Share

Chapter One

Author: WhiteGelPen
last update Last Updated: 2025-08-16 20:00:42

"ISDA! Isda po kayo d'yan!" malakas na sigaw ko habang naglalakad sa ilalim ng nakatirik na araw. Ramdam na ramdam ko ang sobrang init na bumabalot sa buong paligid pero hindi ko na iyon ininda. Kailangan ko kasing kumita para naman may pambili kami ng bigas at pang-ulam mamaya. May sakit rin si Inay kaya ako muna ang pumalit sa kanya sa paglilibot ng isda.

"Isda po kayo d'yan! Pakyawin niyo nalang po itong dalawang kilo!" Pilit ko ring siniglahan ang boses ko kahit ramdam ko na ang sobrang pagod. Kanina pa ako inuuhaw pero tinitiis ko lang. Mamaya ko nalang susuliting uminom ng tubig pag-uwi ko sa bahay.

Hindi naman kasi kami pinalad sa buhay. Walang trabaho si Inay maliban sa paglilibot ng mga isda. Wala na rin si Itay. Halos mag-a-apat na taon na simula ng mamatay ito dahil sa sakit sa puso.

Ako naman, halos magda-dalawang taon na akong umalis sa dati kong pinagta-trabahuang health center. Hindi man masyadong kalakihan ang sweldo pero sapat na para mabuhay kami nila Inay.

'Yon nga lang, may mga pagkakataon na kailangan nating isantabi ang ibang mahahalagang bagay para sa ikakabuti natin.  Nawalan ako ng trabaho hindi dahil sa pinaalis ako kundi dahil mas pinili ko mismo ang umalis.

Huminto muna ako at pansamantalang sumilong sa maliit na barong-barong nila Aling Seling. Hindi ko na kasi kayang ibilad pa ang sarili ko sa araw. Pawis na pawis rin ako. Baka mamaya, hindi lang si Inay ang magkasakit kundi pati ako rin. Kung magkataon, walang mag-aasikaso kay Pio.

Akmang ilalapag ko na sana ang bilao kong dala sa nakausling kahoy sa bahay nila Aling Seling pero napahinto ako bigla. Nangunot ang noo ko habang tinitingnan ang makikay na si Karolin, tumatakbo ito papalapit sa akin. Nang tuluyan na itong makalapit ay agad akong napatakip ng ilong sa sobrang tapang ng amoy ng pabangong gamit nito. Humihingal pa ito habang sapo-sapo ang dibdib.

"N-Nandito ka lang pala, Pazneah! Kanina pa ako hanap ng hanap sayo! " hinihingal na sigaw nito sabay sandal sa maruyang dingding nila Aling Seling. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"At bakit mo naman ako hinahanap, aber? May kailangan ka ba sa akin?" tanong ko naman sa kanya.

Inayos muna nito ang sariling buhok bago sagutin ang tanong ko. "Hay, naku! Si Poging bubwit, napaaway na naman!" malakas nitong sagot sa akin dahilan kung bakit nanlaki naman ang mga mata ko.

"Napaaway?! Si Pio?! " Nang tumango si Karolin ay walang pasabi akong tumakbo para hanapin si Pio. Alam kong naiwan ko doon sa bahay nila Aling Seling ang bilaong dala ko kanina pero hindi iyon ang inintindi ko. Kailangan kong makita si Pio at baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Nakita ko naman sila sa harap ng lumang barangay hall ng Sitio Yakal. Kaharap nito si Boknoy na hawak-hawak ng dalawang binatilyo. Agad naman akong lumapit sa kanila saka hinila si Pio.

Mukhang nagulat naman ito ng makita ako. Naitikom ko ang bibig ko ng makita ang hitsura  nito. Madungis at puro buhangin ang mukha at buhok. Para bang nilampaso ito sa buhanginan.

"M-Mama..."

"Bakit ganyan ang hitsura mo?! Sinong may gawa niyan?" mariin kong tanong kay Pio habang pinapagpag ang mga buhangin sa mukha at ulo nito. "S-Si B-Boknoy po..." mahinang sagot nito sabay tungo ng ulo.

Mabilis kong binalingan si Boknoy. Hawak pa rin ito ng dalawang binatilyo at pilit na kumakawala sa mga ito. May bangas ang mukha nito at gaya ni Pio, madungis rin ito. Mariin kong naipikit ang mga mata ko bago muling binalingan si Pio.

