ALAS SIETE pa lang ng umaga ay naghihintay na si Michaela sa labas ng gate nang tinutuluyang staff house sa pagdating ng among binata. Madalas kasi, kahit wala pang alas siete ay naroon na ito sa labas at naghihintay sa kanya, kaya naman inagahan niya ngayon para makabawi sa nangyari sa no’ng nagdaang gabi.Alam niyang masama ang loob nito o di kaya’y badtrip iyon dahil sa mga pinagsasabi niya rito. Tumingin siya sa suot na relong pambisig, mag a-alas siete y media na ngunit wala pa rin ito. Dinamdam siguro nito masyado ang sinabi niya kaya ayaw na siyang isabay sa pagpasok.Wala siyang nagawa kundi ang sumakay ng tricycle, dahil kung maglalakad pa siya ay tiyak na mahuhuli siya sa pagpasok. Pagdating niya sa restaurant ay nagulat siya dahil nakita niya sa parking area ang sasakyan nito. Ibig sabihin ay nauna na ito at hindi na nga siya naisipang isabay.Pagpasok niya sa restaurant ay masamang tingin ang sumalubong sa kanya galing sa kanilang manager na si Ms. Glydel."Pinapatawag ka
HABANG nasa biyahe ay hindi mapigilang kausapin ni Jacob ang dalaga. Kanina niya pa napapansin na parang may malalim itong iniisip.“Ela, kanina ka pa tahimik diyan, okay ka lang ba?”“Okay lang ako, Jacob. May iniisip lang ako,” sagot nito na nasa labas ng bintana nakatingin.“Huwag ka ng magkaila, hindi makapag sisinungaling ang mga mata at reaksyon mo. Pwede mong i-share sa ‘kin, para ano pa ‘t naging magkaibigan tayo. Malay mo, baka may maitulong ako.”Ibinaling nito ang paningin sa direksyon niya at tiningnan siya nang tuwid sa mga mata.“Problema? Oo, tama ka. At marami ako niyan. Sa sobrang dami nila, hindi ko na alam kung paano sila pagkakasyahin sa isip ko. Nilalaro ko na lang sila sa utak ko para hindi nila magulo ang buhay ko,” sagot nito at mapaklang tumawa.“So, may problema ka nga. Malay mo, magawan natin ng paraan at solusyon.”“Hindi ko alam kung may paraan pa ba na matapos at kung may solusyon pa ba para matahimik na ang buhay at isipan ko. Alam mo, ang gusto ko lang
NARAMDAMAN siguro ng binata na hindi siya komportable sa naging tanong ng matandang babae kaya sumagot na ito. Saglit din kasi itong natigilan, siguro dahil hindi nito inaasahan na magtatanong nang gano’n ang matanda.“Ah, nanay Minerva, si Michaela, empleyado ko sa restaurant. Isinama ko po siya rito para tumulong na mag-ayos dito sa mansyon. Mabilis kasi siyang kumilos, responsable rin siyang empleyado kaya napagdesisyunan kong isama siya rito. And Ela, siya si nanay Minerva, ang mayordoma rito at nagpalaki sa ‘kin.”Sa tingin niya ay nasa sixty to sixty-five na ang edad nito kung pagbabasehan ang hitsura. Nakuha niya pang pagmasdan ito sa kabila nang tensyong nararamdaman niya. Wala man siyang ideya kung anuman ang magiging reaksyon nito pero mas minabuti niyang magbigay galang.“Mano po, nanay Minerva. Ikinagagalak ko po kayong makilala, kayo pong lahat na nandito,” magalang niyang bati sabay kuha sa kamay nito at dinala sa kanyang noo.Tumingin din siya sa direksyon ng mga maids
