Home / Romance / The Missing Piece / Chapter One hundred-sixty-two

Share

Chapter One hundred-sixty-two

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-03-11 17:23:32

HABANG binabaybay ni Jacob ang daan patungo sa kanyang restaurant ay isang hindi kilalang numero ang rumehistro sa kanyang tumutunog na cellphone. Agad niya itong dinampot at sinagot.

“Hello? Sino ‘to?”

“Hello, Mr. Perkins! Pwede ba tayong magkita ngayon? May importante lang akong sasabihin sa 'yo, at kailangan ay personal. Sana ‘y mapagbigyan mo ako,” boses ni Raymond sa kabilang linya.

“Actually, I’m on my way sa restaurant, doon na lang tayo magkita,” sagot niya rito.

“Sige Mr. Perkins, thank you!”

Agad na niyang ibinaba ang cellphone pagkatapos na putulin nito ang tawag. Nagtataka siya kung ano pa ba ang kailangan nito sa kanya. Hindi na niya ito pinagtuunan pa masyado ng pansin. Malalaman din naman niya ito mamaya.

Nagtaka pa siya nang maabutan niyang naroroon na si Raymond. Bumaba ito ng sasakyan nang makitang pumarada na ang kanyang sasakyan.

“Naunahan mo pa ‘ko, ha? Sobrang importante ba ng sasabihin mo?”

“Yes, Mr. Perkins!”

Niyaya niya itong sa opisina na lang niya sila magus
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-three

    MASAYANG-MASAYA si Vanessa sa balita na sinabi sa kanya ni Ethan. Kahit na alam niyang darating din ang araw na makukulong siya, ay sapat na ang pagpayag ni Jacob sa suhestiyon niya kay Ethan na bigyan siya ng isang buwan para makasama ang anak.Kahit malaki ang pagkakasala niya rito ay nagawa pa rin siyang pagbigyan. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon na pwede pa siyang magbago. Handa na siyang harapin ang bagong buhay na naghihintay sa kanya sa kulungan. At hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya dahil alam niyang mabigat na kaparusahan ang katumbas nang ginawa niyang kasalanan sa batas.Habang iniisip niya ang mga bagay na iyon ay may ngiti siya sa labi habang nakatanaw sa hardin sa harap ng bahay ni Ethan. Maya-maya ay bigla na lang itong nagsalita sa likuran niya.“Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala! Mukhang malalim ang iniisip mo, ah!” nakangiting bati nito sa kanya sabay upo sa tabi niya.“Sino ba ang hindi lalalim ang isip sa sobrang daming ganap sa buh

    Last Updated : 2025-03-12
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-four

    ISANG LINGGO na ang nakalilipas mula nang umalis si Jacob sa isla. Gusto na niyang bumalik para masilayan man lang si Michaela, pero kapag naiisip niyang labis siya nitong kinamumuhian ay bigla siyang umaatras. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang cellphone.Tiningnan niya kung sino ang tumatawag, ang private investigator na inatasan niyang mag-imbestiga sa masasama at tiwaling gawain ni congressman Lagdameo. Desidido na siyang banggain ito at ipakulong.Kinakailangan lang niya ng maraming ebidensiya para mangyari ang kanyang gusto. At ngayon na siguro ang pinakahihintay niyang araw. Pinindot niya ang answer button at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello? Any update?”“Yes, Sir! At siguradong hindi na siya makakalabas pa ng kulungan sa mga ebidensiyang nakalap ko. Kailan niyo ba balak kunin sa ‘kin ang mga ito?” tukoy nito sa mga ebidensiyang hawak.“Ngayon din. Hindi na ‘ko makapaghintay na masampahan siya ng kaso,” nakangising sagot niya sa kausap na para bang

    Last Updated : 2025-03-13
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-five

    GABI. Malungkot na nakatanaw si Michaela sa dagat habang nakatayo sa may terrace. Iniisip niya kung kailan ba babalik si Jacob. Miss na miss na niya ito. Hindi na siya makapaghintay na muli itong makita.Maya-maya ay naramdaman niya ang presensiya ni nanay Minerva. Tumabi ito sa kanya at tumanaw din sa payapang dagat.“Nami-miss mo siya, ‘no? Babalik din iyon, huwag kang mag-alala. Baka marami lang inaasikaso kaya hindi agad nakabalik,” panimula nito sa usapan.“Hindi ko naman po ide-deny na sobra ko na siyang na mi-miss. Tama po kayo. At saka, alam ko naman po na kapag nasa trabaho iyon, talagang doon naka-focus ang kanyang atensyon. Wala akong ibang gustong mangyari sa ngayon, kundi ang umuwi na siya at ng makita at mayakap ko na siya,” sambit niya sa malungkot na tinig.“Mangyayari rin iyan, maghintay ka lang. Malay mo bukas o makalawa ay nandito na siya. ibaling mo muna sa ibang bagay ang atensyon mo para hindi ka mainip sa paghihintay sa kanya.”“Eh paano naman po, saan?”“Naku,

