Beranda / Romance / The Missing Piece / Chapter Thirty-eight

Share

Chapter Thirty-eight

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-04 08:26:29
MATIIM siyang tinititigan ng dalaga na para bang tinatantiya nito kung nagsasabi ba siya ng totoo. Maya-maya ‘y yumuko ito at nagsimulang magsalita.

“Pasensya ka na, ha? Kasi, hindi lang talaga ako sanay na nagigising sa ibang kwarto. Nabigla lang ako kaya nakapagsabi tuloy ako sa ‘yo ng hindi maganda. Napag isip-isip ko kasi, totoo naman lahat ng sinabi mo. Tulog mantika talaga ako kaya once na nakatulog ako, mahirap talaga akong gisingin. At isa pa, may point ka rin dahil nakakahiya naman talaga kay ate Meeny kung gigisingin mo pa siya sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog dahil pagod rin ‘yon sa pag-aasikaso sa mga tao roon at sa pagbabantay ng staff house. At baka mas lalong pagtsismisan pa tayo kapag nakita nilang magkasama tayo lalong-lalo na sa ganoong oras at kalagayan. Sorry kasi, nagmalasakit ka lang naman sa ‘kin pero minasama ko pa,” mahabang paliwanag nito.

Napangiti siya dahil hindi naman pala mahirap para rito ang maintindihan ang ipinupunto niya.

“Halika nga rito, maupo mu
Serene Hope

Hi Guys! kung sakali mang nakaabot kayo sa chapter na ito, paki-comment naman po.Malay mo, pwede ko palang sundin o gawin ang suggestions mo. Thnak you and happy reading.

| 10
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Lily Ojastro
very nice story love it c Michaela grabe din syang naive......
goodnovel comment avatar
Antonietta Prado Martinez
nice story.
goodnovel comment avatar
Reycath Yulerso
magaAaaaaanda po xa author.. Sana po continue po update niyo .. thank you po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Five

    MASAYA si Jacob habang pinagmamasdan sa garden ang isang munting nabuong pamilya— ang pamilya ni Michaela. Masayang nagkukwentuhan ang mga ito habang magkakatabing nakaupo sa isang pangtatluhang bench. Nasa gitna ng kanyang mga magulang si Michaela.Sa wakas, natupad na rin niya ang matagal nang inaasam at pinapangarap nito, ang makita at makilala ang mga tunay nitong mga magulang. Hindi lang basta nakita at nakilala, kundi makakasama pa nito habambuhay. Nakikita niya sa mga ngiti ng bawat isa ang matagal na pangungulila, na ngayon ay natuldukan na.“Hijo, anak. Alam mo bang proud na proud ako sa ‘yo? Kasi, maganda ang naging pagpapalaki ko sa ‘yo. At siguro, isa na rin sa dahilan ay ang mabubuting tao naman talaga ang mga magulang mo, at namana mo siguro iyon,” sambit ni nanay Minerva kapagkuwan sa kanyang tabi. Masaya rin itong nakatanaw sa masayang pamilyang pinagmamasdan niya.“Proud din naman ako sa inyo, nanay Minerva. Dahil tama ka, pinalaki ninyo akong isang mabuting tao, bonu

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Four

    “NANAY! CLAIRE! Sagutin niyo naman ako! Ano po ba ang nangyari sa kanya? Nasaan ba siya?” umiiyak na si Michaela nung mga sandaling iyon.Wala siyang nakuhang sagot mula sa dalawa, bagkus ay yumuko lang si nanay Minerva, samantalang si Claire ay hindi matapos-tapos sa kung anong itinitipa nito sa cellphone.“Nanay! Claire! Nakikinig ba kayo?! Naririnig niyo ba ako?! Bakit parang wala kayong pakialam sa tanong ko?!” hindi niya maitago ang pinaghalong pagkataranta at pagkainis sa kanyang tono.Maya-maya ay napatingin siya sa pintuan nung bumukas iyon at iniluwa si Jacob. Mabilis siyang tumayo at sinugod ito ng yakap.“Jacob! Salamat at ligtas ka! Ano ba ang nangyari sa ‘yo? Saan ka ba nagpunta? Nasaktan ka ba? May sugat ka ba?” sunud-sunod niyang tanong habang sinisipat ang buo nitong katawan.“Sweetheart, huwag ka ng matakot at mataranta, dahil walang nangyaring masama sa ‘kin, okay?” marahan at malambing na sagot sa kanya ni Jacob, sabay haplos sa kanyang buhok.“Pero bakit nga hindi k

