MATULIN ang pagpapatakbo ni Camille sa kaniyang sasakyan, ganito siya magmaneho kapag mag-isa lang siya at walang traffic sa kalsada. Nagagawa lang niyang maghinay-hinay sa pagmamaneho kapag nakasakay ang kaniyang anak, dahil masyado niyang iniingatan si Joana.
Nakatuon ang kaniyang paningin sa kalsada nang bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone. Sasagutin niya sana ang tawag ngunit nagulat siya nang biglang may sumulpot na matanda at papatawid ito. Sa takot niya dahil muntikan na niya itong mabangga ay mabilis niyang tinapakan ang break.
"Holy shit!" malakas siyang naka-pagmura, pagkatapos ay nagmamadali niyang inalis ang seatbelt at bumaba ng kotse niya saka nilapitan ang matanda. "Lola, ayos lang po ba kayo? Nasaktan ho ba kayo?"
Umiling naman ang matandang babae. "Ayos lang ako, hija. Hindi naman ako tinamaan ng sasakyan mo dahil napreno mo agad,"
Nakahinga siya ng maluwag. "Bakit ho pala mag-isa lang kayo? May kasama ho ba kayo?"
"Ang apo ko, kasama ko siya. Pero nawawala siya at hindi ko alam kung nasaan siya nagpunta," tugon nito. Hindi naman niya mapagkakamalang pulubi ang matanda dahil maayos ang suot nito, katunayan ay mapaghahalataang may sinasabi ito sa buhay.
Nakadama siya ng lungkot dahil naaalaala niya dito ang kaniyang lola na nasa probinsya at ilang taon na niyang hindi nakikita.
"Saan ho ba nagpunta ang apo niyo? Dapat ay hindi kayo nag-iisa lalo dito sa kalsada. Saka dapat hindi ho kayo basta-basta tumatawid," seryosong aniya dito. "Gusto niyo ho ba tulungan ko kayong hanapin ang apo niyo,"
Ngumiti naman ang matanda. "Talaga, hija? Pero hindi ko matandaan ang pangalan ng apo ko, eh," napapakamot ito sa ulo.
Maging siya ay napakamot narin sa ulo. Mukhang nag-uulyanin na ang matanda.
"Lola, nandito ka lang pala. Kanina pa ako hanap ng hanap sa iyo," bumaling ang kaniyang paningin sa kakarating palang na lalaki, medyo may pagka-chinito ito at matangkad. May pagkakahawig ito sa matanda kaya nasisiguro niyang ito ang apong hinahanap ng matandang babae.
"Ikaw ba ang apo niya? Sorry, kasi muntik ko nang masagasaan ang lola mo, bigla kasi siyang tumawid," aniya dito, natulala naman sa kaniya ang lalaki. "Ahm, o-okay ka lang ba?"
Tila natauhan ito sa pagkakatulala sa kaniya. "I-I'm George Charles," pakilala nito sabay lahad ng palad.Napamaang naman si Camille. Hindi naman niya tinatanong ang pangalan nito, pero ano't nagpapakilala ito sa kaniya? Gano'n pa man ay tinanggap niya ang kamay nito at nakipakamay siya dito.
"Ang ganda mo naman," tila wala sa wisyo nitong sabi sabay kagat pa sa ibabang labi.
Batid niyang it was just a compliment by him, pero hindi niya mapigilang maasiwa sa paraan ng titig nito sa kaniya. "T-Thank you then," naiilang siyang ngumiti. "Sorry kask muntik ko nang masagasaan ang lola mo,"
Nanatili itong nakatingin sa kaniya. "Pagpasensyahan mo na itong si lola ko," inakbayan pa nito ang matanda. "Ang bilin ko kasi sa kaniya ay huwag lalabas sa loob ng sasakyan at hintayin lang niya ako sandali dahil may bibilhin lang ako. Pero pagbalik ko wala na siya sa loob ng sasakyan. Nag-uulyanin na kasi itong si lola, eh,"
Ngunit napangiwi ang lalaki nang kurutin ito sa tagiliran ng matanda. "Anong mag-uulyanin. Manahimik ka, Arturo, hindi ako ulyanin,"
Ngumuso si George sabay kamot pa ito sa ulo. "Tignan mo 'to, lola George ang pangalan ko, hindi Arturo,"Umiling ang lola nito. "Hindi. Manahimik ka William. Ikaw si William, ang pinakapangit kong apo,"
"Ouch!" Umakto pa itong nasasaktan. "lola, matatanggap ko pang tawagin mo ako sa iba't-ibang pangalan. Pero 'yong sasabihan mo akong pangit, aba hindi naman yata tama iyon, unfair eh. Sa guwapo kong ito, tsk tsk tsk," umiling-iling pa si George.
