Share

Chapter 21

     NAGISING si Camille nang maramdaman niyang huminto na ang sinasakyan nila, at nang sumilip siya sa bintana ay bumungad sa paningin niya ang bahay nila.

"Hay salamat, nakarating din tayo," pagpapasalamat naman ni Aleng Carmen na sinundan pa ng magaang buntong-hininga.

Naunang bumaba ng sasakyan ang kaniyang ina. Pagkababa naman ni Camille ay napansin niya mula sa peripheral vision niya na bumaba rin si Damon habang karga-karga nito ang nakatulog nang anak nila.

Para sa anak ay napilitan siyang humarap kay Damon. "Akina si Joana," lumapit siya at akmang kukunin dito ang bata ngunit natigilan siya at unti-unting nag-angat ng tingin kay Damon kaya napagtanto niya na iilang pulgada nalang ang pagitan ng mga labi nila. Wala sa sariling napalunok siya ng sunod-sunod.

Walang kakurap-kurap namang nakatitig sa kaniya si Damon at tumitig din siya sa mga mata nito, ang tibok ng kaniyang puso ay hindi nanaman normal.

"Ehem," bigla ay tumikhi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status