Home / Romance / The Missing Piece / Chapter One hundred-two

Share

Chapter One hundred-two

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-01-30 05:33:05

NAGULAT siya sa ginawa ng binata. Halos hindi siya makakilos at hindi agad nakapagsalita dahil sa pagkabigla.

Nang tingnan niya ito ay ang naglalagablab na mga mata nito ang sumalubong sa kanya. Nahintakutan siya nag lumapit ito sa kanya at hinawakan siya ng mahigpit sa magkabilaang balikat.

“How dare you para sabihin sa anak ko iyan! Wala kang karapatan na sabihin ang mga ganoong bagay lalong-lalo na sa anak ko dahil walang importante ngayon sa ‘kin kundi siya! Walang iba kundi ang anak ko!” Sigaw nito sa kanya.

Halos mapangiwi siya dahil mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa mga balikat niya. Hindi niya alam kung paano tatanggalin ang malabakal na mga kamay nito. Natataranta na rin siya dahil parang ibang Jacob ang nasa harapan niya ngayon.

“Ja-Jacob, nasasaktan ako!” Sigaw niya rito at pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak nito.

“Talagang masasaktan ka kapag hindi ka tumigil sa kakasabi ng mga masasamang salita laban sa anak ko! matatanggap ko pa kung si Vanessa ang si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-three

    “Be, A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba ‘ng masama sa ‘yo? Inaway ka na naman ban ang dalawang babaita?” Sunod-sunod na tanong ni Claire sa kanya.Hindi niya magawang sagutin ito dahil natatalo siya ng kanyang sunod-sunod na paghikbi.“Be, sagutin mo naman ako. Ano ba ‘ng nangyayari sa ‘yo?” Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang umiiyak na rin ito.Sa wakas ay nagawa niyang kumalas sa pagkakayakap dito para sagutin ito. Parang ayaw pa kasi niyang umalis sa balikat nito dahil pakiramdam niya ‘y doon gagaan ang kanyang pakiramdam.“Be, pwe-pwede ba tayong mag-usap?” Tanong niya rito sa pagitan ng paghikbi.“Oo naman!” Mabilis na sagot nito.“Doon tayo mag-usap sa kwarto ko,” paanyaya niya rito.Sumunod ito sa kanya nang magpatiuna siyang maglakad papasok sa kanyang silid. Nagulat pa ito nang makita nitong naka-impake na ang lahat ng mga gamit niya.“Be, naguguluhan na talaga ako sa ‘yo. Ano ba talaga ang nangyayri? At saka, bakit naka-impake lahat ng mga gamit mo

    Last Updated : 2025-01-30
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-four

    “Oh, eh bakit naman daw nag-send sa ‘yo ng picture nung dalawa si Geneva? At paano namana nakuha noon ang number mo?”“I guess para pagselosin ako. Ang alam ko maraming paraan si Geneva para makuha ang gusto.”“Picture saan ba ‘yon?”“Ewan ko.” kibit-balikat niyang tugon. “Basta kahapon lang iyon nangyari, at tingin ko, nasa hotel silang dalawa noon base sa nakita kong background nung silid na kinaroroonan nila.”“Hay naku talaga. So, nagkikita pa rin pala sila ng palihim. Wala rin pala itong si Sir Jacob. Salawahan din pala siya tapos kapag tinatanong mo tungkol doon ay siya pa ang galit, pambihira!”“Eh ano pa ng aba?”So, since wala ang cellphone mo, ikwento mo na lang sa ‘kin kung ano ang pinag-usapan ng dalawang babaita.”“Walang balak si Vanessa na ipaalam kay Jacob na hindi tunay na anak nito si Venisse. Ibang lalaki ang nakabuntis sa kanya. Takot siyang malaman ni Jacob ang katotohanan dahil obsessed siya kay Jacob. At sa tingin ko, hindi abot nang standard ni Vanessa ang trab

    Last Updated : 2025-01-30
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-five

    “Okay na, ‘di ba? Wala nang makakakilala sa ‘yo niyan.”“Oo nga, Be. Maraming salamat, ah?”“Basta ikaw, walang problema,” nakangiting tugon nito sa kanya.“Siya nga pala,” kinuha niya ang maliit na kahon na pinaglagyan niya ng mga gamit na isasauli niya kay Jacob. “Pakibigay na lang ito kay Jacob, at pakisabi na rin na salamat sa lahat.”Kinuha nito mula sa kanyang kamay ang kahon at pagkatapos ay nagsalita.“Sige, sasabihin ko. And wait, iyang mga bag mo, huwag mo nang dalhin iyan. Baka iyan pa ang magbuking sa ‘yo. May bag ako roon na hindi pa nagagamit, iyon na lang ang gamitin mo. Iwanan mo na lang iyan sa ‘kin na bag mo at kung sakaling makauwi ako ngayong taon sa bahay ay dadalhin ko na lang.”“Sige,” pagsang-ayon niya rito.Lahat ng mga gamit niyang naisilid na niya sa kanyang bag ay inilipat niya sa bag na ibinigay nito sa kanya. Pagkatapos ay nagpaalam na siya rito.“Paano, Be. Aalis na ‘ko, ha? Umuwi ka ha? Para makapag-bonding tayo roon?”“Oo, Be. Sisikapin kong maka-uwi.