"Halika na. Umuwi na tayo..." Saka ko ito hinila paalis sa kumpulang iyon. Sinamaan ko rin ng tingin ang mga magulang na naroon at wala man lang ibang ginawa kundi ang tingnan na mag-away ang mga bata.

Palibhasa kasi wala naman silang pakialam sa ibang tao. Nakikisali lang sila kapag anak na nila ang nasasali sa gulo.

Pagdating namin sa bahay, pinadiretso ko si Pio sa gripo para maghugas ng kamay at paa. Nakita ko rin ang bilaong naiwan ko sa barong-barong nila Aling Seling, nasa itaas na ito ng lamesa. Marahil ay dinala nalang ni Karolin kanina.

Pumasok ako sa silid namin saka kumuha ng damit ni Pio. Sinilip ko rin si Inay sa kwarto niya, mahimbing pa rin itong natutulog. Bumuntong-hininga ako ng malalim saka muling hinanap si Pio.

"Pio?!" tawag ko rito. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tahimik at nakatungong si Pio mula doon. Napailing nalang ako. "Tapos ka nang maghugas?" tanong ko ulit.

Tumango naman ito.

"Ah—"

"Hindi ba't sinabi ko sayo na huwag na huwag kang makikipag-away sa Boknoy na iyon?! Pio, naman! Kita mo nang mas malaki si Boknoy sayo pero nakikipag-away ka pa rin..." sermon ko sa kanya sabay sapo ng noo ko. Ilang beses ko na itong pinangaralan pero matigas pa rin ang ulo.

"Mama... Sorry po. Eh kasi, si Boknoy naman ang may kasalanan eh... Sabi niya, putok raw ako sa buho... Wala raw akong papa kasi ampon lang ako..." paliwanag nito sa akin. May kung anong kumurot sa puso ko ng makita ang paglandas ng mga luha sa magkabilang mata nito.

Mabilis ko itong niyakap ng mahigpit. "Anak! Sorry, sorry! Patawarin mo si Mama... Patawad!"

Tila paulit-ulit na tinarak ang puso ko ng marinig ang sunod-sunod na hikbi nito sa dibdib ko. Oh, Pio!

"Tahan na beh... Patawarin mo si Mama..."

Mariin kong naipikit ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang pagtulo ng luha. Simula noon ay ipinangako ko sa sarili ko na mamahalin ko ang anak ko at gagawin ko ang lahat kahit kapalit pa man nito ang pansarili kong kaligayahan.

Nang tila huminahon na ito ay hinawakan ko ito sa magkabilang balikat saka pinaharap sa akin. Pinunasan ko ang mga luhang nasa pisngi nito.

"Patawarin mo si Mama, ah? Kung di dahil sa akin, hindi mo sana nararanasan ang lahat ng ito..."

Naiiyak ako. Nag-iinit ang magkabilang mata ko pero hindi ko hinayaang madala ng emosyon ko. Mula noon ay ipinangako ko sa sarili ko na magiging matatag ako para sa anak ko.

"Mama..."

"Halika nga ulit dito!" Muli ko itong niyakap ng mahigpit. Napangiti naman ako ng maramdaman ang pagganti nito ng yakap sa akin. "Love you, Mama..."

"Love you, anak..."

WALA sa sariling napangiti ako habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na si Pio. Alam kong sobrang laki ng kasalanan at pagkukulang ko sa kanya bilang ina. Namulat siya sa mundo ng walang kinikilalang ama.

Mariin kong naipikit ang mga mata ko. Siguro isa iyon sa mga pagkakamaling nagawa ko sa tanang buhay ko. Pero kung tatanungin ako kung nakaramdam ako ng pagsisisi sa mga nangyari, isa lang ang tanging maisasagot ko.

Hindi. Wala. Dahil para sa akin, kailan man ay di ko itinuring na isang pagkakamali si Pio. He's a blessing, a great blessing from God that I have received in my whole entire life. He's never been a mistake nor an embarrassment for me.

I love my son and that'll remain the same forever.

Siguro, maituturing kong isang pagkakamali ang pagtakbo ko palayo sa lalaking nakabuntis sa akin. Dala ng takot, sakit at kahihiyan sa sarili ay umalis ako.

Tumakbo ako dahil takot na takot ako. Sino ba naman ang hindi matatakot? Pinagsamantalahan nila ang kahinaan ko.

