 LOGIN
LOGIN"Rasselle David!
Napabaling ang tingin ko sa upuan ni Prof. "Bakit po Sir John Lloyd?" Nagtataka kong tanong. "Bakit lahat ng sagot mo dito ay hindi ko po alam, dahil hindi pa ako ginagawa ng mga araw na 'yon nila Mommy at Daddy. Tama ba ang sinagot mo dito? Hindi ko naman alam ang aking gagawin. Hindi ako makatingin kay Sir John Lloyd. Pinagtatawanan narin ako ng aking mga kaklase, lalo na ang aking mga kaibigan. "A, e sir. Ano po ba ang tanong sa number 1?" Nahihiya kong tanong kay Sir. Napailing na lang ito ng kanyang ulo. "Pumunta ka sa likod. Tumayo ka don, at huwag kang uupo hangga't hindi ko sinasabi!" Utos sa akin ni Prof. Napakamot na lang ako ng aking kilay. Hanggang ngayon ba naman ay nangyayari ito sa akin? College na ako, ano ba yan!" Maktol ng aking isipan. "Ayan, slambook kasi ang inaatupag, hindi ang gumawa ng research work natin." Pang-aasar ni Chyrll sa akin. Kaysarap lang batukan talaga nitong kaibigan ko. Kaibigan ko ba talaga siya? Humanda din talaga siya sa akin kapag may ginawa din siyang kalokohan, hindi lang pang aasar ang gagawin ko sa kanya, isusumbong ko pa talaga siya sa ate Carlyn niya. Akala mo, hindi ko siya kasama na pumunta sa bar kagabi, eh siya nga itong nag-aya sa akin. "Tahimik!" Saway ni Prof. sa mga kaklase ko na maiingay. "Madali lang naman ang tanong sa number 1, hindi masagot ng tama. Ikaw Chyrll Araneta, total inaasar mo pa ang kaibigan mo, ikaw sumagot ng tanong na ito! 1. Ano ang mga pangunahing sanhi ng Rebolusyong Pilipino noong 1896? Ipaliwanag ang mga papel nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Napangisi naman ako ng aking labi. At natahimik naman ang aming mga kaklase. "Ano kayo ngayon? Natahimik kayo, buti nga sainyo!" Ako naman yong nang-aasar sa kanila. "Ouch! Ang tiyan ko sumasakit! May i go out sir?" Alibay ni Chyrll, at may pagsapo pa ito sa kanyang tiyan na kunwaring sumasakit. Hindi na hinintay pa ni Chyrll na sumagot ang prof. nila. Sumibat na ito ng takbo palabas ng room nila. Pagdating sa gilid ng pinto sa labas ay huminto ito upang asarin ang kanyang mga kaklase. Tumalikod itong muli at naglakad na parang bebe at kumakanta kanta pa ng pwet ng bebe, pwet ng bebe. At may pag iswad pa ng kaniyang pwetan habang naglalakad. Hindi naman makatawa ang mga kaklase ko dahil sa kalokohan ng aking kaibigan, baliw talaga. "Ano ang nakakatawa?" Tanong ni Prof. John Lloyd. "Wala po sir John Lloyd." Sabay sabay nilang sagot. Natapos ang klase nila sa buong maghapon na puro sermon ang inabot nila sa lahat nh kanilang professor, pero kahit ganun parin ay masaya parin sila. Mag-uuwian na, may naisip na plano si Chyrll. "Gusto n'yo bang mag camping tayo sa gubat? Sabado naman bukas diba? Wala tayong pasok. Sagot ko ang lahat ng gastos pati na ang sasakyan na gagamitin natin." Wika ni Chyrll sa kanyang mga kaibigan. Sandaling napaisip sila, pero gusto nila ang idea ni Chyrll. "Paano ang trabaho ko? Alam n'yo naman ang estado ng buhay ko, kailangan ko ng extra income dahil sa sakit ni tatay, diba?" Saad ni Aria. Ako na ang bahala sa gamot ng tatay mo, Aria. At sa pagkain n'yo ngayong buwan." Wika ni Rasselle. "Seryuso kaba? Baka magalit saiyo ang parents mo, baka isipin nila, inaabuso namin kayong magkaibigan." Turan ni Issa. "Ano ba kayo, syempre magpapaalam kami sa parents namin noh! Mabait na ako ngayon, ayaw ko ng bigyan ng sakit ng ulo si Daddy, alam n'yo na - tumatanda na kaya kailangan ko ng magbago, baka ako pa ang maging dahilan kapag may nangyari sa kanya dahil sa akin." Kibit-balikat na wika ni Chyrll. Napangiti naman ako s