Natatawa naman si Camille sa mag-lola. Naalaala niyang ganiyan din sila mag-asaran noon ng kaniyang lola. God! She misses her lola so much.
"Pasensya ka na dito sa lola ko, ah. Nag-iisip bata na rin kasi dahil sa katandaan niya," natatawang bulong ni George.Ngumiti naman siya. "Ganiyan talaga kapag matanda na. Anyway, mauuna na ako. Doblehin mo nalang ang pagbabantay diyan sa lola mo lalo kapag nasa kalsada kayo. Mahirao na, baka mawala pa siya,"
Tatalikod na sana siya para bumalik sa kaniyang sasakyan nang tawagin siya muli nito. "A-Ano. M-May I know your name?"
Mahina naman siyang natawa. "Camille Carlejo," simpleng tugon niya at sumakay na sa sasakyan niya saka binuhay muli ang makina.
"Add kita sa f******k mo, Camille," narinig niyang sigaw ni George. Ngumiti at tumango naman siya dito at minaniobra na ang manobela at pinasibad palayo ang sasakyan.
PAKIRAMDAM ni George ay tinamaan ng pana ni Kupido ang puso niya matapos makita ang pinakamagandang babae sa paningin niya. Nakatulala parin siya at pilit tinatanaw ang sasakyan ni Camille na malayong-malayo na. This is the first time na na-love at first sight siya sa isang babae.
Hindi mapawi ang ngiti sa labi ng lalaki. "Ang ganda niya, para siyang anghel na bumaba sa langit,"
Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan ni Camille ay niyakag na niya ang kaniyang lola pabalik sa sasakyan nila, pagkatapos ay sumakay na siya sa driver seat.
"Sa tingin ko lola, nahanap ko na ang babaeng nakatadhana sa akin," nakangiting aniya sa lola niya na nasa tabi, pagkatapos ay binuhay na niya ang engine ng sasakyan at marahang nagmaneho.
"Sino? Si Hatey? Naku, ayoko sa hitad na iyon, ah. Ke sama-sama ng ugali," bigla nalang sumama ang timpla ng matanda.
Ngumisi si George at itinuon na sa kalsada ang kaniyang paningin. "Hindi si Hatey, lola. Kundi 'yong babae kanina. Siya ang pinakamagandang babae na nakita ko," mahina pa siyang natawa. "Sana ay magkita ulit kami,
PAGKATAPOS makausap ni Camille ang owner ng restaurant ay hindi naman niya inaasahang gagawi doon ang dalawa niyang kaibigan na kay tagal rin niyang hindi nakita at naka-bonding.
"Sis," agad siyang dinambahan ng yakap ng baklang kaibigang si Dancey. "kamusta ka na? Saka ano ba naman 'yang hitsura mo, sis. 'Yong hair mo wala man lang style. Sinabi ko naman sa iyo, kapag dumaan ka sa salon ko automatic na free kitang ime-make over,"
Umirap siya. "Wala pa akong time, ano ka ba. Busy ako sa trabaho ko. Kapag day off ko naman siyempre ay ipinapasyal ko si Joana,"
"Tse. Puwede mo namang isama ang inaanak ko sa aking salon. Ime-make over ko kayong mag-ina ng libre," bumungisngis pa ito.
"Hmm," tumikhim siya. "sabi mo 'yan, huh. Sige sa Sunday, isasama ko si Joana sa salon mo. Basta ay libre mo, huh. Alam mo naman ang buhay ng isang ina, natututong magtipid para sa kinabukasan ng anak,"
"Hay naku, if I were you maghahanap na ako ng fafa na puwedeng maging instant daddy ng anak mo, at makakatuwang mo sa buhay," sabat naman ni Shana.
Ngumiwi siya. "Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko noh, para lang maging instant daddy ng anak ko. Ky daughter is enough to me,"
Nagkibit balikat nalang ang dalawang kaibigan niya.
