HABANG hinahalikan ni Jacob ang dalaga, ay abala naman ang mga kamay niya sa paghaplos sa malambot at mabango nitong katawan. Maingat at may lambing ang bawat haplos na ipinadama niya rito. Sa isang taong hindi nila pagkikita, ay aaminin niyang sobra siyang nanabik na muli itong mahawakan, mahaplos at mahalikan. At ngayon nga ay nangyayari na.Ramdam din niya ang pananabik nito sa kanya sa pamamagitan ng pagtugon nito. Natuwa siya sa isiping talagang mahal siya nito dahil damang-dama niya iyon. Saglit niyang pinutol ang malalim na paghalik niya rito para tanggalin ang nakapulupot na tuwalya sa ibabang bahagi ng kanyang katawan, pagkatapos ay muli siyang nagpatuloy.Isa-isa niyang tinanggal ang mga kasuotang nakatabing sa magandang katawan nito, hanggang sa wala nang natira. Mula sa mga labi nito ay bumaba ang halik niya patungo sa leeg, at hindi rin niya pinalagpas ang dalawang bundok nito na noon ay medyo nakatayo na ang korona. Pagkatapos ay pinadausdos niya sa bandang tiyan nito an
KINABUKASAN ay naunang magising si Jacob kay Michaela. Habang mahimbing pang natutulog ang dalaga, ay malaya niya itong pinagmamasdan. Naririnig pa niya ang mumunting hilik nito sa medyo nakawaang pang mga labi. Para siyang inaakit na halikan ito kaya naman mabilis niya itong dinampian ng halik sa labi, pagkatapos ay gumalaw ito na siyang nagpalilis ng kumot na nakabalot sa magandang katawan nito.Bago pa siya matukso na muling maangkin ang dalaga, ay mabilis niyang kinumutan ito bago siya nagbihis at nagpasiyang lumabas ng kwarto. Dumiretso muna siya sa terrace para damhin ang malamig at masarap na hangin. Tumingin siya sa karagatan, payapa ang alon nito. Parang nakikisabay din ito sa kapayapaang nadarama niya.Walang pagsidlan ang kasiyahan at kapayapaan na nadarama niya ngayon. Ayos na sila ng dalaga, at alam niyang magtutuloy-tuloy na iyon dahil hindi na niya hahayaang mangyari pa ang ganoong gulo sa pagitan nila.Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang may yumakap ng mah
INAASAHAN na ni Jacob na na magtatanong ng ganoon ang dalaga, kaya hindi na siya nagulat. Binagalan niya ang pagnguya para sagutin ito.“Hindi naging maganda ang pakiramdam ko, at mga nangyari sa buhay ko simula nung iwan mo ‘ko. Halos mabaliw-baliw ako kahahanap sa ‘yo. Ginamit ko na lahat ng koneksyon ko, at pati ako ay nakikihanap na rin sa ‘yo, pero hindi talaga kita matagpuan. Kaya hanga ako sa ginawa mong pagtatago, dahil hindi kita basta-basta nahanap kung hindi ka pa bumalik dito. Hanga rin ako sa ipinakitang honesty and loyalty ni Claire sa pagkakaibigan ninyo. Nakailang beses akong nagtanong sa kanya kung may alam ba siya na pwede mong pinuntahan, at akalain mo ‘yon, kunwari ‘y nakikihanap din, pero siya naman pala ang may pakana. Marami rin akong realizations at lesson na natutunan sa pag-alis mo sa tabi ko,” saglit siyang huminto sa pagsasalita para uminom ng tubig. At saka muling nagpatuloy.“Doon ko naramdaman kung ano ang pakiramdam mo noong mga panahon na puro kina Vane