Naaalala ko pa kung paano ako naghirap at nagdusa no'ng mga panahong iyon. Naaalala ko pa kung gaano kahirap tumayo sa sariling paa para lamang buhayin ang batang nasa sinapupunan ko.

Masakit pero worth it pa rin at the same time. Dahil kung hindi nangyari ang lahat ng iyon, wala sanang Pioneer Rage Zamora ngayon sa buhay ko.

I treasures my son more than anything else. Everytime I looked at him, he always makes me remembered all the hard work and courage I've been through. Naging matatag akong tao dahil sa anak ko.

Muli akong napangiti ng umungot ito at tumagilid ng higa paharap sa akin. Hinaplos ko ulit ang buhok nito pagkatapos ay tumayo na. Kailangan ko pang magluto ng panghapunan namin. Papainumin ko pa ng gamot si Inay para tuluyan na rin itong gumaling.

Sinulyapan kong muli si Pio bago tuluyang lumabas ng silid naming mag-ina. Nagtungo ako sa kusina at agad na lumapit sa isang palayok para kunin ang itinabi kong isda kanina bago ako maglako. Pi-prituhin ko nalang ito para madami ang makain ni Pio mamaya. Paborito kasi nito ang prinitong isda na nilalagyan ng magic sarap tapos isasawsaw sa toyo na may calamansi at kamatis.

Lahat naman yata favorite nito basta ako ang nagluto.

Hindi ko rin naman masisisi ang anak ko kung bakit naging paborito niya ito. Mahilig din kasi ako sa isda simula noong bata pa ako. Masarap rin akong magluto kaya no doubt kung bakit niya nagugustuhan ang mga luto ko.

Nursing student ako dati. At kung hindi ako nabuntis noon, natupad ko na sana ang pangarap kong magpatuloy pa sa pag-aaral at maging isang ganap na doktor ngayon.

Kaso hindi ko hawak ang tadhana ko at wala akong ideya sa mga posibleng mangyari sa akin kaya buong puso kong isinantabi ang pangarap ko at pinanindigan ang kilos ko.  May alam rin ako tungkol sa ibang gawaing sa health center kasi nag undergo muna ako ng midwifery inside two years.

I destined to be a mother rather than being a doctor. This is my fate. To have a very handsome and lovely son and to fulfill everything I can give to him.

I shook my head at nagpatuloy sa paglilinis ng isda. Pagkatapos ay hinugasan ko ito bago prituhin. Tiningnan ko rin ang rice cooker kung marami pa ang kanin. Thanks God, marami pa.

Tinakpan ko muna saglit ang isda saka tinungo ang kwarto ni Inay. Naabutan ko naman itong nakaupo sa higaan niya habang umiinom ng tubig. Nang mag-angat ito ng tingin sa akin ay tipid itong ngumiti. Gumanti rin ako ng ngiti saka lumapit sa kanya.

"Nay..."

"Kumusta si Pio? Ayos lang ba siya?" tanong nito sa akin. Dahan-dahan akong tumango bago itinungo ang ulo.

"Ayos lang po siya, Nay. Kanina nga, napagalitan ko kasi nakipag-away na naman kay Boknoy, eh alam niya namang basagulero ang batang iyon. At sabi niya, nagawa niya lang naman daw iyon dahil tinawag siya nitong putok sa buho." Napayuko ako pagkatapos kong sabihin iyon.

Agad ko ring pinunasan ang luhang tumulo nalang bigla sa mga mata ko. Umiiyak na pala ako ng di ko namamalayan.

"Anak..."

"Sobrang sama ko bang ina, Nay? Ni makilala ng anak ko ang ama niya ay di ko magawa. Palagi akong nasasaktan kapag umuuwi si Pio na umiiyak dahil sa mga panunukso sa kanya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, Nay... Hindi ko na alam..."

Nauwi sa paghagulhol ang kaninang pag-iyak ko. Sobrang bigat kasi sa dibdib. Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan pang mangyari ng lahat ng ito sa buhay naming mag-ina. Hindi ko naman ginustong madamay pa si Pio sa mga pagkakamaling nagawa ko pero hindi pa rin maiwasan.

Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Inay. "Ganyan talaga ang buhay, anak. Minsan umaabot sa puntong gustong-gusto na nating sumuko. Minsan nasasabi nalang natin sa sarili natin na hindi na natin kayang magpatuloy sa paglaban..."

Napatingin ako kay Inay ng kunin nito ang kanang kamay ko saka ito ikinulong sa mga palad niya.