SAGLIT siyang napatulala habang ngunguya bago ipinagpatuloy ang pagtatanong sa binata.“May kompanya ka sa maynila? Paano mo pa na ha-handle lahat ng ‘yon?Wala siyang ideya na bukod sa private resorts at fine dining restaurant na nabanggit nito noong interview niya ay may iba pa pala itong negosyong pinagkakaabalahan.“Yes, ang Perkins Autocar. May mga tao naman akong pinagkakatiwalaan kaya Madali lang para sa ‘kin.”“Ngayon alam ko na kung saan nanggaling ang sasakyan mo at sasakyan ng mga bodyguards mo. Grabe! Hindi ko ma-imagine na ang boss ko pala na sinasagot-sagot ko palagi at kasama ko pa ngayon ay isa sa pinaka-mayamang tao rito sa pilipinas. Parang nahiya tuloy akong sumama-sama sa ‘yo. Napakataas mo palang tao. Pero sorry ha, kasi, hindi ko alam na may dahilan naman pala talaga kaya hindi mo ako nadaanan kanina,” sinsero niyang saad.“May mga ganoon talagang pagkakataon na nahihirapan tayong unawain at timbangin ang mga bagay na nakikita natin kahit hindi pa natin lubos na
WALANG kalam-alam si Jacob na habang abala siya sa pagmamasid sa dalaga ay may isang tao ring kanina pa sa kanya nakatingin.“May gusto sa kanya, ano?” tudyo sa kanya ni nanay Minerva.Hindi niya namalayan na nasa tabi niya na pala ito. Hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito, ibig sabihin lang ay naka focus ang buong atensyon niya sa dalaga.“Paano niyo naman po nasabi, Nay?” kunwari’ y maang-maangan pa siya.“Hijo, sa edad kong ‘to, kabisado ko na ang bawat kilos nang isang taong may nais ipahayag na damdamin sa kanyang natitipuhan. Pilit mo man itong itago, pero hindi makapag sisinungaling ang mga mata mo kung paano mo tingnan si Michaela.”Hindi siya agad nakapagsalita. Tumpak na tumpak kasi ang sinabi nito at natamaan siya roon.“Alam na ba niya?” muling tanong nito.“Hindi pa po, Nay. Siguro hindi muna sa ngayon, baka mabigla siya at iwasan pa ako. Eh, baka mas lalo lang maging kumplikado. Sa tingin ko kasi, nag e-explore pa siya sa buhay niya kasi bata pa siya. At sa n
MALAPIT ng dumilim nang mapagpasyahang lumabas ng kanyang silid si Jacob. Kinailangan niyang pahupain ang hiyang nararamdaman sa dalaga dahil sa kagagawan nang kanyang mga maids at ni nanay Minerva.Ngayon ay kaya na siguro niyang harapin ang dalaga. Sana lang ay huwag umandar ang pagiging madaldal nito, baka kasi hindi na naman siya tantanan ng katatanong kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.Hindi niya alam kung kailan pa siya nagkaroon ng hiya at katorpehan sa babae. Eh, sanay naman siyang hinahabol ng mga kababaihan. Nagkaroon na rin naman siya ng ibang karelasyon na siya mismo ang kusang nakikipagka-break. Naninibago siya sa sarili. Ano bang mayroon ang babaeng ito at ganito na lang kung guluhin ang buong sistema niya.Naabutan niya ang dalaga na nakaupo at nakapangalumbaba sa sofa, yakap nito ang shoulder bag na nakasukbit sa balikat nito na tanging dala nito kanina.“Ela! Kanina ka pa ba diyan?”“Hindi naman, mga five minutes pa lang siguro. Naglibot kasi kami nang mga ka
TAMA nga ang sinabi ni nanay Minerva. Nang magkatipon-tipon na ang lahat ng katulong sa loob ay daig pa ang sabungan sa ingay ng mga ito. Para itong mga batang naghahabulan, naghaharutan, nagbabatuhan ng unan at nagkakantahan kahit wala sa tono.Si nanay Minerva naman ay walang ibang nagawa kundi ang pulutin ang mga pinagbabatong unan at kumot ng mga ito.Halos kasi karamihan sa mga ito ay hindi nalalayo sa kanya ang edad, kaya nagkakasundo sa kanilang mga trip. Halos puro lang din ito mga taga probinsiya na lumuwas ng bayan para sumubok na magtrabaho para sa pamilya. Siguro kung may pamilya rin siya, ganoon din ang gagawin niya.Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng inggit. Buong buhay niya ay hindi man lang niya naranasan ang ganito kasayang buhay. Ni hindi rin siya nagkaroon ng mga kaibigan noong elementary at high school dahil sinisiraan siya nang pinsang si Julia sa lahat ng mga kaklase niya kaya nilalayuan siya.Kaya wala siyang matatawag na kaibigan. Kung hindi pa siya uma
