Share

Kabanata 21

Nagmamadaling lumabas ng opisina sina Alyssa at Mark patungong elevator. Pagdating nila sa lobby, natanaw nila kaagad si Laura na nakaupo sa couch.

"Ate..." Tawag ni Alyssa dito.

"Alyssa..." Mabilis na tumayo si Laura mula sa pagkakaupo.

"Bakit po, Ate? Ano po bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Alyssa.

"Pumunta muna tayo sa ospital. At doon ko sasabihin sa'yo ang buong detalye..." Sabay napatingin si Laura sa likuran ni Alyssa. "Kasama mo pala si Mark."

"Opo. Wala kasi si Jaycee kaya si Mark muna ang bodyguard ko ngayong araw." Paliwanag ni Alyssa dito.

"Ganun ba. Sige, tayo na sa ospital." Sabi ni Laura at lumakad na ito papalabas ng lobby ng Yssa International. "Sasakyan ko na lang ang gamitin natin."

"Ako na ang magdadrive." Mungkahi ni Mark.

Sumakay na silang tatlo sa kotse. Katahimikan ang namagitan sa kanila habang papunta sa ospital. Pagdating nila sa ospital, nakaabang na roon si Zari.

"Ate Zari??"

"Mabuti't narito na kayo." Bungad na sabi ni Zari sa kanilang tat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status