    Last Updated : 2025-03-13
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-six

    “HINDI ba dapat ako ang nagtatanong sa ‘yo ng ganyan?” tanong niya kay Claire sa mababang tono. Gusto niyang malaman ang dahilan nito kaya ayaw niyang masindak ito sa kanya.Nakita niya ang pagdaan ng takot sa buong sistema nito. Bahagya rin itong nanginig at hindi na mapakali sa pagkakaupo. Hindi siguro nito inaasahan ang itatanong niya, kaya hindi nito iyon napaghandaan. Hindi na muna niya sinegundahan ang tanong, bagkus ay hinintay niya muna itong sumagot.“Si-Sir…paano…pero…” kandautal na sambit nito na hindi matapos-tapos ang nais na isatinig.Tuluyan na niyang inalis ang atensyon sa pagpipirma ng mga papeles para harapin ito.“Bakit wala kang sinabi sa ‘kin? Alam mo kung gaano ako nag-alala sa kanya, nakita mo naman, ‘di ba? Halos hindi na ‘ko makatulog nang maayos at makakain nang maayos sa kaiisip sa kanya kung nasaan ba siya, kung kumakain pa ba siya, kung nasa mabuti ba siyang lugar at kalagayan. Saksi ka, alam ko iyon. Ngayon, gusto kong marinig ang paliwanag mo tungkol doo

    Last Updated : 2025-03-14
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-seven

    “ANG MGA walang hiyang ‘yon! Ang sasama talaga ng mga budhi nila! Ano pa bang ikina-iinggit nila sa kaibigan ko, eh wala namang kayamanan iyon! Hindi na sila nakuntento sa kung anong mayroon sila!” malakas na sambit nito na akala mo ‘y nasa harapan lang nito ang dalawang babaeng kinamumuhian.“Relax ka lang. Dahil nakuha na nila ang kabayaran sa mga ginawa nila,” pagpapakalma niya rito.“Bakit po, ano ang ibig ninyong sabihin?” kunot-noo nitong tanong. Pero mababakas pa rin ang galit sa mukha nito.“Sad to say, naaksidente si Geneva dahil sa pagtatangkang tumakas sa mga pulis na humahabol sa kanya. Kaya ayon, nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. Pinuntahan ko ang kinaroroonan niyang ospital, pero hindi ako nagpakita sa kanya. Putol ang dalawang paa nito, at bali ang isang braso. May na-dislocate rin na mga buto sa kanyang mukha. Kaya para na siyang mawawala sa katinuan niya dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kanya,” mahabang litanya niya.Napasinghap ito sa gulat

    Last Updated : 2025-03-14
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-eight

    ABALA si Michaela sa paghahanda ng mga kakailanganing pansahog sa lulutuin niyang adobong baboy at sinigang. Napagkasunduan nila ni nanay Minerva na siya ngayon ang gagawa sa kusina at ito naman ang maglilinis sa buong kabahayan.Muntikan na niyang mabitiwan ang hawak na sandok nang biglang may sumigaw sa gawing likuran niya. “Micaaaaah!!!” Nagulat siya nang mapagsino ito, si Claire, ang kanyang kaibigan.Mabilis niyang binitiwan ang sandok na hawak at patakbo niya itong sinugod ng yakap sa may pintuan.“Claire! Anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong niya sa kaibigan. Hindi talaga siya makapaniwala na nandito ito ngayon sa harapan niya.“Naku, mahabang paliwanag! Pwede ba munang magpahinga kahit saglit? Promise, mamaya sasabihin ko rin sa ‘yo ang dahilan,” nagtaas pa ito ng kanang palad.“O siya, maupo ka muna rito,” sabay hila niya nang upuan sa ilalim ng lamesa. “Panoorin mo na lang muna ako habang nagluluto, mabilis lang ito. Maya-maya lang kakain na tayo,” sambit niya sa kaibig

    Last Updated : 2025-03-15
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-nine