BIGLA na lang bumagal ang naging pagsubo at pagnguya ni Michaela sa pagkaing kanina lang ay ganado siya dahil sa mga nalaman sa binata.“Nakakaawa nga siya, Jacob. Lalo na kung ipapakulong mo pa siya. Marami sa parte ng katawan niya ang nawala at naapektuhan. Siguro, talagang mawawala siya sa katinuan dahil knowing her na laging conscious sa sarili at sa katawan, hindi talaga niya iyon matatanggap. Haaays, kawawang Geneva. Kahit nga siguro ngayon, hindi na niya maasikaso ang sarili kahit sa pagkain, grabe talaga bumalik ang karma ‘no? Sobra-sobra. Hindi naman sa natutuwa ako sa kalagayan at nangyari sa kanya, pero ayon nga ang sinasabi, gumawa ka man ng mabuti o masama, palaging may consequence iyan. So siguro, iyon na ang consequence sa lahat ng actions na ginawa niya,” malungkot na sambit niya sa kaharap na binata.“Iyon na nga rin lang ang mga iniisip ko, eh. At saka, kaawaan man natin siya, wala na tayong magagawa roon. Kung sana ‘y hinarap na lang niya ang mga pulis, eh di sana hi
MAINGAT niyang inihiga sa sofa ang dalaga habang patuloy niya itong hinahalikan. Yumakap ito sa kanyang batok kaya naging mas mariin ang pagkakadikit ng kanilang mga labi. Unti-unti na rin niyang hinubad ang bawat kasuotan na nakatabing sa katawan nito.Pagkatapos ay maingat niyang ipinasok sa butas nito ang kanyang pagkalalaki. Unang ulos pa lang ay napaungol na agad ito.“Ohhh!” ungol nito sa mahinang tinig.Mas lalo tuloy siyang ginaganahan sa ginagawang pagulos sa tuwing naririnig niya ang mahihina at mahihinhin nitong pagungol.“I love you, sweetheart,” bulong niya sa tainga nito habang maingat na umaatras abante sa ibabaw nito.“I-aaahmmm…Ooohhh! I-I love you, to-too…” sambit nito na napapakagat labi pa at mariing nakapikit ang mga mata. Wari ‘y ninanamnam ang bawat pag-ulos niya.“Oooh, Jacob! Sige pa, diinan mo pa!” may kalakasang sambit nito at mahigpit siyang niyakap sa likod para mas lalo siyang mapadiin sa katawan nito.Ang kaninang maingat at marahang pagulos niya ay napa
“VANESSA, anong nararamdaman mo? May masakit ba sa ‘yo? Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong sa kanya ni Ethan ng may pag-aalala sa mukha. Tumabi ito sa kanya pagkatapos ay dinama ng isang palad nito ang kanyang noo at leeg.“Hindi ka naman mainit. Pero bakit ganyan ang hitsura mo? Ang putla-putla mo?” muling tanong nito.“Hindi ko nga rin alam kung ano ang nararamdaman ko. Basta pagkagising ko kanina, ganito na iyong pakiramdam ko,” nanghihinang sambit niya pero nanatili siyang nakapikit.“Ang mabuti pa, pumunta tayo ng ospital para matingnan ng doctor ang kalagayan mo. Mahirap na iyong basta na lang natin huhulaan ang nangyayari sa ‘yo. Halika, tutulungan kitang magpalit ng damit,” yakag nito sa kanya saka siya inalalayang tumayo. Iniangkla nito ang isa niyang braso sa batok nito at ang isang kamay naman ay nakaalalay sa baywang niya.Dahil wala siya sa mood na maligo, ay naghilamos na lang siya dahil para siyang nilalamig. Doon ay nakaalalay sa kanya si Ethan. Lahat ng galaw niya ay
NAKAILANG kwartong sinilipan si Vanessa kaya nakakaramdam na siya ng pagkapagod. Bigla siyang napahawak sa kanyang puson ng makaramdam siya ng kaunting kirot. Kaya naisipan na lang niya na bumalik kung saan siya naroroon kanina dahil tiyak na roon din siya hahanapin ni Ethan.Tatalikod na sana siya nang biglang may lumabas na dalawang tao sa pintuan ng silid na natatapatan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang mga ito.“Tita? Ti-tito?” tawag niya sa mga magulang ni Geneva.Napakunot-noo naman ang dalawa pagkakita sa kanya.“Anong ginagawa mo ritong babae ka?! Pagkatapos mong sirain ang buhay ng anak namin, may lakas loob ka pang magpakita, ha?!!! Gaano ba kakapal ang pagmumukha mo at nagagawa mo pa iyan?!” sigaw ng mommy ni Geneva. Muntikan pa nitong mahablot ang kanyang buhok kung hindi agad ito napigilan ng asawa.“Ti-Tita, patawarin niyo po ako. Hindi ko po ginusto ang nangyari,” sinserong saad niya.“Hindi ginusto?!!! Matagal naging sunud-sunuran ang anak namin sa ‘yo p
