ANG nangyari sa gabi ng party na iyon ay masyadong makasaysayan para sa isang batang katulad ni Joana. Kinailangan pang ipaliwanag ni Camille sa bata ang nangyari ng gabi ng party yamang naroon rin naman ang bata at nasaksihan at narinig nito ang lahat ng iyon.
"Mommy, hindi naman po bad si daddy, diba? Hindi naman po siya monster katulad no'ng sinabi ng lalaki," nakangusong sabi ni Joana, tinuturuan niya ang anak na magbasa pero hindi doon natutuon ang atensyon ng bata. Hindi parin nito makalaimutan ang kaganapang iyon.
"Joana," hinaplos niya ang pisngi ng anak. "let's read alphabet letters, huh. Alisin mo muna sa utak mo 'yang nangyari sa party na iyon,"
Joana frowned. "Eh kasi po mommy, hindi ko po matanggap na bad si daddy. Hindi naman po siya bad eh, siya po ang pinaka-best daddy in the whole world for me,"
"Anak, focus on the flashcard hindi sa nangyari no'ng isang gabi, okay. Anong letter ito?" Ipinakita niya sa bata ang flash c
"BOSS, finish na," nakangiting saad ni Camille pagkalabas niya sa kusina at nahanap niya si Damon sa malawak na salas ng bahay nito habang abala sa laptop nito.Nag-angat naman sa kaniya ng tingin ang lalaki. "Great!" Anito at saka inilapag ang laptop at tumayo.Siya ang inutusan ni Damon na ipagluto ito ng hapunan ngayong gabi, pumayag naman siya dahil naawa rin siya sa lalaki at walang magluluto ng pagkain para rito."Nga pala, tumawag sa akin si Nanay, nag-i-enjoy daw sila ni Joana sa Baguio and salamat daw dahil pinagbakasyon mo sila doon," nakangiting aniya habang ang paningin ay nasa laptop na iniwan ng lalaki. Naningkit na lamang ang mga mata ni Camille nang makita niya ang nasa screen ng laptop."Good to hear that," tatango-tangong ani Damon habang kumukuha ito ng red wine sa cellar."At itinatanong rin ni Nanay kung susunod daw ba tayo doon?" Inalis na niya ang paningin sa lap top at nilingon ang lalaki."Yep. Bu
MATAAS ang sikat ng araw at nakakapaso sa balat ang sinag niyon, pero hindi iyon alintana nina Camille at Aleng Carmen na kaninang umaga pa paikot-ikot sa kalye para hanapin si Joana. Namigay narin sila ng flyers sa mga tao na may mukha ni Joana.Kahapon pa nawawala ang bata, at kahapon pa walang maayos na kain at tulog si Camille sa sobrang pag-aalala niya sa anak."Ano? Nakita mo na ba siya? Nahanap mo na ba? Alam mo na ba kung nasaan si Joana?" sunod-sunod na tanong ni Camille kay Damon nang lumapit ito sa kanila. Nananakit na ang mga paa niya kakalakad pero hindi niya iyon iniinda.Umiling si Damon na nakapagpalumo sa kaniya. "Diyos ko. Saan natin hahanapin si Joana? Damon, gumawa ka naman paraan para mahanap natin ang anak ko," nagsisimula nang mag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya.Napalunok naman si Damon maging siya ay hindi rin malaman kung saan hahagilapin ang anak nila. "Don't worry, nagpakalat na ako ng mga tauhan ko sa
"JOANA ANAK!"Bumalikwas si Camille at hingal na hingal siya na animo'y galing sa mahaba at matagalang pagtakbo, napanaginipan niya ang anak na humihingi ng tulong sa kaniya at umiiyak. Noon lang rin napansin ni Camille ang suwero na nakakabit sa kamay niya at naramdaman niya ang pagkirot ng sugat sa noo niya.Napatingin siya sa pinto nang bumukas iyon at umawang ang labi niya nang makitang pumasok si Damon."Damon, si Joana. Nahanap mo na ba si Joana?" agarang tanong niya sa lalaki habang nag-uunahan naman sa pagtulo ang luha niya.Agad lumapit sa kaniya si Damon at naupo ito saka pinahid ang luha niya sa pisngi. "Oo, nahanap ko na siya, Camille. Joana is safe now. Iniuwi lang siya ni Aleng Carmen dahil hindi puwedeng magtagal dito sa hospital si Joana,"Kahit papaano ay lumuwag na ang pakiramdam niya sa narinig. "M-Mabuti naman," pero para parin siyang tinatarakan ng kutsilyo sa puso niya. Nahihiya din siya kay Damon at hindi