    “SI GENEVA, naaksidente siya habang tumatakas sa mga pulis. Nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. At…sabi ni sir Jacob, putol daw ang dalawang paa nito at bali ang isang braso. Marami rin daw na na-dislocate na buto sa mukha nito. Kaya sa pagkakaalam ko, hindi na niya itutuloy ang pagpapakulong kay Geneva. Dahil ang nangyari raw sa kanya ay kalabisan ng bayad sa mga ginawang kasalanan niya sa ‘yo.”Biglang bumagal ang kanyang pagnguya sa sinabi nito. Iba talaga magsingil ang karma, sobra-sobra pa.“At si Vanessa naman, nagbabago na raw. Humihingi pa nga ng isang buwang palugit para makasama ang anak bago siya makulong. Ang bilis lang ng panahon, ‘no? Dati, sila ang nasa taas, ngayon sila naman ang nasa ibaba.”“Ganoon talaga ang buhay, masama man siguro ang magsalita ng deserve naman nila iyon, pero panahon na mismo ang gumawa ng paraan para mamulat sila sa katotohanang mali na ang kanilang ginagawa. Malungkot man ako sa nangyari sa kanila, ay wala na ‘kong magagawa. Iyon

    Last Updated : 2025-03-15
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-seventy

    DAHIL sa dami ng kanyang iniisip ay hindi maiwasan ni Jacob ang minsang bahagyang pagkatulala kasabay ng pagpapakawala ng sunud-sunod na malalalim na buntung-hininga.Marami siyang inaasikaso sa kompanya at sa kanyang private resorts at mga restaurant, sabayan pa ng palagian niyang pagpunta sa police station para mag-update sa ipina-file niyang kaso para kay congressman at sa pamilya ng tiyahin ng dalaga kasama na si Vanessa.Lahat ng iyon ay kaya naman niyang iutos sa mga tauhan, kahit na hindi na siya ang personal na pumunta. Iyon nga lang, mas gusto niyang siya na lang ang magasikaso dahil ayaw niyang mabakante ang kanyang isipan. Gusto niyang palaging may pinagkakaabalahan para hindi niya masyadong maisip ang sitwasyon nila ngayon ng dalaga.Sa katunayan, nangangati na siyang puntahan ito, pero pinipigilan niya ang sarili dahil ayaw nga siyang makita ng dalaga. Magagalit at magagalit lang ito sa kanya kapag nakita na naman siya nito. Sana nga ay makatulong ang ideya niya na papunt

    Last Updated : 2025-03-16

Latest chapter

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-One

    “HI-HIJO, totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ginoo.Tumango-tango naman siya bilang pagtugon.“Gido, may asawa na pala ang anak natin! Magkakaapo na pala tayo!” sambit ng ginang na hindi mapigilan ang maiyak and at the same time, ay nakangiti.“Hindi po niya alam na hinahanap ko po ang tunay niyang mga magulang. Surprise ko po kasi sa kanya. Pero natatakot po ako dahil baka mabugbog ako pag-uwi. Kasi, nagpapabili ‘yon sa ‘kin ng pinya pasalubong sa kanya, pero mukhang hindi ako makakahabol dahil gagabihin kami sa daan,” paliwanag niya.“Ay, gano’n ba katapang ang anak namin? Eh, kawawa ka naman pala kung ganoon!” malakas na sambit ng ginoo.“Ngayon po na natagpuan ko na kayo, baka pwede po kayong sumama sa ‘kin paluwas. Para naman po may mairarason ako kapag pinagpaliwanag ako ni Michaela. At para na rin po may kakampi ako sakali man na bugbugin niya ako,” birong-totoo niya. Hindi kasi talaga biro ang ugali ngayon ng girlfriend niya. Ngayon t

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred

    MAGKATABING umupo ang mag-asawa sa harapan nila ng kanyang driver.“Ano nga ulit ‘yong sadya ninyo, mga hijo?” tanong ng ginoo.Inilabas naman niya mula sa dala niyang brown envelope ang isang larawan at iniabot iyon sa dalawa.“Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung kilala niyo po ba ang mag-asawang iyan?” tukoy niya sa larawan ng tiyuhin at tiyahin ni Michaela na sina Ronaldo at Mildred.Ngunit hindi matatawarang takot ang rumehistro sa mukha ng mag-asawa, lalong-lalo na sa ginang na siya niyang ipinagtaka nung makita nito kung sino ang nasa larawan.“May problema po ba?”“Mga pulis ba kayo hijo na nagpapanggap na mayamang bisita? Pakiusap, huwag niyo naman sana kaming dakpin! Nangako sa ‘min si Mildred na hindi na niya kami ipapakulong kapalit na kabayaran ang anak ko! Pero bakit hindi siya tumupad sa usapan, Gido?” umiiyak na wika ng ginang kasabay ng pagbaling sa katabing asawa.“Hindi po kami mga pulis, nanay. Para po mapalagay na ang inyong kalooban. Ang gusto ko lang pon