NINANAMNAM talaga niya ang hininga ng binata habang nakapikit siya. Pagmulat niya ng mga mata ay nasa gano’n pa rin itong posisyon. Wala itong reaksyon at matiim lang na nakatitig sa kanya.Maya-maya ‘y bigla na lang itong lumayo sa kanya at humalakhak ng malakas. Hawak pa nito ang tiyan.“Ay, ang OA talaga! Tawang-tawa? Anong akala mo sa ‘kin, clown? Pambihira!” medyo may pagkairitang sambit niya.hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng inis at panghihinayang. Naiinis siya dahil pinagtripan lang pala siya nito at ginawang katatawanan. At panghihinayang dahil buong akala niya ay hahalikan siya nito.“Teka, huh, bakit ba ‘yon pumapasok sa isip ko? Kasalanan mo ‘to, eh!” wala sa sariling sambit niya.Mukhang hindi nito napapansin ang pagkairitang nakapinta sa mukha niya dahil hindi pa ito tapos sa kahahalakhak at halos maluha-luha pa ito.NATIGIL lang sa kanyang paghalakhak si Jacob nang mapansing tumahimik na ang dalaga at hindi na maipinta ang mukha. Nakaramdam tuloy siya ng kon
“HI-HIJO, totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ginoo.Tumango-tango naman siya bilang pagtugon.“Gido, may asawa na pala ang anak natin! Magkakaapo na pala tayo!” sambit ng ginang na hindi mapigilan ang maiyak and at the same time, ay nakangiti.“Hindi po niya alam na hinahanap ko po ang tunay niyang mga magulang. Surprise ko po kasi sa kanya. Pero natatakot po ako dahil baka mabugbog ako pag-uwi. Kasi, nagpapabili ‘yon sa ‘kin ng pinya pasalubong sa kanya, pero mukhang hindi ako makakahabol dahil gagabihin kami sa daan,” paliwanag niya.“Ay, gano’n ba katapang ang anak namin? Eh, kawawa ka naman pala kung ganoon!” malakas na sambit ng ginoo.“Ngayon po na natagpuan ko na kayo, baka pwede po kayong sumama sa ‘kin paluwas. Para naman po may mairarason ako kapag pinagpaliwanag ako ni Michaela. At para na rin po may kakampi ako sakali man na bugbugin niya ako,” birong-totoo niya. Hindi kasi talaga biro ang ugali ngayon ng girlfriend niya. Ngayon t
MAGKATABING umupo ang mag-asawa sa harapan nila ng kanyang driver.“Ano nga ulit ‘yong sadya ninyo, mga hijo?” tanong ng ginoo.Inilabas naman niya mula sa dala niyang brown envelope ang isang larawan at iniabot iyon sa dalawa.“Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung kilala niyo po ba ang mag-asawang iyan?” tukoy niya sa larawan ng tiyuhin at tiyahin ni Michaela na sina Ronaldo at Mildred.Ngunit hindi matatawarang takot ang rumehistro sa mukha ng mag-asawa, lalong-lalo na sa ginang na siya niyang ipinagtaka nung makita nito kung sino ang nasa larawan.“May problema po ba?”“Mga pulis ba kayo hijo na nagpapanggap na mayamang bisita? Pakiusap, huwag niyo naman sana kaming dakpin! Nangako sa ‘min si Mildred na hindi na niya kami ipapakulong kapalit na kabayaran ang anak ko! Pero bakit hindi siya tumupad sa usapan, Gido?” umiiyak na wika ng ginang kasabay ng pagbaling sa katabing asawa.“Hindi po kami mga pulis, nanay. Para po mapalagay na ang inyong kalooban. Ang gusto ko lang pong
