Share

Chapter Six

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2024-12-06 10:35:20

AGAD na may kumislap na ideya sa isip ni Mickaela nang madaanan nila ang kaliwa’t kanang nagtitinda ng street foods. Mas lalo tuloy siyang nagutom dahil paborito niya ang ganoong klase ng pagkain.

“Sir, huwag na po kaya tayong maghanap ng sosyal na restaurant? Diyan na lang tayo kumain, oh!” sabay turo niya sa mga nagtitinda.

Binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakayan bago itinuon ang paningin sa itinuro niya.

Kumunot ang noo nito bago nag-aalinlangang sumagot.

“Ano bang klaseng kainan ‘yan? Masarap ba diyan? Paano tayo kakain diyan, eh, ni wala ngang upuan at lamesa.”

“Hindi lang masarap Sir, kundi sobrang sarap! Paborito ko ang mga ‘yan simula bata pa ‘ko! Kaya huwag ka nang mag-isip ng kung ano diyan. Halika na!”

Hindi na niya hinintay na sumagot ito, kusa na siyang bumaba ng sasakyan kaya wala itong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Kumikislap ang mga mata niya sa lahat nang nadadaanang mga iba’t ibang klase ng pagkain. Nandoon lahat ng paborito niya; kikiam, fishball, isaw, inihaw na manok at marami pang iba. Hindi niya alam kung alin sa mga ito ang bibilhin niya.

Bigla tuloy nawala ang sigla sa mukha niya nang maalalang kailangan pala niyang magtipid para makaipon. Balak kasi niyang mag-aral ulit.

“Oh, akala ko ba masarap dito? Paborito mo? Bakit parang hindi ka naman masaya?”

Pukaw sa kanya ng binata na nananatiling nakasunod sa kanya at hindi alintana ang kaliwa’t kanang usok na pumupunta sa direksyon nito mula sa mga iniihaw.

“Ah, wala po Sir, may naalala lang po kasi ako. Ikaw Sir, alin ba ang gusto mo diyan?” kunwari’y tanong niya ito.

Napakagat labi tuloy siya dahil sa hiya. Masyado sigurong halata ang reaksyon niya kaya napansin nito.

“Actually, hindi ako familiar sa mga pagkain na ‘yan, kaya kung ano ‘yong gusto mo, iyon na rin iyong akin.”

Napatapik siya sa noo pagkatapos nitong magsalita. Bakit ba hindi niya naisip na mayaman ito kaya malamang, wala itong alam sa ganitong lugar at klase ng mga pagkain. Pambihira! Hindi na lang siya umimik. Um-order na lang siya para makaalis na agad sila.

“Ate, dalawa nga pong kikiam at fishball na tig be-bente at saka dalawang inihaw na manok.”

Pagkakuha niya ng pagkain ay agad siyang luminga-linga para humanap nang pwedeng mapagpwestuhan. Nakakita siya ng bakanteng upuan sa malapit na parke kaya agad niyang niyaya ang binata para doon kumain.

“Sir, halika, doon tayo sa may park, doon sa may bakanteng upuan. Doon na lang natin ito kainin.”

Sumunod naman ito sa kanya. Pagkaupo nila ay agad niyang iniabot ang pagkaing para rito.

“Sir oh, ito ‘yong sa ‘yo. Kainin mo na habang mainit pa, kasi kapag lumamig na hindi na siya masarap at matigas na rin siyang nguyain.”

Agad naman nitong kinuha ang iniabot niya pero hindi muna ito kumain. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. Mahirap basahin ang mga galaw at reaksyon nito, hindi tulad niya.

“Sir, hindi niyo po ba gusto ang pagkain? Pasensya ka na, ha? Hindi ko naisip na hindi niyo pala alam ang ganitong klase ng pagkain. Dinala pa kita rito sa mausok at mabahong lugar. Sarili ko lang ang inisip ko. Halika na,Sir? Hanap na tayo ng restaurant na makakainan para makakain ka na rin.”

“Ano ka ba, okay lang ako. Bakit mo ba iniisip kung ano ang pwede kong sabihin? Naisip ko lang kasi, sa ganito kakunting pagkain, dinner mo na ‘to at mabubusog ka na rito? Ni wala kang kanin at gulay.”

Sa wakas ay kumain na rin ito. Wala naman siyang nakikitang ibang reaksyon. Napatango-tango lang ito habang ngumunguya.

“Not bad, huh. Masarap. No wonder kung bakit ka nahuhumaling sa mga pagkain na ganito.”

“Oh, ‘di ba sabi ko sa ‘yo masarap, eh! Kailangang maubos mo ‘yan Sir, ha? Sayang nang ipinambili ko diyan,” sambit niya rito sa pagitan nang pagnguya.

“Oo naman, kulang pa nga ito, eh. Gusto mo order pa tayo?”

Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na magugustuhan nito ang mga pagkaing gusto niya.

“Oo Sir, sige. Kaso parang kulang na ang pera ko Sir, eh. Pwede utang? Ikaltas niyo na lang po sa sasahurin ko ngayong katapusan.”