tinuran ng aking kaibigan, dahil sa wakas naisip isip din n'ya na mali na ang aming ginagawang pagpapasaway sa aming magulang, mga kalokohan namin na palagi naming ginagawa. Ito na seguro ang tamang desisyon na nagawa ni Chyrll ngayon. Sa pag camping na lang namin ilalaan ang oras namin kasama ang mga bago naming kaibigan. "Baliw na seguro itong si Rasselle, ngumingiti na mag-isa." Saad ni Marian. "Hindi naman, masaya lang ako ngayon. Dahil sa wakas tuwid na ang pag-iisip ni Chyrll, hindi na baluktot. Nakakasawa na rin kasi ang maging matigas ang ulo, yong araw araw na lang kami sinisermunan ng parents namin dahil sa mga naiisip n'yang kalokohan. Ayaw ko ng makulong ulit ng isang buwan sa mansyon. Nakakabaliw! lahat grounded, hindi ako makamagit ng phone, hindi ko ma stalk ang crush kong si Croycito." Tumitirik pa ang mata na paliwanag ko sa kanila. "Ang galing mo naman Rasselle. So, ibig mong sabihin hindi ako mabuting kaibigan saiyo dahil nadadamay ka sa kalokohan na ginagawa natin na gustong gusto mo din naman? Hiyang hiya naman ako saiyo, mga ginagawa mong pagsayaw sa stage, ang paghataw ng katawan mo sa harapan ng macho dancer don sa club. Sabunutan kaya kita d'yan at kalbuhin ko yang buhok mo." Napipikon na sagot ni Chyrll. Natawa naman ako dahil naniningkit nanaman ang mata ng kaibigan ko. "Sayang naman, gusto ko sana pumunta don. Parang ang sayasaya pa naman don. Marami seguro don na gwapo." Pagsingit ni Szarina. "Sa tingin n'yo ba magbabago itong si Chyrll? Hindi ko kasi nakikita sa kanya na gusto n'ya magbago, magpapakabait. Wala akong nararamdaman, labas sa kanyang ilong ang lahat ng sinabi niya." Sabat ni Issa. Natawa naman si Chyrll sa sinabi ni Issa. "Bakit mo naman ako binuko kaagad? Nagbibiro lang naman ako kanina." Natatawa na sabi ni Chyrll. Nahila ko naman ang kanyang buhok. "Baliw ka talaga, akala ko pa naman totoo na yang sinasabi mo. Hindi pala." Sabi ko. "Ano kaba? May balak pa nga tayo na isama sila don sa club." Sagot nito sa akin. "Parang ang saya nga? Kailan ba yan?" Naeexcite na tanong naman ni Marian. "Pagkatapos ng camping natin. Isasama namin kayo sa favorite place namin ni Rasselle." Turan ni Chyrll. Tuwang-tuwa naman ang aming mga bagong kaibigan. At sobra silang naeexcite sa mga plano namin ni Chyrll. ••• "Nasaan naba si Marian? Bakit wala pa s'ya dito?" Saad ni Szarina, kanina pa ito palinga linga sa paligid at hinahanap ang aming kaibigan. "Ang sabi n'ya susunod s'ya amin, pero hanggang ngayon wala pa s'ya." Sabi naman ni Aria. "Baka may ginawa lang yon. Darating din 'yon dito, yon paba e mukhang gala din ang isang yon." Turan naman ni Issa. "Saan naman pumunta ang babaeng 'yon? Okay na ang lahat dito, siya na lang ang kulang." Saad ko naman. "Katulad nga ng sinabi ni Issa, darating din yon. Kaya, huwag kayong mainip, baka may dinaanan lang yon. Maupo na lang tayo don sa ginawa nating bonfire." Sabat ni Chyrll. "Mabuti pa nga." Sabi ko. Madilim na, pero wala parin ang aming kaibigan na si Marian. Masaya kaming nagtatawan. Sa sobrang saya namin hindi na namin napansin na may dumating na. "Impakto! Impakto!" Takot na takot kong sigaw. "Halimaw!" Sigaw ni Isadora. "Lumayo ka samin!" Sigaw ni Szarina. "Sino ka? Sigaw din ni Aria. "Hindi kami natatakot saiyo, kung yan ang inaakala mo! Pashnea!" Matapang na hinarap ni Chyrll ang babaeng nagsuot ng nakakatakot na costume. Hindi nila alam na si Marian lang ang nanakot sa kanila. Ito kasi ang naisipan nitong kalokohan. Kaya s'ya nagpahuli ng dating. "Wahahahaha!" Nakakatakot na tawa ng babaeng gulo gulo ang buhok, na may bahid ng