"Ano palang gusto n'yong orderin? Marami kaming specialty dito," inabutan na niya ng tig-isang menu ang dalawang kaibigan.
Binuklat naman nina Shana at Dancey ang menu at tumingin doon. "Bolognes trevelle Pasta, and Fettucini with garlic bread nalang i-serve mo sa amin, sis," pagkuwan ay iyon lang ang in-order ng mga ito.
"Sige, maghintay lang kayo ng kaunting minuto dahil lulutuin pa ang order niyo," aniya habang isinusulat ang order ng mga ito.
"Ikaw ang magluto, huh, masarap ka magluto, eh," nakangiting sabi ni Dancey sabay kindat pa sa kaniya.
"Yuck. Kailangan talagang mangindat. Hindi bagay sa iyo, bakla," nakangiwing aniya.
Humagalpak naman ng tawa si Dancey. "Arte. Saka hindi tayo talo, noh. Woi, babaita, bumalik ka dito, huh,"
Natawa siya. "Oo na, pero hindi ako kakain kasi busog pa ako. Kumain ako kanina bago pumasok. Makikipag-chikahan lang ako sa inyo," kumindat din siya sa dalawang kaibigan bago tumalikod at nagtungo na siya sa kusina.
Dahil abala ang mga chefs sa dami ng mga tao ay siya na ang nagluto sa order nina Shana at Dancey. Nang matapos ay siya na rin ang nagserve niyon sa table ng dalawang kaibigan. Hindi maikakaila ni Camille na patuloy sa pag-asenso sa buhay ang dalawang kaibigan niya, katunayan ay mas asensado pa ang dalawa kesa sa kaniya. Sabagay ay wala pang mga anak ang mga ito, bagamat mag asawa na si Shana.
May-ari na ng isang beauty salon ang baklang si Dancey, at hindi lang basta tao ang mga costumers nito doon. Mga bigtime na tao. Businessman, celebrity, maging mga senador nga ay dinadayo ang salon nito. Si Shana naman ang OFW at marami na rin itong naipundar sa pagta-trabaho nito abroad.
"Oh mga bakla, heto na ang order niyo. Enjoy your meal," nakangiting sabi niya sa mga ito habang inilalapag sa table ang foods.
Binitiwan naman na ng dalawa ang kani-kanilang hawak na cellphone at pinagtuunan ng pansin ang pagkain.
"Sure ka talagang hindi ka titikim? Libre naman ito ni Shana, eh," maarteng sabi ni Dancey. Ito 'yong going sa pag-asenso na pero napaka-kuripot parin.
Umiling siya. "Busog nga ako," pagkatapos ay naupo siya sa tapat ng dalawa. Wala siyang gagawin ngayong araw kundi tumunganga sa office, kaya pasalamat talaga siya at gunawi ang dalawang kaibigan kaya may makakakuwentuhan siya. "Kailan ka pala dumating dito sa Pilipinas, Shana?"
Nilunok muna ng babae ang isinubo nitong pasta bago nag-angat ng tingin sa kaniya. "Yesterday lang, sis. Hindi ka kasi nag-o-online ng f******k mo kaya hindi kita na-chat. Hindi ko rin naman alam ang number mo,"
Tumango siya. "Oo nga pala. Nagpalit kasi ako ng sim last week lang. Anyway, kailan naman ang balik mo sa ibang bansa?"
Nagkibit-balikat ito. "Actually, wala na akong balak bumalik sa abroad. Gusto ko nang mag-stay dito sa Pinas since next month ay mag-o-opening na ang grocery store namin ng hubby ko,"
"Wow," she chuckled. "congrats, anyway. Siguro balak niyo nang magka-baby, ano,"
Shana giggled. "Mm. Plano narin namin," pagkatapos ay tumango-tango pa ito. "Pero sa ngayon magfo-focus muna kami sa business namin,"
"Hey yow guys, may nadiskubre akong bagong wine. My one of manicurist told me na masarap at nakakaadik daw itong wine na ito," ani Dancey at ipinakita nito sa kanila ang picture ng tinutukoy na alak na nasa screen ng phone nito. "gusto ko 'yang matikman,"
"Whew," ngumisi si Shana. "Natikman ko na sa abroad ang wine na iyan. And yeah, sobrang sarap nga niyan kahit medyo hard,"
"Ohmygash! Na-excite tuloy ako lalo matikman. So ano, walwal na ba tayo later?" Todo ngiti ang bakla, pagkuwan ay bumaling sa kanila mo Shana.