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Three

    “ANO BA ang dapat naming gawin? Paano ka namin matutulungan?” kapagkuwan ay tanong ni nanay Minerva.“Kailangan ninyong magpahanda ulit ng mga pagkain para kina nanay at tatay, at kung maaari, ay pakibilisan. Sa mga maids niyo na lang ‘yon iutos. Dahil kayong dalawa ay pupunta sa silid namin para kausapin si Michaela. Ayaw ko naman kasi na masaksihan ng nanay at tatay niya na binubugbog niya ako. Nakakahiya naman kung malalaman nila na under ako ni Ela, ‘di ba? Kailangan niyo siyang kausapin, ‘yong mapapakalma siya para mawala ang galit niya sa ‘kin dahil hanggang ngayon ay akala niya ay wala rin pa ako rito, na hindi pa rin ako dumarating. Pag-okay na siya, ite-text niyo ako at doon pa lang kami papasok, okay?” bilin niya sa dalawa.“O, siya, sige. Masusunod, kamahalan!” biro sa kanya ni nanay Minerva at bahagya pa itong yumukod.“Salamat, Sir, ha? Kasi, tinupad mo ‘yong pangako mo sa ‘kin na hanapin ang mga magulang ni Micah, bilang regalo sa kanya. Kaya gagawin ko ang lahat para gum

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Two

    MASAKIT ang ulo ni Michaela dahil hindi siya nakatulog magdamag kakahintay kay Jacob at kakaisip kung nasaan na ito at kung bakit hindi ito umuwi. Galit siya na may halong inis dahil naglalaway pa naman siya kakahintay sa pagdating nito dahil sa ibinilin niyang pinya para pasalubong sa kanya.Ni hindi man lang ito nag-text o tumawag man lang, para sana hindi siya nag-aalala. Alam naman nitong buntis siya at hindi siya pwedeng ma-stress at mapuyat. Kaya ngayon ay hinihintay niya ito para talakan, at hindi niya alam kung hindi niya ito masasaktan ng pisikal dahil iba talaga ang galit na nararamdaman niya. Gusto niyang manakit at magwala. Hinding-hindi talaga ito makakaligtas sa mapanakit niyang mga kamay.“Oy, Be. Ako ang kinakabahan sa ‘yo sa pagdating ni Sir Jacob. Huwag mo naman sana siyang bugbugin. Tanungin mo na lang muna kung ano ang nangyari at hindi siya nakauwi kagabi. Syempre, lahat naman ng mga nangyayari ay may dahilan,” sambit sa kanya ni Claire.Kasalukuyan siyang nakasan

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-One

    “HI-HIJO, totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ginoo.Tumango-tango naman siya bilang pagtugon.“Gido, may asawa na pala ang anak natin! Magkakaapo na pala tayo!” sambit ng ginang na hindi mapigilan ang maiyak and at the same time, ay nakangiti.“Hindi po niya alam na hinahanap ko po ang tunay niyang mga magulang. Surprise ko po kasi sa kanya. Pero natatakot po ako dahil baka mabugbog ako pag-uwi. Kasi, nagpapabili ‘yon sa ‘kin ng pinya pasalubong sa kanya, pero mukhang hindi ako makakahabol dahil gagabihin kami sa daan,” paliwanag niya.“Ay, gano’n ba katapang ang anak namin? Eh, kawawa ka naman pala kung ganoon!” malakas na sambit ng ginoo.“Ngayon po na natagpuan ko na kayo, baka pwede po kayong sumama sa ‘kin paluwas. Para naman po may mairarason ako kapag pinagpaliwanag ako ni Michaela. At para na rin po may kakampi ako sakali man na bugbugin niya ako,” birong-totoo niya. Hindi kasi talaga biro ang ugali ngayon ng girlfriend niya. Ngayon t

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred

    MAGKATABING umupo ang mag-asawa sa harapan nila ng kanyang driver.“Ano nga ulit ‘yong sadya ninyo, mga hijo?” tanong ng ginoo.Inilabas naman niya mula sa dala niyang brown envelope ang isang larawan at iniabot iyon sa dalawa.“Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung kilala niyo po ba ang mag-asawang iyan?” tukoy niya sa larawan ng tiyuhin at tiyahin ni Michaela na sina Ronaldo at Mildred.Ngunit hindi matatawarang takot ang rumehistro sa mukha ng mag-asawa, lalong-lalo na sa ginang na siya niyang ipinagtaka nung makita nito kung sino ang nasa larawan.“May problema po ba?”“Mga pulis ba kayo hijo na nagpapanggap na mayamang bisita? Pakiusap, huwag niyo naman sana kaming dakpin! Nangako sa ‘min si Mildred na hindi na niya kami ipapakulong kapalit na kabayaran ang anak ko! Pero bakit hindi siya tumupad sa usapan, Gido?” umiiyak na wika ng ginang kasabay ng pagbaling sa katabing asawa.“Hindi po kami mga pulis, nanay. Para po mapalagay na ang inyong kalooban. Ang gusto ko lang pong

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status