"Hindi pa huli ang lahat, anak. Marami ka pang pagkakataon na lumaban para kay Pio. Hindi ang mga madilim mong karanasan ang pagpapahinto ng laban sa buhay niyong mag-ina. Manalig ka lang, Paz... Alam nating di madamot sa pagkahabag ang panginoon. Nagawa mo mang lumagpag dahil sa kabiguan at karanasan mo sa buhay, magkakaroon ka pa rin ng lakas upang muling bumangon at patuloy na lumaban..." mahabang paliwanag nito sa akin.

Napangiti ako sabay punas ng mga luha ko. "Salamat, Nay... Maraming-maraming salamat."

Nanatili kami sa gano'ng posisyon ng bigla kong maalala ang isdang tinakpan ko kanina.

"Sige, Nay, magluluto lang ako ng ulam natin mamaya. Baka magising na rin si Pio at humingi ng makakain" sabi ko kay Inay saka tumayo na. Nang tumango ito ay saka lang ako lumabas ng kwarto niya at nagtungo sa kusina.

Napangiti ako at muling pinunasan ang magkabilang pisngi ko para tuyuin ang luha ko. Kahit papano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan sa dibdib ko. Malaki ang pasasalamat ko dahil nandiyan si Inay para makinig sa mga hinaing ko sa buhay. Dahil sa totoo lang, noon ko pa naiisip na sumuko.

Malungkot akong napailing habang iniisip ang buhay na tanging maibibigay ko kay Pio. Malabong makilala niya ang ama niya. Dahil maski ako, hindi ko kilala ang taong nakabuntis at bumaboy sa pagkatao ko noong mga panahong iyon. Malungkot akong napangiti.

At iyon ang mapait na katotohanan.  I was raped 6 years ago at si Pio ang naging bunga no'n.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Epilogue

    His POV—"ARE YOU NERVOUS?" I smirked at Ziann when he asked me that question. Damn! He's right. I'm very nervous right now.I still can't believe that I finally got her, my honey and soon to be wife, Pazneah Marien Zamora-Montallejo. The one and only mother of Pioneer and our future babies."Congratulations, kuya. You finally got her..." nakangiting saad pa nito sa akin as he tapped my shoulder. I smiled back at him. "Thank you, Ian... I hope you find yours too." Napailing lamang si Ziann at nagpaalam sandali. Naiwan naman akong nakatayo sa harap ng altar habang kinakabahan pa rin.Hindi ko maiwasang ilibot ang tingin sa bawat sulok ng simbahan. Everything looks perfect and elegant. Every column in the church was full of white roses. Many petals of white roses were scattered along the aisles. I keep my expression calm but deep inside, I'm very excited yet nervous. "Papa!" I smiled automatically as I heard my son calling me. Agad ko itong hinanap. My smile widened even more when

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Final Chapter

    TWO YEARS LATER..."NASAAN si Pio, 'nay?" Natigil naman sa pagdidilig ng halaman si inay at lumingon sa direksiyon ko. Nakangiti ito dahilan kung bakit kumunot ang noo ko."Teka- Bakit ka nakangiti, 'nay?" nagtataka ko pang tanong sa kanya. Napaismid naman ito sa tanong ko kapagkuwan ay mahinang natawa. "Bawal na bang ngumiti ngayon, Paz? May karapatan pa naman akong ngumiti kung gugustuhin ko di ba?" natatawang saad nito.Napaarko naman ang kilay ko. "Alam ko naman iyon, 'nay. Pero kakaiba ang ngiti mo ngayon eh. Parang..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil natawa na ito ng tuluyan."Wala ka ba talagang naaalala, Paz?" tanong ulit nito. Nagtaka naman ako. Naaalala? Ano naman ang dapat kong alalahanin?"Kung sabagay, halos dalawang taon na rin ang nakalipas simula no'ng mak- Oh, siya! Tama na ang chikahan, anak. Maligo ka nalang dahil may pupuntahan tayo ngayon..." saad pa nito. Nagtaka naman ako ng hindi nito ituloy ang dapat na sasabihin niya.Ano bang nangyayari kay inay