Bumaling naman sa kaniya si Shana. "Sama ka, sis. Ang tagal kong nawala kaya hindi puwedeng hindi ka sumama sa amin mamaya,""Hindi ko pa sahod ngayon, ano ba kayo. Sa susunod nalang, nakakahiya naman kung wala akong ambag," tugon niya. Batid niyang mamahalin ang ganoong uri ng alak. Ayaw naman niyang gastusin ang itinatabi niyang pera para lang sa alak na hindi naman kailangan.
Umingos naman si Shana. "Ano ka ba, para ka namang iba sa amin, sis. Siyempre ako na ang sasagot ng lahat, noh, sumama ka lang. Saka huwag ka ngang mahiya, we're friends forever, gayahin mo itong si Dancey, walang kahiya-hiya, mas makapal pa sa gulay na gabi ang mukha,"
Pinandilatan ni Dancey si Shana. "Inborn na sa akin 'yon, mga sis," biro nito at nagtawanan silang tatlo.
HINDI na nakatanggi si Camille sa kaniyang mga kaibigan, napilit siya ng mga ito na uminom ng gabing iyon sa condo ni Dancey. Hindi narin kasi umalis sa restaurant sina Shana at Dancey at hinintay ng mga ito na maka-out siya.
Dahil naparami naman ang inom nila ng alak ay nalasing silang tatlo kung kaya doon na sila ni Shana natulog sa condo ni Dancey.
Kinabukasan nang magising si Camille ay sobrang sakit ng ulo niya dahil sa hangover. Matagal-tagal narin kasi siyang hindi nakatikim ng alak.
"Hala!" she exclaimed matapos niyang makita na maraming missed calls at text message sa kaniya ang ina.
Kinabahan siya sa 'di malamang kadahilanan at agad binasa ang message ng ina.
'Camille, nasaan ka?'
'Anak, si Joana isinugod namin sa Hospital,'
Matapos mabasa iyon ay dali-dali na siyang kumilos at hindi na hinintay magising ang mga kaibigan. Nagmamadali na siyang umalis at sumakay sa kaniyang kotse para pumunta sa Hospital na itinext sa kaniya ng ina kung saan isinugod si Joana.
Pagka-park niya ng sasakyan ay nagmamadali na siyang bumaba at nagtatakbo, hanggang sa makarating siya sa kuwarto kung nasaan naroon ang kaniyang anak. Hindi siya nahirapang tuntunin iyon dahil nagtext si Aleng Carmen kung saang kuwarto si Joana na-confine.
Hindi na siya nag-abalang kumatok at agad binuksan ang pinto. Hindi na siya nagulat na makitang naroon din si Damon, itinuon nalang niya ang paningin niya sa kaniyang anak na may benda sa ulo, senyales na may sugat ito roon.
Nanlulumo siyang lumapit sa bata. "Joana anak,"
"Mommy," paglapit niya ay sinalubong siya ng yakap nito. Parang dinudurog ang kaniyang puso sa kalagayan ng kaniyang anak. "Mommy, hinintay po kita kagabi pero hindi ka po umuwi. Saan ka po ba nagpunta?"
Hindi siya nakasagot. Nagsisisi siya kung bakit hinayaan niyang malango sa alak kagabi kaya hindi siya nakauwi. Niyakap niya si Joana ng buong higpit. "I'm sorry, anak. Patawarin mo si mommy,"
Lumapit si Aleng Carmen. "Hindi ko napansin na nakalabas pala si Joana kagabi ng bahay. Hinihintay ka niya pero nabundol siya ng dumaang sasakyan. Patawarin mo ako, Camille, hindi ko nabantayan si Joana ng maayos,"
Umiling-iling si Camille. Hindi niya makuhang magalit dito dahil alam niyang siya ang may kasalanan talaga.
Bandang tanghali ng magpaalam si Aleng Carmen para umuwi muna. Pagkatapos namang pakainin ni Camille si Joana ng lugaw ay nakatulog na ang bata.
"Sa palagay ko, hindi mo talaga kayang alagaan ng maayos si Joana. Tignan mo naman ang nangyari sa kaniya, nadisgrasya siya dahil sa kapabayaan mo," may bahid ng galit ang tono ni Damon.