dugo ang suot nitong damit at gilid ng labi. "Kakainin mo ba kami? Mapait ang dugo ko, hindi mo magugustuhan!" Turan ni Aria. "May putok ang kilikili ko, marami akong hadhad, buni at an-an sa katawan ko! Baka mahawaan ka lang, kaya huwag mo ng ituloy ang pinaplano mong pagpaslang sa amin upang gawin mong hapunan!" Matapang na sabi ni Isadora. "May sakit akong hepatitis, hindi mo magugustuhan din ang lasa ng dugo ko. Parating na ang isa pa naming kaibigan na si Marian, sariwa ang dugo non tiyak na magugustuhan mo ang lasa non." Matapang din na sabi ni Szarina sa babaeng bruha. Gusto ng bumunghalit ng tawa si Marian dahil sa sinabi ni Szarina. "Hindi ako naligo, mabaho ako. Katulad ni Isadora may buni at an-an ako. Pero kung hindi ka maarte, sege s******n mona ang dugo ko." Matapang na sabi din ni Rasselle, at humakbang na ito palapit kay Marian. "Segurado kaba Rasselle? Nasisiraan kanaba ng ulo? Alalahanin mo, hindi mo pa natitikman ang itits ng crush mo?" Pigil ni Chyrll sa kanyang kaibigan. Napahinto naman si Rasselle sa kanyang paghakbang. "Oo nga noh! Sege itong kaibigan ko na lang ang lapain mo ng buhay. Pinipigilan ako eh." Lahat sila ay napatigil ng malakas na tumawa ang babaeng bruha. Hindi na nito kayang pigilan ang pagtawa nito. May paghawak pa ito ng kanyang tiyan at halos mapaupo na. "Baliw!" Sabay sabay nilang sambit at nagkatinginan pa sila. Napaatras sila ng tumigil sa pagtawa ang babaeng bruha ng unti unti nitong tinatanggal ang suot nitong maskara na nakakatakot. Ng maalis sa mukha nito ang maskara ay gulat na gulat ang magkakaibigan, ngunit saglit lamang. Napalitan ito ng inis. "Marian! Baliw ka talaga, tinakot mo kami!" Hindi makapaniwala na sabi ni Aria sabay haklit ng buhok ni Marian. "Kaya pala hindi ka sumabay sa amin dahil diyan sa kalokohan mo! Tinakot mo kami, sobra!" Pakli naman ni Issa. "Muntikan na akong mapaihi sa salawal ko dahil sa kalokohan mo!" Pakli din ni Szarina. "Yong tapang ko kunting kunti na lang ang natitira, bibigay na ang tuhod ko, baliw ka talaga." Saad naman ni Chyrll Hindi naman malaman ni Marian kung paanong pag iwas ang gagawin niya, dahil lahat sila ay gusto siyang sabunutan. "Lintik lang ang walang ganti. Kaya, humanda ka sa amin. Bwisit ka!" Nanggigil na turan ni Rasselle. "Kayo naman, sinubukan ko lang naman kung matatakot kayo sa akin o hindi. Tama nga sila Anthony matatakotin kayo." Tumatawa na sabi ni Marian habang umiiwas sa paghuli sa kanya ng mga kaibigan nito. "Makakalbo talaga kitang babae ka!" Ulit na sabi ni Aria. Hindi namin napansin na dumating na pala ang kaibigan namin. At lahat kami ay natakot sa itsura n'ya. Baliw pala ang babaeng ito, malala pa ito kay Chyrll. Hindi namin mahuli huli si Marian hanggang sa sumuko na kami. Nauwi na lamang sa tawanan ang kaninang inis na nararamdaman namin sa ginawang kabalbalan ng aming kaibigan. Naupo na lamang kami sa palibot ng ginawa naming bonfire habang iniihaw namin ang masarap na marshmallow sa tapat ng apoy. "Isadora, napapansin ko lang. Mukhang crush ka ng kaklase nating si Anthony. Kakaiba ang tingin niya saiyo sa tuwing napapatingin sya sa mukha mo." Basag ni Aria sa masaya nilang kwentuhan. Namula naman ang pisngi ni Isadora na parang kakulay ng kamatis. "Napapansin ko din yon." Kumento ni Szarina. "Kung anu-ano ang napapansin ninyo? Kung tunay nga na may crush sa akin si Anthony, sorry na lang siya dahil wala akong oras sa pag-ibig ibig na yan. Naka fucos ako sa pag aaral ko." Turan ni Isadora. "Haba ng hair mo dai. Assuming lang. Pag-ibig agad ang nasa isip mo, hindi ba pwedeng crush ka lang