SUNOD-SUNOD ang ginawang pagbuga ng hangin ni Damon at naiinis siyang napahilamos na lamang sa mukha. Alam niyang nakita ni Camille ang ginawa ni Kathleen na halikan siya. Gustuhin man niyang dipensahan ang sarili kay Camille pero hindi niya nagawang makapagsalita kanina, para siyang nilulusaw nang makita ang sakit sa mga mata nito kanina nang titigan niya iyon."Babe," kumapit sa braso niya si Kathleen, walang kaemo-emosyon at madilim ang mukhang tumingin naman si Damon sa babae at marahas na binawi dito ang braso niya."Can you please leave me alone, Kath. I want to be alone," walang emosyong sabi niya dito. Bumadha naman ang inis sa mga mata ni Kathleen."What happened to you, Damon? Bakit ba ipinagtatabuyan mo na ako ngayon?" Himutok ni Kathleen.Tinitigan lang ni Damon sandali ang babae at saka nag-iwas ng tingin dito at muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Hindi pa ba malinaw sa iyo, Kath, hindi na ikaw ang gusto ko
"THEY said, sa hinaba-haba ng prusisyon sa simbahan parin ang tuloy," Shana giggled. Ipinapa-manicure nito ang kuko sa paa sa manicurist.Inaya siya nina Shana sa salon ni Dancey at siyempre hindi nawala ang question and answer portion. Nalaman ng mga ito mula sa Nanay niya ang tungkol sa pinaplano nilang pagpapakasal ni Damon kaya naman hindi na siya tinantanan ng mga kaibigan sa katatanong hanggang sa napilitan nalang siyang magkuwento sa mga ito."And I think kayong dalawa ni Damon Monteverde ang patunay ng kasabihang iyon," dagdag pa ni Shana.Tumawa naman si Dancey na kasalukuyang inuunat ang buhok ni Camille. "Yeah. Shana is right,"Napakagat labi na lamang si Camille upang pigilang kumawala ang ngiti sa labi niya. Kinikilig siya pero ayaw niyang ipakita iyon sa mga kaibigan."Mala-fairy tale love story lang ang peg, huh. Pagkatapos niyong maghiwalay no'ng college at hindi niya alam na may anak kayo and then after six year
NARITO sa isang mamahalin at elight na restaurant sina Damon at Camille kasama si Joana na kanina pa umiiyak at nahihirapan silang patahanin ang bata. Humahabol kasi si Joana sa kaniyang lola Carmen nang ihatid nila ito sa terminal kaninang umaga. Dahil malapit na ang fiesta sa Borongan at gusto iyong daluhan ni Aleng Carmen, pero hindi naman makakasama sina Camille dahil marami silang kailangang asikasuhin sa kasal nila ni Damon. "Mi-miss ko si lola, mommy, daddy," humihikbing sabi ni Joana, halos wala pang kabawas-bawas ang pagkain nito dahil sa kaiiyak. "Uuwi din naman si lola agad, anak. Sandali lang naman siya roon, eh," pagpapalubag ni Camille sa kalooban ng bata. "Ganito nalang, para hindi ka malungkot, mamamasyal tayo ngayon. Gusto mo ba iyon?" pang-uuto naman ni Damon sa kanilang anak. Bigla ay lumiwanag ang mukha ni Joana. "Sige po, daddy. Gusto ko po mamasyal tayo," Parehong napangiti sina Damon at Camille nang n
WALANG tigil sa pagtulo ang luha ni Camille habang nakasakay sila ng anak sa bus pauwi ng Samar. Halos dalawang araw rin ang biniyahe nila dahil barko ang sinakyan nila."Mommy, umiiyak ka po ba?" biglang tanong sa kaniya ni Joana nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya.Pasimple niyang pinunas ang luha at tipid na nginitian ang anak. "Hindi, anak. Napuwing lang si mommy,""Mi-miss ko si daddy, mommy. Susunod po ba siya sa atin?" Joana asked.Kumirot ang puso ni Camille at bumaling na lamang siya sa bintana at doon itinuon ang kaniyang paningin habang nakaunan sa hita niya si Joana at nagbalik na lamang ito sa pagtulog.She wanted to sobb pero pinipigilan niya ang emosyon at pilit pinapatatag ang sarili.Alas tres ng hapon nang dumating sa terminal ang bus, pagkababa nila ni Joana dala ang kaunting gamit na dala nila ay natanaw agad ni Camille ang kaniyang tito Pareng na kumakaway sa kanila."Mommy, si lolo Pareng,"
PARANG punyal na isinaksak sa puso ni Camille ang sinabi ni Kathleen. Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng langit at matinding pagkirot ng puso niya ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito."You heard that, Damon? Magkakaanak na tayo," bumuhos ang luha ni Kathleen, ang mga mata nito ay tila nakikiusap sa lalaki.Naestatwa naman sa kinatatayuan niya si Damon. "Your just lying, aren't you?"Pagak na tumawa si Kathleen. "Mukha ba akong nagsisinungaling, Damon?""Teka nga. Teka nga. Naguguluhan kami," sabat ng mga kamag-anak ni Camille. "Damon, totoo ba na nabuntis mo ang babaeng clown na ito na mas makapal pa sa kalyo ng paa ko ang make up?" Usisa ni Anjaneth.Hindi naman makasagot si Damon at napako ang tingin nito kay Kathleen."Narinig niyo sinabi ko, right. I'm pregnant and Damon is a father," pagalit na sabi ni Kathleen at talagang hinarap pa nito ang mga kaanak ni Camille."Eh gago pala itong lalaking 'to, e