"I..." nag-iwas siya dito ng tingin, hiyang-hiya at sising-sisi siya sa nangyari. "I'm sorry,"
"Sorry?" suminghal ito. Nag-iingat na magtaas ng boses para hindi magising ang bata. "Hindi mababago ng sorry mo ang nangyari kay Joana. Look at her, naaksidente siya, nasaktan. Kung sana maaga kang umuwi kagabi, hindi siya lalabas ng bahay para hintayin ka, hindi siya masasagasaan ng sasakyan,"
Sinulyapan niya ang anak. Kasalanan nga talaga niya kung bakit ito nadisgrasya. Wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya.
"You know what," nagtiim ang bagang ni Damon. "Kung hindi mo siya kayang alagaan ng tama, mabuti pang ibigay mo nalang siya sa akin. Joana's life would be really better if she was with me, not with a careless mother like you,"
Nag-angat siya ng tingin dito. "Hindi naman ako makapapayag na kunin mo siya sa akin, Damon. Oo, inaamin ko, may kasalanan ako sa nangyari sa kaniya. Na inuna ko pa ang makipag-inuman sa mga kaibigan ko kesa ang umuwi agad para bantayan siya. Pero 'yong sinabi mong pabaya akong ina, hell no, Damon. Hindi mo alam kung ano ang mga isinakripisyo ko para sa anak ko,"
Damon just blew air violently, pagkatapos ay pinukulan siya nito ng masamang tingin. "This is a warning, Camille. Sa susunod na may mangyari ulit na masama kay Joana, sa susunod na mapahamak ulit siya dahil kapabayaan mo, I'm sorry pero hindi na ako magdadalawang isip na kunin siya sa iyo,"
61 years later.... Nakaupo lamang sa kaniyang paboritong upuan ang siyamnapung taong gulang na si Camille. Ang kaniyang puwesto ay naroon sa tabi ng bintana kung saan tanaw ang sunset kung kaya masaya niyang pinapanood ang paglubog ng araw at ang kulay kahel na ulap. Sa kaniyang isip ay ginugunita niya ang nakaraan na may halong tuwa at kirot sa kaniyang puso dahil alam niyang sa alaala na lamang talaga niya maaaring mabalikan ang lahat. Ngayon ay kulu-kulubot na ang balat ni Camille at maputing-maputi na rin ang kaniyang buhok. Hindi na rin niya kayang tumayo ng mag-isa at mahinang-mahina na rin siya kung kaya ang kaniyang maghapon ay umiikot na lamang dito sa loob ng kaniyang kuwarto. At kahit saan niya ibaling ang kanitang paningin ay ang mga pictures nila ni Damon ang nakikita niya, magmula no'ng ikinasal sila hanggang sa tumanda sila. Napangiti si Camille, ang kuwartong ito nila ni Damon ay saksi sa kanilang pag-iibigan. Ang bawat haligi, at ding
MALUNGKOT ang puso ni Camille habang pinagmamasdan niya ang kulay kahel na ulap at ang napakaganda ngunit makahulugan para sa kaniya na sunset. Isang buwan na ang nakalilipas pero sariwa parin sa kaniyang isipan ang nangyari noon at sa bawat araw na lumilipas ay hindi nawawala sa isip niya ang sanggol na ipinagbuntis niya ngunit hindi naman napagbigyang masilayan ang mundo.Pero sinikap parin niya ang magpakatatag alang-alang sa mga taong mahal niya at lubos din siyang minamahal, lalo na ang anak na si Joana na araw-araw ay pinapasaya siya, at si Damon na oras-oras ay pinaparamdam sa kaniya kung gaano siya nito kamahal.May lungkot sa puso niya dahil sa nangyari kay George, pero dahil sa ginawa nitong kasamaan ay nararapat lang talagang parusa ang sinapit nito. Nalaman din naman nina Camille mula kay Kathleen na si George talaga ang nagpapatay sa lola nito. Hindi makapaniwala si Camille na magagawa iyon ni George kahit sa sariling kadugo nito.
