HINDI pa man nagtatagal sa kanyang pagtulog si Michaela, nang bulabugin siya ng malakas na tunog ng isang bagay na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Isasawalang bahala na sana niya ang naririnig dahil baka sa kabilang silid lang ito nanggagaling, pero may kalakasan kasi ito at parang nasa malapit lang niya.Sobrang inaantok pa naman siya kaya itinakip na niya ang dalawang unan sa magkabilang tainga dahil sa nakakarinding tunog na naririnig. Napilitan tuloy siyang kumilos at lulugo-lugong bumangon para hanapin ang pinagmumulan nito kahit na nakapikit pa siya.“Istorbo naman, eh! Inaantok pa nga ‘yong tao!” naiinis na sambit niya kahit wala namang kausap.Ngunit nahimasmasan na lang siya ay naririnig pa rin niya ang tunog. Hihinto lang ito sandali at muling tutunog. Bumuntong-hininga muna siya bago patamad na naglakad papunta sa shoulder bag na palagi niyang dala-dala sa trabaho para tingnan ang oras sa de keypad niyang cellphone.Pero nanlaki ang mga mata niya nang makita roon an
PALABAS na si Jacob ng kanyang opisina nang maisipan niyang tawagan ang dalaga. Naalala niyang dadaanan nga pala niya ito dahil kailangan niyang iabot dito ang business attire na ipapasuot niya kinabukasan.Problemado na nga siya kanina kakaisip kung ano ba ang ipapasuot niya sa dalaga,mabuti na lang at may kaibigan siyang nangmamay-ari ng boutique,at ito ang naisipan niyang lapitan.Kaso lang, hinihingi nito sa kanya ang sukat nang katawan ng dalaga, pero dahil hindi niya alam, ay picture na lang nito ang ibinigay niya kahit na alam naman niyang hindi naman makukuha ang tamang sukat doon. Mayroon kasi siyang mga stolen shots nito no’ng nasa mansyon sila.Mabuti ‘t kahit sa larawan lang ay sinabi nang kaibigan niya na ito na ang bahala at alam nito ang mga sukat ng gano’ng klase ng katawan. Ito na rin mismo ang pumili ng design at kulay na susuotin ng dalaga.Nang ma-ideliver nga ito sa kanyang opisina ay hindi na siya nag-abala pang buksan ito para sana ma-check man lang niya kung pa
NAGULUHAN si Jacob sa inasal ng dalaga. Bigla na lang kasi itong nawalan ng imik pagkatapos niyang sagutin ang tanong nito kung siya ba ang pumili nang mga gamit na ibinigay niya rito.May sinabi rin ito na hindi malinaw sa kanyang pandinig, nang tanungin niya kung ano, ay bigla na lang sinabing magpahinga nan ga. Siya na nga ang kusang pumatay nang tawag dahil parang iniwanan na lang nitong nakabukas ang cellphone.“Haaays, mga babae nga naman! Ang hirap intindihin,” nawika na lang niya sa sarili.Kasalukuyan siyang nasa second floor ng kanyang bahay at nakatayo sa may terrace, habang nakatanaw sa harapang bahagi. Nasa isang exclusive subdivision ito kaya maganda ang mga nakikita niya sa labas.Mga malalago at naglalakihang punong kahoy na nagbibigay ng preskong hangin sa kapaligiran, mga bulaklak na matitingkad ang kulay, at malinis na kapaligiran. Iyan ang mga dahilan kung bakit dito niya napiling magpatayo ng bahay.Isa rin ito sa mga stress reliever niya lalo na kapag may sunod-s
