Share

Kabanata 5

I slammed my bedroom's door as soon as I get home. I didn't even budge removing my make up and changing my clothes.

I cried. I cried so hard, feeling all those sadness and embarrassment that happened earlier. Grey's opinion cuts deeper than those people's judgement. His words keeps on repeating inside my head. 

And then I realized that amidst all of these, Grey's opinion will always affect me the most. 

I tried to act normal, the next day. Today is Friday, and we have the weekends all to ourselves. Kaya naman, nagpasya sina Kara at Carl na magpunta ulit sa malapit na bar. Hindi na ako nag-react o nagpapilit. I owe them my time for today since they've been dealing with my sh*t for the whole week.

I changed my clothes and wore heavy make-up. It's dark inside the club and light make-up will be unnoticed. Sayang lang. I also made my curly, long hair, into a bun. Wearing my black stilletos, white spaghetti strap top, and black mini skirt, I graced the condo unit's parking lot.

''Wow! Wow! This is what I'm talking about! Dress nicely and chin up! You look pretty, babe,'' Carl praised me like I'm some kind of a sicko who just went into a break-up.

Carl's boyfriend, James, drove us to one of the most famous and exclusive bar in BGC. Nahanap agad namin si Kara sa loob, mag-isa, dahil ayaw niya daw na malungkot ako at ma-op kung sinama niya ang boyfriend niya.

She looked at me from head to toe before shouting in my ear.

''You look good, babe! But I'm afraid we have to move to the next bar!''

''Bakit, bakla?'' Carl says, hindi namin napansin na nakalapit na din siya sa amin ni Kara.

''Grey's group is in the next table!'' She shamelessly point her finger in a table next to ours.

I immediately saw Grey in a see of people. The moment I laid my eyes on their table, Grey's stares welcomed me. Hindi man lang nagulat, parang inaasahan na talaga na makikita ako dito.

Siguro ay nakita niya na si Kara kanina pa, and then he assumed that I will be here, too.

''Sana nag-text ka! Jusq, hindi na tayo pwedeng lumipat! Nakita niya na si Elle! Isipin pa 'non na apektado masyado itong baklita na 'to.''

''At ano? Sino naman ang susundo sakin dito? Nakaalis na yung boyfriend ko.''

''It's okay. Dito na lang tayo,'' sabay na napatingin ang dalawa kong kaibigan. Tumango-tango pa ako, assuring them that it's okay to be here.

''Sorry, Elle! Next time, I'll make sure that Grey and his company will not be in the same bar as ours!''

''It's okay, Kara. Inom nalang tayo.''

''Ayan, g*ga ka! Maglalasing na tuloy agad,'' bulong ni Carl na narinig ko pa din naman dahil sa lakas ng music, sumisigaw siya kay Kara.

Tumingin ulit ako sa kabilang table at naabutan naman ngayon ang tingin nang tatlo-- si Grey, Brent, at Steffi. Okay na sila ni Steffi? Teka, nag-away ba sila?

I looked longer at Brent, iniisip na sigurado akong magka-away sila ni Steffi kahapon. Even Grey! Well, magka-klase sila kaya siguro ay ayos na agad. Ako? Sino ba naman ako para suyuin ni Grey?

Naupo ako at agad na nilagok ang alak sa baso ni Kara. Carl went to get us some drinks, kaya kami lang dalawa.

''Teka lang! Akin 'yan, eh!'' Inagaw ni Kara ang baso at napatingin sa paligid, siguro ay hinahanap na si Carl.

Nahuli ko ang pagbulong ni Brent kay Grey, pati na rin ang matalim na tingin ni Steffi sa banda ko. Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ba sila ang pinapanood ko? I came here to unwind. 

''I think this is a bad idea. Umuwi na kaya tayo?'' Kara said, as soon as Carl came back.

Sasagot na sana si Carl, kung hindi ko lang kinuha ang isang bote nang wine at isinalin na sa baso ko.

''Bakit wine? Wala na bang cocktail drinks?'' I whined, nagtataka na iba ang iniinom namin ngayon.

''Are you both afraid I'll cause a ruckus here?'' Sabay na umiling ang dalawa.

I'm right. They dont want a drunk Elle, tonight. Saglit akong napatingin sa banda nina Grey at nahuli kong tumatawa si Steffi sa binulong ni Grey sa kanya.

Sus! Siguro seryoso yung binulong ni Grey tapos nagpanggap lang na masaya si Steffi.

Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ko ba pinag-iisipan masyado si Steffi nang masama? Ano naman kung okay na sila tapos kami ni Grey hindi? Tss. Kala mo naman bagay silang dalawa!