NABABALOT na ng dugo at sugat ang buong katawan ni Aleng Carmen dahil sa paulit-ulit na bugbog na natatamo nito mula kay Kathleen.Halos pumutok na ang labi nito sa paulit-ulit na sampal, suntok at sapak ng kamay ni Kathleen, at mula roon ay umaagos ang masaganang dugo."Ano, huh, hindi ka parin magmamakaawa sa akin? Hindi ka parin makikiusap na itigil ko na itong pambubugbog ko sa iyo, huh, tanda?" bigla pa niyang dinuraan ang duguang mukha ni Aleng Carmen.Bagamat mahapdi na ang buo niyang katawan dahil sa mga sugat niyang natamo ay nanatili paring matatag ang ekspresyon ni Aleng Carmen. "Patayin mo na lang ako, Kathleen," bakas ang galit sa boses nito."Aww! Too bad ho, Aleng Carmen, kasi nasisiyahan pa akong paglaruan ka, eh. Tsk. Kundi kasi dahil sa anak mong ambisyosa sana masaya ako ngayon sa piling ni Damon. Dapat buhay reyna ako ngayon at hindi ako naghihirap. Sana limpak-limpak ang pera ko ngayon,"Tumawa si Aleng Carm
MATINDI ang panginginig ng mga kamay at tuhod ni Damon habang hinihintay niya ang bawat patak ng oras. Isa-isa na ring nagdadatingan ang mga bisita nila, ilan sa mga ito ay matatalik pang kaibigan ng kaniyang mga magulang. Now, he's wearing a white suit wedding polo and pants. Walang mapaglagyan ang kaligayahan sa kaniyang puso at hindi na siya makapaghintay na masilayan ang kaniyang bride."Congrats," tinapik ng matandang lalaki ang balikat niya. Ngumiti at nagpasalamat naman si Damon dito.Maya't-maya ang sulyap niya sa relo, hinihiling na sana ay dumating na ang kaniyang bride. Halos lahat na ng mga bisita ay naroon na, maging si Joana na isinabay na ni Shamille at ng anak nito na invited na rin sa kasal nila ay naroon na rin.Ang bride nalang talaga ang hinihintay."Wala pa ba siya?" pang-sampong tanong na yata niya ito sa driver niyang si Peach.Umiling naman si Peach. "Wala pa rin, boss,"Sunod-sunod ang naging pagb
MASAYANG pumasok si Camille sa restaurant. Magiliw din naman siyang binabati ng mga servers, pagkatapos ay tinutugon din naman niya ng matamis na ngiti ang mga ito.Masaya ang unang pasok ng taon para kay Camille dahil unang beses na nakasama nila si Damon na mag-celebrate ng pasko at bagong taon. Iyon na ang pinakamasayang pasko at bagong taon na dumaan sa kanilang buhay.Ang buong akala rin ni Camille ay magtatampo sa kanila si Joana kapag nasabi na nila dito na buntis siya at magkakaroon na ito ng kapatid, kaya naman nang magtatalon ito sa sobrang tuwa ay natuwa rin ang kaniyang puso.Paulit-ulit ding sinasabi ni Joana na excited na itong maging ate sa magiging kapatid nito, at sa tuwing sasabihin iyon ni Joana sa kanila ay natutuwa siya.Pagkatapos kausapin ni Camille ang server na si Marie ay dumiretso na siya sa manager's office at doon ay nagpahinga siya sa swivel chair. Dahil buntis siya ay bawal siyang ma-stress at mapag
NAIINIS na pinagsalikop ni Damon ang mga braso niya sa tapat ng dibdib. Maya't-maya ang pagsulyap niya sa suot na relo para bantayan ang oras. 2: 45 am. Naiinis na bumuga siya ng hangin. "Damon hijo," tawag ni Aleng Carmen, nilingon naman niya ang matandang babae. "Nay Carmen, kamusta na ho si Joana?" tanong niya. "Okay naman na siya. Allergy lang naman iyon, dahil sa mga nakain niya kaya siya nagkaroon ng pantal-pantal sa katawan. Pero ngayon, matapos niyang uminom ng gamot ay nawala narin paunti-unti ang pantal ng bata," tugon nito, nakahinga naman na si Damon ng ayos at marahang tumango. "Wala parin ba si Camille? Anong oras na, ah," "Kanina ko pa nga ho tinatawagan ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot," ramdam ni Damon ang inis sa dibdib niya. "Naku, ano na kaya ang nangyari sa batang iyon?" Maging si Aleng Carmen ay nag-aalala na rin para sa anak. "Baka ho marami paring tao sa restaurant