BAGO pa man mag-alas kwatro ng madaling araw, ay nasa tapat na si Jacob ng staff house. Hindi naman siya masyadong nagtagal sa paghihintay dahil maya-maya lang ay namataan niyang papalabas na sa pinto ang dalaga.Hindi pa man nagliliwanag pero malinaw na malinaw sa paningin niya ang kagandahan nito. Mas lalo itong gumanda ng nang maayusan, at mas lalo ring lumitaw ang natural na kaputian ng balat nito sa kulay nang damit na suot.Magaling pala talagang pumili ‘yong kaibigan niya. Expertise na siguro nito iyon. Habang papalapit ito sa kanya ay lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi tuloy niya malaman kung paano kikilos ng normal.Nang malapit na ito sa kanya ay mas lalong nagwala ang kanyang puso. Nang tuluyan na itong makalapit ay pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Ang mala anghel nitong mukha na bumagay ang ini-apply light make up, ang dibdib nito na hindi kalakihan ngunit hindi rin naman kaliitan, siguro dahil bata pa ito at hindi pa masyadong nagma-mature ang katawan.Medyo l
PAGPASOK nila sa restaurant ay nagpaalam ang dalaga na pupunta muna ng restroom. Siya naman ay lumapit sa isang mesa na pangdalawang tao lang, at saka nag-order ng pagkain at inumin sa waiter na lumapit.Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay namataan niya ang dalagang nagmamadali at parang hinahanap siya dahil inilibot nito ang paningin sa lahat ng mga kumakain. Nang makita siya nito ay agad itong naglakad patungo sa direksyon niya.Pero nangunot ang kanyang noo nang mapansing parang nanginginig ito at natataranta. Inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng restaurant na para bang may kinatatakutan. Walang tigil sa paglikot ang mga mata nito.Agad siyang tumayo para salubungin ito at alalayan. Ipinaghila niya ito ng upuan, at inalalayan din sa pag upo. Hinila niya ang upuang nasa harapan nito na inupuan niya rin kanina papunta sa tabi nito.Hinawakan niya ang isang kamay nito na kasalukuyang nanginginig at nanlalamig at bahagyang pinisil.“Ela, may problema ba? May nangyari ba? May nam
INISMIRAN niya rin ang mga grupo ng kuhol na pinagkakaisahan siyang tarayan. Mapagpatol pa naman siya pagdating sa mga gano’ng klase ng tao.Bumalik lang ang atensyon nung nagmamagandang kuhol sa binata nang muli itong magsalita.“We are here to meet Benjamin Alvarez,” si Jacob.“Do you have an appointment with him?” tanong nung babaeng mukhang kuhol.“Yes.”“Just a moment, Sir. I will call him to let him know that you are looking for him.”“Alright, were willing to wait.”Dinampot nito ang telepono at nag-dial ng numero. Maya-maya lang ay may kausap na ito sa kabilang linya.“Mr. Alvarez, Mr. Perkins is here and his secretary to meet you. Should I send them in?”Napataas ng wala sa oras ang isa niyang kilay. Anong secretary pinagsasabi nito? Hindi naman siya pinakilala kanina ni Jacob bilang secretary. Tumingin pa talaga ito sa direksyon niya nang banggitin nito at pinagdidiinan ang word na ‘secretary’, akala naman nito ay maaapektuhan siya dahil lamang doon.Baka kapag nalaman niton
MUKHANG hindi alam nang matanda kung paano sagutin ang simpleng tanong niya, kaya muli siyang nagsalita.“You probably heard what I said, didn’t you? Because if not, you probably already know what I’m going to say again. Ang problema kasi sa ‘yo, Mr. Alvarez, paulit-ulit na lang tayo rito. You seem unprofessional to talk to. You are like a warrior who attacks without enough weapons. I just said something simple, but you don’t know how to explain it.”“Okay, okay. I heard what you said, and it was clear to my ears. What do you want to happen? And what do you mean by what you said?”“All you have to do is answer all my questions correctly and truthfully.”Umupo siya dahil parang nangangalay na ang kanyang mga binti. Sinenyasan niya rin ang dalaga na lumapit sa kanya, at itinuro ang couch na mismong inuupuan niya. May pag-aalinlangan man na mababasa sa mukha nito, ay sumunod pa rin ito. Pagkatapos ay umupo sa tabi niya.“Sure! Are those your requirements for me to pass as investors of yo