“VA-VANESSA??? Ikaw ba iyan, ha?” gulat na tanong sa kanya ni Geneva nang lingunin siya nito habang umiiyak at nakasubsob sa balikat nito.Umayos siya ng tayo at pinunasan ng isang palad ang basang pisngi. Sa nakikita niyang reaksyon sa mukha ni Geneva, hindi ito galit katulad nung huli nilang pagkikita na halos patayin na siya nito, bagkus pagkalito at pagkamangha.“O-Oo, ako ito,” sagot niya sa garalgal na tinig.“Bakit ka narito? Aagwain mo na ba talaga sa ‘kin si Jacob? Please, maawa ka! Ipaubaya mo na lang siya sa ‘kin! Lahat naman ng gusto mo, sinusunod ko naman, ‘di ba? Please, hindi ko kayang mawala siya sa ‘kin!” sambit nito sa malakas na tinig. Naglulumikot din ang dalawang mga mata nito. Parang nahuhulaan na niya ang kasalukuyang nangyayari sa kaibigan. Ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap dito para makumpirma ang kanyang hinala.“Gen, hindi ko inaagaw sa ‘yo si Jacob, at hinding-hindi ko siya aagawin sa ‘yo,” malumanay na sagot niya.Namilog naman ang mga mata nito, nakala
“HI-HIJO, totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ginoo.Tumango-tango naman siya bilang pagtugon.“Gido, may asawa na pala ang anak natin! Magkakaapo na pala tayo!” sambit ng ginang na hindi mapigilan ang maiyak and at the same time, ay nakangiti.“Hindi po niya alam na hinahanap ko po ang tunay niyang mga magulang. Surprise ko po kasi sa kanya. Pero natatakot po ako dahil baka mabugbog ako pag-uwi. Kasi, nagpapabili ‘yon sa ‘kin ng pinya pasalubong sa kanya, pero mukhang hindi ako makakahabol dahil gagabihin kami sa daan,” paliwanag niya.“Ay, gano’n ba katapang ang anak namin? Eh, kawawa ka naman pala kung ganoon!” malakas na sambit ng ginoo.“Ngayon po na natagpuan ko na kayo, baka pwede po kayong sumama sa ‘kin paluwas. Para naman po may mairarason ako kapag pinagpaliwanag ako ni Michaela. At para na rin po may kakampi ako sakali man na bugbugin niya ako,” birong-totoo niya. Hindi kasi talaga biro ang ugali ngayon ng girlfriend niya. Ngayon t
MAGKATABING umupo ang mag-asawa sa harapan nila ng kanyang driver.“Ano nga ulit ‘yong sadya ninyo, mga hijo?” tanong ng ginoo.Inilabas naman niya mula sa dala niyang brown envelope ang isang larawan at iniabot iyon sa dalawa.“Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung kilala niyo po ba ang mag-asawang iyan?” tukoy niya sa larawan ng tiyuhin at tiyahin ni Michaela na sina Ronaldo at Mildred.Ngunit hindi matatawarang takot ang rumehistro sa mukha ng mag-asawa, lalong-lalo na sa ginang na siya niyang ipinagtaka nung makita nito kung sino ang nasa larawan.“May problema po ba?”“Mga pulis ba kayo hijo na nagpapanggap na mayamang bisita? Pakiusap, huwag niyo naman sana kaming dakpin! Nangako sa ‘min si Mildred na hindi na niya kami ipapakulong kapalit na kabayaran ang anak ko! Pero bakit hindi siya tumupad sa usapan, Gido?” umiiyak na wika ng ginang kasabay ng pagbaling sa katabing asawa.“Hindi po kami mga pulis, nanay. Para po mapalagay na ang inyong kalooban. Ang gusto ko lang pong