''Carl will get cocktails, Elle. Diba, Carl?'' Napansin yata ni Kara ang pagkaka-tulala ko. Carl looked shocked, but he still went to the bar stool, anyway.

Halos mapangalahatian ko na agad ang baso ko na pinuno ko nang tagay. Wine will not get me drunk.

Nang makabalik si Carl, iyong dala niya naman ang ininom ko. I'm on my second shot nang biglang may umagaw nang baso ko. I saw Brent drinking my glass until last drop. Pabagsak naman siyang naupo pagkatapos.

''Kamusta?'' He said, hindi pinansin ang gulat naming mga ekspresyon.

''Anong ginagawa mo dito, Brent?'' Mataray ko na tanong, itinuturing na kaaway si Brent dahil magkasama sila ni Steffi.

I know it's childish to get mad at him but I'll still do it, anyway. I feel betrayed. And now, I also feel jealous. Bakit ang suwerte ni Steffi?

''Whoa! You sound mad! Lasing ka na agad?''

''Of course not!''

''Why are you here, Brent? After what your friend did to Elle, susulpot ka nalang bigla dito na parang wala lang?'' Kara snapped at him. Kumunot naman ang noo ni Brent, pagkatapos ay inagaw na naman ang inumin ko.

''Steffi? Oh. I hate her so I went here. She's too loud, palaging nagpapapansin kay Grey,'' sinulyapan niya ako kaagad nang banggitin si Grey. ''We're on bad terms. I'm on Peyn's side.''

''And Grey and Steffi? Okay na sila? Nabalitaan ko na nagalit sa kanya si Grey kahapon?'' Carl curiously asked, agad naman akong napaayos nang upo, interesado na sa usapan.

''He got mad at that b*tch? Bakit hindi mo sinabi sa akin, Carlota?''

''I told him to not tell you, babe. Tignan mo naman, ayos na agad sila,'' Kara saved Carl. Napatingin ako sa kabilang table pero wala na doon si Grey.

Oo nga, ayos na sila. Ano naman kung nagalit siya kay Steffi? Mas galit naman siya sakin.

''Steffi apologized. She forced us to be here para magka-ayos pero si Grey lang naman ang pinapansin niya. Good thing she invited our other friends, na-op na sana ako.''

Carl and Kara laughed at Brent. I laughed too. Kawawa naman 'to, nagsumbong na.

Nakapagtakas ako nang inumin kaya nilagok ko na kaagad, bago pa kunin ulit ni Brent.

''Kumuha ka nga ng baso mo!'' I shouted noong makita na nakatingin na siya sa akin at sa ininom ko.

''Grey will not be pleased if he see you drunk, Peyn.''

Palagi naman. Ano ba ang bago?

''Let her. She had a bad week, Brent. We'll take care of her,'' Carl assured him. 

Pagkatapos 'non ay hinayaan niya na nga ako. Binabaan niya nga lang ang tagay ko. Brent sometimes acts like an older brother. Kahit si Grey ang bestfriend niya, parang mas kampi pa siya sakin.

''I'll just go to the bathroom,'' paalam ko sa kanila pagkatapos nang ilang shots. Kara offered to escort me but I waved my hand.

Kaya lang, kapag sinuswerte ka talaga, naabutan ko si Steffi paglabas ko ng bathroom. It's like she's been waiting to corner me.

''Sinundan mo ba kami?'' I almost hysterically laughed at her, kung hindi lang naikot ang paningin ko.

''Bakit kita susundan? Hindi tayo talo, tabi diyan!''

''Aba't! Pilosopo ka talaga ha! Gusto mo yatang masabunutan, eh!'' 

Bakit ba hindi na ako tinantanan nitong babaeng 'to? Grey hates me, ano pa ba ang gusto niya?

''Can you just let me leave in peace? Kung gusto mo akong saktan, bukas nalang. Kapag maayos na ang pakiramdam ko,'' Steffi smirked, parang natutuwa pa na hindi ako makakalaban sa kanya.

''You're drunk? That's good! I can hurt you and you'll never know!'' Og*g ba siya? Bakit naman hindi ko malalaman? Hindi naman ako gaanong lasing.

Sinubukan ko siyang lampasan pero hinila niya ang buhok ko. Natanggal ang puyod ko sa biglaan niyang paghila. Halos matalisod ako sa ginawa niya, mabuti na lang at napakapit ako sa dingding nang comfort room. 

I was about to scream for help when someone stopped her from assaulting me.