    Last Updated : 2025-01-31
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-six

    NAKAPAGDESISYON na si Jacob at ang una niyang naisip ang kanyang ginawa. Walang tulog at walang ligo siyang pumunta sa hotel na tinutuluyan ni Vanessa para makibalita kung tumawag na ba ulit ang mga kidnappers.Wala na siyang pakialam sa hitsura niya. Mas mabuti na nga iyon para mandiri sa kanya si Vanessa nang sa ganon, ay ito na ang kusang lumayo sa kanya.Saka na lang niya aayusin ang problema nilang dalawa ni Michaela kapag naayos na ang lahat ng problema sa kanyang anak.Sunud-sunod na malalakas na katok ang ginawa sa pintuan ng unit na kinaroroonan ni Vanessa. Pagbukas nito ng pinto ay nagulat pa ito dahil sa hitsura niya.“Ja-Jacob?! What happen to you? Bakit ganyan ang hitsura mo?” Pinasadahan pa siya nito mula ulo hanggang paa.Tiningnan niya lang ito ng masama at nagsalita.“Papapasukin mo ba ako o hindi? Kasi kung magdadadaldal ka lang diyan at hahayaan mo lang ako ritong tumayo sa labas, mas mabuti pang sa iba na lang ako tumuloy.” Galit na sambit niya rito.“Sige, pasok k

    Last Updated : 2025-02-02
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-seven

    NAGISING si Michaela dahil sa ginawang pagyugyog sa kanyang braso ng konduktor ng bus. Dinahan-dahan pa niya ang pagmulat ng mga mata dahil nasisilaw siya sa liwanag na nanggagaling sa ilaw ng bus.“Ineng, nandito na tayo sa pinakahuling terminal. Ginising na kita dahil mukhang malalim ang tulog mo. Maya-maya lang kasi ay lalarga na naman ulit kami.” Sambit sa kanya ng konduktor.“Ga-ganon po ba? Naku, pasensya na po kayo,” paghingi niya ng paumanhin dito sabay tayo at agad na isinukbit sa likod ang malaking back pack bag.“Kung hindi sana kami aalis kaagad ay di sana hindi muna kita ginising at hinayaan lang na matulog.”“Maraming salamat na lang po, manong.”“Walang anuman, ineng. Mag-iingat ka na lang kung saan man ang punta mo.”“Opo, manong. Salamat po ulit.”Tumayo na siya at tuluyang bumaba ng bus. Luminga-linga muna siya sa paligid na parang kinakabisa niya ang lugar. Madilim na at tanging mga ilaw sa daungan at mga bahay sa malapit ang nagbibigay liwanag. Tama nga ang kaibiga

    Last Updated : 2025-02-03
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eight

    HALOS tatlong oras din ang naging byahe nila sa ferry boat. Pagbaba nila ay sumakay pa sila ng tricycle na halos trenta minutos din ang itinagal.Sa wakas ay nakarating na rin sila sa bahay nito. Halos lantang gulay na siya at nagdidilim na rin ang kanyang paningin dahil sa nararamdamang gutom.Pagpasok nila sa gate na yari sa kawayan ay napalundag siya at napasigaw dahil sa biglaang pagkahol ng isang aso. Tumatakbo ito papunta sa kanilang direksyon kaya naalarma siya.Ang kaninang gutom at panghihinang nararamdaman niya ay parang bulang biglang nawala dahil sa takot na nararamdaman niya sa aso.“Patra! Na-miss mo agad ako? Tama na sa pagkahol, natatakot tuloy sa ‘yo itong magandang kasama ko.” Pagka-usap nito sa aso na parang tao lang. Hinawakan nito sa ulo ang aso at bahagyang hinimas ang ulo.Dahil sa ginawa nito ay lumambot ang awra ng aso at iginalaw-galaw pa nito ang buntot.“Pasensiya ka na kung natakot ka sa aso namin. Mabait naman itong si Patra. Sadyang tumatahol lang talaga