PAGBALIK ng lalaki ay kasunod na nito ang babaeng sa tingin niya ay mas bata ng ilang taon dito. Bigla na lang sinalakay ng matinding kaba ang kanyang dibdib nang masilayan niya ng malapitan ang babae. Kahit may edad na ito ay kitang-kita ang pagkakahawig nito sa kanyang girlfriend at mahal na mahal na si Michaela.Marami siyang inutusan para magsaliksik at mag-imbestiga patungkol sa mga tunay na magulang ng dalaga. At dahil sa kanyang pera at koneksyon, ay napabilis ang pagkakaroon ng resulta. Kaya heto siya sa harap ng mga taong itinuturo ng imbestigasyon na posibleng totoong mga magulang ng dalaga.“Mano po, nanay. Mano po, tatay,” magkasunod niyang inabot ang tig-isang kamay ng mga ito para magmano at pinagbigyan naman siya.“Kaawaan ka ng Diyos, anak! Aba’y napakagalang at napakabait mo namang bata!” masayang sambit ng ginang.“Papasukin mo na muna sila, Meling. At nang makapagkape man lang sila,” wika rito ng ginoo.Tatanggi na sana siya dahil mukhang gagabihin sila kapag nagtag
SIGURADO ka na ba riyan sa desisyon mo? Tingin mo ba, hindi ka magsisisi?” tanong niya sa dalaga matapos nitong sabihin ang gusto nitong mangyari na pagbigyan si Vanessa na pansamantalang makalaya alang-alang sa ipinagbubuntis nito.“Oo, Jacob. Gusto ko siyang makalaya pansamantala hindi para sa kanya, kundi para sa anak niya. Alam ko naman na maiintindihan mo ako sa part na ‘yon dahil buntis din ako. Para sa ‘kin, anak ko lang ang pinakaimportante sa ngayon, at alam kong ganoon din si Vanessa. Pero syempre, pagkatapos niyang manganak, papalipasin lang natin ang tatlong buwan, at saka natin siya ulit papabalikin sa kulungan.”“Sige, ikaw ang masusunod. How about you’re tito and tita?”“Wala akong pakialam sa kanila, masyado silang masasama! Ang iitim ng mga budhi nila! Akala ko pa naman ay magpapakumbaba na sila dahil nakakulong na sila, pero mas lalo pa silang tumatapang at sumasama na parang kasalanan ko pa kaya sila nakulong. Pinagbabantaan rin nila ako, may record ako kaya gusto ko
PINAGMAMASDAN ni Michaela si Vanessa hindi kalayuan sa selda nito. Kita niya sa mukha nito ang nararamdamang hirap. May katabi itong maliit na palanggana at doon ito sumusuka. Totoo nga pala talagang buntis ito.Napakapit siyang bigla sa kanyang tiyan. Kung siya kaya ang nasa kalagayan ni Vanessa, makakaya niya kaya ang sitwasyon nito? Lahat naman ng ina ay gustong ingatan ang kanilang mga anak.Hindi niya inaalis ang paningin kay Vanessa habang dahan-dahan siyang lumalapit. Sinuswerte pa rin ito dahil mukhang may mabait itong kasamahan, iyon ang humahaplos sa likod nito kapag nagsusuka at nagpupunas ng butil-butil na pawis na lumalabas sa kabuuan ng mukha nito.Mga ilang minuto rin ang itinagal niya sa pagtayo sa labas ng selda nang sa wakas, ay nagawi ang paningin nito sa kanya. Wala na ang bakas ng kasamaan at katarayan sa mukha nito. Kitang-kita niya ang namumutlang mga labi nito at ang malamlam na mga mata na para bang pagod na pagod at kulang na kulang sa tulog at pahinga.Agad
KINAGABIHAN ay nakiusap siya kay Michaela kung pwede ba silang magkasama mamaya sa pagtulog dahil sa kagustuhuhan niyang magkatabi sila. Mabuti na lang at nasa good mood ito kaya hindi siya nahirapang kumbinsihin ito."Sweetheart, bukas pala ay pupunta ako ng presinto para mag-follow up sa inihain kong kaso. Baka may gusto kang ipabili sa ‘kin,” malumanay na wika niya habang nakayakap siya sa likod nito. Nakatagilid kasi sila sa paghiga.“Gusto kong sumama, Jacob.”“Sumama? Saan, sa presinto mismo?” gulat na tanong niya.“Oo, bakit, bawal ba ako roon?”“Hindi naman. Kaso, baka mapagod ka lang at saka, maraming tao roon, baka kung ano pang bacteria ang masagap mo ‘t magkasakit ka pa. Dumito ka na lang at magpahinga.”“Gusto kong sumama, gusto kong makita sina tiyo at tiya na nakakulong. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon nila kapag dinalaw ko sila. Gusto ko ring makita si Vanessa, baka kasi hanggang doon ay naghahasik siya ng kasamaan. Baka pati mga kasamahan niya sa kulu