''What the h*ll are you doing, huh?!'' I heard someone said. Inayos ko ang sarili ko at nilingon na ngayon si Grey, mahigpit na nakahawak kay Steffi.

Great. He just saved her from an assault case. 

I started walking away, kahit na nahihilo ay binilisan ko pa din ang lakad. As soon as I'm at our table, I grabbed my bag.

''U-uwi ka na?'' Kara said, mukhang lasing na at hindi na makapagsalita nang tuwid. Tinignan ko ang dalawa niyang kasama at napansin na bagsak na din ang mga ito.

Sh*t! Kinuha ko agad sa bag ang dalang cellphone at tinext si James. I can't take care of them, my scalp f*cking hurts at nahihilo pa din ako. Baka kung saan lang kami makauwi kung isasama ko si Kara.

''Can you hold on a bit? Malapit lang si James, papunta na 'yon, Kara. I just needed to get out of here bago pa ako makita ni Steffi ulit.''

''Ha? Oh, sige!'' Napailing ako, iniisip kung iiwanan ko ba ang mga kaibigan ko dito.

Gusto ko na agad umalis dahil ayokong maabutan pa ako ni Grey at Steffi. My phone beeped, I read it and then sighed in relief.

''I'm sorry, Kara. I have to go. James will be here in 10 minutes!" I kissed Kara goodbye and then stormed out of the bar.

Mabilis ang lakad ko palabas, habang sinusubukang mag-book nang grab. Naglalakad na ako sa parking nang may marahas na humila sa braso ko.

''Ano ba?'' I snapped at whoever stopped me from walking. Nanlalaki ang mata nang makita ko si Grey sa likod.

''Sinundan mo ba ako dito?'' Grey furiously asked. Bakit ba galit na naman 'to? Hindi ko na nga siya kinukulit.

''Bakit kita susundan? Ikaw nga ang sumunod dito sa parking!''

''How did you know I'm in this bar?'' What? Is he insuating that I followed him here? I wanted to bitterly laughed at him. Hobby na yata ni Grey ang saktan ako.

''I didn't know you were here! Bitiwan mo na nga ako!'' Grey immediately let go of my arm, ''Alam mo kung mabuti kang kaibigan, itatanong mo kung ayos lang ako! You're girlfriend literally pulled my hair!''

He looked shocked for a second but he immediately masked it with annoyance.

''She's not--whatever! Umuwi ka na.''

''Uuwi na talaga ako!''

''Nasaan na ang mga kasama mo?''

''Pake mo?'' I almost shed a tear. Kanina ko pa gustong umiyak sa sobrang inis kay Grey.

"What did you say?"

"Hinabol mo pa talaga ako para pagbintangan?"

Why is he here, anyway? Sana ay hinayaan niya na lang ako, katulad nang lagi niyang ginagawa.

Grey looked really annoyed right now. Hindi na natutuwa sa mga pambabara ko, kaya naman, sinubukan ko nang huminahon.

''You should check out Steffi. She must be hurt you're here.'' 

Matagal na natahimik si Grey, tinitimbang kung sasagot pa o hindi. Pagod akong tumingin sa kanya, naiinis, nagseselos, at nasasaktan dahil inaakusahan niya ako na parang wala na akong ibang ginawa kundi ang bumuntot sa kanya.

''You know, Steffi won't do that to you if you don't like me.'' Kasalanan ko pa? Ganon ba yon, Grey? Mali ko pa din? Kahit ako yung nasabunutan, si Steffi pa din ang rational?

''I know,'' I almost choke on my answer.

''Stop liking me, Peyn. I'm no good for you.'' The seriousness in his tone made me shiver. Para akong nahimasmasan sa sinabi niya.

Hindi lang isang beses na hiniling ko na dumating na sana yung grab o may kakilala pa ako dito na magyayakag sakin paalis. I wanted out of here, I wanted to just suddenly disappear.

''Do you hate me that much, Grey?'' I managed to ask, after a long silence.

Do you hate me enough that you'd make me stop liking you? Is that a valid reason to hurt me?

''Are you seriously asking that question right now?''

Para akong bata na tumango sa kanya. Isa-isa nang bumabagsak ang mga luha.

''This is one of the reasons why I hate you. You always cry. I'm not entitled to like you back just because you feel that way, Peyn. Do you understand?'' Grey's voice echoed inside my head. He said those words so casually, no emotions, but my insides are crushing.

Sinabi niya iyon nang gano'n kadali, na parang bata ang kausap at hirap pa umintindi. He said those words to purposely hurt me.

You did it, Grey. You successfully pushed me away.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status