PAGBALIK ng lalaki ay kasunod na nito ang babaeng sa tingin niya ay mas bata ng ilang taon dito. Bigla na lang sinalakay ng matinding kaba ang kanyang dibdib nang masilayan niya ng malapitan ang babae. Kahit may edad na ito ay kitang-kita ang pagkakahawig nito sa kanyang girlfriend at mahal na mahal na si Michaela.Marami siyang inutusan para magsaliksik at mag-imbestiga patungkol sa mga tunay na magulang ng dalaga. At dahil sa kanyang pera at koneksyon, ay napabilis ang pagkakaroon ng resulta. Kaya heto siya sa harap ng mga taong itinuturo ng imbestigasyon na posibleng totoong mga magulang ng dalaga.“Mano po, nanay. Mano po, tatay,” magkasunod niyang inabot ang tig-isang kamay ng mga ito para magmano at pinagbigyan naman siya.“Kaawaan ka ng Diyos, anak! Aba’y napakagalang at napakabait mo namang bata!” masayang sambit ng ginang.“Papasukin mo na muna sila, Meling. At nang makapagkape man lang sila,” wika rito ng ginoo.Tatanggi na sana siya dahil mukhang gagabihin sila kapag nagtag
SIGURADO ka na ba riyan sa desisyon mo? Tingin mo ba, hindi ka magsisisi?” tanong niya sa dalaga matapos nitong sabihin ang gusto nitong mangyari na pagbigyan si Vanessa na pansamantalang makalaya alang-alang sa ipinagbubuntis nito.“Oo, Jacob. Gusto ko siyang makalaya pansamantala hindi para sa kanya, kundi para sa anak niya. Alam ko naman na maiintindihan mo ako sa part na ‘yon dahil buntis din ako. Para sa ‘kin, anak ko lang ang pinakaimportante sa ngayon, at alam kong ganoon din si Vanessa. Pero syempre, pagkatapos niyang manganak, papalipasin lang natin ang tatlong buwan, at saka natin siya ulit papabalikin sa kulungan.”“Sige, ikaw ang masusunod. How about you’re tito and tita?”“Wala akong pakialam sa kanila, masyado silang masasama! Ang iitim ng mga budhi nila! Akala ko pa naman ay magpapakumbaba na sila dahil nakakulong na sila, pero mas lalo pa silang tumatapang at sumasama na parang kasalanan ko pa kaya sila nakulong. Pinagbabantaan rin nila ako, may record ako kaya gusto ko
PINAGMAMASDAN ni Michaela si Vanessa hindi kalayuan sa selda nito. Kita niya sa mukha nito ang nararamdamang hirap. May katabi itong maliit na palanggana at doon ito sumusuka. Totoo nga pala talagang buntis ito.Napakapit siyang bigla sa kanyang tiyan. Kung siya kaya ang nasa kalagayan ni Vanessa, makakaya niya kaya ang sitwasyon nito? Lahat naman ng ina ay gustong ingatan ang kanilang mga anak.Hindi niya inaalis ang paningin kay Vanessa habang dahan-dahan siyang lumalapit. Sinuswerte pa rin ito dahil mukhang may mabait itong kasamahan, iyon ang humahaplos sa likod nito kapag nagsusuka at nagpupunas ng butil-butil na pawis na lumalabas sa kabuuan ng mukha nito.Mga ilang minuto rin ang itinagal niya sa pagtayo sa labas ng selda nang sa wakas, ay nagawi ang paningin nito sa kanya. Wala na ang bakas ng kasamaan at katarayan sa mukha nito. Kitang-kita niya ang namumutlang mga labi nito at ang malamlam na mga mata na para bang pagod na pagod at kulang na kulang sa tulog at pahinga.Agad
KINAGABIHAN ay nakiusap siya kay Michaela kung pwede ba silang magkasama mamaya sa pagtulog dahil sa kagustuhuhan niyang magkatabi sila. Mabuti na lang at nasa good mood ito kaya hindi siya nahirapang kumbinsihin ito."Sweetheart, bukas pala ay pupunta ako ng presinto para mag-follow up sa inihain kong kaso. Baka may gusto kang ipabili sa ‘kin,” malumanay na wika niya habang nakayakap siya sa likod nito. Nakatagilid kasi sila sa paghiga.“Gusto kong sumama, Jacob.”“Sumama? Saan, sa presinto mismo?” gulat na tanong niya.“Oo, bakit, bawal ba ako roon?”“Hindi naman. Kaso, baka mapagod ka lang at saka, maraming tao roon, baka kung ano pang bacteria ang masagap mo ‘t magkasakit ka pa. Dumito ka na lang at magpahinga.”“Gusto kong sumama, gusto kong makita sina tiyo at tiya na nakakulong. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon nila kapag dinalaw ko sila. Gusto ko ring makita si Vanessa, baka kasi hanggang doon ay naghahasik siya ng kasamaan. Baka pati mga kasamahan niya sa kulu
