. Bakas pa ang mantsa ng pagkakabugbog ni Lucca rito."Maghanda-handa ka na at mukhang malapit ka ng tuluyang pagkatiwalaan ni Lucca," wika ni David.Napakunot-noo si Giovanni."Come on, don't tell me... Ang alam mo ay pinagkakatiwalaan ka na nga talaga ni kuya?" taas naman ang ki
Napabalikwas ng bangon si Giovanni nang mayroong kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto. Kinakabahan siya sa isiping si Daria iyon. Mula kasi nang malaman niya kaninang umaga na wala si Lucca ay nagkulong na siya sa kaniyang kuwarto. Nais niyang iwasan muna si Daria. Hindi niya naman kasi kailangang bantayan si Daria dahil nasa loob sila ng Baldini Mansion. Tiyak na ligtas ang babae sa dami pa lang ng mga bantay.Dahan-dahang binuksan ni Giovanni ang pintuan at napalunok siya nang makumpirmang si Daria nga ang kumakatok."Are you avoiding me?" Iyon ang ibinungad ni Daria kay Giovanni."H-ha?" Alam man ni Giovanni ang ibig sabihin ni Daria ay nagtataka naman ito kung bakit nagawa ng huli na itanong iyon nang deretsahan sa kaniya."Nakakulong ka lang dito sa kuwarto mo mula pa kaninang umaga," blangkong wika ni Daria.Hindi alam ni Giovanni kung tama ba ang nakikita niya sa mga mata ng babae. Her eyes are burning and he can see sadness at the same time. Para bang may magkasalungat na pani
Tahimik na nakamasid si Giovanni kina Lucca at Daria. Gabi na noon at kagagaling lang nila sa pinagpagawaan ng isusuot ni Daria para sa event ng casino."I told you, baby, ako ang bahala sa isusuot mo at hindi ako papayag na hindi ka magawan," nakangiting hinagkan ni Lucca sa labi si Daria habang nandoong nakamasid si Giovanni."Akyat na muna ako, boss," pagtikhim ni Giovanni dahil sa awkwardness na nararamdaman nito idagdag pa ang biglaang selos na sumigid sa kaniyang puso."Oh, yes, Gio! Nakalimutan ko ng andiyan ka!" Palatak ni Lucca habang napapatawa. "Thank you for accompanying Daria," anito pa."Walang anuman, boss. Ginagawa ko lang naman ang kung anong mga magagawa ko para sa inyo," sagot ni Giovanni.Tuluyan na ngang umakyat si Giovanni ngunit nagawa pa nitong tapunan ng tingin si Daria."Sa susunod ay huwag mo ng gagawin iyon, please. Natakot kaya ako kanina," dinig pa ni Giovanni ang malambing na boses na iyon ni Daria.Ang tungkol sa pinagpagawaan nila ng isusuot ni Daria a
Iwas na iwas si Giovanni na mapatingin kay Daria habang nasa hapagkainan sila. Bihirang-bihira mangyari na magkasabay-sabay silang kumain at kanina pa niya gustong matapos."Siyangapala, Gio, magkakaroon tayo ng special event sa casino. Part of it is a car raffle and many more. Just to thank our loyal customers and newcomers as well. It will happen on your day-off. So, okay lang ba na huwag ka munang magday-off?" tanong ni Lucca sa kabila ng pagnguya.Hindi naman kaagad nakasagot si Giovanni. Bukod sa gusto niya sana munang makauwi at makapag-isip isip ay kailangang nakakausap niya sina Luigi linggo-linggo. Bilang pag-iingat kasi ay hindi niya tinatawagan sa cellphone sina Luigi. Sa lungga ni Lucca ay alam niyang doble dapat ang kanilang pag-iingat."We'll be needing you there, Gio. Sana ay huwag mong ipagkait ang isang day-off," bigla namang sabi ni David nang mapansin nitong hindi sumasagot si Giovanni.Pasimple namang tinapunan ng tingin ni Daria si Giovanni. Magkaharapan lang kasi
Bahagyang natapon ang kapeng tinitimpla ni Giovanni sa kaniyang kamay nang marinig ang boses ni Daria mula sa kaniyang likuran."Good morning, Gio..." ang malamyos at malamig na boses ni Daria.Bahagya siyang napalunok. Tuwing dumarating sila ni Lucca galing casino ay dumederetso kaagad siya sa kaniyang kuwarto upang magpahinga. Sadya niya ng iniiwasan si Daria. Tuwing umaga naman ay maaga na siya kung magkape upang hindi rin makasabay si Daria sa kusina kaya naman hindi niya inaasahan ang paglitaw ng babae ngayon doon."D-Daria... I-ikaw pala," tangi niyang nasambit."I've never got the chance to see you again since you and Lucca stays at the casino everyday..." Wika ni Daria."U-uhm... Y-yes... N-nagpapahinga na kasi kaagad ako. M-medyo pagod ang k-katawan at lagi ng inaantok pagkauwi rito," mabilis naman niyang paliwanag."Oh, I see..." pagtango-tango ni Daria bago ito naglakad papunta sa kinatatayuan ni Giovanni upang kumuha ng baso.Halos pigil naman ni Giovanni ang paghinga. Amo
Pinagmamasdan ni Giovanni ang ilan sa mga babaeng padaan-daan sa kaniyang harapan. Ang mga babaeng kung tawagin doon ay Angels. Ngunit mayroon siyang isang napansin na nagbago sa mga Angels. Hindi na maiigsi o nakakaakit sa ibang mga lalaki ang kasuotan ng mga ito. Pare-pareho na rin ang uniforms ng mga nandoon magmula sa waitress, cashier, slot attendant at iba pang employees na babae. Nakasuot na lamang ang lahat ng dilaw na turtle neck at may maliit na logo ang nakaburda sa bandang dibdib. Naka black wrap skirt na lang din sila na disenteng tingnan."Gio."Napatingin siya sa tumawag ng pangalan niya. He doesn't know the man but he remembers him. Isa ito sa mga tinatawag na casinos host doon na ipinakilala sa kaniya ni Carlo noong unang punta niya roon."Boss wants you to have these," malaki ang boses ng lalaki.Chips ang iniaabot ng lalaki sa kaniya."For what?" tanong niya pa rin kahit alam na niya kung para saan ang mga iyon."Magtatagal kasi si boss sa private office niya kaya p