    Last Updated : 2025-02-04
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-nine

    PAGPASOK nila sa kusina ay muling nagrigodon ang mga bulati niya sa tiyan. Gutom na gutom na talaga siya lalo na nang makita ang mga pagkaing nakahain sa lamesa."O siya, maiwan ko na muna kayo riyan, ha? Ikaw na ang bahala sa kaibigan ng kapatid mo, Carlo. At kami ng tatay mo ay matutulog na. Bukas na lang tayo mag usap-usap. At ikaw naman hija, huwag kang mahihiya sa ‘min, ha? Ituring mo nang ring bahay mo ito itong bahay namin,” sabi sa kanya ni nanay Myrna.“Opo, nanay Myrna.”Pagkatapos ay tumalikod na rin ito. Ipinaghila naman siya ng upuan ni Carlo, at pagka-upo niya ‘y umupo naman ito sa harap niya sa kabila.“Sige, kain ka lang. Ito, adobong native na manok ito. At ito naman, inihaw na tilapia. At ito naman, gulay na gabi na sinahugan ng tinapa na may halong sili kaya maanghang iyan,” pagpapakilala nito sa kanya nang mga ulam na nakahain.Tanging pagtango lang ang nagagawa niyang isagot dito dahil punung-puno ang bibig niya. Halos mabilaukan siya sa sunud-sunod na pagsubo ng

    Last Updated : 2025-02-04
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ten

    KINABUKASAN ay nagising si Michaela sa iba ‘t ibang klase ng tunog. Huni ng mga iba ‘t ibang klase ng ibon, pagputak ng mga manok, at kung anu-ano pa.Bumangon siya at inayos ang hinigaang kutson bago siya tuluyang lumabas ng silid. Nadatnan niya sa sala si nanay Myrna na nagwawalis sa sahig habang si tatay Diego naman ay nakupo at nagkakape.“Magandang umaga po, nanay Myrna at tatay Diego,” sambit niya sa dalawang matanda.Pareho namang tumingin ang mga ito sa direksiyon niya.“Magandang umaga rin sa ‘yo, ineng,” ganting bat isa kanya ni tatay Diego.“Gising ka na pala, hija. Bakit hindi ka ulit matulog? Maaga pa, ah? At saka, ganito talaga sa kami sa probinsiya, maagang gumigising,” sambit naman ni nanay Myrna.“Sanay din naman po akong gumising ng maaga dahil nagtatrabaho po ako,” sagot niya rito.“Ay, oo nga pala,” sambit nito at saka tumawa. “Maupo ka muna tiyan at ipagtitimpla kita ng…ano ba gusto mo, gatas o kape?”“Kahit ano na lang po sa dalawa. Pareho ko naman pong gusto iya

    Last Updated : 2025-02-04

Latest chapter

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred

    MAGKATABING umupo ang mag-asawa sa harapan nila ng kanyang driver.“Ano nga ulit ‘yong sadya ninyo, mga hijo?” tanong ng ginoo.Inilabas naman niya mula sa dala niyang brown envelope ang isang larawan at iniabot iyon sa dalawa.“Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung kilala niyo po ba ang mag-asawang iyan?” tukoy niya sa larawan ng tiyuhin at tiyahin ni Michaela na sina Ronaldo at Mildred.Ngunit hindi matatawarang takot ang rumehistro sa mukha ng mag-asawa, lalong-lalo na sa ginang na siya niyang ipinagtaka nung makita nito kung sino ang nasa larawan.“May problema po ba?”“Mga pulis ba kayo hijo na nagpapanggap na mayamang bisita? Pakiusap, huwag niyo naman sana kaming dakpin! Nangako sa ‘min si Mildred na hindi na niya kami ipapakulong kapalit na kabayaran ang anak ko! Pero bakit hindi siya tumupad sa usapan, Gido?” umiiyak na wika ng ginang kasabay ng pagbaling sa katabing asawa.“Hindi po kami mga pulis, nanay. Para po mapalagay na ang inyong kalooban. Ang gusto ko lang pon