PAGOD NA PAGOD at humihingal si Jacob habang nagpapahinga sa kanyang sariling silid. Hindi na muna siya nagtangkang puntahan si Michaela sa inookopang silid nito dahil baka bugahan lamang siya nito ng apoy.Paanong hindi siya mapapagod, eh agaran siyang pinatakbo ni nanay Minerva sa pinakamalapit na botikang alam niya para bilhin ang mga vitamins na reseta ng doctor kay Michaela. Hindi man lang kasi nito iyon nabanggit sa kanya kanina sa loob ng sasakyan dahil abala sila sa pagbabangayan.At isa pa, kahit saang lupalop siya ng mall nakarating para lang mahanap ang gusto nitong kainin. Kahit ang public market na first time lang niyang mapuntahan ay hindi rin niya pinalagpas. Hindi niya alam kung pinagtitripan lang siya nito o iyon talaga ang gusto nitong kainin. Paano ba naman, hinahanapan siya nito ng manggang kalahating hinog at kalahating hilaw, pero dapat iyong hindi mahaba.Gusto sana niyang isama si Claire o si nanay Minerva o kahit man lang isa sa mga katulong para mapadali ang
NAGULAT na lang si Claire nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nila ni Michaela. Pumasok pala ito ngunit napansin agad niya na umiiyak ito. Agad itong dumapa sa kama at doon ay malakas na umiyak, ni hindi man lang napansin ang kanyang presenisya.Napailing-iling na lang siya. Nakakatakot pala magbuntis, kung totoo mang buntis nga ito, nakakabago ng ugali. Itinigil niya ang ginagawang pagbabasa ng libro at nilapitan ito, susubukan niya itong kausapin. Kanina ay okay pa naman ang kaibigan niya bago umalis papuntang ospital, masaya pa nga itong nagpaalam sa kanya at ipinaalalang muli na huwag ipagsasabi ang sikreto nila na alam na nito ang tungkol sa sariling pagbubuntis. Tapos ngayon naman ay umuwi naman itong umiiyak.Umupo siya sa gilid nito at nagsimulang magsalita. “Be, kumusta pala ang checkup mo? Ano ba ang resulta?” malumanay na tanong niya rito para hindi na madagdagan pa ang kung anomang ikinasasama ng loob nito.Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na envelop habang nak
HABANG nagmamaneho si Jacob ng sasakyan ay hindi man lang siya iniimikan ng dalaga. Nakabusangot ito at nagkakandahaba na rin ang nguso. Hindi naman niya ito direktang tinitingnan kundi sa sulok lang ng kanyang mga mata dahil baka bigla na namang makatikim ng palad ang kanyang pisngi. Hindi tuloy niya malaman kung totoo ngang buntis ito dahil ayaw naman sa kanyang ibigay at ipakita ang resulta ng checkup.Gusto niyang matawa sa nakikitang reaksyon sa mukha nito pero natatakot siyang ngumiti dahil baka masamain na naman nito. Ngunit nagulat siya nang bigla itong magsalita.“Anong tinitingin-tingin mo riyan, ha?! Akala mo ba hindi ko alam na pasimple mo akong tinitingan? At saka, bakit hindi ka ngumiti, ‘yon bang mapupunit na ‘yang bibig mo para naman ma-satisfy ka sa saya?! Huwag mong pigilan, sige lang! gusto mo humalakhak ka na rin, punuin mo ng boses at hininga mo itong sasakyan, ano?!” nanlalaki ang mga matang wika nito sa kanya.Grabe na talaga. Pati iyon ay nakita pa nito? Mala-l