nung tao." Sabat ni Chyrll. "Ganun din yon. Sa pag-ibig din pupunta ang crush crush na yan kapag pinayagan kong manligaw sa akin. "Nanliligaw na ba agad saiyo? Ang bilis naman? Nakapag sabi kaagad sayo ng nararamdaman niya? Bago ko pa lang napapansin na parang crush ka nung Anthony. Wow ha, amazing!" Hindi makapaniwala na sabi ni Aria. "The flash lang. Ayaw maunahan ng iba." Sabat ulit ni Szarina. "Kaya, nga binasted ko kaagad para hindi na umasa." Sagot ni Issa. "Ang ganda mo day, basted agad kawawa naman si Anthony." Turan ni Rasselle. "Wala tayong magagawa, hindi n'ya type! Eva't adan, e eva't adan." Kumakanta na sabat din ni Marian. Tumawa na lang sila ng tumawa dahil sa pabirong kanta ni Marian. Marami pa silang ginawa na kalokohan bago nila mapagpasyahan na matulog na sa kanilang ginawa na malaking tent. Dalawang gabi ang usapan nila na magka camping sila dito sa Nasugbo. May Rancho ang ama ni Rasselle dito Batangas na kung saan pwede silang mag Camping. J.C.E CLEOPATRA
J.C.E CLEOPATRAHello po! Nagbago isip ko. Baka mainip kayo.😅 kaya Inapply ko na ito ng kontrata. Sana basahin n'yo hanggang dulo ang ongoing story ko na The Melody of HEARTBREAK kahit maraming typing error.😅



°°°Rage. Bukod sa galit litong lito na ako. Hindi kona alam ang gagawin ko ng malaman kong umalis si Rasselle dito sa Pilipinas. Gusto kong malaman kung saan bansa siya ngayon pumunta ngunit walang matinong impormasyon akong nakukuha sa taong inutusan ko. Malawak ang koneksyon ko ngunit baliwala lang ang lahat ng ito. May taong makapangyarihan ang humaharang sa akin at nagbibigay ng protekta kay Rasselle. Napadaan ako sa isang church at napahinto ako dahil sa kantang narinig ko. Who am I, that the Lord of all the earth would care to know my name? Would care to feel my hurt? Who am I, that the bright and morning star would choose to light the way For my ever wandering heart? Not because of who I am But because of what you've done Not because of what I've done But because of who you are I am a flower quickly fading Here today and gone tomorrow A wave tossed in the ocean (ocean) A vapor in the wind Still you hear me when I'm calling Lord, you catch me when
°°°Rasselle. Kumakabog ang dibdib ko ng hindi ko inaasahan na makita ko ulit si Rage. Muling bumalik ang galit ko sa kanya. Ayaw ko na s'yang makita kahit kailan, baka hindi kona mapigilan pa ang aking sarili ay bumigay nanaman ang puso ko sa kanya, sa dalawang buwan naming hindi nagkita, siya parin ang lalaking tinitibok ng puso kong ito. Gusto ko ng bumitaw, ngunit ayaw pa ng puso ko. Naguguluhan na ako. Hindi kona alam ang gagawin ko. Tama nga si Mommy Clarabelle, mas nakakabuti sa akin ang umalis na mona dito sa Mandaluyong upang maghilom ang bakas ng sugat na ginawa sa akin ni Rage. At mali ang aking desisyon na manatili dito habang sariwa ang sugat dito sa puso ko upang makalimot. Nakasulat na ang mga gusto kong gawin sa aking pag alis. 1. Una gusto kong sumali sa art exhibit. Gusto kong iguhit ang isang babae na nag asam at nagmahal ng isang lalaki, ngunit niloko lamang ito. Pero ganun pa man, hindi ito nagpatalo sa bugso ng damdamin, ng galit. Nagpakatatag ito para sa mu
