Share

Kabanata 6

The next few days were hell. Kung kailan ayaw ko na magtapo ang landas namin ni Grey, doon ko naman siya laging nakikita.

The cold breeze outside our gate, and Grey's stare, sent shivers down my spine. Nandito ako ngayon para bisitahin ang parents ko, at ganoon din yata si Grey. Saglit lang ako na tumingin sa kanya, pagkatapos ay nagmamadali nang pumasok sa loob.

Mom and Dad looked at my startled reaction.

"Ngayon pala ang punta mo? Bakit hindi ka man lang nagtext?" Daddy asks, gulat na bigla na lang akong sumulpot dito.

"Bakit bihis na bihis kayo? Magdi-dinner date ba kayo? Sama ako!" tumihim si Mommy bago ako mataman na tinignan. "It's Sam's birthday today, don't you remember, hija?" Sam? Tita Sam? Grey's mother?

"Oh. Enjoy! Tell Tita I said happy birthday!" I awkwardly made my way, going inside our house. Natigilan lang ako sa paglalakad nang hilahin ni Mommy sa dulo ang satin strapless top ko.

"Hindi ka sasama?" lito at kuryosong tanong niya.

"Hindi na, Mommy. Pagod na kasi ako."

"Sumama ka! Tutal ay nandito ka na rin lang naman. It's an intimate dinner. Grey must be there already." Gusto kong magmaktol at sabihin na iyon nga ang dahilan kung bakit ayoko. Mom mentioned his name, bribing me to come.

"Masama ba ang pakiramdam mo, anak?" Daddy inquired, napansin ang uneasiness ko. I probably looked constipated right now.

"Y-yes, Dad."

Akala ko ay lusot na ako kaya lang ay hinila ni Mommy ang braso ko.

"Sus! Lagnat? Ang lamig lamig nga nang braso mo! Sumama ka na, saglit lang naman yon!"

Defeated, napilitan akong pumunta sa kapit-bahay. Bakit ba kasi hindi muna ako nag-text kay Mommy bago pumunta dito? Ang t*nga t*nga ko naman!

Nakayuko akong sumunod sa mga magulang ko, kulang na lang ay magtago sa saya nang nanay ko. Mommy is throwing me weird looks. She's trying to show me where Grey is, using her eyes.

I peeked at Daddy's shoulder, sinisilip si Grey. It really is an intimate birthday dinner. Walang bisita maliban sa amin nina Mommy. Why are we here? It's like were intruding their family dinner.

"I'm glad you all came! It's so boring, celebrating my birthday with this two!" Tita Sam greeted, embracing each one of us. She and Mommy are really close. This dinner invitation is the proof.

"Well, thank you for the invitation! Kahit palagi naman tayo nagkikita," Mommy and Tita Sam laughed, while the three boys just look bored.

Kahit nang magsimula nang kumain, hindi ko tinitignan si Grey. Even if his Mom purposely made him sit beside me. Para akong na-estatwa at hindi halos mai-angat ang kutsara, takot na gumawa nang kahit anong ingay. Ayokong mapansin ni Grey ang kaluluwa ko dito pero itong nanay ko naman ay panay ang pagpuri sa akin, lantaran akong ibinebenta kay Grey.

"Focus sa pag-aaral, kaya hanggang ngayon ay walang boyfriend! Marami naman nanliligaw noon, kaya lang ay suplada sa hindi kakilala! Kaya ang gusto namin ay yung malapit sa pamilya namin ang manligaw!" I almost choke on the salad I'm eating.

"I see! Elle's a smart and beautiful kid, kahit hanggang pagtanda ay wala halos ipinagbago kahit sa pag-uugali," pag-sakay ni Tita Sam sa kabaliwan ni Mommy. I don't think she did that to help Mom, though. She's sincere and genuine when she complimented me.

"Sana nga lang ay ganoon din 'tong anak natin, Sam. Grey has been inconsistent these past few months, his grades keeps on going down," pasaring ni Tito Geoff sa anak niya. It's his first time to talk since this dinner, but all he did is to point out Grey's mistakes.

Patago akong sumulyap kay Grey, nakayuko lang siya at patuloy lang sa pagkain na parang sanay na sanay na. I suddenly feel for him a bit. It must be so hard living with your parents expectations.