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Thirty-three

    “MAMA, saan po tayo pupunta?” inaantok pa rin na tanong ni Pio habang tinatahak namin ang pasilyo palabas ng bahay ni Poncio Pilato.Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko kaya hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong ng anak ko sa akin. Isa lang ang mas malinaw sa akin no'ng mga sandaling iyon, ang makaalis kami sa bahay ni Poncio Pilato.Alam kong mali ang gagawin ko pero ito na lamang ang tanging paraan upang maitama namin ang lahat. Hindi ko alam kung anong mangyayari kinabukasan pero umaasa ako na maiintindihan niya ang ginawa ko.Well, hindi ko ito gagawin para lamang sa sarili ko o sa kapakanan ng anak ko. I'm also doing this for him, for Zionn. I want him to free his own self. I want him to forgive himself and learn to forget all those past memories that keeps affecting the present and the future. I want him to move forward.“Si papa po, mama?” muling tanong sa akin ni Pioneer pero agad ko itong sinenyasan na huwag maingay.Hanggang makalabas kami ng gate ay sobrang lakas

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Thirty-two

    GABI na nang ihatid kami ni Ziann sa bahay. Ipinasyal pa kasi kami nito para raw kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam naming mag-ina. Siguro nga ay tama rin siya dahil hindi yata kinaya ng utak ko ang lahat ng aking nalaman kani-kanina lang.Gulong-gulo pa rin ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala pa yata akong lakas ng loob na magdesisyon sa ngayon dahil sobrang drained na nang utak ko.“Salamat, Ziann. Ako na ang magbubuhat sa anak ko para makauwi kana rin... Maraming salamat” sinserong wika ko sa kanya bago dahan-dahang binuhat si Pio. Hindi naman ito umangal pa at pinagbuksan nalang kami ng pinto.Nakita ko pang napailing ito habang nakatingin sa anak kong mahimbing na natutulog sa mga braso ko. “I don't really know if being a twin of my brother is a good thing. Mukhang pati sa akin ay galit na galit rin si Pioneer. Dahil ba magkamukha kami ni kuya?” amused na tanong nito.Tipid lamang akong ngumiti sa kanya bago haplusin ang ulo ni Pio at isiksik iyon sa leeg ko. “You

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Thirty-one

    "BAD KA!" Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Pio habang tinuturo si Poncio Pilato. "Bad ka! Hindi na ikaw ang papa ko. Ang bad mo!" umiiyak na sigaw nito sa kanyang ama.Hindi ko alam pero naiiyak ako. Nadadala ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng anak ko. Nang mahimig ko ang sarili ko ay tsaka ko lamang nilapitan si Pio. "Pio, anak-""Sobrang bad niya, mama! Pinapaiyak ka niya, mama ko..." humihikbing sabi pa nito habang nakatingin sa mukha ko. Mariing nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko upang pigilin ang pag-iyak ko."Aalis na tayo dito, okay? Aalis na tayo..." mahinang bulong ko kay Pio habang hinahaplos ang pisngi nito.Wala pa ring imik ang mga ito at tila pinagmamasdan lamang kami ng anak ko. Nang mag-angat ako ng ulo ay iniwasan ko talagang mapatingin sa mukha ni Poncio Pilato."Paz-" "I'm sorry, Vienna, pero kailangan na talaga naming umalis... By the way, nice to meet you again." Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago bumaba ang tingin ko sa bata

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Thirty

    "AALIS na po kami, 'nay. Mag-iingat ka po lagi dito..." bilin ko kay inay kapagkuwan ay naglakad na kami palabas ng gate ng subdivision. Napansin ko rin na medyo bata ang guard na naka-duty ngayon sa Villa Verdict. Nalaman ko rin na halos mag-iisang buwan nang retired sa pagiging security guard si Mang Kiko. "Sige, Paz. Mag-iingat din kayo..." sabi naman nito bago balingan si Pio at muling hinalikan sa ulo. "Huwag kang magpapasaway sa mama at papa mo ah? Dapat good boy ka lang, apo ko..."Tumango-tango naman si Pio. "Yes po, lola! I'll miss you po!" sagot naman ng anak ko at yumakap din kay inay.Bago kami tuluyang umalis at sumakay sa taxi ay muli pa akong tinawag ni inay. "Tatandaan mo ang mga sinabi ko sayo, Paz...""Opo, 'nay. Salamat po."Buong byahe ay masayang-masaya si Pio habang nagku-kuwento ng kung ano-ano. Kahit papaano ay nakalimutan nito ang ama.Kanina habang magkausap kami ni inay, hindi ko maiwasang isipin na tama siya. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala sa is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status