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-nine

    PAGBALIK ng lalaki ay kasunod na nito ang babaeng sa tingin niya ay mas bata ng ilang taon dito. Bigla na lang sinalakay ng matinding kaba ang kanyang dibdib nang masilayan niya ng malapitan ang babae. Kahit may edad na ito ay kitang-kita ang pagkakahawig nito sa kanyang girlfriend at mahal na mahal na si Michaela.Marami siyang inutusan para magsaliksik at mag-imbestiga patungkol sa mga tunay na magulang ng dalaga. At dahil sa kanyang pera at koneksyon, ay napabilis ang pagkakaroon ng resulta. Kaya heto siya sa harap ng mga taong itinuturo ng imbestigasyon na posibleng totoong mga magulang ng dalaga.“Mano po, nanay. Mano po, tatay,” magkasunod niyang inabot ang tig-isang kamay ng mga ito para magmano at pinagbigyan naman siya.“Kaawaan ka ng Diyos, anak! Aba’y napakagalang at napakabait mo namang bata!” masayang sambit ng ginang.“Papasukin mo na muna sila, Meling. At nang makapagkape man lang sila,” wika rito ng ginoo.Tatanggi na sana siya dahil mukhang gagabihin sila kapag nagta

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-eight

    SIGURADO ka na ba riyan sa desisyon mo? Tingin mo ba, hindi ka magsisisi?” tanong niya sa dalaga matapos nitong sabihin ang gusto nitong mangyari na pagbigyan si Vanessa na pansamantalang makalaya alang-alang sa ipinagbubuntis nito.“Oo, Jacob. Gusto ko siyang makalaya pansamantala hindi para sa kanya, kundi para sa anak niya. Alam ko naman na maiintindihan mo ako sa part na ‘yon dahil buntis din ako. Para sa ‘kin, anak ko lang ang pinakaimportante sa ngayon, at alam kong ganoon din si Vanessa. Pero syempre, pagkatapos niyang manganak, papalipasin lang natin ang tatlong buwan, at saka natin siya ulit papabalikin sa kulungan.”“Sige, ikaw ang masusunod. How about you’re tito and tita?”“Wala akong pakialam sa kanila, masyado silang masasama! Ang iitim ng mga budhi nila! Akala ko pa naman ay magpapakumbaba na sila dahil nakakulong na sila, pero mas lalo pa silang tumatapang at sumasama na parang kasalanan ko pa kaya sila nakulong. Pinagbabantaan rin nila ako, may record ako kaya gusto ko

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-seven

    PINAGMAMASDAN ni Michaela si Vanessa hindi kalayuan sa selda nito. Kita niya sa mukha nito ang nararamdamang hirap. May katabi itong maliit na palanggana at doon ito sumusuka. Totoo nga pala talagang buntis ito.Napakapit siyang bigla sa kanyang tiyan. Kung siya kaya ang nasa kalagayan ni Vanessa, makakaya niya kaya ang sitwasyon nito? Lahat naman ng ina ay gustong ingatan ang kanilang mga anak.Hindi niya inaalis ang paningin kay Vanessa habang dahan-dahan siyang lumalapit. Sinuswerte pa rin ito dahil mukhang may mabait itong kasamahan, iyon ang humahaplos sa likod nito kapag nagsusuka at nagpupunas ng butil-butil na pawis na lumalabas sa kabuuan ng mukha nito.Mga ilang minuto rin ang itinagal niya sa pagtayo sa labas ng selda nang sa wakas, ay nagawi ang paningin nito sa kanya. Wala na ang bakas ng kasamaan at katarayan sa mukha nito. Kitang-kita niya ang namumutlang mga labi nito at ang malamlam na mga mata na para bang pagod na pagod at kulang na kulang sa tulog at pahinga.Agad