"He's not focusing well on his studies this year," Tita Sam explained, making light of the situation.

"He could do better. He's an excellent kid, mukhang tinatamad na nga lang at baka napapa-barkada pa," Tito Geoff continued, his voice sweet but with a hint of disappointment. Dad nodded and was about to comment on Tito Geoff when Grey purposely put his fork down, making a loud noise.

Everyone looked at Grey, expecting him to talk back or make his dad stop.

"I'm sorry," bagkus ay hinging paumanhin niya sa pagbagsak ng kubyertos. I am suddenly pissed. Ganito siya lagi itrato ni Tito Geoff? Pinigilan ko ang makialam dahil paniguradong magagalit lalo sa akin si Grey.

Tito Geoff said those things calmly, malayo sa pagsigaw niya kay Grey noong nakaraang linggo. Pero ang sabihin iyon sa harapan nang mga bisita, it's just too wrong. Sarili mong anak ang pinapahiya mo.

"Mahirap nga ang mapa-barkada," Daddy finally commented. Mapang-akusa ang titig na ipinukol ko kay Dad, hindi sang-ayon sa sinabi niya. 

"Kumain na lang tayo," Tita Sam said, finding peace in the situation but it's too late. Tito Geoff was about to pick on Grey again, when I interrupted him.

"Mahirap po talaga kapag graduating student, Tito. Lalo na dahil nasa star section si Grey."

"Right! Yan nga din ang minsang sinasabi ko dito kay Geoff, hija."

Mommy glanced at me warningly, pinapatigil ako sa pakikialam. It's Tita Sam's birthday. Why can't we celebrate it normally, and without picking on anyone?

"Grey's doing a really great job. I know because I almost glued myself on him," I jokingly added, making sure that Tito Geoff knows that I still respect him. "And he's friends are really good! Palagi silang gumagawa nang activities, madalas doon sa unit ni Grey. It's not his fault, it's just that he have a really competitive blockmates."

Tita Sam smiled at me genuinely. Mom complimented the food to change the subject, while my Dad and Tito Geoff talked about golf, also avoiding what just happened. I carefully look at Grey, anticipating his cold and angry stares.

Nagulat nga lang ako sandali nang makita ang malambot nitong ekspresyon, nagpapamo nang kanyang mukha. But then it changed quickly. It became unreadable, making me uneasy and afraid.

Tinapos ko agad ang pagkain ko at nagpaalam na uuwi na dahil may gagawin pa ako. Tita Sam kissed my cheek, whispering her sweet thank yous for always having Grey's back. I just politely smiled at her, and then left the dining area.

Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Grey hanggang sa tumigil na ako malapit sa gate.

"What now?" Lumingon ako sa kanya, nagtataka na sinusundan niya ako. "If you're mad about what I said earlier, save it. That's the last time I'll stick my nose at your business. I'll be completely out of your sight." 

Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Tulala din naman siya noong iwan ko.

Ano bang problema niya? Na-touch ba siya sa pagiging hero ko doon sa dinner? Asa! Malamang ay itataboy niya lang ulit ako, pero naunahan ko, kaya nagulat.

I hailed a cab, nag-text nalang kina Mommy na hindi na muna ako matutulog sa bahay. I'm beat. I had the worst week of my life. 

I crawled on my bed and stupidly started crying, again. Isa-isa na naman na nag-flashback sa akin ang nangyari ngayong linggo. I wanted to laugh at myself, bakit ba ako umiiyak? Ano pa bang iniiyakan ko? 

Bukod sa gusto kong baguhin ang mga ginawa ko these past few days, gusto ko nalang din maglaho. If someone saw me at this state, malamang ay tatawanan lang ako. Sino ba ang t*nga na iiyak sa lalaking hindi ko naman naging jowa? Bakit ba ako umiiyak sa crush? Umpisa pa lang naman ay hindi na nagpakita nang kahit anong motibo sa akin si Grey, ako lang naman ang mapilit at ambisyosa.