PAGOD NA PAGOD at humihingal si Jacob habang nagpapahinga sa kanyang sariling silid. Hindi na muna siya nagtangkang puntahan si Michaela sa inookopang silid nito dahil baka bugahan lamang siya nito ng apoy.Paanong hindi siya mapapagod, eh agaran siyang pinatakbo ni nanay Minerva sa pinakamalapit na botikang alam niya para bilhin ang mga vitamins na reseta ng doctor kay Michaela. Hindi man lang kasi nito iyon nabanggit sa kanya kanina sa loob ng sasakyan dahil abala sila sa pagbabangayan.At isa pa, kahit saang lupalop siya ng mall nakarating para lang mahanap ang gusto nitong kainin. Kahit ang public market na first time lang niyang mapuntahan ay hindi rin niya pinalagpas. Hindi niya alam kung pinagtitripan lang siya nito o iyon talaga ang gusto nitong kainin. Paano ba naman, hinahanapan siya nito ng manggang kalahating hinog at kalahating hilaw, pero dapat iyong hindi mahaba.Gusto sana niyang isama si Claire o si nanay Minerva o kahit man lang isa sa mga katulong para mapadali ang
NAGULAT na lang si Claire nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nila ni Michaela. Pumasok pala ito ngunit napansin agad niya na umiiyak ito. Agad itong dumapa sa kama at doon ay malakas na umiyak, ni hindi man lang napansin ang kanyang presenisya.Napailing-iling na lang siya. Nakakatakot pala magbuntis, kung totoo mang buntis nga ito, nakakabago ng ugali. Itinigil niya ang ginagawang pagbabasa ng libro at nilapitan ito, susubukan niya itong kausapin. Kanina ay okay pa naman ang kaibigan niya bago umalis papuntang ospital, masaya pa nga itong nagpaalam sa kanya at ipinaalalang muli na huwag ipagsasabi ang sikreto nila na alam na nito ang tungkol sa sariling pagbubuntis. Tapos ngayon naman ay umuwi naman itong umiiyak.Umupo siya sa gilid nito at nagsimulang magsalita. “Be, kumusta pala ang checkup mo? Ano ba ang resulta?” malumanay na tanong niya rito para hindi na madagdagan pa ang kung anomang ikinasasama ng loob nito.Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na envelop habang nak
HABANG nagmamaneho si Jacob ng sasakyan ay hindi man lang siya iniimikan ng dalaga. Nakabusangot ito at nagkakandahaba na rin ang nguso. Hindi naman niya ito direktang tinitingnan kundi sa sulok lang ng kanyang mga mata dahil baka bigla na namang makatikim ng palad ang kanyang pisngi. Hindi tuloy niya malaman kung totoo ngang buntis ito dahil ayaw naman sa kanyang ibigay at ipakita ang resulta ng checkup.Gusto niyang matawa sa nakikitang reaksyon sa mukha nito pero natatakot siyang ngumiti dahil baka masamain na naman nito. Ngunit nagulat siya nang bigla itong magsalita.“Anong tinitingin-tingin mo riyan, ha?! Akala mo ba hindi ko alam na pasimple mo akong tinitingan? At saka, bakit hindi ka ngumiti, ‘yon bang mapupunit na ‘yang bibig mo para naman ma-satisfy ka sa saya?! Huwag mong pigilan, sige lang! gusto mo humalakhak ka na rin, punuin mo ng boses at hininga mo itong sasakyan, ano?!” nanlalaki ang mga matang wika nito sa kanya.Grabe na talaga. Pati iyon ay nakita pa nito? Mala-l