NANG hindi pa rin magawang sumagot ng matanda, ay tumayo na si Jacob. Sinenyasan niya rin ang dalaga na tumayo na rin, na agad naman nitong sinunod.“Mr. Alvarez, pakisabi sa nag-utos sa ‘yo na pumalpak ka sa interview ko. At sa susunod, kung magpapadala sila ng tao, ay ‘yong hindi sana madaling mabuko. Iyon bang kayang sagutin lahat ng mga katanungan ko. At higit sa lahat, magpadala naman sila ng kumpletong armas para naman may maipansalag siya sa lahat ng mga pampasabog na ibabato ko. At dapat ‘yong marami ring kaalaman, at ang panghuli, pakisabi sa kanya na kahit kailan, hindi ko kakailanganin ang kakarampot niyang pera na nanggaling sa masama. At balang araw, wala siyang ligtas sa ‘kin kapag nalaman ko kung sino siya, maghintay lang siya dahil malapit ko nang malaman,” huling sambit niya sa matanda na nananatiniling walang imik.Ni hindi ito nag-atubiling pigilan siya o magmakaawa sa pakay dahil kitang-kita niya sa reaksyon nito na nasapol ito sa lahat nang mga sinabi niya.Inakay
“HI-HIJO, totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ginoo.Tumango-tango naman siya bilang pagtugon.“Gido, may asawa na pala ang anak natin! Magkakaapo na pala tayo!” sambit ng ginang na hindi mapigilan ang maiyak and at the same time, ay nakangiti.“Hindi po niya alam na hinahanap ko po ang tunay niyang mga magulang. Surprise ko po kasi sa kanya. Pero natatakot po ako dahil baka mabugbog ako pag-uwi. Kasi, nagpapabili ‘yon sa ‘kin ng pinya pasalubong sa kanya, pero mukhang hindi ako makakahabol dahil gagabihin kami sa daan,” paliwanag niya.“Ay, gano’n ba katapang ang anak namin? Eh, kawawa ka naman pala kung ganoon!” malakas na sambit ng ginoo.“Ngayon po na natagpuan ko na kayo, baka pwede po kayong sumama sa ‘kin paluwas. Para naman po may mairarason ako kapag pinagpaliwanag ako ni Michaela. At para na rin po may kakampi ako sakali man na bugbugin niya ako,” birong-totoo niya. Hindi kasi talaga biro ang ugali ngayon ng girlfriend niya. Ngayon t
MAGKATABING umupo ang mag-asawa sa harapan nila ng kanyang driver.“Ano nga ulit ‘yong sadya ninyo, mga hijo?” tanong ng ginoo.Inilabas naman niya mula sa dala niyang brown envelope ang isang larawan at iniabot iyon sa dalawa.“Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung kilala niyo po ba ang mag-asawang iyan?” tukoy niya sa larawan ng tiyuhin at tiyahin ni Michaela na sina Ronaldo at Mildred.Ngunit hindi matatawarang takot ang rumehistro sa mukha ng mag-asawa, lalong-lalo na sa ginang na siya niyang ipinagtaka nung makita nito kung sino ang nasa larawan.“May problema po ba?”“Mga pulis ba kayo hijo na nagpapanggap na mayamang bisita? Pakiusap, huwag niyo naman sana kaming dakpin! Nangako sa ‘min si Mildred na hindi na niya kami ipapakulong kapalit na kabayaran ang anak ko! Pero bakit hindi siya tumupad sa usapan, Gido?” umiiyak na wika ng ginang kasabay ng pagbaling sa katabing asawa.“Hindi po kami mga pulis, nanay. Para po mapalagay na ang inyong kalooban. Ang gusto ko lang pong