“Ano ka ba! Huwag mo ngang isipin ‘yan. Ako na ang bahala. Dito ka na lang, ako na lang ang bibili, hintayin mo na lang ako rito.”

Hindi na niya nakuhang sumagot dahil agad din itong tumalikod. Tanaw naman niya ito dahil nakaharap ang kinauupuan niya sa mga nagtitinda. Napansin niyang parang ang daming nagsilapitang tindera sa binata at halos abot tainga ang ngiti. Pati mga bumibili ay ganoon din.

Halos hindi na niya ito matanaw sa dami ng babaeng lumapit dito. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng kaba kaya dali-dali niya itong pinuntahan at hinawi ang mga babaeng nakapaligid dito.

“Excuse me po! Padaan!”

Nang sa wakas ay makalapit na siya rito ay agad niya itong hinawakan sa kamay at hinila palayo sa mga nagkakagulong kababaihan.

“Sir naman! Pinakaba niyo ako,eh. Akala ko kung ano na ang ginagawa sa ‘yo ng mga babaeng ‘yon. Ano bang nangyari?”

“Ewan ko. Bigla na lang sila sa ‘kin nagsilapitan. Sigurado ako, nagwapuhan sa ‘kin ang mga ‘yon.”

Hindi niya alam kung seryoso ba ito o nagbibiro.

“Yuck! Kapal, ah! Eh, bakit ako, hindi naman ako ganyan sa ‘yo? Oo gwapo ka, pero ang o-OA naman nila para palibutan ka. Tsk. Sayang, wala ka tuloy nabili,” nakabusangot siya habang nagsasalita.

“Sige ganito na lang, mamasyal tayo roon sa may tabing dagat. Mukhang kaunti lang ang tao, oh.

” Mabuti pa nga. Magsuot ka ng sombrero para wala nang makakita ng ‘kagwapuhan’ mo. Baka mamaya masundan pa nila tayo at palibutan ka na naman,” masungit niyang sambit dito.

Hinubad niya ang suot na sumbrero at ipinatong sa ulo nito. Nakakaramdam siya ng inis dahil sa nangyari. Parang gustong-gusto kasi nito ang nangyari kanina. Ayaw niyang may ibang lumalapit dito at mas lalong ayaw niyang may nakakaagaw sa atensyon nito.

Hindi tuloy niya maiwasang masungitan ito. Nawawala sa isip niya na boss niya ito at kailangang irespeto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Five

    MASAYA si Jacob habang pinagmamasdan sa garden ang isang munting nabuong pamilya— ang pamilya ni Michaela. Masayang nagkukwentuhan ang mga ito habang magkakatabing nakaupo sa isang pangtatluhang bench. Nasa gitna ng kanyang mga magulang si Michaela.Sa wakas, natupad na rin niya ang matagal nang inaasam at pinapangarap nito, ang makita at makilala ang mga tunay nitong mga magulang. Hindi lang basta nakita at nakilala, kundi makakasama pa nito habambuhay. Nakikita niya sa mga ngiti ng bawat isa ang matagal na pangungulila, na ngayon ay natuldukan na.“Hijo, anak. Alam mo bang proud na proud ako sa ‘yo? Kasi, maganda ang naging pagpapalaki ko sa ‘yo. At siguro, isa na rin sa dahilan ay ang mabubuting tao naman talaga ang mga magulang mo, at namana mo siguro iyon,” sambit ni nanay Minerva kapagkuwan sa kanyang tabi. Masaya rin itong nakatanaw sa masayang pamilyang pinagmamasdan niya.“Proud din naman ako sa inyo, nanay Minerva. Dahil tama ka, pinalaki ninyo akong isang mabuting tao, bonu

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Four

    “NANAY! CLAIRE! Sagutin niyo naman ako! Ano po ba ang nangyari sa kanya? Nasaan ba siya?” umiiyak na si Michaela nung mga sandaling iyon.Wala siyang nakuhang sagot mula sa dalawa, bagkus ay yumuko lang si nanay Minerva, samantalang si Claire ay hindi matapos-tapos sa kung anong itinitipa nito sa cellphone.“Nanay! Claire! Nakikinig ba kayo?! Naririnig niyo ba ako?! Bakit parang wala kayong pakialam sa tanong ko?!” hindi niya maitago ang pinaghalong pagkataranta at pagkainis sa kanyang tono.Maya-maya ay napatingin siya sa pintuan nung bumukas iyon at iniluwa si Jacob. Mabilis siyang tumayo at sinugod ito ng yakap.“Jacob! Salamat at ligtas ka! Ano ba ang nangyari sa ‘yo? Saan ka ba nagpunta? Nasaktan ka ba? May sugat ka ba?” sunud-sunod niyang tanong habang sinisipat ang buo nitong katawan.“Sweetheart, huwag ka ng matakot at mataranta, dahil walang nangyaring masama sa ‘kin, okay?” marahan at malambing na sagot sa kanya ni Jacob, sabay haplos sa kanyang buhok.“Pero bakit nga hindi k