•••Rage Umaga ngayon at nandito ako ngayon sa tapat ng coffee shop nila Rasselle. Dito ko siya aabangan upang makausap muli, kung galit parin ba siya sa akin, o ako parin ang nag iisang laman ng puso niya. Hindi nagtagal ay may dumating na sasakyan na hindi sa akin pamilyar, bumaba ang sakay nito mula sa driver seat. Napatayo ako ng tuwid ng si Rasselle ang nakita ko. Ang laki ng pinagbago niya, nag-iba ang estilo ng kanyang pananamit, lalo siyang gumanda sa paningin ko. Pero ang dating Rasselle parin ang gusto ko dahil sa ganun ko siya minahal. "Rasselle!"Tawag ko sa kanyang pangalan. Lumingon ito sa akin. Halatang nagulat ng makita niya ako. "Rage!" Mahina ngunit basa ko sa pagbuka ng kanyang bibig na binigkas niya ang pangalan ko. "Rasselle!" Tawag kong muli sa kanya, "Pwede ba tayong mag-usap na dalawa? Alanganin ko pang sabi, naiilang ako dahil biglang nangunot ang kanyang nuo, pero maganda parin. "P-Pasensya na busy ako ngayon, marami akong gagawin ngayong araw! Maram
•••Rage. Gusto ko pa sanang manatili dito ng ilan pang buwan dito sa private property ko dito sa El Nido Palawan, ngunit sa mga nababalitaan ko tungkol sa aking kambal kung ano ang ginagawa nitong pangungulit kay Rasselle ay hindi ko na pwedeng i extend at baka pagsisihan ko pa ng habang buhay. "Mag-iingat ka hijo saiyong pag-alis! Sana sa susunod na pagbalik mo dito ay kasama mona ang dati mong nobya, alam kong magkakaayos pa kayo kaya sana huwag kayong mainip ha! At huwag na maghanap ng iba. May dahilan ang panginoon kung bakit binibigyan kayo ng pagsubok, malalampasan n'yo din yan na dalawa. Huwag na huwag kayo padadaig sa tukso, dahil yan ang tuluyan na sisira saiyong relasyon at mawawala ang inyong pagmamahal sa isa't isa. Nawa ay gabayan kayo ng poon may kapal sa kalangitan." Payo sa akin ni Manang Tinay. Isang yakap na mahigpit at may pagmamahal bilang anak ang ginawad ko sa kanya. "Hayaan mo po Manang Tinay, palagi ko pong tatandaan ang mga payo mo sa akin. At sana sa dal
•••Rasselle Dalawang buwan ang lumipas buhat ng maghiwalay kami ni Rage. Hindi na ito nagpaparamdam sa akin, kahit ang anino nito ay hindi kona nakikita. Si Regie na walang katapusan na panliligaw sa akin. Halos araw araw kong nakikita ang pagmumukha sa aming coffee shop ni Chyrll, araw araw ding sira ang araw ko. Si Anessa naman, simula ng gabing yon ay hindi na nagpakita pa sa akin, pero hindi ako nagpapakampanti, alam kong halang ang bituka ng babaeng yon. May lahi pa naman na kabote yon, sumusulpot na lang bigla sa harapan ko, katulad ni Regie. Katulad na lang ngayon, sira nanaman ang araw ko. "Hindi mo ba ako titigilan Regie? Wala kang mapapala sa akin, kaya umalis kana dahil masisira nanaman ang araw ko dahil saiyo!" Pagsusungit ko. "Hindi ako titigil sa panliligaw ko saiyo. Kahit araw araw mo pa akong sinusungitan ay babaliwalain ko. Ganyan kita ka mahal Rasselle my love so sweet. Napairap na lang ako sa kawalan. Ang korne niya talaga, tumatayo ang balahibo ko sa aking
•••Rasselle. "Alam mo pinsan, maganda ka kaso wala kang taste sa lalaki. Puso ang pinapairal mo, hindi ang isip mo. Nagpakatanga ka ng mahabang panahon sa isang lalaki, tapos wala pang isang buwan na magkasintahan kayong dalawa ay niloko kana agad." Naiiling na wika ni kuya Joaquin. "Ang kagandahan ko nanaman ang nakita mo kuya Joaquin." Nakairap kong sabi. "Bakit pa kasi sumama kayo dito sa Probinsya, kung aasarin n'yo lang ako?" Sabi ko pa. "Sinasabi ko lang kung ano ang napapansi ko sayo, pinsan. Sinasayang mo ang talino mo sa lalaki. Matalino ka pero pagdating sa pag-ibig nagiging bobo ka, at ang malala pa nagiging tanga kapa." Sabi pa nito sa akin. "Sumama lang ba kayo dito, para pagsabihan ako? Napipikon na ako!" Kunwari na galit kong sabi. "Sino bang lalaki na matino ang pwede kong gawing boyfriend? Wala naman akong makita, kahit kayo hindi naman kayo loyal sa mga naging kasintahan ninyo. -Ops kuya Jacob, huwag ka ng magsalita! Kilala kita kaya huwag mo din akong paandar