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-six

    KINAGABIHAN ay nakiusap siya kay Michaela kung pwede ba silang magkasama mamaya sa pagtulog dahil sa kagustuhuhan niyang magkatabi sila. Mabuti na lang at nasa good mood ito kaya hindi siya nahirapang kumbinsihin ito."Sweetheart, bukas pala ay pupunta ako ng presinto para mag-follow up sa inihain kong kaso. Baka may gusto kang ipabili sa ‘kin,” malumanay na wika niya habang nakayakap siya sa likod nito. Nakatagilid kasi sila sa paghiga.“Gusto kong sumama, Jacob.”“Sumama? Saan, sa presinto mismo?” gulat na tanong niya.“Oo, bakit, bawal ba ako roon?”“Hindi naman. Kaso, baka mapagod ka lang at saka, maraming tao roon, baka kung ano pang bacteria ang masagap mo ‘t magkasakit ka pa. Dumito ka na lang at magpahinga.”“Gusto kong sumama, gusto kong makita sina tiyo at tiya na nakakulong. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon nila kapag dinalaw ko sila. Gusto ko ring makita si Vanessa, baka kasi hanggang doon ay naghahasik siya ng kasamaan. Baka pati mga kasamahan niya sa kulu

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-five

    PAGOD NA PAGOD at humihingal si Jacob habang nagpapahinga sa kanyang sariling silid. Hindi na muna siya nagtangkang puntahan si Michaela sa inookopang silid nito dahil baka bugahan lamang siya nito ng apoy.Paanong hindi siya mapapagod, eh agaran siyang pinatakbo ni nanay Minerva sa pinakamalapit na botikang alam niya para bilhin ang mga vitamins na reseta ng doctor kay Michaela. Hindi man lang kasi nito iyon nabanggit sa kanya kanina sa loob ng sasakyan dahil abala sila sa pagbabangayan.At isa pa, kahit saang lupalop siya ng mall nakarating para lang mahanap ang gusto nitong kainin. Kahit ang public market na first time lang niyang mapuntahan ay hindi rin niya pinalagpas. Hindi niya alam kung pinagtitripan lang siya nito o iyon talaga ang gusto nitong kainin. Paano ba naman, hinahanapan siya nito ng manggang kalahating hinog at kalahating hilaw, pero dapat iyong hindi mahaba.Gusto sana niyang isama si Claire o si nanay Minerva o kahit man lang isa sa mga katulong para mapadali ang

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-four

    NAGULAT na lang si Claire nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nila ni Michaela. Pumasok pala ito ngunit napansin agad niya na umiiyak ito. Agad itong dumapa sa kama at doon ay malakas na umiyak, ni hindi man lang napansin ang kanyang presenisya.Napailing-iling na lang siya. Nakakatakot pala magbuntis, kung totoo mang buntis nga ito, nakakabago ng ugali. Itinigil niya ang ginagawang pagbabasa ng libro at nilapitan ito, susubukan niya itong kausapin. Kanina ay okay pa naman ang kaibigan niya bago umalis papuntang ospital, masaya pa nga itong nagpaalam sa kanya at ipinaalalang muli na huwag ipagsasabi ang sikreto nila na alam na nito ang tungkol sa sariling pagbubuntis. Tapos ngayon naman ay umuwi naman itong umiiyak.Umupo siya sa gilid nito at nagsimulang magsalita. “Be, kumusta pala ang checkup mo? Ano ba ang resulta?” malumanay na tanong niya rito para hindi na madagdagan pa ang kung anomang ikinasasama ng loob nito.Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na envelop habang nak

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-three

    HABANG nagmamaneho si Jacob ng sasakyan ay hindi man lang siya iniimikan ng dalaga. Nakabusangot ito at nagkakandahaba na rin ang nguso. Hindi naman niya ito direktang tinitingnan kundi sa sulok lang ng kanyang mga mata dahil baka bigla na namang makatikim ng palad ang kanyang pisngi. Hindi tuloy niya malaman kung totoo ngang buntis ito dahil ayaw naman sa kanyang ibigay at ipakita ang resulta ng checkup.Gusto niyang matawa sa nakikitang reaksyon sa mukha nito pero natatakot siyang ngumiti dahil baka masamain na naman nito. Ngunit nagulat siya nang bigla itong magsalita.“Anong tinitingin-tingin mo riyan, ha?! Akala mo ba hindi ko alam na pasimple mo akong tinitingan? At saka, bakit hindi ka ngumiti, ‘yon bang mapupunit na ‘yang bibig mo para naman ma-satisfy ka sa saya?! Huwag mong pigilan, sige lang! gusto mo humalakhak ka na rin, punuin mo ng boses at hininga mo itong sasakyan, ano?!” nanlalaki ang mga matang wika nito sa kanya.Grabe na talaga. Pati iyon ay nakita pa nito? Mala-l

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status