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-nine

    PAGBALIK ng lalaki ay kasunod na nito ang babaeng sa tingin niya ay mas bata ng ilang taon dito. Bigla na lang sinalakay ng matinding kaba ang kanyang dibdib nang masilayan niya ng malapitan ang babae. Kahit may edad na ito ay kitang-kita ang pagkakahawig nito sa kanyang girlfriend at mahal na mahal na si Michaela.Marami siyang inutusan para magsaliksik at mag-imbestiga patungkol sa mga tunay na magulang ng dalaga. At dahil sa kanyang pera at koneksyon, ay napabilis ang pagkakaroon ng resulta. Kaya heto siya sa harap ng mga taong itinuturo ng imbestigasyon na posibleng totoong mga magulang ng dalaga.“Mano po, nanay. Mano po, tatay,” magkasunod niyang inabot ang tig-isang kamay ng mga ito para magmano at pinagbigyan naman siya.“Kaawaan ka ng Diyos, anak! Aba’y napakagalang at napakabait mo namang bata!” masayang sambit ng ginang.“Papasukin mo na muna sila, Meling. At nang makapagkape man lang sila,” wika rito ng ginoo.Tatanggi na sana siya dahil mukhang gagabihin sila kapag nagta

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-eight

    SIGURADO ka na ba riyan sa desisyon mo? Tingin mo ba, hindi ka magsisisi?” tanong niya sa dalaga matapos nitong sabihin ang gusto nitong mangyari na pagbigyan si Vanessa na pansamantalang makalaya alang-alang sa ipinagbubuntis nito.“Oo, Jacob. Gusto ko siyang makalaya pansamantala hindi para sa kanya, kundi para sa anak niya. Alam ko naman na maiintindihan mo ako sa part na ‘yon dahil buntis din ako. Para sa ‘kin, anak ko lang ang pinakaimportante sa ngayon, at alam kong ganoon din si Vanessa. Pero syempre, pagkatapos niyang manganak, papalipasin lang natin ang tatlong buwan, at saka natin siya ulit papabalikin sa kulungan.”“Sige, ikaw ang masusunod. How about you’re tito and tita?”“Wala akong pakialam sa kanila, masyado silang masasama! Ang iitim ng mga budhi nila! Akala ko pa naman ay magpapakumbaba na sila dahil nakakulong na sila, pero mas lalo pa silang tumatapang at sumasama na parang kasalanan ko pa kaya sila nakulong. Pinagbabantaan rin nila ako, may record ako kaya gusto ko

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-seven

    PINAGMAMASDAN ni Michaela si Vanessa hindi kalayuan sa selda nito. Kita niya sa mukha nito ang nararamdamang hirap. May katabi itong maliit na palanggana at doon ito sumusuka. Totoo nga pala talagang buntis ito.Napakapit siyang bigla sa kanyang tiyan. Kung siya kaya ang nasa kalagayan ni Vanessa, makakaya niya kaya ang sitwasyon nito? Lahat naman ng ina ay gustong ingatan ang kanilang mga anak.Hindi niya inaalis ang paningin kay Vanessa habang dahan-dahan siyang lumalapit. Sinuswerte pa rin ito dahil mukhang may mabait itong kasamahan, iyon ang humahaplos sa likod nito kapag nagsusuka at nagpupunas ng butil-butil na pawis na lumalabas sa kabuuan ng mukha nito.Mga ilang minuto rin ang itinagal niya sa pagtayo sa labas ng selda nang sa wakas, ay nagawi ang paningin nito sa kanya. Wala na ang bakas ng kasamaan at katarayan sa mukha nito. Kitang-kita niya ang namumutlang mga labi nito at ang malamlam na mga mata na para bang pagod na pagod at kulang na kulang sa tulog at pahinga.Agad

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-six

    KINAGABIHAN ay nakiusap siya kay Michaela kung pwede ba silang magkasama mamaya sa pagtulog dahil sa kagustuhuhan niyang magkatabi sila. Mabuti na lang at nasa good mood ito kaya hindi siya nahirapang kumbinsihin ito."Sweetheart, bukas pala ay pupunta ako ng presinto para mag-follow up sa inihain kong kaso. Baka may gusto kang ipabili sa ‘kin,” malumanay na wika niya habang nakayakap siya sa likod nito. Nakatagilid kasi sila sa paghiga.“Gusto kong sumama, Jacob.”“Sumama? Saan, sa presinto mismo?” gulat na tanong niya.“Oo, bakit, bawal ba ako roon?”“Hindi naman. Kaso, baka mapagod ka lang at saka, maraming tao roon, baka kung ano pang bacteria ang masagap mo ‘t magkasakit ka pa. Dumito ka na lang at magpahinga.”“Gusto kong sumama, gusto kong makita sina tiyo at tiya na nakakulong. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon nila kapag dinalaw ko sila. Gusto ko ring makita si Vanessa, baka kasi hanggang doon ay naghahasik siya ng kasamaan. Baka pati mga kasamahan niya sa kulu