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Three

    “ANO BA ang dapat naming gawin? Paano ka namin matutulungan?” kapagkuwan ay tanong ni nanay Minerva.“Kailangan ninyong magpahanda ulit ng mga pagkain para kina nanay at tatay, at kung maaari, ay pakibilisan. Sa mga maids niyo na lang ‘yon iutos. Dahil kayong dalawa ay pupunta sa silid namin para kausapin si Michaela. Ayaw ko naman kasi na masaksihan ng nanay at tatay niya na binubugbog niya ako. Nakakahiya naman kung malalaman nila na under ako ni Ela, ‘di ba? Kailangan niyo siyang kausapin, ‘yong mapapakalma siya para mawala ang galit niya sa ‘kin dahil hanggang ngayon ay akala niya ay wala rin pa ako rito, na hindi pa rin ako dumarating. Pag-okay na siya, ite-text niyo ako at doon pa lang kami papasok, okay?” bilin niya sa dalawa.“O, siya, sige. Masusunod, kamahalan!” biro sa kanya ni nanay Minerva at bahagya pa itong yumukod.“Salamat, Sir, ha? Kasi, tinupad mo ‘yong pangako mo sa ‘kin na hanapin ang mga magulang ni Micah, bilang regalo sa kanya. Kaya gagawin ko ang lahat para gum

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Two

    MASAKIT ang ulo ni Michaela dahil hindi siya nakatulog magdamag kakahintay kay Jacob at kakaisip kung nasaan na ito at kung bakit hindi ito umuwi. Galit siya na may halong inis dahil naglalaway pa naman siya kakahintay sa pagdating nito dahil sa ibinilin niyang pinya para pasalubong sa kanya.Ni hindi man lang ito nag-text o tumawag man lang, para sana hindi siya nag-aalala. Alam naman nitong buntis siya at hindi siya pwedeng ma-stress at mapuyat. Kaya ngayon ay hinihintay niya ito para talakan, at hindi niya alam kung hindi niya ito masasaktan ng pisikal dahil iba talaga ang galit na nararamdaman niya. Gusto niyang manakit at magwala. Hinding-hindi talaga ito makakaligtas sa mapanakit niyang mga kamay.“Oy, Be. Ako ang kinakabahan sa ‘yo sa pagdating ni Sir Jacob. Huwag mo naman sana siyang bugbugin. Tanungin mo na lang muna kung ano ang nangyari at hindi siya nakauwi kagabi. Syempre, lahat naman ng mga nangyayari ay may dahilan,” sambit sa kanya ni Claire.Kasalukuyan siyang nakasan

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-One

    “HI-HIJO, totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ginoo.Tumango-tango naman siya bilang pagtugon.“Gido, may asawa na pala ang anak natin! Magkakaapo na pala tayo!” sambit ng ginang na hindi mapigilan ang maiyak and at the same time, ay nakangiti.“Hindi po niya alam na hinahanap ko po ang tunay niyang mga magulang. Surprise ko po kasi sa kanya. Pero natatakot po ako dahil baka mabugbog ako pag-uwi. Kasi, nagpapabili ‘yon sa ‘kin ng pinya pasalubong sa kanya, pero mukhang hindi ako makakahabol dahil gagabihin kami sa daan,” paliwanag niya.“Ay, gano’n ba katapang ang anak namin? Eh, kawawa ka naman pala kung ganoon!” malakas na sambit ng ginoo.“Ngayon po na natagpuan ko na kayo, baka pwede po kayong sumama sa ‘kin paluwas. Para naman po may mairarason ako kapag pinagpaliwanag ako ni Michaela. At para na rin po may kakampi ako sakali man na bugbugin niya ako,” birong-totoo niya. Hindi kasi talaga biro ang ugali ngayon ng girlfriend niya. Ngayon t

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred

    MAGKATABING umupo ang mag-asawa sa harapan nila ng kanyang driver.“Ano nga ulit ‘yong sadya ninyo, mga hijo?” tanong ng ginoo.Inilabas naman niya mula sa dala niyang brown envelope ang isang larawan at iniabot iyon sa dalawa.“Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung kilala niyo po ba ang mag-asawang iyan?” tukoy niya sa larawan ng tiyuhin at tiyahin ni Michaela na sina Ronaldo at Mildred.Ngunit hindi matatawarang takot ang rumehistro sa mukha ng mag-asawa, lalong-lalo na sa ginang na siya niyang ipinagtaka nung makita nito kung sino ang nasa larawan.“May problema po ba?”“Mga pulis ba kayo hijo na nagpapanggap na mayamang bisita? Pakiusap, huwag niyo naman sana kaming dakpin! Nangako sa ‘min si Mildred na hindi na niya kami ipapakulong kapalit na kabayaran ang anak ko! Pero bakit hindi siya tumupad sa usapan, Gido?” umiiyak na wika ng ginang kasabay ng pagbaling sa katabing asawa.“Hindi po kami mga pulis, nanay. Para po mapalagay na ang inyong kalooban. Ang gusto ko lang pong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status