I wiped my tears, harshly. Gusto niyang layuan ko siya? Edi, sige! Lalayo na talaga ako. Marami pa namang ibang lalaki dito. Hindi lang naman siya ang guwapo sa mundo! Hahanap ako nang iba at ipapa-mukha kay Grey na hindi lang siya ang lalaking puwede kong magustuhan!

I suddenly remembered what Kara said the other day, iyong hahanapan niya daw ako nang lalaki! Tama! Pag may iba akong nagustuhan, mawawalan na talaga ako nang pake kahit magkaroon pa kami nang christmas dinner o kung anumang bwisit na dinner kina Grey!

By then, hindi na siya ang gusto ko!

I texted Kara immediately. Wala nang pake kung dis-oras na nang gabi at nakaabala na ako.

Me: Set me up on a date!

Kara: Sure! Next Friday!

Aba! Ang bilis naman non. Hindi naman halata na sabik na sabik din siya. Kara's really not a fan of Grey. Kahit dati pa naman, inis na yon kay Grey. I just don't know why. Siguro ay nasungitan din ni Grey.

Halos lahat naman sinungitan 'non. Mahina kong ini-untog ang ulo ko sa unan. Bakit ba si Grey na naman? Pano ko ba naman siya kakalimutan kung ganito ang natakbo sa utak ko?

I need to focus! My new project is to totally forget him!!

I purposely looked straight ahead noong makasalubong ko sina Grey, Brent, at Steffi kinabukasan. Dala dala ang tatlong ecobag nang groceries na kulang nalang ay magtapunan sa bigat. Bakit ba ngayon ko pa napili na mamili? At bakit ba ganito na naman kadami ang binili ko?

At bakit ba si Grey na naman ang nakita ko? Sobrang nananadya naman yata ang tadhana. Kung kelan ako umiiwas, tsaka naman sulpot nang sulpot si Grey sa harap ko!

"Uy, Peyn! Snobber ka ha," Brent greeted, kulang na lang ay ihagis ko sa kanya ang dala ko. Hindi ba siya makaramdam na umiiwas ako kay Grey! Bakit niya pa ako kailangang tawagin?

Obvious naman na naiwas ako! Dahil kung hindi ay nauna na siguro akong nagpapansin sa kanila! Minsan hindi ko alam kung makitid ba ang utak ni Brent o talagang nananadya.

"Hi," malamig lang na bati ko sa kanya. Pinipigilan ang magalit, kung pwede nga lang ay hindi na ako magsasalita.

"Lamig! Kakain kami sa labas nina Grey. Sama ka?" Aba't! Nananadya talaga 'to, ano? Nahuli ko ang patagong irap ni Steffi. Akala mo naman sasama ako sa inyo!

Nilagpasan ko silang tatlo at dumiretso agad sa pinto ko, hindi pa din tinatapunan si Grey nang tingin kahit isang beses.

"LQ?" chismosong tanong nang makulit na si Brent.

"Peyn," Grey called me, mukhang may sasabihin.

Pero kung ano man 'yon, wala na dapat akong pake.

Pinilit ko ang sarili na pumasok sa loob, hindi kahit isang beses, nilingon si Grey.

I'm so curious pero paniguradong kung hindi niya ako pagsasabihan, masasaktan naman ako sa kung ano man ang sasabihin niya. Ganoon naman 'yon palagi. 30% ko lang yata siya nakausap nang matino, 70% na yung galit niya sakin.

I somehow get it, dahil kung ako din si Grey, magagalit ako sa taong may gusto sa akin. Hindi dahil masama ako, ayoko lang na magka-gusto siya sakin.

Ganoon ako sa mga manliligaw ko dati. I have my eyes, only for Grey. Kaya naman ay binalewala ko sila. Pero may makukulit pa rin, kaya napagsalitaan ko nang masama para matigil.

Pero pinagsisihan ko ang mga 'yon, I wish I approached them in a better way.

Ganoon din kaya si Grey? Nagsisisi din ba siya? I hope the next time someone falls for him again, he would do it in a gentler way. Dahil kahit gaano mo kaayaw sa tao, kailangan mo rin i-respeto ang nararamdaman nila.

We don't choose who we fall for, it just happens. It's not our fault we find you charming, or attractive, or perfect. It's not our fault we feel and act in an exaggerated way. We love, and when we love, we feel the emotions way too much.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status