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-five

    PAGOD NA PAGOD at humihingal si Jacob habang nagpapahinga sa kanyang sariling silid. Hindi na muna siya nagtangkang puntahan si Michaela sa inookopang silid nito dahil baka bugahan lamang siya nito ng apoy.Paanong hindi siya mapapagod, eh agaran siyang pinatakbo ni nanay Minerva sa pinakamalapit na botikang alam niya para bilhin ang mga vitamins na reseta ng doctor kay Michaela. Hindi man lang kasi nito iyon nabanggit sa kanya kanina sa loob ng sasakyan dahil abala sila sa pagbabangayan.At isa pa, kahit saang lupalop siya ng mall nakarating para lang mahanap ang gusto nitong kainin. Kahit ang public market na first time lang niyang mapuntahan ay hindi rin niya pinalagpas. Hindi niya alam kung pinagtitripan lang siya nito o iyon talaga ang gusto nitong kainin. Paano ba naman, hinahanapan siya nito ng manggang kalahating hinog at kalahating hilaw, pero dapat iyong hindi mahaba.Gusto sana niyang isama si Claire o si nanay Minerva o kahit man lang isa sa mga katulong para mapadali ang

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-four

    NAGULAT na lang si Claire nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nila ni Michaela. Pumasok pala ito ngunit napansin agad niya na umiiyak ito. Agad itong dumapa sa kama at doon ay malakas na umiyak, ni hindi man lang napansin ang kanyang presenisya.Napailing-iling na lang siya. Nakakatakot pala magbuntis, kung totoo mang buntis nga ito, nakakabago ng ugali. Itinigil niya ang ginagawang pagbabasa ng libro at nilapitan ito, susubukan niya itong kausapin. Kanina ay okay pa naman ang kaibigan niya bago umalis papuntang ospital, masaya pa nga itong nagpaalam sa kanya at ipinaalalang muli na huwag ipagsasabi ang sikreto nila na alam na nito ang tungkol sa sariling pagbubuntis. Tapos ngayon naman ay umuwi naman itong umiiyak.Umupo siya sa gilid nito at nagsimulang magsalita. “Be, kumusta pala ang checkup mo? Ano ba ang resulta?” malumanay na tanong niya rito para hindi na madagdagan pa ang kung anomang ikinasasama ng loob nito.Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na envelop habang nak

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-three

    HABANG nagmamaneho si Jacob ng sasakyan ay hindi man lang siya iniimikan ng dalaga. Nakabusangot ito at nagkakandahaba na rin ang nguso. Hindi naman niya ito direktang tinitingnan kundi sa sulok lang ng kanyang mga mata dahil baka bigla na namang makatikim ng palad ang kanyang pisngi. Hindi tuloy niya malaman kung totoo ngang buntis ito dahil ayaw naman sa kanyang ibigay at ipakita ang resulta ng checkup.Gusto niyang matawa sa nakikitang reaksyon sa mukha nito pero natatakot siyang ngumiti dahil baka masamain na naman nito. Ngunit nagulat siya nang bigla itong magsalita.“Anong tinitingin-tingin mo riyan, ha?! Akala mo ba hindi ko alam na pasimple mo akong tinitingan? At saka, bakit hindi ka ngumiti, ‘yon bang mapupunit na ‘yang bibig mo para naman ma-satisfy ka sa saya?! Huwag mong pigilan, sige lang! gusto mo humalakhak ka na rin, punuin mo ng boses at hininga mo itong sasakyan, ano?!” nanlalaki ang mga matang wika nito sa kanya.Grabe na talaga. Pati iyon ay nakita pa nito? Mala-l

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-two

    “CONGRATULATIONS, Ms. Gomez! Isang buwan ka nang buntis!” masayang sambit ng babaeng doctor na siyang tumingin sa kanya.Kahit naman na alam na niyang posible ngang buntis siya ay sobra pa rin siyang natuwa. Hanggang ngayon ay tanging sila lang ng kaibigan niyang si Claire ang nakakaalam na alam na niyang posibleng buntis nga siya.Kanina nang sabihin sa kanya ni Jacob na kailangan niyang magpatingin sa doctor, ay tinanong niya ito kung bakit, sinusubukan niya kung magsasabi ba ito. Pero ang isinagot lang nito sa kanya ay dahil sa pagbabago ng kanyang ugali, baka raw may sakit na siya na siyang nakakaapekto rito.Kung sa ibang pagkakataon lamang na hindi pa niya nahuhulaan ang sariling kalagayan, ay baka todo tanggi pa siya at baka nga mauwi pa sa pag-aaway. Iyon nga lang, pagdating sa private hospital kung saan siya nito dinala para mapatingnan sa doctor, ay gusto nitong sumama sa loob ng silid kung saan siya susuriin.Gusto siguro nito na makita siyang nasusurpresa. Pero dahil nakais

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status