PAGBALIK ng lalaki ay kasunod na nito ang babaeng sa tingin niya ay mas bata ng ilang taon dito. Bigla na lang sinalakay ng matinding kaba ang kanyang dibdib nang masilayan niya ng malapitan ang babae. Kahit may edad na ito ay kitang-kita ang pagkakahawig nito sa kanyang girlfriend at mahal na mahal na si Michaela.Marami siyang inutusan para magsaliksik at mag-imbestiga patungkol sa mga tunay na magulang ng dalaga. At dahil sa kanyang pera at koneksyon, ay napabilis ang pagkakaroon ng resulta. Kaya heto siya sa harap ng mga taong itinuturo ng imbestigasyon na posibleng totoong mga magulang ng dalaga.“Mano po, nanay. Mano po, tatay,” magkasunod niyang inabot ang tig-isang kamay ng mga ito para magmano at pinagbigyan naman siya.“Kaawaan ka ng Diyos, anak! Aba’y napakagalang at napakabait mo namang bata!” masayang sambit ng ginang.“Papasukin mo na muna sila, Meling. At nang makapagkape man lang sila,” wika rito ng ginoo.Tatanggi na sana siya dahil mukhang gagabihin sila kapag nagtag
SIGURADO ka na ba riyan sa desisyon mo? Tingin mo ba, hindi ka magsisisi?” tanong niya sa dalaga matapos nitong sabihin ang gusto nitong mangyari na pagbigyan si Vanessa na pansamantalang makalaya alang-alang sa ipinagbubuntis nito.“Oo, Jacob. Gusto ko siyang makalaya pansamantala hindi para sa kanya, kundi para sa anak niya. Alam ko naman na maiintindihan mo ako sa part na ‘yon dahil buntis din ako. Para sa ‘kin, anak ko lang ang pinakaimportante sa ngayon, at alam kong ganoon din si Vanessa. Pero syempre, pagkatapos niyang manganak, papalipasin lang natin ang tatlong buwan, at saka natin siya ulit papabalikin sa kulungan.”“Sige, ikaw ang masusunod. How about you’re tito and tita?”“Wala akong pakialam sa kanila, masyado silang masasama! Ang iitim ng mga budhi nila! Akala ko pa naman ay magpapakumbaba na sila dahil nakakulong na sila, pero mas lalo pa silang tumatapang at sumasama na parang kasalanan ko pa kaya sila nakulong. Pinagbabantaan rin nila ako, may record ako kaya gusto ko
PINAGMAMASDAN ni Michaela si Vanessa hindi kalayuan sa selda nito. Kita niya sa mukha nito ang nararamdamang hirap. May katabi itong maliit na palanggana at doon ito sumusuka. Totoo nga pala talagang buntis ito.Napakapit siyang bigla sa kanyang tiyan. Kung siya kaya ang nasa kalagayan ni Vanessa, makakaya niya kaya ang sitwasyon nito? Lahat naman ng ina ay gustong ingatan ang kanilang mga anak.Hindi niya inaalis ang paningin kay Vanessa habang dahan-dahan siyang lumalapit. Sinuswerte pa rin ito dahil mukhang may mabait itong kasamahan, iyon ang humahaplos sa likod nito kapag nagsusuka at nagpupunas ng butil-butil na pawis na lumalabas sa kabuuan ng mukha nito.Mga ilang minuto rin ang itinagal niya sa pagtayo sa labas ng selda nang sa wakas, ay nagawi ang paningin nito sa kanya. Wala na ang bakas ng kasamaan at katarayan sa mukha nito. Kitang-kita niya ang namumutlang mga labi nito at ang malamlam na mga mata na para bang pagod na pagod at kulang na kulang sa tulog at pahinga.Agad
KINAGABIHAN ay nakiusap siya kay Michaela kung pwede ba silang magkasama mamaya sa pagtulog dahil sa kagustuhuhan niyang magkatabi sila. Mabuti na lang at nasa good mood ito kaya hindi siya nahirapang kumbinsihin ito."Sweetheart, bukas pala ay pupunta ako ng presinto para mag-follow up sa inihain kong kaso. Baka may gusto kang ipabili sa ‘kin,” malumanay na wika niya habang nakayakap siya sa likod nito. Nakatagilid kasi sila sa paghiga.“Gusto kong sumama, Jacob.”“Sumama? Saan, sa presinto mismo?” gulat na tanong niya.“Oo, bakit, bawal ba ako roon?”“Hindi naman. Kaso, baka mapagod ka lang at saka, maraming tao roon, baka kung ano pang bacteria ang masagap mo ‘t magkasakit ka pa. Dumito ka na lang at magpahinga.”“Gusto kong sumama, gusto kong makita sina tiyo at tiya na nakakulong. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon nila kapag dinalaw ko sila. Gusto ko ring makita si Vanessa, baka kasi hanggang doon ay naghahasik siya ng kasamaan. Baka pati mga kasamahan niya sa kulu
PAGOD NA PAGOD at humihingal si Jacob habang nagpapahinga sa kanyang sariling silid. Hindi na muna siya nagtangkang puntahan si Michaela sa inookopang silid nito dahil baka bugahan lamang siya nito ng apoy.Paanong hindi siya mapapagod, eh agaran siyang pinatakbo ni nanay Minerva sa pinakamalapit na botikang alam niya para bilhin ang mga vitamins na reseta ng doctor kay Michaela. Hindi man lang kasi nito iyon nabanggit sa kanya kanina sa loob ng sasakyan dahil abala sila sa pagbabangayan.At isa pa, kahit saang lupalop siya ng mall nakarating para lang mahanap ang gusto nitong kainin. Kahit ang public market na first time lang niyang mapuntahan ay hindi rin niya pinalagpas. Hindi niya alam kung pinagtitripan lang siya nito o iyon talaga ang gusto nitong kainin. Paano ba naman, hinahanapan siya nito ng manggang kalahating hinog at kalahating hilaw, pero dapat iyong hindi mahaba.Gusto sana niyang isama si Claire o si nanay Minerva o kahit man lang isa sa mga katulong para mapadali ang
NAGULAT na lang si Claire nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nila ni Michaela. Pumasok pala ito ngunit napansin agad niya na umiiyak ito. Agad itong dumapa sa kama at doon ay malakas na umiyak, ni hindi man lang napansin ang kanyang presenisya.Napailing-iling na lang siya. Nakakatakot pala magbuntis, kung totoo mang buntis nga ito, nakakabago ng ugali. Itinigil niya ang ginagawang pagbabasa ng libro at nilapitan ito, susubukan niya itong kausapin. Kanina ay okay pa naman ang kaibigan niya bago umalis papuntang ospital, masaya pa nga itong nagpaalam sa kanya at ipinaalalang muli na huwag ipagsasabi ang sikreto nila na alam na nito ang tungkol sa sariling pagbubuntis. Tapos ngayon naman ay umuwi naman itong umiiyak.Umupo siya sa gilid nito at nagsimulang magsalita. “Be, kumusta pala ang checkup mo? Ano ba ang resulta?” malumanay na tanong niya rito para hindi na madagdagan pa ang kung anomang ikinasasama ng loob nito.Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na envelop habang nak
HABANG nagmamaneho si Jacob ng sasakyan ay hindi man lang siya iniimikan ng dalaga. Nakabusangot ito at nagkakandahaba na rin ang nguso. Hindi naman niya ito direktang tinitingnan kundi sa sulok lang ng kanyang mga mata dahil baka bigla na namang makatikim ng palad ang kanyang pisngi. Hindi tuloy niya malaman kung totoo ngang buntis ito dahil ayaw naman sa kanyang ibigay at ipakita ang resulta ng checkup.Gusto niyang matawa sa nakikitang reaksyon sa mukha nito pero natatakot siyang ngumiti dahil baka masamain na naman nito. Ngunit nagulat siya nang bigla itong magsalita.“Anong tinitingin-tingin mo riyan, ha?! Akala mo ba hindi ko alam na pasimple mo akong tinitingan? At saka, bakit hindi ka ngumiti, ‘yon bang mapupunit na ‘yang bibig mo para naman ma-satisfy ka sa saya?! Huwag mong pigilan, sige lang! gusto mo humalakhak ka na rin, punuin mo ng boses at hininga mo itong sasakyan, ano?!” nanlalaki ang mga matang wika nito sa kanya.Grabe na talaga. Pati iyon ay nakita pa nito? Mala-l